The Playboy's Girl(COMPLETED)

By CherayDiAyy

120K 2.1K 55

Tristan Ford Zapanta.Pangalan palang.Playboy na.Siya yung tipo ng tao na effortless pagdating sa babae.Like... More

PROLOGUE:
Chapter 1:Bad Guy
Chapter 2:Plan
Chapter 3:The Deal
Chapter 4:Poor Slave
Chapter 5:Playboy
Chapter 6:Sorry
Chapter 7:Girlfriend Proposal
Chapter 8:Undergarments
Chapter 9:Accepted
Chapter 10:Endearment
Chapter 11:Rules
Chapter 12:Bad Dream
Chapter 13:The Moment
Chapter 14:The Past
Chapter 15:She's Back
Chapter 16:She's Awake
Chapter 17:Fake Relationship
Chapter 18:The Kiss
Chapter 19:Arcie Reyes
Chapter 20:Lung Cancer
Chapter 21:Miracle
Chapter 22:End of Fake Relationship
Chapter 23:Truth or Dare
Chapter 24:Kiss in the Cave
Chapter 25:True Feelings
Chapter 26:Realization
Chapter 27:Love Making
Chapter 28:Christmas Day
Chapter 29:The Surprise
Chapter 30:Officially Yours
Chapter 31:New Year
Chapter 32:Soccer Player
Chapter 33:The Gift
Chapter 34:Stepmother
Chapter 35:That Night
Chapter 36:One Last Cry
Chapter 37:Mikael's Birthday
Chapter 38:Too Good At Goodbyes
Chapter 39:Pain
Chapter 41:
Chapter 40:
Chapter 42:
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
EPILOGUE:
CherayDiAyy

Chapter 59

1.4K 25 6
By CherayDiAyy

Charice's Pov

One year after...

Masaya kong pinagmasdan ang sarili ko salamin.Ito na ang huling araw na makasama ko silang lahat.

Si Mama,Papa,Daddy ni Tristan,Kuya,Arcie,Elton,Angel,
Anne,Bryle,Andrei,Alicia,Nikko,
Alexa,Nami,Travis,Ivy,Jake,JM,MJ at pati narin si Mang Pedring.
At syempre,hindi mawawala ang dalawang anghel sa buhay ko.

Si Caster Troy na anak ni Alexa at Nikko.At si Matt Gabriel na anak ni Ivy at ng punchie ng buhay ko.

Lalong-lalo na ang pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo except kay Papa at Kuya.

Si Tristan...

Napabuntong-hininga nalang ako saka ngumiti.

"Excited kana ba?"nakangiting tanong ni Arcie sa likuran ko.

"Kinakabahan nga ako eh."sabi ko.Pinat nya lang ang balikat ko saka ako nginitian.

"This is your new life Cha.Just enjoy."sabi niya.Nagsigh nalang ako.Napako ang paningin ko sa inuupuan ko.

Ang wheelchair.

Kahit nakawheelchair ako mamaya wala akong pakialam don basta gagawin ko ang lahat para maging masaya ako.

Biglang pumasok si Mama sa kwarto.Nakangiti syang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Sobrang ganda mo ngayon Margaux.Alam mo ba noong kinasal kami ng Papa mo sobrang saya sa pakiramdam non,yung nasabi mo na sa sarili mo na hinding-hindi mo na sya papakawalan dahil mahal mo ang isang tao.Pero hindi natin alam ang takbo ng panahon anak,maraming magbabago.Darating ang mga pagsubok na kailangan nyong harapin ng magkasama upang malampasan ito.Sana,hindi mo pagsisihan ang desisyon mong ito.Sana,magiging masaya ka kasama ang taong mahal mo.I love you anak."naluluhang wika ni Mama at niyakap ako.

"I love you too Ma."sagot ko.

"Cha!!! Ang ganda-ganda mo!!!"sigaw ni Alexa nang makapasok sya kasama ang gwapong anak niyang si Caster Troy.Hehe.

