Heartfilia's Premises

Da zieeerendipity

4K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 21

57 5 0
Da zieeerendipity

Hindi na ako nagtagal pa sa pakikipag-usap kay Justine at ipinaalam ko na ang aking sarili para makabalik sa dorm.

Habang naglalakad ay ramdam na ramdam ko ang nag-aalsang kaguluhan sa aking sistema. Why am I even feeling this?

Nang makapasok ako sa glass door ay kaagad kong nakita ang nakaawang na pinto ni Nazaire. Hindi ko na dapat ito bibigyan ng pansin ngunit narinig ko ang bahagyang sigawan sa loob.

"Come on, Kuya. Do you think you can persuade her with that? Damn! Grow up kuya! Stop running to alcohols. Daddy will surely get mad! Swear," boses iyon ni Naya.

I suddenly felt my pulse rate raising. Instead of inserting my cardkey on my door, I headed to the opposite direction to secretly listen to their conversation.

"Get out, Zel," rinig kong kalmadong saad ni Nazaire.

Napailing na lamang ako dahil dito. Nazaire is indeed an ocean. He got a lot of mysteries. Minsan kalmado siya ngunit madalas na delikado ang pagiging kalmado niya.

"Get out, huh? Fine. I'll be going to the mall with Ate Andreia. You are stressing me too much!" Singhal ni Naya at tila may kaunting kirot sa aking dibdib.

Damn, Aleighna! She just called Louise Andreia. There was no big deal with that. Yet something screamed at the back of my brain. Naya called her ate.

Marahas akong napapikit. Am I jealous?

"No. You stay here," utos ni Nazaire sa kanya.

It was too late for me to walk away after seeing Louise walking towards me wearing her grin.

"Kanina pa nagtatalo 'yang magkapatid," aniya at tumayo ito sa aking harapan habang nakapamulsa.

"Poor cousin of mine," dugtong niya pa at tila awtomatikong nanlaki ang mga mata ko.

"C-cousin?" hindi makapaniwalang tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay.

Bago sumagot si Louise ay hinila niya muna ako sa aking dorm at inilahad ang kamay sa pintuan kaya binuksan ko naman ito.

"Leigh bakit mo naman tinanggihan kaagad 'yong tao?" Nakahalukipkip na tanong niya ngunit tila hindi ko ito masundan.

Damn. Nararamdaman ko ang init ng aking mukha. Ipinapanalangin ko na lang na sana ay hindi pa ako namumula.

"P-pinsan mo si Nazaire?" tanong ko rito na hindi makapaniwala.

"Yes and please that is our secret. Only Nazaire and his friends know about this. Sorry hindi ko kaagad sinabi sa'yo. Kagaya lang ni Nyazel, Leigh hindi dapat malaman ng iba na blood-related kami. Magiging pabigat lang ako sa kanya pag nagkataon," paliwanag niya sa akin at muli na namang sumilay ang lungkot sa kanyang mukha.

Now, this answers my question! Kung bakit lagi siyang nag-aalala kay Nazaire. Kung bakit nakikita ko ang sakit sa mga mata niya tuwing sinasabihan ko ng masama si Nazaire. Oh God.

Halos masapo ko ang aking noo dahil dito.

"Oh my God, Aleighna! Huwag mong sabihan na-"

"Ugh! Tahimik si Louise!" Putol ko sa kanya at naglakad na ako papuntang kitchen. Rinig na rinig ko ang mga tawa niya at palakas na ito ng palakas kasabay nglalo pang pag-init ng mukha ko.

Nakarating na si Louise sa kusina at matagal pa bago natigil ang kanyang pagtawa. Saka lang ako umalis sa pagkakatungo nang maramdaman ko ang katahimikan sa paligid. Tiningnan ko si Louise at sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha.

"Pwede ba akong magsabi sa'yo Leigh?" Aniya at hindi ko masyadong naintindihan ngunit tumango lamang ako.

"Nasa ibang bansa na ang pamilya namin. At bago sila umalis sinabi kong magpapaiwan ako. Mahaba-habang pilitan 'yon. Until Nazaire came into the scene. Sinabi niya kay mommy na siya raw ang magbabantay sa akin habang nandito ako. I owe him a lot for that. And this is his condition. Hindi pwedeng malaman ng ibang estudyante rito na magpinsan kami. Doon na namuo ang pagtataka ko. I mean, why? Diba?"

Tiningnan ko lang si Louise habang patuloy siya sa pagsasabi. Naramdaman ko na rin ang pagkunot ng aking noo.

