Chasing Mr. Right [Complete]

By PrincessInJeans

371K 6.7K 1K

Dear Zeke, magkakatuluyan rin tayo. Promise! Itago mo pa sa bato! * * * Join a feisty girl's journey on chas... More

First Chase
Second Chase
Third Chase
Fourth Chase
Fifth Chase
Sixth Chase
Seventh Chase
Eighth Chase
Ninth Chase
Tenth Chase
Eleventh Chase
Twelfth Chase
Thirteenth Chase
Fifteenth Chase
Sixteenth Chase
Seventeenth Chase
Eighteenth Chase
Nineteenth Chase
Twentieth Chase
Twenty-first Chase
Twenty-second Chase
Twenty-third Chase
Twenty-fourth Chase
Twenty-fifth Chase
Twenty-sixth Chase
Twenty-seventh Chase
Twenty-eighth Chase
Twenty-ninth Chase
Thirtieth Chase
Thirty-first Chase
Thirty-second Chase
Thirty-third Chase
Thirty-fourth Chase
Thirty-fifth Chase
Thirty-sixth Chase
Thirty-seventh Chase
Thirty-eighth Chase
Thirty-ninth Chase
Fortieth Chase
Forty-first Chase
Forty-second Chase
Forty-third Chase
Forty-fourth Chase
Forty-fifth Chase
Forty-sixth Chase
Forty-seventh Chase
Forty-eighth Chase
Forty-ninth Chase
Fiftieth Chase
Fifty-first Chase
Fifty-second Chase
Fifty-third Chase
Fifty-fourth Chase
Fifty-fifth Chase
Fifty-sixth Chase
Fifty-seventh Chase
Fifty-eighth Chase
Fifty-ninth Chase
Sixtieth Chase

Fourteenth Chase

6K 105 8
By PrincessInJeans

Fourteenth Chase 

Xavier University Grand Alumni Homecoming 

(...continued from Tenth Chase)

"You think okay na si Maggie at Dave?" Tanong ko kay Tiffany habang pinapanood si Maggie at Dave na seryoso pa ring nag-uusap sa table namin. Silang dalawa lang dun. Yung iba naming mga katable, gumala na sa kung saan-saan.

"Nag-away sila?" Gulat na tanong ni Tiffany, tumigil pa siya saglit sa chinecheck niyang parang checklist.

Err, wala pa nga palang pinagsasabihan si Maggie tungkol sa pagbubuntis niya. Ako pa lang. "Sort of."

"Maaayos din 'yan. Sila ang pinakamatagal na couple at imposibleng meron pang pipigil sa pagpapakasal nila."

Tumingin ako kay Tiffany at ngumiti.

Sa pagkakataong 'yun, umakyat yung emcee sa stage at nagsalita, "We would like to invite the Project Head of Xavier University's centennial celebration and  grand alumni homecoming. Mrs. Tiffany Christelle Velasco-"

"God, I hate him!" Sakto namang pumunta sa tabi ko si Maggie na inis na inis. "He doesn't even know kung anong ginawa niyang mali!"

"Hindi pa rin kayo ayos ni Dave? Akala ko naman napag-usapan niyo na yung problema niyo."

Umirap si Maggie. "Hindi. Binanggit na naman niya yung career niya at na ayaw niya pang magkababy kaya nilayasan ko na siya dun." Sinilip ko si Dave na malungkot na nakatingin kay Maggie.

"Sinabi mo na bang buntis ka?"

"Hindi pa. Bakit pa eh aayawan naman niya sigurado 'tong baby namin?"

I sighed. Parehong-pareho kami nitong si Maggie sa katigasan ng ulo eh. "Tell him. I bet matutuwa siya ng sobra at makakalimutan niya yung career niya. Kilala ko si Dave. Of course he'll choose you and your baby over his career."