"Nambola kana naman Alexa.Asan ang asawa mo at napadpad ka dito?"nakangising tanong ko sa kanya.

"Syempre,kasama ang mga boys.Hehehe."nakangiting sagot niya.

"Caster,say "hi" to your tita Charice."utos ni Alexa sa kanyang anak.

"Hi tita Charice.😊"nakangiting bati ni Caster.

"Hello baby,where is Matt at bakit hindi kayo naglalaro?"tanong ko sa bata.

"He's with his mom.They are sitting on there."sagot ni Caster.

"Oh sige na,bilisan nyo na dyan at malapit na ang oras."nakangiting sabi ni mama bago lumabas ng kwarto at kinarga si Caster.

"Excited na ako!!!"kinikilig na sigaw ni Alexa.Natawa nalang kaming dalawa ni Arcie sa kanya.

"Tse! Ikaw nga ang mas unang nakaexperience ng ganito kaysa sakin eh!"natatawang saad ko.

"Yes of course! And to tell you honestly Cha,sobrang kilig!!! Tsaka yung feeling na naghahalo na yung emosyon mo.Basta! Nakakakilig,Nakakakaba na ewan."wika niya.

Last month lang nagpakasal sina Alexa at Nikko.Syempre,ako ang maid of honor at si Tristan naman ang bestman.Hihi.Tapos groomsmen and bridesmaid na lahat ng barkada namin.

After pa ng kasal nila ay nagtungo agad sila sa Europe para sa kanilang honeymoon kaya last week lang din sila nakabalik dito sa Pilipinas.

"Walang-wala naman kayo sakin noh! Hahaha!!!"sabi ni Arcie saka tumawa.

"Ano namang ipinagmamalaki mo aber?"tanong ni Alexa sa kanya.

"Syempre! Yung mahal na mahal ako ng asawa ko!!! Wahahaha!!!"tawa na naman sya ng tawa.And of course,mag-asawa narin sina Arcie at Kuya Mikael.Ang gwapo talaga ng kuya ko kahit kelan😂.Pero sad to say, half year na silang mag-asawa pero hindi parin nabuntis si Arcie.

"Cha!!!"nagulat kaming tatlo at sabay na napatingin sa may pintuan.Si Alicia lang pala na sumigaw ng pagkalakas-lakas.

"Wag ka ngang maingay teh! Ang shunga mo talaga kahit kelan eh!"saway ni Alexa sa kanya.

"Ay, grabe bes ah! Iba kana ngayon ahh.Pero Cha!!! Ang ganda mo talaga ngayon!!!"sigaw na naman niya.

Nakangiti naman akong nilapitan ni Anne.Biglang may kung ano syang inabot sakin.

"Ano to?"tanong ko.

"Naalala mo yung story na binigay ko sayo noon bago ka nagtungong London? Eto ang sequel.Basahin mo ahh."sabi niya.Ngumiti naman ako saka tinignan ang napakakapal na librong sya mismo ang sumulat.

"Ang kapal naman nito."nakangiting sabi ko.

"Malamang, more than 1 year ang laman ng pangyayari niyan eh.Non-fiction talaga yan.Tch."wika niya.Alam ko namang totoo lahat ang nakasulat sa librong ito dahil lovestory naman namin ni Tristan ang laman nito.Napangiti ako saka hinawakan ang kamay niya.

"Thank you Anne."nakangiting sabi ko.

Tristan's Pov
Napabuntong-hininga ako nang bumukas ang malaking pinto ng simbahan.Nilingon ko si Nikko na nasa tabi ko lang at nakangiti syang tinignan ako.

"This is it bro."sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

Uulit-ulitin ko sayo
Ang nadarama ng aking puso

Hindi ko mapigilang mapaluha nang dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko si Charice gamit ang wheelchair niya.

Ang damdamin ko'y para lang sayo
Kahit kailan man di magbabago

Ngayon ko lang napagtanto na umiiyak narin pala siya.

