MAFIA 3: DARK The Mafia Boss...

By YourMyCookieHeart

1.5M 32.3K 1.9K

Aileen Ramirez ay isang probinsyanang babae na napadpad sa siyudad ng ka-maynilaan dahil sa nangyaring hindi... More

PRELUDE
UNO
DUE
TRE
QUATTRO
CINQUE
SEI
SETTE
OTTO
NOVE
DIECI
UNDICI
DODICI
TREDICI
QUATTORDICI
QUINDICI
SEDICI
DICIASSETTE
DICIOTTO
DICCIANNOVE
VENTI
VENTUNO
VENTIDUE
VENTITRE
VENTIQUATTRO
VENTICINQUE
VENTISEI
VENTISETTE
VENTOTTO
VENTINOVE
TRENTA
TRENTUNO
TRENTADUE
TRENTATRE
TRENTAQUATTRO
TRENTACINQUE
TRENTASEI
TRENTASETTE
TRENTOTTO
TRENTANOVE
QUARANTA
QUARANTUNO
QUARANTADUE
QUARANTATRE
QUARANTA-QUATTRO
QUARANTA-CINQUE
QUARANTA-SEI
QUARANTA-SETTE
QUARANTOTTO
QUARANTA-NOVE
CINQUANTA
CINQUANTUNO
CINQUANTATRE
CINQUANTAQUATTRO
CINQUANTA-CINQUE
CINQUANTASEI
CINQUANTA-SETTE
CINQUANTOTTO
CINQUANTA-NOVE
ULTIMO CAPITOLO
EPILOGO
NOTA DELLA DEA
Capitolo Speciale
G R A C I A S!

CINQUANTADUE

13.9K 304 15
By YourMyCookieHeart

DARK The Mafia Boss Chapter 52

PAULIT-ULIT na lamang ako sa aking ginagawa. Paparito't paroon habang kagat-kagat ang hinlalaki. Tumigil na naman ako sa ginagawa at tinapat ang malaking pintuan. Nag-iisip kung ano ang gagawin.

Malakas akong napabuga ng hangin. Imposible ang gagawin kong pagtakas. Lahat ng sulok ng lugar na ito ay may tauhang nagbabantay. Hindi na nga ako magtataka kung ilalalim ng aparador may nakabantay roon hindi lang ako makatakas.

Ilang araw na ba? Dalawa? Tatlo? Hindi ko alam. Basta, ang alam ko lang ay nandito na ako paggising ko isang araw. Hindi alam kung saang sulok na ako ng mundo inilagay ng baliw na Vianno na iyon.

Unang araw pa lang ay tinangka ko ng makatakas ngunit hindi ko magawa dahil sa mga alipores niya, isama pa ang mga pinagkakatiwalaang tao nito.

"Aarrghh!" Shet naman oh!

Nag-aalala na rin ako. Si Dark. Hindi mawala-wala sa isip ko ang huling nangyare sa kanya. Hindi ko maisaip na baka...baka...hindi! Hindi totoo na patay na siya. Hindi ako naniniwala. Gusto ko na siyang makita.

Dahil sa naisip ay nanlambot ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Nagbabadyang tumulo ang mga luha sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko ito. Hindi niya pwede na makita na mahina ako dahil mas na ikakatuwa pa niya ito.

And speaking of him, hindi ko rin maisip na kasama niya rin pala si Kidd. Ang dati kong kras na si Kidd ay isang traydor. Pinagkatiwalaan siya ni Dark pero heto siya at nagawa niyang magtraydor.

Pramis, kapag makita ko ang lalakeng iyon sinusumpa ko, mababaog talaga siya sa gagawin ko. Pinaasa at pinagkatiwalaan namin siya. Hayuf lang ang walang ganti.

Agad naman akong napatayo sa aking pagkakaupo ng biglang pagpihit ng siradura ng pinto. Iisa lang ag ibig-sabihin nito. Oras na para kumain.

Sa totoo lang, hindi ko rin naman alam kung anong oras o araw na. Hindi ko rin alam kung nasaan na ba talaga ako. Lahat ng bintana ay may harang na bakal ni-daga ay hindi makakalusot dito.

Nakatutok lamang ang tingin ko pintuan. Iniluwa nito ang inaasahang tao.