"Ewan ko. Nakakainis." Umirap ulit si Maggie at tumingin sa stage. Yep, pregnancy hormones. Sobrang sungit nung babaeng 'to at lalong tumigas yung ulo eh. At talagang dito pa sila sa reunion namin nag-LQ. Hay, talaga naman. "Mali yung sinasabi nung emcee. Velasco? Maiden name yun ni Tiffany no. Apelyido na ng asawa niya yung gamit niya ngayon."

"Ha? Hindi ko napansin yun ah." Tinignan namin si Tiffany na nagsspeech sa stage. Pumapalakpak kami nung matapos yung speech niya,

Isa si Tiiffany sa pinakamalapit kong kaibigan. Although, I would admit, marami akong nagawa sa kanyang kasalanan nung college. Maswerte ako at sa dulo, naging magkaibigan pa rin kami. Noon kasi, I was so desperately trying to chase my happiness that I ruined hers.

Bawat lovestory ay may kontrabida. At sa relasyon ni Tiffany at Zeke noong college? Ako ang naging kontrabida.

* * *

Third year high school. November. 

"Hi!" Napahinto ako mula sa paglalakad sa lobby ng College of Education. Pinuntahan ko kasi si Maggie dito para ayain siyang maglunch kaso may tinatapos siyang paper kaya hindi siya makakasama sa'kin.

Anyway, siya na naman?

"San ka pupunta?"

"Maglulunch."

"Pwedeng sumabay?"

"You're weird. I don't even know you!" Sinabi ko kay Jasper na biglang sumulpot sa harap ko. Umikot ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Nagpakilala na ko sa'yo nung Satuday night ah. Jasper Chace Vel---"

"And I told you, I don't care!"

Ngumuso siya. "Hindi mo man lang ako patapusin sa pagsabi ng pangalan ko."

Hinarap ko siya at tinignan ng masama. "Aminin mo nga sa'kin, pinagtitripan mo ba ko? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit mo ko kinukulit."

"I told you, crush kita." He said smugly.

"You don't even know me." Naglakad ako ulit at sumabay naman siya sa'kin.

"Kilala kita. Ka-org ko si Maggie at lagi ka niyang nakukwento sa'kin. Ang baliw mo pala." Tumawa pa siya. 

UGH MARGARETTE BONIFACIO! Bakit ako chinichismis nun sa batang 'to?

"You know, you should call her Ate Maggie. Pati ako, actually. We're two years older than you."

"Psh. Two years lang yun. Yung parents ko? Four years ang tanda ni Mama kay Papa."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Alam mo, ang feeling close mo."

Tumawa siya. "Alam mo, crush na kita simula nung una kitang makita."

"Talaga? Kelan? Nung enrollment last week? Wow ha."

"Nope. Airport. One year ago."

Tumingin ako sa kanya at nagulat ako. "Nice try, kiddo. I don't remember you."

"Wag mo nga akong tawaging ganun! Hindi na ko bata!" Hay, whatever. Inirapan ko lang siya at naglakad na ko ulit. Pero ang kulit talaga ng taong 'to, kaya ayun, sumunod pa rin siya sa'kin.

"Hinatid namin yung ate ko sa airport nun. Tapos nagkabungguan tayo. Umiiyak ka. Tapos may tinatawag kang pangalan."

Naaalala ko yung araw na 'yun. Isa yun sa mga pinakamalungkot na araw sa buhay ko. It was the day I lost Zeke. Araw-araw, iniisip ko na sana, iba na lang yung naging katapusan ng araw na 'yun. Sana naabutan ko si Zeke. Sana nasabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya at mali yung desisyon ko na hiwalayan ko siya. Sana hindi si Tiffany yung nasa tabi niya ngayon.

"At naisip ko, masyado kang maganda para umiyak lang, na mas bagay siguro sa'yo yung nakangiti ka. At sobrang tanga nung lalaking nagpaiyak sa'yo. Halos isang taon, Charm, na hindi matanggal sa isip ko yung hindi ko kilalang babae na nakabunggo ko nun sa airport. Kaya sobrang saya ko nung makita kita ulit last week."