"Ang sarap sa pakiramdam bro."napangiti ako sa sinabi ko.

Nginitian niya lang ako at tumingin na ulit sya kay Charice na kasama si tita Cassy at ang papa niya.

"I can't believe na mangyayari sakin ang ganito."I smiled.Nang tuluyan na silang makalapit sakin ay nakangiting tinignan ako ng papa niya na magiging papa ko narin sa araw na ito.

"Please take care of my dearest daughter."nakangiting sabi niya.

"I will sir."sagot ko.Tinapik niya lang ang balikat ko sabay bigay ng mga kamay ni Charice sa akin.Nakangiti ko namang inabot ito saka hinalikan.

Pagkatapos ay dahan-dahan na kaming naglalakad papalapit sa altar at ako ang tagatulak ng wheelchair niya.

Ikaw ang laging hanap-hanap
Sa gabi't araw
Ikaw ang nais ko sa tuwina ay matatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig wala na ngang iba
Saking puso'y tunay kang nag-iisa

Sabay kaming nakangiting humarap sa pare na nasa harapan namin.

Dumaan ang ilang minuto ng seremonya...

Kinuha ni Arcie ang unan na nilagyan ng kanilang mga singsing na bitbit ni Matt Gabriel at iniabot sa nagkakasal.

"Mr. Tristan Ford Zapanta,do you take Ms. Margaux Charice Fontanilla to be your lawfully wedded wife?"tanong ng pari habang nakatingin kami ni munchie sa isat isa.

Ikaw ang laging hanap-hanap
Sa gabi't araw
Ikaw ang nais ko sa tuwina ay matatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba
Saking puso tunay kang nag-iisa...

"I do father..."naluluhang sagot ko habang hindi narin mapigilan ni munchie ang kanyang mga luha na kanina pang nagsibabaan.

"Ms. Margaux Charice Fontanilla,do you take Mr. Tristan Ford Zapanta to be your lawfully wedded husband?"tanong uli ng pari.Nginitian ko lang si munchie at dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha sa mata niya.

"I do father..."umiiyak niyang sagot.

"Mr. Tristan Ford Zapanta,you may now kiss your bride."nakangiting sambit ng pari kaya agad na nagsigawan ang mga nanunuod.

"Kyaahhh!!!"nangunguna na sa pagsigaw si Alicia at sinabayan niya pa ng pagtatalon-talon.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko at dahan-dahang hinawakan ang magkabila niyang pisngi saka ko siya siniil ng isang napakalambot na halik.Napangiti agad ako nang mabilis din syang tumugon.

Ilang minuto lang ay nakangiti na kaming humarap sa isa't isa.

"By the power invested in me, I now pronounce you,husband and wife."nakangiting wika ng pari.

Isang maugong at matinding sigawan ng mga tao sa loob ng simbahan.

"CONGRATULATIONS!!!"sigaw ng mga tao.

*Bogsh!*

*Bogsh!*

Gulat akong napalingon sa gilid ko kung saan ang kinaroroonan ni munchie.

O_________O

Halos gumuho ang mundo ko nang makitang nakahandusay na siya sa sahig.

"MUNCHIE!!!"matinding sigaw ko at agad siyang nilapitan.

Biglang nagkagulo ang mga tao sa loob ng simbahan at nagsipaglapitan sa amin.

"Dalhin natin siya sa hospital!!!"sigaw ni Mikael at agad binuhat ang kapatid at dali-daling inilabas ng simbahan.

Kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.Natatakot ako na baka ito na ang sinasabi ng doktor niya noon na "tamang panahon" para sa kanyang pagpanaw dito sa mundo.

Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko pero hindi ko ito pinansin.Nanatili lang kaming nakasunod kay Mikael na ngayon ay tumatakbo buhat-buhat ang kapatid papunta sa kotse niya.