"And that curiosity of mine lead me to finding out those things that I told you before. Alam kong may mali rito," dagdag niya at kitang-kita ko ang kanyang pag-ismid, "Pero hanggang doon lang talaga ang alam ko, Leigh. Hindi ako hinahayaan ni Nazaire na makakalap pa ng ibang impormasyon."

Pinanatili kong tahimik ang aking sarili. I had no idea what to say nor to do. Should I comfort her?

"Noong nasaksak siya hindi mo ako nakikita rito kasi binabantayan ko siya sa hospital. Pero alam mo? Sa halip na intindihin niya ang pagpapagaling lagi niya lang akong pinapaalis. Puntahan daw kita kasi wala kang kasama rito," I saw her rolled her eyes and she let out laughter.

Bumaba na ang tensyon sa aming paligid.

"Now Leigh, in return of what I have said, gusto kong magpakatotoo ka sa isasagot mo sa tanong ko," aniya at diretso itong tumingin sa akin.

"May gusto ka ba kay Nazaire?" Diretsong tanong niya at nanatili lamang ako sa aking pwesto.

I never thought Louise would be this straightforward!

Ngumuso si Louise nang hindi ako agad nakasagot.

"Tsk. Huwag mo na akong sagutin. Halata naman," aniya at binigyan ako ng makahulugang ngiti.

Bumuntong-hininga ako dahil sa sinabi ni Louise.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit simula noong napasok ako rito sa Heartfilia Academy parang ang dami na ng nagbago sa akin? This is not Aleighna Cassidy!

"Nahihirapan na 'yong pinsan ko dahil sa responsibilidad niya rito. Huwag mo namang pahirapan pa," dagdag ni Louise habang makahulugan akong tinitingnan, "Anyway. Aalis kami ni Nyazel at gusto man kitang isama mas gusto kong iwan ka rito mag-isa para makapag-isip-isip ka."

Hindi na nagtagal si Louise at iniwan na nga niya ako.

Ipinahinga ko ang aking ulo sa lamesa.

I thought Louise was into something romantic relation with Nazaire? Damn! Was it jealousy? I mean did I get jealous!? Come on.

Sumandal ako sa kinauupuan ko at hinawakan ko ang aking sentido.

What is happening to Aleighna Cassidy? Minsan ay hindi ko na kilala ang aking sarili.

Am I also into Nazaire? But how. Isn't it too fast?

Pero parang ibinalik ako ng aking sarili sa gabi kung kailan siya sinaksak.

Alam ko kung gaano katakot nang panahong iyon. Kitang-kita ang nahihirapang si Nazaire at wala akong magawa kung hindi ang tumayo roon. Ni hindi ko siya  natulungan.

Ilang oras akong nagtagal sa banyo. Pinipilit kong maging malinaw ang lahat ng mga nasa isip ko.

Maybe I could give it a try. Nasa ibang lugar ako. Maybe... Just maybe I could be the other me. Carefree.

Naglakad-lakad ako sa campus dahil wala naman akong magawa sa aking dorm.

Nakarating ako sa likod ng main building at bumungad sa akin ang inaayos na bar. I was right. Para nga rito ang mga lulan ng truck kanina.

Pinagmasdan ko lang ang mabilis na pagkilos ng mga tauhang gumagawa mula rito sa kinatatayuan ko. Hindi ako makalapit doon dahil may kung anong nakaharang doon na nagsasabing off limits ito.

Under investigation pa rin kaya ito? Pero bakit ginagawa na kaagad?

"You shouldn't be here," napapitlag ako nang marinig ang nagsalita sa aking tabi.

Nazaire. Nakahalukipkip lamang siya habang pinagmamasdan ang mga gumagawa.

"A-aalis na lamang ako," pautal-utal na saad ko at dahan-dahan siyang nilagpasan.

Halos sampalin ko na ang sarili ko dahil sa pangangatog ng aking tuhod.

"You insisted a kiss and I thought you're feeling something for me. Well played Lowrie," aniya at napatigil ako sa paglalakad.

Kaagad na nanlaki ang mga mata ako at agad kong naramdaman ang pag-init ng aking mukha.

Nilagpasan niya ako ngunit nanatili pa rin akong nakapako sa kinatatayuan ko. Shit!

My ego will not back down! Malalaking hakbang ang ginawa ko para maabutan siya at sinabayan ko siya sa paglalakad. It's time for Aleighna Cassidy.