Tinignan ko siya. Niloloko ba niya ko? Ang sinabi ko na lang sa kanya ay, "Wag mo kong tawaging Charm." That was Zeke's nickname for me. I can't bear to hear other people call me that. It feels too... intimate. Kasi kasama ng nickname na iyon para sa'kin ni Zeke ay lahat ng memories namin.

How he called me Charm the first time. How he would laugh everytime he calls me Charm sa mga "panliligaw" ko sa kanya nung highschool. How he called me Charm the first time he told me he loved me. 

Napahinto ako sa isa sa mga restaurant sa tapat ng university namin. Nakita ko sa loob si Zeke at si Tiffany na magkahawak kamay. 

"Zeke..." bigla kong binulong sa kawalan.

"Siya ba yung iniiyakan mo noon?" Napatalon ako nung marinig ko yung boses ni Jasper na gilid ko. Susko, nandito pa pala yung taong 'to.

"Will you just leave me alone?" Inis kong sinabi sa kanya. "You see that guy," tinuro ko si Zeke. ",that's Zeke, he's the guy I love. So, bata, tigilan mo na yung crush or puppy love na nararamdaman mo sa'kin okay?"

Mukhang nagpipigil ng ngiti si Jasper. Kung anong dahilan, hindi ko alam. Ang weird nito.

"Nope. At mukhang may iba na namang gusto yung mahal mo oh. Ang sweet pa nila." Tinuro turo pa ni Jasper sina Zeke at ngumisi siya sa'kin. "Bagay sila."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Kami ni Zeke yung bagay, okay?"

"Tignan mo..." Tumabi siya sa'kin at pareho kaming nakatitig sa reflection namin sa window nung restaurant. "Sa tingin ko mas bagay tayo." Sabi niya tapos tumawa siya.

Weirdo. Baliw ata yung isang 'to eh.

"Ayoko sa mga bata, sorry. And don't you dare follow me again!" Sabi ko sa kanya habang pumapasok sa resto.

Narinig ko pa yung pahabol niyang, "Hindi na sabi ako bata eh! Two years lang yun!" Whatever you say, kid, whatever you say.

"Miss, table for one?" May lumapit sa'king waiter. Tinignan ko ulit yung table nina Zeke.

So, nagdedate kayo huh? No way. Nakakasuya yung pagkasweet nila.

"Um, makikishare na lang ako dun sa table---"

"Charm, Charm, Charm." ARGH BAKIT BA ANG KULIT NG TAONG TO?

"Sabi ko naman sa'yo, wag mo kong sundan ah?"

"Sabi ko naman sa'yo, makikisabay ako sa lunch ah?" Ngumiti siya sa'kin

"Layuan mo nga ako!"

"Bakit, may iba ka pa bang gagawin dito?"

"W-wala kang pakialam, okay!"

"E di sabay na tayong maglunch. Ngumiti siya (Bakit ba ngiti ng ngiti 'to?) at tumingin sa waiter. "Table for two po. Pwede dun sa labas?" He was grinning habang tinuturo niya yung table na nasa patio nung restaurant. 

"No! Ang layo kina Zeke nun. You know what---ni hindi nga pala ako pumayag na magkasabay tayong maglulunch eh! Makikishare ako ng table kina Zeke---"

"Let's go!" Hinatak niya papunta dun sa table na tinuturo niya kanina. Ni hindi ako naimik sa sobrang gulat. Close kami, close kami? Makahatak siya ah!

"Order na tayo. Nagugutom na ko, grabe."

"Ano ba, sabi ko nang---" Tumingin ako sa table nina Zeke na nasa kabilang dulo nung restaurant at nakitang tumayo na silang dalawa ni Tiffany at mukhang papaalis na sila. "Ayan! paalis na tuloy sila. Ikaw kasi eh!" Inis na sabi ko kay Jasper.

