Oh my Angel!

Bởi Pretzhele

34.1K 1.6K 657

• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members Xem Thêm

-Prologue-
-1-
-2-
-3-
***
-4-
***
-5-
-6-
***
-7-
-8-
***
-9-
-10-
***
-11-
-12-
***
-13-
-14-
-15-
-16-
***
-17-
***
-18-
***
-19-
***
-20-
***
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
***
***
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-47-
-48-
-49-
-50-
-51-
-52-
-53-
-54-
-55-
-56-
-57-
-58-
-59-
-60-
-61-
-62-
-63-
-64-
-65-
-66-
-67-
-68-
-69-
-70-
-71-
-72-
-73-
-74-
-75-
-76-
-77-
-78-
-79-
-80-
-81-
-82-
-83-
-84-
-85-
-86-
-87-
-88-
-89-
-90-
-91-
-92-
-93-
-94-
-95-
-96-
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3
Epilogue part 4

-46-

256 13 0
Bởi Pretzhele

[Gail]
Lumipas ng mabilis ang mga araw, abala na ang SSC dahil bukas na ang sports fest. Mamaya ay may final meeting kami para sa assignment kung saan kami mag facilitate. At ito na din ang huling araw ko bilang SSC member, dahil after nito mag pokus na ako sa misyon ko ang ayusin ang buhay ni Xave.

Nag type lang ako dito ng biglang lumapit sa akin si Cindy.

Gail, narinig mo na ba yung bali-balita? Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Cindy. Anong balita?

Tungkol saan?

Kay uno. Bumaba ng one week ang suspension niya. Dahil sayo ano?

Wag ka maingay Cindy. Baka may makarinig sayo. Oo, sinabi ko sa dean ang nangyari. Sinabi ko na niligtas niya ako kahit hindi ako sigurado kung niligtas ba niya talaga ako.

Sabi na nga ba eh. At bumalik na siya sa ginagawa niya. Tumayo na ako para dalhin sa dean's office itong mga request at letters na napirmahan na ni Liam. Napapansin ko simula ng nagsabi ako na aalis na ako sa pag secreatry ay naging iwas sakin si Liam. Wala naman ako magagawa mas importante ang misyon ko kaysa sa pagiging secretary ko.

Nang mabigay ko na sa dean's office ang mga dala ko ay agad akong bumalik sa office dahil may meeting kami ng biglang may humatak sa akin. Agad akong napatingin sa taong ito at hindi ko siya inaasahan.

Uno. Buti walang masyado tao ngayon dito dahil kasalukuyan paring may klase.

What the hell do you think you're doing? Try'n to be my hero huh?

Anong ibig mong sabihin uno?

Sa tingin mo hindi ko malalaman ang ginawa mo ha? Ang pakikipag usap mo sa dean. Me...saving you? Nagpapatawa ka ba?

Alam ko naman eh, ginawa ko lang iyon dahil alam kong wala ka kasalanan sa nangyari tsaka tinulungan mo ako kahit sinasabi mong hindi o kahit hindi mo talaga ako intensyon na tulungan, tutulungan parin kita.

Pwede ba i don't ask for your f*cking help okay? Bakit ba ang hilig mo makialam? Stop meddling into someone's business. Pagkatapos niya sabihin iyon ay nilagpasan lang niya ako at binangga.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. Paano ba ako mapapalapit sayo Xave? kung lahat ng gawin ko para sayo ay masama ang tingin mo.

Nagpatuloy na ako maglakad pabalik ng office. Naabutan ko naman sila na papunta sa meeting room. Sumunod lang ako sa kanila at naupo sa pwesto ko.

Nang makumpleto ay nagumpisa na si Liam sa pagbibigay ng gawain at assignment para bukas.

Sky, sa first day program ka naka assign together with Ace, kayo ang emcee. Gail, please confirm mo ang list ng performers para sa program spills na gagawin. Tumango lang ako sa sinabi ni Liam. Sa mga sports games naman.... nagbigay na siya ng assignment kung saan sports ang ipafacilitate. Sinulat ko lang yung mga assignments nila. Gail, sa basketball ka together with Sky since player naman siya. Ace, volleyball ka kasama mo si Cindy. Travis, sa pictures ka lahat ng sports event pati yung program sa hallroom, don't worry bibigyan kita ng mga volunteers na pwede mong makatulong. And that's all. Any questions? Wala naman nagtanong sa amin. So it's settled. Dismissed. Nag umpisa na umalis sila. Bumalik naman ako sa table ko para gawin ang print outs ng program at mga assigned areas para bukas.