Napatingin ako sa mga kasama ko at lahat sila ay umiiyak.Si tita Cassandra ay yakap-yakap na ni daddy at pinapatahan siya.

Mikael's Pov
Napasabunot ako sa sarili kong buhok nang marating namin ang emergency room.Pero gayon na lamang ang pagkabagsak ng balikat ko nang magsalita ang doctor.

"She's gone."nagpanting ang pandinig ko pagkatapos sabihin ng doctor ang salitang iyon.

Napuno ng iyakan ang buong kwarto.Halos wala na akong ibang marinig kundi ang hagulgolan ng lahat.

"NOOOOO!!!"biglang sigaw ni mama habang yakap-yakap si Margaux.Napahikbi nalang ako saka lumapit kay Arcie na humagulgol narin.

"Anak don't leave me please..."nagmamakaawang sambit ni mama.

"Honey,enough..."mahinang ani ng daddy ni Tristan.Napatingin ako kay Papa na ngayon ay nasa gilid lang at umiiyak narin.

Hinila ko si Arcie at sabay kaming lumapit kay papa.

"Papa..."umiiyak kong usal.Bigla akong niyakap ni papa at doon ko lang napagtantong humagulgol narin sya.

"She's gone son...She's gone..."paulit-ulit niyang sambit habang nakayakap saming dalawa ni Arcie.

Napalingon ako kay Tristan na nasa tabi lang ni Elton na walang imik.Walang luha sa mga mata at panay ang kanyang pagbuntong-hininga.Kumunot ang noo ko at agad siyang nilapitan.

"Bro?"tawag ko sa kanya nang makalapit ako.
Ngumiti lang sya sakin at tinapik ang balikat ko saka sya lumapit sa bangkay ni Margaux at hinaplos ng marahan ang buhok nito.

"I love you so much."rinig kong sambit ni Tristan saka hinalikan niya sa noo si Margaux at tumayo.

"Where are you going?"tanong ng daddy niya.

"I need to prepare."sagot nya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Tristan's Pov
Maaga akong nagising kaya agad na akong bumangon saka lumabas ng kwarto.
Bagsak na naman ang balikat kong lumapit sa kabaong ni munchie.Napangiti ako ng mapakla.Tsk.Parang kahapon lang nag-iiyakan pa kami sa saya dahil sa wakas,asawa ko na siya.Ang ikli naman ng panahong binigay ni Lord samin.Bakit pinalitan niya agad ng ganito katinding lungkot na pangyayari?

"Kumain kana muna ng breakfast anak..."napalingon ako kay tita Cassandra sa likuran ko.

"I'm full tita."sagot ko at nginitian siya.Hinaplos niya lang ang balikat ko saka dahan-dahang umalis.Napako na naman ang paningin ko sa babaeng mahal ko.

Wala na talaga siya.

Lumipas ang mga oras at dumating ang na naman ang gabi.Ngayong araw na ito sana ang unang pagsasama namin bilang mag-asawa.Pero iniwan niya ako.

Tumayo ako at nagsimula ng magsilbi sa mga bisita.Hinahatiran ko sila ng mga pagkain sa kanilang mga pwesto.

Alexa's Pov
Pasado alas otso na ng gabi pero hindi parin nagpapahinga si Tristan.Busy parin siya sa pagseserve ng mga pagkain kahit may mga server naman.

"May napansin ba kayo kay Tristan?"biglang tanong ni Alicia.Nasa iisang table lang kasi kaming buong magbarkada simula ng magdatingan ang napakaraming bisita para makiramay.

"Kagabi pa siya hindi umiiyak.Hindi ko siya nakitang malungkot simula kagabi.Palagi kasi siyang nakangiti ngayon."malungkot na sagot ni Elton.Tama nga naman si Elton,kagabi pa ganyan ang pinsan namin.Hindi man lang namin siya nakitang umiyak at parang wala lang naman sa kanya ang nangyari.