But again, he just laughed at me. "Now, will you have lunch with me? My treat."

Inirapan ko siya at umupo na dun sa table. "Aba, dapat lang! Nasira yung plano ko dahil sa'yo eh." Umorder ako at ganun din siya at habang hinihintay naming dumating yung pagkain namin, nakatitig lang sa'kin si Jasper. "Ano?"

Umiling siya. "I don't get you."

"Ha?"

"Yung Zeke... may girlfriend na siya, di ba? Bakit hindi mo na lang sila tigilan nung girlfriend niya?"

I don't know kung bakit ko sinagot yung tanong niya. Maybe because of his eyes. He's telling me he likes me but his eyes... it's like their judging me. This is so weird. Iba yung kutob ko sa kanya. "Because I promised myself years ago na kami yung magkakatuluyan ni Zeke and I won't give up now."

"So, you're his ex?"

"And his future wife." I said proudly.

Tumawa ulit si Jasper. "At pano naman yung girlfriend niya ngayon?"

"I don't care about her."

"You don't care kung masaktan siya sa mga ginagawa mo?" There's an edge to his voice and he looked tense. Yep. Confirmed. There's something weird going on here.

"Bakit parang sobrang concerned ka kay Tiffany? Don't tell me.. you like her?"

Ngumisi si Jasper. "Hindi ah! Hindi ko nga kilala yun eh. Tsaka sabi ko naman sa'yo, di ba? Ikaw yung crush ko." Nawala yung pagkatense ng mukha niya and he's back to smiling like crazy.

"Look, I don't care what you think. You don't know my story. Hindi mo alam kung anong mga pinagdaanan namin ni Zeke. So you won't understand why I'm doing this. Why I can't let him go."

He shrugged tapos he leaned on the table kaya sumandal ako sa upuan ko para mas malaki yung space sa pagitan namin. "May dance competition kami bukas sa may amphitheater, isa kasi ako sa mga representative ng educ. Punta ka ah?"

"Don't count on it."

Ngumiti lang siya at sumandal din sa upuan niya.

* * *

"Huy, ang tagal mo! Tara, uwi na tayo!" Sabi ko kay Maggie nung dumating siya sa harap ng Econ kung saan kami laging nagkikita pag magkasabay kaming uuwi.

"Tara, Cha!" 

"Uy, san mo ba ko hinihila? Sa kabilang side yung sakayan ng jeep!"

"May compet yung mga ka-org ko dun sa may amphitheater. Kailangan ko silang icheer!" Compet? Ka-org? Amphitheater?

Teka... pareho ba to nung sinasabing competition ni Jasper kahapon?

Kumawala ako sa hawak ni Maggie. "Ikaw na lang. Mauuna na kong umuwi."

"Ha? Sumama ka na!" Hindi na. Isipin pa nung batang makulit na para sa kanya kaya ako pumunta.

"Uuwi na koooo." Tumalikod ako.

"Nandun si Zeke sabi ni Dave. May mga kaorg din daw silang sumali eh." 

Ops.

Huminto ako ako at humarap kay Maggie.

"Tara na nga." 

"Hay nako. Sabi na nga ba." Umiling siya pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Maggieeee!" Bati nung mga kaorg ni Maggie pagdating namin sa amphitheater. Lahat sila naka-yellow. Out of place tuloy yung suot kong navy blue na damit.

"Buti naman hindi pa nagsstart! Si Cha nga pala kasama ko, kilala niyo na siya di ba?" 

"Hi Cha!" Binati ko rin sila tapos umupo ako sa tabi ni Maggie. 

"Asan si Zeke?"

Umirap si Maggie tapos tinanong niya yung isa niyang kaorg. "Anong kulay suot nung mga taga-Mech Engg?"

"Blue."