Nang matapos ako sa ginagawa ko. Agad naman ako nagtungo sa glee club para alamin ang final list ng name ng mag perform sa intermission bukas.

Nang makarating ako, naabutan kong nag practice ang mga ka member ko.

Excuse po sir Chan, kukunin ko lang po yung final list ng pangalan ng mag perform bukas sa intermission aayusin na po kasi namin ang program spills.

Ganun ba. Ito na yung final list. Inabot naman sakin ni Sir Chan yung papel, pagkakuha ko ay nagpaalam na ako. Ngayon naman ay pupunta ako sa dance club para kunin ang list nila. Malapit na ako sa room nila ng makarinig ako ng tugtog. Mukhang nag practice din sila. Nang matapat ako sa bintana ng room nila kung saan kita ko ang nangyayari sa loob, ay nagulat akong makita na si Tres nalang ang tao sa room. Nagsasayaw ito, at base sa nakikita ko ay di mapagkakailang napakagaling niyang sumayaw. (An: Please watch the multimedia for the dance) Natigil naman siya sa pagsasayaw ng tumunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag sa kanya.

Mom, did you received the message. Can you come to watch my performance tomorrow ? Mukhang masaya siya. Base sa narinig ko, mukhang iniinvite niya manood ang nanay niya para bukas.

I see. Bigla naman nagbago ang tono niya, naging malungkot ito. Okay mom. I lo---. Lalapit na sana ako sa kanya dahil tapos na siya makipag usap nang magulat ako sa ginawa niya. Binato niya ng malakas ang cellphone niya. Agad akong nakaramdam ng sobrang lungkot at pangungulila. Ito ba? Ito ba ang nararamdaman ngayon ni Tres. Pinanood ko lang siyang umupo sa sahig at ngayon...












....Ngayon ko lang nakita ang mga luha ng masayahing si Tres.

Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko na may text galing kay Cindy.

From: Cindy
Nasaan ka? Andito sa office yung instructor ng dance club. Dala ata yung list na kailangan mo.

Agad naman ako nag reply kay Cindy.

To: Cindy
Papunta na kinuha ko lang yung sa glee club.

Pagkasend ko ay tumingin ulit ako kay tres at napabuntong hininga bago tuluyang umalis.

Nang makuha ko ang mga kailangan ko ay nagumpisa na ako gumawa ng mga spill kailangan ko na ito matapos bago mag 5pm dahil may trabaho pa kami sa Mcafe.

Katulong ko sa pag gagawa si Sky at Ace dahil sila din ang emcee bukas. Nitong mga nagdaang araw madalas kong kasama si Sky, pag wala si Cindy at abala sa academic club ay siya ang sumasama sakin sa cafeteria, garden at kung saan ako pumunta. Naging mas close pa kami. Minsan ay tinutukso kami ng mga kasama namin dito sa SSC dahil sa pagiging malapit namin dalawa, magkaibigan lang naman kami. Alam kaya ni Sky ang nangyayari kay Tres?

Masyado ba akong gwapo ngayon Gail kaya hindi mo maiwasan mapatitig sa akin? Agad naman ako nag iwas ng tingin sa kanya at nahiya ng marinig ang mahihinang tawa ni Ace.

Ikaw ha Gail, mamaya mo na titigan si Vice gawin muna natin ito. Biro sakin ni Ace.

Napailing nalang ako sa sinabi nilang dalawa. Tinuloy na namin ang ginagawa namin.

Ilang oras din ang lumipas bago namin natapos ito. Saktong sakto dahil malapit na ang oras ng shifting ko sa trabaho.

Inantay ko lang si Cindy dahil dumaan siya sa academic club para kunin yung reviewer niya.

Wala pa ba si Cindy? Tanong nitong kasama ko, sino pa ba? eh siya lang naman lagi ko kasama.