"Heard you drowned yourself to alcohol," panimula ko at sinigurado kong maririnig niya ang aking pag-ngisi.

Naramdaman kong tumingin siya sanakin ngunit binaliwala ko na lamang ito dahil patuloy pa rin siya sa paglalalad kaya nagpatuloy na lang din ako.

"You got so used to controlling everything, Nazaire. At may isang bagay ka lang na hindi nakuha ay parang nalugmok ka na agad. It should not be that way," I said and left him.

I tried to ruin his ego but I failed. Great!

"I can always get what I want," rinig kong sigaw niya at tila trinaidor ako ng aking mga labi. Bigla na lamang akong napangiti.

"Aleighna sa cheering squad ulit ako sasali. As usual. Ikaw?" tanong sa akin ni Louise at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang isasagot ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Pareho kaming wala nang afternoon classes dahil may meeting ang mga prof namin. Samantalang si Naya ay may dalawang subject pa.

Tinutulan ni Louise ang gustong gawin ni Nazaire na ikuha ng schedule si Naya katulad ng sa amin. Hindi naman komontra si Naya rito dahil may punto rin naman si Louise.

It would be safer if Naya would stay where she was. Baka raw kasi sa kaunting maling galaw ay magduda ang mga estudyanteng naririto.

Louise snapped her finger on me.

"Magdecide ka na! Kapag naabutan ka talaga ng cut off." Banta niya sa akin at napapangiti na lamang ako sa kanyang reaksyon.

Sandali siyang nagpaalam upang makapag-order ulit ng fries kaya naiwan akong mag-isa.

"Alone?" Kaagad na nabaling ang tingin ko kay Ross, kaklase ko sa Basic Thermodynamics.

Hindi pa man ako nakakasagot ay inilapag niya na ang dala-dala niyang tray sa table at umupo ito sa bakanteng upuan.

Pasimple akong napairap. Do I look alone when Louise's bag is on her chair? While mine is beside me?

"Ano nga pa lang sport mo, Leigh?" Tanong niya sa akin nang makaupo siya.

Yes everyone is freaking out. Last week the dean announced the opening of the school festival and we were told to sign up for our chosen sport immediately.

"I want to try badminton. But... I am not sure," sagot ko sa kanya at napatingin ito sa akin.

I am annoyed with people who are asking the obvious. Buy nevertheless, Ross is fine to be with.

Simula noong naging magpartner kami sa activity sa thermodynamics ay madalas niya na akong kinakausap.

"You should. Malay mo," saad niya at nagsimula na itong kumain.

He was wearing his baseball uniform. I heard from Mariane that he is part of the baseball varsity team.

Actually I am not sure if I will be joining the sport festival. Hindi ko pa nakakausap ang dean tungkol dito. Hindi ko kasi alam kung kasali ba ako dahil exchange student lang naman ako.

I heaved out a deep sigh and that took Ross' attention.

"Leigh would you mind going with me later? I want to have a haircut," saad niya at tiningnan pa ang buhok na akala mo ay nakikita niya talaga ito.

Napairap na lamang ako at sandaling nag-isip.

"Your treat?" Paghahamon ko rito.

"Name it," mayabang na sagot niya at bahagya naman akong napatawa.

"Sure," sagot ko sa kanya at kaagad na lumiwanag ang mukha nito.

Wala rin naman akong gagawin mamaya kaya mabuti na rin siguro ang lumabas muna sa academy na ito.

Dumating si Louise na bitbit ang froes na inorder niya.

"Hi Louise," bati sa kanya ni Ross at tipid lamang siyang nginitian ni Louise.

"Hindi pa rin tapos ang activity niyo sa thermo?" kaagad na tanong niya at bahagyang-kumunot ang noo nito.

Hindi kaagad sumagot si Ross at ininom lang nito ang kanyang soda. Nagpunas din ito ng bibig at kaagad nang tumayo.

"Tapos na Louise. Hihiramin ko ulit si Leigh mamaya ah?" Ani Ross at nagpaalam na ito sa amin.

Bahagya na lamang akong napangiti.

"So saan naman kayo pupunta mamaya?" Baling ni Louise sa akin at habang kumakagat sa kanyang pagkain.

"Mall. I guess? Nagpapasama siyang magpa-haircut," kaswal na sagot ko sa kanya at kumuha na rin ako sa kanyang kinakain.

"At pumayag ka naman?" She sighed, "Sa tingin mo ba papayagan ka ni Nazaire?"

Biglang nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ang kanyang pangalan.