"Thanks!" Lumingon lingon siya tapos tinuro yung mga nakablue sa taas. Sa may pinakababa kasi kami nakaupo, malapit sa stage. "Nandun sila."

"HA? Ang layo! Sabi mo nandito si Zeke!"

"Nandito nga. Pero nandun." Ngumiti si Maggie.

Ugh! "Punta kaya ako dun? Nakablue rin ako tulad nila oh."

"Ano ka ba, Cha. Dito ka na lang. Sorry, okay? Gusto lang talaga kitang isama dito at nang may iba ka namang inaatupag bukod kay Zeke. Mag-enjoy ka naman. At hayaan mo, magkikita naman kami nina Dave at Emma after eh. Kasama na rin siguro si Zeke nun."

I sighed. "Fine."

Lumingon lingon siya. "Wala bang representative yung Econ dito?"

"Ewan ko. Wala naman akong org."

May parang host na pumunta sa gitna at nagsimula ng opening remarks. Nagpalakpakan yung mga tao. Paulit-ulit akong tumingin sa mga naka-blue tulad ko.

Ano kayang ginagawa ni Zeke dun? Katabi niya kaya si Tiffany at sweet sila ngayon tulad nung nakita ko kanina sa restaurant? 

Hay, mabuti na rin pala at malayo ako sa kanila ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung makita ko sila na sweet ng malapitan.

"MECH ENGG!" Biglang sigaw nung host at napatalon ako. May mga nakacheerleader outfit na lumabas sa stage. Una kong nakita si Emma na kumaway sa'min ni Maggie. At saka ko napansin si Tiffany. Nasa gilid siya nakapwesto at siya yung pinakamalapit sa'min.

Sobrang puti niya at sobrang ganda niya. Naiinis ako habang nakikita ko yung pang-shampoo commercial niyang buhok na may hairspray na blue sa gilid. Nanliliit ako sa kanya. Ni hindi nga ako marunong sumayaw eh.

Pero mas lalo akong nanliit nung may marinig akong pamilyar na boses na sumigaw ng, "I LOVE YOU, TIFFANY VELASCOOOOO!" Maraming nagtawanan at kumantyaw dahil sa sinigaw ni Zeke.

Gusto ko nang maglaho. Sana nasa ibang lugar na lang ako. Kahit saan. Wag lang dito. Wag lang sa lugar kung saan pinagsisigawan ng lalaking mahal ko yung pagmamahal niya sa ibang babae.

May isang parte ng utak ko ang nang-aasar sa'kin. Kita mo na, Cha? Mahal talaga ni Zeke si Tiffany. Gumising ka na sa kahibangan mo! Pero dinedma ko yung parteng yun. Posible ba yun? Na sa loob ng isang taon, nakalimutan ako ni Zeke at si Tiffany na yung mahal niya? Siyam na taon na kaming magkakila. Apat na taon na sinasabi niyang mahal niya ko. Pano mabubura lahat ng yun ng isang taon lang? Imposible. Sobrang imposible.

"Sorry pinapunta pa kita dito, Cha. Alis na lang tayo, gusto mo?" 

Umiling ako kay Maggie. Gusto niyang mapanood yung mga kaibigan niyang magperform. Ayokong madamay siya dahil lang sa miserable ako at ginusto niyang tulungan ako.

"Tara, punta na lang tayo sa backstage. Tignan natin yung orgmates ko." Hinatak ako ni Maggie palayo dun at umikot kami para makapunta sa backstage.

"HI GUYS! KAMUSTA?" Bati ni Maggie sa mga nakayellow pang costume doon.

"May problema sa costume ni Jasper eh. Inaayos pa dun. Tsaka ewan, parang may iba rin sa kanya. Parang wala siyang gana. Lagi siyang nagkakamali sa steps. Hindi ko ba alam dun, ang tagal naming nagpractice para dito eh!" 