Pabalik na siguro iyon. At tama nga ako naglalakad na papalapit samin si Cindy. Nang makalapit siya ay sumakay na kami sa sasakyan ni Sky, dahil ihahatid daw niya kami.

(Mcafe)
Nang makarating kami sa coffee shop ay nagpaalam na kami kay Sky.

Susunduin ko kayo mamaya. Agad akong tumutol sa sinabi niya dahil malapit lang naman ang apartment namin ni Cindy, nakalipat na ako at maayos naman ang pananatili ko doon.

Naku Sky, hindi na kailangan malapit lang naman ang apartment namin ni Cindy. Magsasayang ka lang ng gas. Lumapit naman siya sa akin ng nakangiti at ginawa ang palagi niyang ginagawa... ang guluhin ang buhok ko na para akong isang bata sa paningin niya.

Hindi pwede, ilang beses ko bang sasabihin sayo Gail na delikado. Basta susunduin ko kayo mamaya. At naglakad na ito pabalik sa sasakyan niya.

Ehem. Baka naman gusto na natin pumasok. Mukhang madami na naman tayong customer. At nagmadali na kaming pumasok sa coffee shop.

Nang makapag ayos na kami ay tumulong na kami mag asikaso.

Naging abala ulit kami hanggang sa may isang customer ang tumawag sa pansin ko.

Excuse me miss? Agad naman ako lumapit sa babaeng tumawag sa akin. Nagulat ako ng makita ko ulit ang mag ina na customer namin kahapon.

Yes po ma'am? Nagulat naman si Xavereign sakin.

Oh! Si ate ganda ulit. Hello po! Masiglang bati niya sa akin, ngumiti lang ako sa kanya.

Mag additional order sana kami ng isa pang blueberry cheesecake. Tumango naman ako sa kanya at sinulat ang order niya.

May idadagdag pa po ba kayo?

Wala na.

Sige po hindi ko na po kayo bibigyan ng number ako na po mismo ang mag serve sa inyo. At iniwan ko na silang dalawa at pumunta ng counter. Habang wala pa yung order nila nag asikaso muna ako ng ibang customer.

Gail, andoon na yung inorder mong cheesecake, ready to serve na. Nagpasalamat naman ako kay Cindy.

Nang makuha ko na yung order ay agad ko itong sinerve.

Yehey!! Thank you ate ganda. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ko ang pisngi niya. Ang cute niya kasi. Agad naman ako nagulat sa ginawa ko.

Pasensya na po, ang cute niya po kasi tapos may kamukha po siya na kakilala ko. Tumawa lang sa akin ang nanay niya.

It's okay iha, madami din ang gumawa ng ginawa mo pag nacute-an sila kay Xavereign. Nagpaalam na ako sa kanila dahil madami pa ako gagawin. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang sinabi ni Xavereign.

Mommy, kelan ko po makikita si Kuya Xave? Gusto ko na po siya makilala. Napatigil naman ako ng marinig ko iyon. Teka , tama ba ako ng rinig? Kuya Xave? Marami namang Xave sa mundo diba?

Gail, patulong naman ako linisin yung isang table. Agad naman ako nabalik sa isip ko at tinulungan si Cindy ligpitin ang kalat sa apat na table.

Pero bago ko gawin iyon ay binigyan ko ng sulyap ang mag ina. Sana mali ako ng iniisip.
















....Dahil alam ko masasaktan siya pag nalaman niya ito.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

466K 33.7K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
144K 3.5K 42
Akala niyo siguro na masarap na nag-iisang anak na babae noh? Yung feeling mo prinsesa ka sa bahay. Hindi niyo lang alam na mahirap maging nag-iisang...
1.6M 64.7K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
84.1K 2.5K 21
"𝘪''𝘮 𝘣𝘢𝘤𝘬 𝘢𝘯𝘥 𝘳𝘦𝘢𝘥𝘺 𝘵𝘰 𝘧𝘢𝘤𝘦 𝘵𝘩𝘦𝘮" ☁︎︎☁︎︎☁︎︎ 𝗕𝗼𝗼𝗸 𝟮 𝗼𝗳 "𝗧𝗵𝗲 𝟰 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀𝗲𝘀" ☁︎︎☁︎︎☁︎︎ CO...