The Momentous Premier [š˜šš˜°š˜°...

By Muriaticalyy_

17.6K 812 51

Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing... More

front matter
Prologue.
Momentous 1
Momentous 2
Momentous 3
Momentous 4
Momentous 5
Momentous 7
Momentous 8
Momentous 9
Momentous 10
Momentous 11
Momentous 12
Momentous 13
Momentous 14
Momentous 15
Momentous 16
Momentous 17
Momentous 18
Momentous 19
Momentous 20
Momentous 21
Momentous 22
Momentous 23
Momentous 24
Momentous 25
Momentous 26
Momentous 27
Momentous 28
Momentous 29
Momentous 30
Momentous 31
Momentous 32
Momentous 33
Momentous 34
Momentous 35
Momentous 36
Momentous 37
Momentous 38
Momentous 39
Momentous 40
Premier
Ang mensahe ng manunulat.

Momentous 6

502 26 1
By Muriaticalyy_

×××


Mag hapon kaming nag kwentuhan at asaran nina Amritta at aunt Charlotte, nag movie marathon din kami sa movie room. Nang mag 6:30 na ay napatingin kami sa pintuan nang biglang may pumasok at nakita namin si aunt Trinity, dumeritso siya sa sala kung nasaan kami. Tumayo naman kaming tatlo at nakipag beso sakanya.

“Kamusta kayo?” tanong niya saamin nang makaupo kami.

“Okay naman po, nag enjoy naman po kami.” sagot ko at nginitian niya lang ako.

“Ikaw Trinity, kamusta?” tanong naman sakanya ni aunt Charlotte.

“Ano pa nga ba? Edi nakakapagod.” hinihimas ang magkabilang sentido na sabi nito.

“'Di ka pa ba nasanay?” natatawang sabi ni aunt Charlotte.

“Sanay na. Pero nakakapagod pa rin hay.” sabi nito at nag inat inat pa.

Nang pumatak ang ala syete ay pumunta na kaming apat sa dining table para kumain ng dinner at nag usap usap at kwentuhan ulit kami, pagkatapos naming kumain ay nag paalam na saamin si aunt Charlotte.

“Dito ka na lang kasi matulog, delikado na sa daan. Uuwi ka pala kasi sainyo, hinintay mo pa ako. Tsk.” nakakunot na sabi ni aunt Trinity, natawa naman sakanya si aunt Charlotte.

“Wala ngang mangyayari sa'king masama, sige na aalis na ako habang hindi pa lumalalim ang gabi. Bye. Good night.” muli niyang paalam saamin at nakipag beso beso naman kami sakanya at nag paalam na rin.

Hinatid siya ni aunt Trinity sa labas samantalang kami naman ni Amritta ay dumeritso na sa mga kwarto namin dahil hindi naman kami pinayagan ni aunt Trinity na lumabas rin at ihatid si aunt Charlotte.

×××


Nagpaalam saamin si aunt Trinity na hindi siya makakauwi ngayong gabi dahil may kailangan siyang asikasuhin kaya naman ay kami lang ni Amritta ang naiwan dito sa mansion.

Nasa loob ng library si Amritta, kaya naman ay ako lang ang mag isang palakad lakad dito sa masion.

Siniguro kong nakasara ng maayos ang mga pinto at bintana tsaka ako umakyat patungo sa second floor at kagaya ng ginawa ko sa first floor ay siniguro ko ring nakasarado ng maayos ang mga bintana.

Pang huli kong sinara ang bintana na kung saan ay kita ang gubat.

Paalis na sana ako nang biglang may nahagip ang paningin ko kaya bumalik ako at sumilip.

Kapansin pansin ang kakaibang katahimikan at kadiliman ng buong paligid.

Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa hindi malamang dahilan.

Patalikod na sana ako at napagdesisyunan kong 'wag na lang intindihin ang nangyayari sa labas nang bigla na lang may lumabas mula sa gubat, may isang batang babae ang tumatakbo galing sa gubat.

Napakunot ang noo ko.