As always, wala parin ka-emo-emosyon ang anyo nito. Bitbit nito ang isang tray na may pagkain. Tumabi ako upang makadaan siya. Matiim lamang akong nakatitig sa kanya habang tinutungo ang maliit na mesa sa sulok. Dahan-dahan niya iyong inilapag.

"Nasaan siya?" Sa wakas ay salita ko sa unang pagkakataon ng magising ako sa kulungan man kung tawagin ang malaking kwartong ito. May malaking queen size bed ito sa gitna. Isang kulay kremang carpeted floor na pinaresan rin ng kulay asulat puting kurtina na tumatabon sa totoong harang ng bintana. May malaking banyo na halos magkasya ang isang kamag-anak kung titirhan. Kaso, wala nga lang plat skrin tibi. Nakakabagot tuloy sana sinagad na nila para hindi ako mabagot rito.

Ilang segundo na ang nakakalipas hindi parin ito sumasagot. "Nasaan siya?" Mariin kong tanong muli.

Yung totoo, may kasama ba ako rito? May kung anu-ano kasi siyang ginagawa sa maliit na mesa. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Hindi nama siguro siya bobo para hindi malaman kung sino ag tinutukoy ko.

"He will be here any munite now," nilingon ako nito.

Ang layo ng tanong ko sa sagot niya ha. Pero, okay lang. Basta sumagot lang siya.

Atleast, nalaman ko na pupunta sa rito. Pinatitigan ko ito ng matagal hanggang sa ako na mismo ang bumasag sa katahimikan. "Bakit mo ito ginagawa?" Tukoy ko sa pagtatraydor nito kay Dark.

Namulsa itong sumandal sa mesa at nagkibit ng balikat. "Eat." Ani lamang nito.

Napakunot naman ako ng noo. Iniiba ba niya ang tapiko namin. Pwes, hindi ako magpapadala sa kapogian nito. Connect, please.

"Bakit mo ito ginawa sa kanya? Pinagkatiwalaan ka niya tapos ito lang ang isusukli mo? Bakit?" May hinanakit na tanong ko muli sa kanya.

Mariin akong tinitigan naman nito at bumuga ng hangin. "Do you really want to know?" Imbes ay tanong niya.

Lumunok ako at matapang na sinalubong ang titig nito. "Oo," tango ko.

Agad naman akong napaatras ng ilang hakbang ng humakbang ito papalapit sa akin. Para itong tigre na anumang sandali ay lalapain na nito ang biktima niya.

Nakita ko naman ang pag-angat ng sulok ng labi nito. Nang makita ko iyon ay napatigil ako sa paghakbang paatras at matapang na hinarap siya. Nang ilang hakbang na lamang ang layo namin sa isa't-isa dahilan para mapaangat ang tingin ko dahil sa kantaran narin nito.

Napalayo ang ulo ng mas ilapit nito ang mukha niya sa akin. "Hindi ka ba talaga kakain?" Tanong nito kapagkuwan.

Nakakainis na ha!

Pinaningkitan ko ito ng mata dahilan para mapangisi ito. "Oh fierce," mababa ang tono na sabi nito.

"Oh well..." bumalik ito sa pagkakatuwid ng tayo atsaka tinalikuran ako. "that's not the big deal here," humarap ito sa akin. "just eat I don't want my beautiful face to be ruined after this if you'll not."

"Pinagloloko mo ba ako," nakakagigil na siya, pramis.

Kunyare pa itong nagulat sa sinabi at napasinghap. "No I'm not." Hindi naman halat na may pagka-sarkastik ang boses nito. Pagkatapos ay naging walang bahid na emosyon ang anyo nito. "Now eat or elseㅡ"

"No! Hindi ako kakain hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan. Kilala mo ako kaya sagutin mo ang tanong ko." Nakaigting ang panga kong bulalas sa kanya na mas ikinainis ko pa dahil mas lalong ngumisi ang huli.

Ibinaling nito ang ulo pakaliwa para bang nakakita siya ng isang pusang umiere tinatantya ang pagkainis ko. Kapagkuwan ay nakakainis itong humalakhak.

"You really look like him when it's getting annoyed,"

"Wag mo nga akong inisin!"

"Nuh, you're justㅡ"

Napahinto siya sa dapat na sasabihin ng bigla na lamang may pumuhit sa seradura ng pinto at bumukas ang pintuan dahilan para mapamura ako sa isip.

Shit! Sakit ng likod ko.