Pero alam kong nasasaktan din siya ngayon.In that way niya lang pinakita sa lahat ang pagluluksa niya para sa pumanaw niyang asawa.

"Tignan niyo ohh,ngiting-ngiti talaga siya sa mga bisita."ani Angel na malungkot ding pinagmasdan si Tristan.

Napahinga nalang ako ng malalim at tumingin na rin kay Tristan na nakangiting kinakausap ang mga bisita.

Naging tahimik ang gabi nang magsiuwian na ang ibang mga bisita.
Napatingin ako sa wristwatch ko at 11:45pm na.Konti nalang ang mga bisita na halos nakikipagkwentuhan lang naman kay tita Cassandra.

Tumayo ako at nilapitan si Tristan na panay ang tawanan niya sa isang babae.

"Hahahahaha!!! You're so funny."sabi ni Tristan at nginitian ang babae.Napailing nalang ako nang maalalang playboy pala ang pinsan kong ito.

"Cous, tara na sabay na tayong umakyat sa taas."wika ko at hinila na siya.

"Pero hindi pa kami tapos magkwentuhan eh."sagot niya.Napairap nalang ako at pilit talaga siyang hinihila.

"Tristan, magpahinga ka na muna.Gabi na at kailangan mo ng matulog para maaga kang magising bukas."wika ko.Hindi rin naman siya nagpumiglas at agad naman siyang sumunod sakin.

"Goodnight cous."sabi ko.Nginitian niya lang ako bago ako lumabas ng kwarto niya.

Kinabukasan ay ganon parin ang routine naming lahat.Nag-aasikaso ng mga bisita lalong-lalo na si Tristan na dinaig pa ang mga magulang ni Charice.

"Yes sir,nakakaawa nga eh.Hindi ako prepare sa pag-iwan niya sakin."natatawang ani Tristan sa kausap na bisita.Kung titignan mo siya ay parang wala lang sa kanya ang lahat.Parang normal lang na patay na talaga ang asawa niya.Pero kung titignan mo ng mabuti ang mga mata niya,nandon yung kalungkutan na hinahanap ng isang tao sa kanya.

Nakaupo na naman kaming magbarkada sa table namin.Sina Angel at Arcie ay nagkwekwentuhan habang kami naman ay tahimik lang na pinagmasdan ang mga tao sa paligid.

"Bakit ba hindi pinakita ni Tristan na nasasaktan talaga siya?Bakit hindi siya umiyak?"tanong na naman ni Angel.

"Siguro,gusto niyang ipakita sa mga tao na matapang siya sa ganitong sitwasyon.Na tanggap na niya ang lahat."sagot naman ni Arcie.

"Pero hindi makabubuti sa kanya ang palaging ganyan.Ililibing na bukas si Charice pero hindi parin niya pinakita na may kahinaan siya sa ganitong pangyayari."ani Angel na malungkot pang tinignan si Tristan na masayang nakikipag-usap sa mga bagong dating na bisita.

"Naaawa na talaga ako sa kanya."sabi naman ni Alicia.

Pinagmasdan ko ang lahat ng mga tao na nandito.
Si Tita Cassy hanggang ngayon ay umiiyak parin siya.Si Mikael naman ay kanina pang tulog sa taas kasi pagod na pagod sya kagabi.Nagsigh nalang ako.

"Honey,iaakyat ko lang si Caster sa taas ahh."napangiti ako nang narinig ang pangalan ng anak ko.Nilingon ko si Nikko saka ko sya nginitian.

"Sige."sagot ko.

Anne's Pov
Handa na kaming lahat.Maliban kay Tristan na kanina pa naming hinihintay na bumaba.Mahigit beinte minutos na syang nagbibihis sa taas.

"Guys, mauna na kami ahh."paalam ni Alicia na kasama sina Elton,Angel at Andrei.

Ilang minuto lang naman at marating na namin ang Pryce Garden Memorial Park kung saan ilibing ang bangkay ni Charice.Napangiti ako ng mapakla.Ang ikli lang ng panahon na nakasama namin ulit siya.Pero heto na mawawala na siya.