Bakit nasa labas pa ang batang iyon eh gabing gabi na at bukod pa ro'n ay napansin ko rin na takot na takot siya at may mga sugat at dugo rin siya sa katawan.

Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na lumabas galing sa gubat.

A-ano 'yon?

“Ate? Anong ginagawa mo riyan?” mabilis kong naiharang ang makapal na kurtina sa bintana at hinarap si Amritta na nagtataka.

“A-ah.. wala. K-kanina ka pa ba diyan?” kinakabahang tanong ko, nakita kong kumunot ng konti ang noo niya.

“Hindi naman, kakalabas ko lang.” napabuga ako ng hininga.

Akala ko nakita niya. Buti na lang hindi niya nakita.

Ngumiti na lang ako sakanya tsaka siya nilapitan.

“Mabuti pa matulog na tayo.” sumangayon naman siya, tsaka kami nag lakad palayo.

Napalingon akong muli sa may bintana.

Totoo ba 'yong nakita ko?

×××

Kinabukasan ay maaga akong nagising—ang totoo niyan eh hindi talaga ako nakatulog dahil sa nakita ko kagabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Maaga ring dumating si aunt Trinity at ngayon ay magkakasama kaming tatlong kumakain ng agahan.

Hindi ko maiwasang mapatingin kay aunt Trinity.

Gusto kong itanong sakanya 'yong nakita ko kagabi pero mas pinili ko na lang na manahimik dahil naalala ko 'yong sinabi niya dati na huwag pakialaman at 'wag pansinin ang mga bagay bagay.

×××

Ilang araw at linggo na ang nakakalipas simula nang tumira kami dito sa mansion ni aunt Trinity at gabi gabi rin akong nakakarinig ng kakaibang ingay at kaluskos mula sa labas —lalo na sa parteng gubat. Gusto ko sanang itanong kay aunt Trinity kung anong meron sa gubat pero baka pagalitan ako kaya hindi ko na lang tinatanong at hinahayaan na lang ito.

Pero dahil nga sa sobrang kuryusidad ko ay napag desisyunan kong sumilip doon, napatingin ako sa orasan.

12:47 na ng madaling araw.

Hinintay ko talagang mag madaling araw para lang sumilip sa gubat, dahan dahan akong lumabas ng kwarto at siniguro kong wala nang ibang gising bukod saakin. Bumungad saakin ang napakadilim na paligid, walang ni isang ligaw na liwanag man lang galing sa buwan ang pumapasok sa mansion ni aunt Trinity. Pinakiramdaman ko na lang ang paligid at dahan dahan akong bumaba sa hagdan at nag lakad papunta sa may sala.

Maingat kong binuksan ang glass door sa sala, napayakap pa ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin na sumalubong saakin sa pag bukas ko ng glass door. Pag tingin ko sa gubat ay kinilabutan ako dahil sa sobrang dilim at tahimik. Tanging pag hampas lang ng hangin sa mga puno ang maririnig dito, napalunok ako dahil sa kilabot na nararamdaman ko pero nilakasan ko ang loob ko at nag lakad ako papunta at papasok doon.

Nag sitayuan ang balahibo ko nang tuluyan na akong nakapasok sa gubat. Nakadagdag sa kilabot na nararamdaman ko ang huni ng mga ibon, napatingin ako sa bandang kaliwa ko nang biglang may lumipad na uwak doon.

Nakaramdam ako ng kaluskos sa kanan ko kaya napalingon akong muli doon, muli akong nakarinig ng kaluskos sa kaliwa ko kaya doon naman ako napatingin nang walang anu ano'y..

“A--Hmmm!”

×××

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 154 43
Fuentes Series #1 Her name tastes like berry but her life seems misery. She loves to paint red but her heart seems dead. Meet Sweet and her bitter...
10.6K 369 35
In order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end...
1.5M 62.3K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
18.8K 765 87
At a very young age. Lexie learned to hold every dangerous weapon, doing dangerous jobs. Ang delikadong buhay na kinagsinan niya ay biglang nagbago. ...