Sinong hayuf ang nagbukas nito, sinasadya talaga nito na mataman ang likod ko ng pinto. Masama ko namang pinukulan ng tingin ang taong iyon ngunti agad din naman naglaho ng magtama ang aming mga tingin.

Ang kaninang inindang masakit na likod ko dahil sa pagtama ng pinto ay nawala. Umusbong ang galit sa akin. Ang inipon kong pagtitimpi sa ilang araw na hindi siya nagpakita ay biglang na lamang sumabog.

"Walanghiya ka!!" Galit na galit na sinugod ko ito. Sinuntok at pinagsasampal ko siya. Hindi man lang ito pumalag. Pwes! Mas mabuti iyon para mawala man lang itong nararamdaman ko. "P-tang-ina mo! Saan mo ako dinala ha!" Patuloy lang ako sa pagsampal sa kanya.

Ang traydor kong luha ay isa-isang namamalisbis sa aking pisngi. Wala na akong pakealam kung makita man niya akong mahina, mailabas ko lamang itong galit at sama ng loob ko sa kanya. Kinamumuhian ko siya. Kahit sabihin pa niyang kapatid niya si Dark ay wala akong pakealam. Bakit nagawa niya ito sa sarili niyang kapatid kahit magkapatid lamang sila sa ama.

"Gusto ko ng umuwi..." sumuko na ako sa pagpapasakit sa kanya. Dahil ako lang naman ang nasasaktan sa huli. Dumaosdos ako at pasalampak sa sahig na umiiyak.

Gamit ang dalawa kong palad ay humagulgol ako sa sakit na nararamdaman. "Gusto ko ng umuwi..." ulit ko.

Naramdaman kong pumantay ito ng pag-upo sa aking harapan. "This is your home, Aileen." Kahit hindi ko siya nakikita ay igting ang panga nito. Dahil na rin sa mariin ang pagbigkas ng mga salitang iyon.

Sunod-sunod akong napailing, "Hindi!" Tumunghay ako at puno ng pagkasuklam ang pinukol na tingin mula rito. "Hindi ito ang tahanan ko." Mariin at igting ang panga kong sagot sa kanya.

Dahilan para mapahiyaw ang sa sakit ng sabunutan niya ang ilang hibla ng buhok ko at mas inilapit sa kanyang mukha ang akin. "This. Is. Your. Home." Isa-isa niya iyong binigkas sa aking basang-basa kong mukha dahil sa mga luha.

"Hindi!" Sigaw ko rito. "Argh!" Ungol ko.

Dahil sa mahigpit na pagkasabunot nito sa akin na para 'bang anumang sandali ang mapupunit ang buhok sa aking anit. Marahas na rin ako sa paghinga ng hangin dahil sa kakapusan.

Marahas niyang binitawan ang mukha ko at tumayo. "I want you to learn something, take her." Walang ka-emo-emosyon ang pagbigkas nitong utos sa lalakeng kanina pa nakatingin sa amin.

Marahas akong pinatayo ni Kidd mula sa pagkasalampak sa sahig. "A-no...saan niyo ako dadalhin?!" Wala man lang sumasagot sa akin. Imbes na dahan-dahan akong igaya sa kung saan man ay mas marahas ang pagkakahawak sa akin ni Kidd.

Nang makalabas kami sa silid na iyon ay may pagmamadali niya akong hinatak sa kung saan. Tinahak namin ang pasilyo ng mansyon at bumaba sa hagdan at pumasok at lumiko muli sa isa pang pasilyo.

Tahimik na dumadain lamang ako sa hawak nito sa aking braso. Dahil sa bawat pagdaing ko ay mas hinihigpitan niya. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Vianno sa aking likuran. Ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin kundi ang nananakit kong braso.

Sa tinahak naming pasilyo ay may nag-iisa lamang na pintuan rito. Isang puting double-door ang aking nakikita mula sa aming nilalakad. Nang makalapit ay hindi ko malaman kung kakabahan ba ko o matakot dahil halu-halo na iyon. Na para 'bang gusto ko ng maduwal dahil sa nararamdaman ko ngayon. Lalo pa at sa binulong sa akin ni Kidd. "Hope you will survive, princess..." bulong nito sa aking tenga.
May kung anong pinindot siya roon sa gilid ng pinto at nang makarinig ng kung anong tunog ay bigla na lamang iyon bumukas.