"Are you ready,babybabe?"napalingon ako nang hawakan ni Bryle ang kamay ko.Malungkot akong ngumiti sa kanya at tumango.

"Let's go.Mauna na daw tayo.Susunod na sina Kuya Tristan."sabi niya kaya lumabas na kami ng bahay.

"Pryce Garden Memorial Park"

Pagbaba ko palang ng sasakyan ay ramdam ko na ang lungkot ng lahat.Ang lungkot ng paligid na mismong huni ng mga ibon ay hindi mo halos maririnig.Tanging ang hangin lang ang mararamdaman mo sa lugar na ito.Ang mga tao ay nababalot ng kalungkutan na halos hindi na nila kayang ngitian ang isa't isa.

Napako ang paningin ko sa mga upuang nasa unahan.Si Tita Cassandra na kanina pa umiiyak.Ang papa nila Charice at Mikael na walang imik at nanatiling nakatitig lang sa kabaong ni Charice na maya-maya lang ay ililibing na.Si Matt Gabriel at Caster Troy na naging mga anghel sa buhay ni Charice.Malungkot din silang nakaupo at hindi nagkikibuan.

Si Arcie at Mikael na umiiyak narin.Si Alicia at Andrei na nasa tabi nila ay malungkot na pinagmasdan ang kabaong ng kaibigan.Si Angel at Elton na kanina ko pa hindi nakitang ngumiti.Si Ivy at Jake na umiiyak din.Si Nami at Travis na umiiyak din.Pati narin si Mang Pedring na nasa tabi ni Travis ay lumuluha narin.At lalong-lalo na ang kambal na si MJ at JM.Ang cute nilang tignan kai nakayakap sila sa isa't isa habang nag-iiyakan.

Napabuntong-hininga ako saka sabay kaming lumapit ni Bryle sa kanila.Umupo kami sa tabi ni Alexa at Nikko.

"Asan si Tristan?"umiiyak niyang tanong.

"Susunod na sila dito."sagot ko.Tahimik lang kaming nakaupo ni Bryle habang hawak-hawak niya ang dalawang kamay ko.

"Iiwan na tayo ni Ate Charice babybabe."umiiyak niyang wika na parang batang inagawan ng candy.Isinandal ko lang ang ulo niya sa balikat ko at hinaplos ang buhok niya.

"Wala na tayong magagawa babybabe.Iniwan na nya tayo."sagot ko.

  Dumaan ang ilang minuto at natapos narin ang maikling seremonya na ginanap dito mismo.
Nagsimula na namang mag-iyakan ang mga tao at parang hinati ang puso ko nang makitang umiiyak narin si Tristan.Yakap-yakap niya ang picture ni Charice habang pinapatahan naman siya ni tita Cassandra at ng daddy niya.

Isa-isa ng nagsitayuan ang mga barkada namin at umakyat sa stage saka umiyak.
Unang tumayo ay si Arcie.Pulang-pula ang mga mata na inalalayan siya ni Mikael na makaakyat sa stage.

"Hindi ko pinagsisihang nakilala ko si Charice nang ilang taon.Si Charice yung tipo ng tao na kayang gawin ang lahat para sa mga taong mahalaga sa kanya.Si Charice yung tipo ng tao na hindi basta-basta.She's strong and brave.Kaya nung time na nalaman naming lahat na stage 2 na ang lung cancer niya ay naging kampante kami kasi hindi niya man lang iniinda ang tungkol sa sakit niya*cried* pero hindi ko akalain na sa ganitong madaling panahon ay tuluyan na niya kaming iniwan*cried*ang sakit lang sa part namin bilang isang matapat niyang kaibigan na ganito ang sinapit niya.*cried*gusto ko pang mabuhay siya ng matagal para makasama pa namin siya.Pero wala na,wala na kaming magagawa dahil kinuha na siya ng Panginoon."agad na umakyat ng stage si Mikael nang biglang humagulgol si Arcie.Naluluha niya itong inalalayan paupo sa upuan nila.