I haven't seen him for a week already. At hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ako kung mainis. Maging si Axel at Justine ay hindi ko na rin gaanong nakikita rito. Is something wrong again?

"As if he is here," I answered and just rolled my eyes on the air.

"You rejected him and now you are going out with Ross? Come on Aleighna," pahayag ni Louose at kaagad akong napatigil sa pagnguya.

Hindi ko makapa ang mga gusto kong sabihin. Why am I even trying to explain? Louise is keeping as his cousin. But darn. I wanted to defend myself but my tongue would not let me.

"It is not that Louise, I just..." Mahina akong napamura.

Ilang beses ko bang sasabihin na hindi dapat ako nag-eexplain? Kung hindi lang talaga si Louise ang nasa harapan ko ay baka kanina ko pa ito tinalikuran.

"Sus! Kung nami-miss mo 'yong tao sabihin mo lang at sasabihin ko kaagad sa kanya hindi 'yong sasama ka sa iba at-"

"Louise!" Pigil ko sa kanya at humalakhak lang ito dahilan upang tumingin sa amin ang ibang nasa loob ng cafeteria.

Napatakip na lamang ako ng aking mukha. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa kahit na kinakausap niya na ako.

"Sige umalis ka kasama si Ross ikaw naman ang haharap kay Nazaire pag nalaman niya ito at hindi ako."

Gusto ko na lamang isapak ang natitirang fries niya sa kanyang bibig para manahimik na siya. Nanatili pa rin ang mga palad ko sa aking mukha.

This is really... ugh!

"Buy me donuts Leigh. Zel would love that too," patuloy niya nang humupa na ang kanyang pagtawa.

Bumalik ako sa aking dorm upang makapagbihis. Biglang sumagi sa isipan ko na kailangan ko pa palang dumaan sa DLH Building. May orange code pa rin ngayon sa security kaya kinakailangan pa rin naming humingi ng slip para makalabas sa academy.

Kaagad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang bumungad sa akin ang nakahalukipkip na si Nazaire pagbukas ko ng pintuan. Nabaling ang tingin niya sa akin nang marinig ang tunog ng pinto.

Damn. Bakit tila nag-uunahan ang aking buong sistema. It has been a while... without seeing him.

"You are not allowed to leave the premises," aniya at seryoso akong tiningnan.

Kaagad naman akong napakisap na hindi ko na mabilang kung ilang beses. Sino siya para pagbawalan ako?

Sa halip na makipagsagutan sa kanya ay isinara ko na lamang pinto ngunit hindi pa man ako nakakahakbang palayo sa kanya ay kaagad niya akong ikinulong sa pader gamit ang dalawa niyang kamay. 

"Shit!"

Sa gulat ko ay napamura na lamang ako. This scene looks so familiar. Para bang nangyari na ito dati. Marahas akong pumikit. Hindi ito ang tamang oras upang isipin ang mga ganoong bagay.

"Hindi mo ba naiintindihan, Aleighna? Your life is in danger and we cannot just let you leave our sight," madiin ang pagkakasabi niya at lalong lang tumalim ang tingin niya sa akin ngunit binaliwala ko ito at itinulak siya upang magkaroon ng distansya sa pagitan namin.

Nang makalayo siya ay agad akong tumayo ng maayos.

"My life is in danger, really? Or you are just being territorial for getting rejected? My God, Nazaire. Huwag mo naman laging gagamitin ang pagiging presidente mo para lang makuha lahat ng gusto mo," I stared at him with disappoitment.

Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at alam kong below the belt and sinabi ko but he is too much. Hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito. 

I heard from Louise what happened to Warnell and it was because of me. He held the grudge for Warnell for taking me away during the ambush without his permission. 

He is so fucked up and I did not know that he would take what he said seriously. That he can get whatever he wants. 

Umiiling-iling na lamang ako at tinalikuran na siya ngunit bago pa man ako makaapak sa lobby ay narinig ko pa ang mga sinabi niya na tila sumaksak sa puso ko.

"Do not dare to ask for my help when you get troubled outside the premises," aniya at narinig ko ang marahas na pagbagsak ng pintuan.

Hindi ko alam kung itong sakit ba sa puso ko ay dahil sa sobrang inis sa kanya o ano. Ewan! Isinantabi ko na lamang ito dahil ayaw ko namang masira ang araw ko.

Nang makalabas ako sa dorm ay tumambad sa akin si Ross habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Kaagad na sumilay ang kanyang ngiti nang mamataan ako.