"Talaga, bakit daw?" Habang nag-uusap si Maggie at yung ka-org niya, lumingon ako sa paligid at nakita si Jasper na mag-isang nakaupo sa isang gilid. Nakablack na sleeveless lang siya, hindi katulad nung iba niyang teammates na may kulay yellow na uniform.

Naninibago akong hindi siya yung makulit, maingay at puro ngiti tulad kahapon.

Lalapitan ko ba?

Errr, bakit? Anong pake ko sa kanya?

Pero wala naman akong ginagawa dito at mukhang engot lang akong nakatayo mag-isa habang nakikipag-usap si Maggie sa kaorg niya. At isa pa.... si Jasper lang yung kakilala ko dito bukod kay Maggie.

Errrr, okay. 

Naglakad ako palapit sa kanya.

Tumingala siya at unti-unting ngumiti nung magtama yung paningin namin.

"Good luck." Sabi ko sa kanya bago ako naglakad pabalik kay Maggie. 

* * *

"And the winner is...." Hinawakan ni Maggie at nung isa ko pang katabi yung mga kamay ko. 

Medyo nagegets ko na kung bakit sikat na sikat si Jasper kahit freshman pa lang siya.

Iba siya pag sumasayaw. Pag pinapanood mo siya, mahihirapan kang alisin yung tingin mo sa kanya at maya-maya, pati ikaw sumasayaw na rin. Marami kasing marunong sumayaw, madali lang namang magmemorize ng steps eh. Pero bihira yung katulad ni Jasper sumayaw, yun bang graceful. Parang galaw pa lang niya, may kinukwento nang istorya.

Yun ba yung walang gana at nagkakamali ng steps? Psh, nag-iinarte lang siguro siya kanina.

"College of Education!" Nagtilian sina Maggie at tumakbo papunta sa stage. Dahil hawak nila yung kamay ko, natangay na rin ako.

Jusmiyo, stand out na stand out yung blue kong tshirt sa mga yellow nilang suot.

"Thanks!" May biglang yumakap sa'kin at iniikot ako. Naririnig ko yung tawa niya sa tabi ng tenga ko.

Binaba niya ko at bumungad sa'kin ang ngiting ngiting si Jasper.

"Ano ba, bitaw nga! Hindi tayo close  no!" Pinalo  ko palayo yung mga kamay niyang nakahawak sa bewang ko. Nasan ba yung si Maggie? Puro nakadilaw kasi yung mga tao!

"Charm!" Narinig kong tinawag ako ulit ni Jasper.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Don't call me Charm."    

Ngumuso siya. "Ayoko nga. I'll you Charm because you're my charm. You're my lucky charm. Nanalo kami ngayon araw dahil sa good luck mo sa'kin." Ang corny ng batang 'to.    

"I'm not your charm or your anything so stop calling me Charm!"    

"Bakit naman?" Humakbang siya palapit sa'kin hanggang sa ilang inches na lang yung pagitan naman. "Bakit hindi kita pwedeng tawaging Charm? Anong masama?"    

"K-kasi.. kasi si Zeke lang ang tumatawag sakin niyan!" Lalo pa kaming nagkakalapit dahil natutulak kami nung mga nagtatalunang tao sa paligid namin.    

He smirked tapos humakbang siya palayo, thank goodness. "Hah, sabi na eh. Si Zeke na naman."

"Of course it's Zeke. It's always Zeke."

"Wala kang magagawa. Charm ang gusto kong itawag sa'yo kaya yun ang itatawag ko sa'yo. Papalitan natin siya sa isip mo dahil mula ngayon, ako na una mong maiisip kapag may tumatawag sa'yo ng Charm."

Continue Reading

You'll Also Like

14.1M 305K 44
He loved her.. He treasured her.. He worshipped her.. Deuce Montemayor loved like no other, but despite of that-- She left him.. Nang magta...
21.7M 258K 71
Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credit...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...