Matinding kalungkutan ang nanamagitan saming lahat dito ngayon.Sunod na umakyat sa stage ay si tita Cassandra.

Umiiyak din siyang humarap saming lahat.

"Bilang isang ina,hindi madaling tanggapin ang nagyayari sa pamilya ko.Ngayon,hindi ko pa matatanggap na wala na talaga ang bunso namin.Ang sakit sakit.Wala man lang akong nagawa para mailigtas siya.Pero gaya nga ng sabi ng doctor niya sa amin,hintayin nalang namin ang tamang panahon para sa kanyang pagpanaw.Kaya ito na siguro ang tamang panahon na sinabi ng doctor sa amin.Ang lungkot lang kasi dahil ang bata niya pa para mawala dito sa mundo.Nasasaktan ako ng sobra para sa anak ko."wika ni tita Cassy habang umiiyak.

Dumaan ang ilang minuto at natapos narin kaming lahat sa pag-iiwan ng aming mensahe para sa pumanaw naming kaibigan.

At isa nalang ang aming hinihintay na makapagsalita sa aming harapan.

Si Tristan...

Malungkot siyang ngumiti sa lahat nang makatayo na siya sa entablado.

"I have a song for her..."naluluhang sabi niya.

"I dedicate this song to her because actually,this song is our themesong."huminga sya nang malalim saka kinuha ang gitara kay Elton.

Lahat kaming mga manunuod ay nakatingin lang sa kanya.Nagsimula na syang magstrum ng gitara saka kumanta.

Uulit-ulitin ko sayo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin koy para lang sayo
Kahit kailan man di magbabago

Nakapikit niyang kinanta ang mga lyrics at dinamdam ang bawat mensahe nito.Napaluha ako nang biglang tumulo ang mga luha sa mata niya.

Ikaw ang laging hanap-hanap
Sa gabi't araw
Ikaw ang nais ko sa twina ay matatanaw
Ikaw ang buhay at pag ibig
Wala na ngang iba
Saking puso tunay kang nag iisa...

Bigla nalang siyang humagulgol sa stage kaya agad tumayo sina Mikael at Nikko para alalayan siya pabalik sa upuan niya.

"Bro, tama na.Upo na tayo okay?"mahinang ani Mikael.
Umiling-iling lang si Tristan at tinignan uli ang bangkay ng asawa sa loob ng kabaong.

"Ayoko.Gusto ko pa siyang makasama."sagot niya.Halos piniga ang mga puso namin sa naging sagot niya.Napatingin ako sa mga tao sa likuran namin at lahat sila ay nag iyakan dahil sa awa nila kay Tristan.

Tumayo si tita Cassandra at lumapit sa kanila.

"Anak,oras na para ilibing siya..."umiiyak niyang sambit na nakahawak sa balikat ni Tristan.

"N-no...Wag muna tita please...Gusto ko p-pa siyang m-makasama..."napahinga nalang ako ng malalim.Ang sakit sa damdamin na ang isang kaibigan mo ay nagkakaganyan.Nakakaawa.

Tumayo na naman si ang daddy ni Tristan at lumapit sa kanila.

"Son listen,wala na tayong oras.Kailangan na nating bumalik sa bahay para asikasuhin ang mga bisita.Tara na."sabi ng daddy niya at hinila na patayo si Tristan.Pero wala pa ring nangyari,hindi siya nagpatinag at umiiyak lang siya habang nakatingin sa bangkay ni Charice.

Bakit ba nangyari sa kanila ang ganito?

Awang-awa na ako sa kaibigan ko.

Oras na para ilagay sa hukay ang bangkay ni Charice.Tumayo na kaming lahat at isa isang lumapit sa kabaong at nilagyan ito ng bulaklak.