Napahigit ako ng hininga nang makita ang nasa loob nito. Nilingon ko ang taong may kinalaman nitong lahat. Nanlilisik ang mga mata kong tinitigan ang taong ito. Wala siyang puso't kaluluwa. Paano niya nagawa ang bagay na ito?

Naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. "Paano mo nasikmura ang lahat ng ito?" Kahit mahina lamang iyon alam kong naririnig niya ako.

Tinapunan ako ng malamig nitong mala-pilak na mga mata. "Why? They're born to be this kind of living and then die afterwards..."

"Hayup ka," mariing bulong ko sa kanya. Hindi parin matigil-tigil ang mga luha ko.

"Ibinenta sila sa akin ng mga bastardo nilang mga magulang." Ang malamig na mga titig nito at nag-aapoy sa kung anumang emsoyon. "So, they are mine and I can do whatever I want."

Mariin akong napapikit ng makarinig ng sigaw. Sigaw dahil sa sakit at hinanakit. Hindi ko maisaisip kung paano niya nagawa ang bagay na ito.
They are just too young to experience in this kind of hell.

"Specimen 00305, status, lower heart rate..."

Nakarinig muli ako ng hindi ko maintindihang sigaw. Nagmamakaawa ba ito o anu. Pero ang alam ko lang ay nasasasaktan siya.

"Tama na..." usal ko ngunit hindi man lang ako pinakinggan ng katabi. Nakapamulsa lang itong nakatingin sa pangayayare.

"Getting lower..."

"Please tama na..." mariin akong napapikit dahil hindi ko na kaya ag nakikita ko. Gamit ang mga palad ay pinipigalan ko ang hindi makarinig sa nangyayare pero balewala parin iyon.

Hanggang sa unti-unti itong humihina hanggang sa wala na akong marinig dahilan para tumunghay ako sa aking harap. Nanlumo ako sa akin nakikita at sa sinabi ng taong nagbibigay alam sa nangyayari.

"Specimen 00305, no more heart rate. No brain responding. We lost 00305..."

"Tsk. They used the hades for nothing, again. Should I kill them?"

Tinapunan ko ng masamang tingin si Vianno. Parang wala lang ang mga sinabi nito.

"Demonyo ka." Ngumisi lamang itong nakatitig sa akin.

"I'm just doing their a favor," sa muli ay sinulyapan ang batang walang kamuwang-muwang sa ginagawa nila. "They're lucky to have this painless situation...no more pain for them."

"Nang dahil sa akin hindi nila mararanasan ang pait ng buhay. Alam mo ba kung saan sila nagmula bago humantong sa pangangalaga ko?" Hindi ako nagsalita't nakatitig lamang sa kanyang nakaigting ang panga. "Inabuso ang innocente nilang pag-iisip. Ginahasa, minaltrato. Isipin mo na ang lahat na hindi mo maisaisip dahil iyon ang nangyayare sa batang nandito. Ginawa ko lamang ang tama. I save them. I gave them a shelter, a home and normal life."

"At ang kapalit ng ginagawa mo ay dinudruga mo sila." Punto ko. Nagpupuyos sa galit.

Naaamuse itong nakatitig sa akin. "Hindi ako nagkamali na kunin ka sa kamay ng Valentin na iyon. Dahil akin ka naman talaga sa simula pa lang."

"Baliw ka na talaga." Mariing ani ko sa kanya. Pinipigilan ang galit na nararamdaman sa pamamagitan ng pagkuyom ng kamao.

"Indeed," he then smirk. "that's what our family works, princess..."

Sorry 'bes, busy lang talaga. #IamDyosa #unedited

Continue Reading

You'll Also Like

15.1K 560 30
He is a playboy, for him a girl is just a toy. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Dahil alam niya na sa huli ay masasaktan at masasaktan lang siya.N...
155K 2K 21
Date started: October 9, 2017 Date finished: June 25, 2019 #3 IN DIVORCE
18.4K 524 37
"This is what I want, love. Your attention." - Jake Alvin Montero is the Chief Executive Officer of JAM Corporation and also the boss of Rezero Mafia...
2.8K 211 60
MATURE CONTENT: READ AT YOUR OWN RISK! Mayaman at nakukuha ang lahat ng magustuhan niya, iyon ang nakagisnan na buhay ng isang Rald James Gonzalvo. H...