Good thing dahil hindi ko na kailangang dumaan sa DLH Building upang kumuha ng slip dahil isinabay niya na pala ako sa pagkuha niya kanina.

Tanging ang musika lamang sa kanyang sasakyan ang nagbibigay ng ingay sa buong byahe namin.

Sa utak ko ay ilang beses ko nang isinumpa si Nazaire. He has been playing with my mind! How could he just be gone for weeks and return like that? 

"So Leigh, where do you want to eat?" tanong ni Ross nang makapasok kami sa mall.

Iginala ko ang aking mga mata sa loob at bigla na lamang akong napangiti. I am really missing my life outside that academy.

At dahil pareho naman kaming hindi gutom ay niyaya ko na lang siya sa isang dessert shop. Marami kaming napag-usapan ni Ross habang nakaupo roon. 

We talked about his life. His dreams. And even his love and dedication for baseball.

"I have been talking a lot, Leigh. Ikaw? Ano bang plano mo? I mean sa sport fest?" baling niya sa akin at inirapan ko na lamang ito at nginitian.

"Hindi talaga ako sigurado Ross. Mas gusto ko kasing maglaro para sa Karringstyn University and I feel like betraying them if ever I join Heartfilia Academy," tugon ko sa kanya na kaagad na nagpakunot ng kanyang noo.

"Wow! So all this time ayan lang ang rason?" hindi makapaniwalang tugon niya sa akin at tuluyan ko na nga siyang tinawanan.

His reaction seemed so priceless!

"You know what, tara na. Time for haircut," saad ko na lamang at nauna na aking tumayo kaya wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin.

Habang tinatahak namin ang daan ay patuloy niya akong kinukulit patungkol sa paglalaro ng badminton. Sinabi ko na rin sa kanya na pag-iisipan ko kahit na ang totoo ay buo na ang desisyon ko. I will not be playing my favorite sport for anyone except for Karringstyn.

"Promise me that you are going to think about it," pahabol niya pa bago siya sinimulang gupitan.

"I will," sagot ko na lamang sa kanya.

Sinimulan kong buklatin ang brochure na nadisplay sa table habang hinihintay siya nang bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone.

Nakita ko sa screen ang mga mensahe nina Louise at Weiss ngunit mas inuna kong buksan ang mensahe ni Weiss.

What did you do again this time, Aleighna?

Awtomatikong kumunot ang aking noo nang mabasa ang mensaheng iyon ni Weiss at hindi pa man ako nakakapagsimulang magtipa ng aking isasagot sa kanya ay nakatanggap muli ako ng mensahe galing kay Louise kaya binuksan ko na lamang ito.

Make the donuts worth it.

Louise is really playing with me. I knew what she meant by that. Sobra akong naaliw sa naging usapan namin sa puntong  nakalimutan ko na ang naging mensahe ni Weiss at nabalik lang ako sa realidad nang tinawag ako ni Ross.

He is done and I showed him my two thumbs up. Umalis na kami sa salon at sunod naming pinuntahan ang arcade. 

We both enjoyed playing too much. Nagpustahan pa kami sa basketball at dahil hindi naman talaga ako marunong noon ay natalo ako.

Pinanliitan niya ako ng mga mata nang matapos kami sa paglalaro ng basketball na tila ba nag-iisip ng magiging consequence ko. Nagkibit-balikat na lamang ako habang hinihintay siya.

He snapped his fingers and his face lit up.

"Alam ko na. Since I do not need  treat, samahan mo na lang ulit ako mamaya," aniya at napataas naman ako ng kilay.

"What? May lakad ka pa pagkatapos nito?"

"Fortunately yes because I am enjoying my life outside. So... you are coming with me and I will not take no for an answer given the fact that you lose-"

Itinaas ko na lang ang dalawa kong kamay upang tumigil siya. 

"Fine!" 

Saad ko na natatawa na rin lang. 

Ross is right. Nasa labas na lang din naman kami bakit hindi pa namin sulitin?

Continua a leggere

Ti piacerà anche

153K 31.7K 98
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...
1.4M 1.2K 1
𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 '𝐃𝐞𝐜𝐞𝐢𝐭𝐟𝐮𝐥 𝐑𝐨𝐲𝐚𝐥𝐬' 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ★✯★ "Secrets are lethal, especially when they come dripped in murder." Trinity...
11.9K 199 54
In light of Danganronpa S Ultimate Summer camp being announced I thought I'd dump the old imagine/ x reader requests I got from tumblr here! Cover ar...
632K 9.7K 48
Lost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everyth...