"WAGGGGG!!!"umiiyak na sigaw ni Tristan.Mas nalungkot pa kami nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Babybabe..."lumuluhang usal ni Bryle kaya nginitian ko nalang siya.

"MUNCHIEEEE!!! WAG MO AKONG IIWANNNN!!!"sigaw uli ni Tristan.

"Bro, please tama na...Tama na..."panay ang awat ng mga kaibigan namin sa kanya pero hindi parin siya nagpapigil.

Pagkatapos ilibing si Charice ay agad narin nagsiuwian ang mga bisita.

"Anne, Bryle...Mauna na muna kami sa inyo kasi marami pa kaming aasikasuhin na mga bisita."paalam ni Angel samin na kasama si Alicia.Malungkot ko silang tinignan at tumango.

"Babybabe...gutom na ako..."parang bata na sabi ni Bryle na nakayakap pa sakin.

"Sasabay na tayo kela Tristan bading ha."sabi ko.Marahan naman siyang tumango.

"Cous, basang-basa na tayo ohh.Umuwi na tayo please..."pagmamakaawang sabi ni Alexa.Tinignan lang siya ni Tristan at malungkot na nginitian.

"Gusto ko pa siyang makasama eh."umiiyak niyang sagot.

"Bro please...Pwede naman tayong bumalik agad dito.Kailangan muna nating magbihis."sabi ni Nikko.

"Elton."agad naman siyang nilapitan ni Elton.

"Bakit bro?"tanong ni Elton.

"Pakikuha nung guitar."malungkot niyang pakiusap.

"Pero cous,we need to----"hindi natapos ni Alexa ang sasabihin nang biglang hinawakan ni Tristan ang kamay niya.

"Alexa please...Gusto ko pa siyang kantahan*cried* mamaya na tayo umuwi please Alexa*cried*."walang nagawa si Alexa kundi ang yakapin si Tristan.

Inabot naman agad sa kanya ni Elton ang gitara kaya nagstart na naman siyang kumanta.

Uulit-ulitin ko sayo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin koy para lang sayo
Kahit kailan man di magbabago

Umiyak na naman sina Arcie at Alexa.Pati ako ay naluha rin sa matinding kalungkutan na bumabalot sa aming puso.

Ikaw ang laging hanap-hanap
Sa gabi't araw
Ikaw ang nais ko sa twina ay matatanaw
Ikaw ang buhay at pag ibig wala na  ngang iba
Saking puso tunay kang nag iisa...

"Bro, tama na please...Tumayo kana.Tama na."pagmamakaawa ni Andrei.Umiyak lang ng umiyak si Tristan habang inalalayan ng mga kaibigan namin para tumayo.

"Anne, call tita Cassandra kasi uuwi na tayo."utos ni Elton kaya tumango lang ako.Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si tita Cassandra.

Pagkatapos naming mag usap ni Tita Cassy ay agad narin kaming sumakay sa kotse at dumiretso sa bahay nila Tristan.

Basang-basa kaming umuwi sa bahay nila Tristan kaya agad narin kaming nagbihis.

Dumaan din ang ilang oras at gabi na.Wala ng mga bisita sa bahay nila Tristan.Kami nalang magbarkada ang naiwan na nagkwekwentuhan.Malungkot parin kaming lahat.Si Tristan naman ay hanggang ngayon hindi parin bumaba para kumain.Mula nung umuwi kami kaninang hapon dito sa bahay nila ay dumiretso na sya sa kwarto niya.

"Oh sige na,matulog na kayo."sabi ni tita Cassandra.Nagsitanguan naman kaming lahat at sabay ng umakyat sa taas para matulog.

***********

Vote and Comment!

Malapit na talagang matapos guys!😊

@CherayDiAyy💕

Continue Reading

You'll Also Like

138K 6.5K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
390K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
11M 355K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
12.7K 261 18
Rated SPG⚠️ "What does it take for you to like me? Can you please stop running and let me catch your heart because honestly, I'm tired of chasing"