The Playboy's Girl(COMPLETED)

By CherayDiAyy

120K 2.1K 55

Tristan Ford Zapanta.Pangalan palang.Playboy na.Siya yung tipo ng tao na effortless pagdating sa babae.Like... More

PROLOGUE:
Chapter 1:Bad Guy
Chapter 2:Plan
Chapter 3:The Deal
Chapter 4:Poor Slave
Chapter 5:Playboy
Chapter 6:Sorry
Chapter 7:Girlfriend Proposal
Chapter 8:Undergarments
Chapter 9:Accepted
Chapter 10:Endearment
Chapter 11:Rules
Chapter 12:Bad Dream
Chapter 13:The Moment
Chapter 14:The Past
Chapter 15:She's Back
Chapter 16:She's Awake
Chapter 17:Fake Relationship
Chapter 18:The Kiss
Chapter 19:Arcie Reyes
Chapter 20:Lung Cancer
Chapter 21:Miracle
Chapter 22:End of Fake Relationship
Chapter 23:Truth or Dare
Chapter 24:Kiss in the Cave
Chapter 25:True Feelings
Chapter 26:Realization
Chapter 27:Love Making
Chapter 28:Christmas Day
Chapter 29:The Surprise
Chapter 30:Officially Yours
Chapter 31:New Year
Chapter 32:Soccer Player
Chapter 33:The Gift
Chapter 34:Stepmother
Chapter 35:That Night
Chapter 36:One Last Cry
Chapter 37:Mikael's Birthday
Chapter 38:Too Good At Goodbyes
Chapter 39:Pain
Chapter 41:
Chapter 40:
Chapter 42:
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE:
CherayDiAyy

Chapter 44

1.2K 14 2
By CherayDiAyy

Tristan's Pov:
Kinabukasan ay nag-iimpake na kami para makabalik ng Manila.Ngayon kasi ang uwi namin kasi uuwi narin sina Daddy at tita Cassandra from Palawan.
"Akala ko pa naman ay isang linggo kayo dito."wika ni Mang Pedring.
"Naku,hindi ho pwede yon Mang Pedring.May pasok pa po kasi kami."sagot ko.
"Don't worry Mang Peds.Babalik kami dito sa summer.Hehehehe."wika ni Alexa.
"Aba eh,aasahan ko iyan iha.Para masaya naman ang buong Batangas kapag nandito kayo."
"Naku,opo Mang Peds.Magiging busy narin ho kasi kami this week kasi malapit na ang end ng school year."wika ni Alexa.
"Aba'y mag-iingat nalang kayo sa biyahe kung ganon."
"Opo Mang Pedring,salamat po."sabi ko at naunang pumasok ng sasakyan.
"Bye Mang Pedring ingat ho kayo."paalam nila.

"Paano ba iyan mylabs? Isang buwan rin kitang hindi makikita."nakasimangot na wika ni Andrei.
"It's okay mylabs.Babalik naman kami dito eh,magkikita pa tayo.Yiiieehh."sagot ni Alicia at hinalikan si Andrei.

"Bye bro,take care."wika ko.Ngumiti lang si Andrei at nagpaalam narin sa kanya ang lahat.

Maayos naman kaming nakarating sa Manila at dumiretso na agad kami sa bahay.Pagdating namin don ay nandon na sina Daddy.
"Hi Dad,hi tita."sabi ko at niyakap sila.
"Nag-enjoy ba kayo sa one day vacation niyo sa Batangas?"nakangiting tanong ni Daddy habang nakipagbatian sa mga kaibigan ko.
"Sobra po tito.Ang saya nga po dun eh."sabi ni Ivy.
"Buti naman at ganun iha,ingatan mo iyang apo ko ah."sabi ni Daddy at hinimas ang tiyan ni Ivy.
"Take care my grandchild.Aalis na muna si Lolo ah."ani Daddy.

"Aalis po kayo tito?"tanong ni Bryle.
"Yes Bryle, babalik na kami ng London kasi marami pa akong trabaho doon.Tsaka,kayo na ni Alexa ang bahala dito sa mansiyon.Isasama namin si Tristan doon."nagulat silang lahat at kunot-noong tumingin sakin.
"Aalis ka rin?!"tanong ni Alicia.
"Yeah.I want to be with her.Tch."ngumit naman silang lahat at binigyan ako ng mapanuksong tingin.
"Yiiieehhh!!! Sana, kayo parin pagbalik niyo dito ah!!!"sabi ni Alexa.
"Of course."ngumiti lang sila at niyakap nila ako isa-isa.

"Win her back bro.Bye."wika ni Nikko.
"Bye bro,nice to meet you again."ani Jake.
"Nakakainis! Kaya pala tayo nagpunta sa Batangas kasi aalis ka?!"tanong ni Alexa.
"Tch.I want to.Don't worry, babalik naman ako after 1 year."

"After 1...ano?!"sabay nilang tanong.
"Ang tagal naman non!"
"Oo nga,nakakainis.Iiwan mo na talaga kami?!"
"Grabe,ang tagal non.Tch."

Nginitian ko lang sila bago ako umakyat ng kwarto.

Wait for me there munchie.I will win you back.Tch.
Namimiss na talaga kita.

"Tristan,let's go?"narinig ko ang boses ni tita sa labas ng kwarto ko.
"Coming tita."sabi ko saka lumabas ng kwarto.Pagkababa ko ay wala ng tao sa sala.
"Asan na ang mga kaibigan ko?"tanong ko.
"Umuwi na muna sila.Napagod daw sila sa byahe kaya kailangan nilang magpahinga."
"Tch.Ngayon na talaga tayo aalis tita?"tanong ko.
"Oo naman.Marami ring trabaho ang Daddy mo dun eh.Kailangan na siya don."sagot niya.Hindi nalang ako nagsalita at nagpamauna ng pumasok sa loob ng kotse.

Napagod ako.

Nagising ako nang niyuyugyog na ako ni tita.
"We're here Tristan.Bumaba kana at baka mahuli tayo sa flight."she said and bumaba na.Sumunod naman ako sa kanya at nandito na nga kami sa airport.Tch.

Ilang oras nalang makikita narin kita munchie.I can't wait to see you soon.

Nakasakay na kami ng eroplano at hindi ko maiwasang mapangiti.Gusto na kitang makita munchie.

"Are you okay son?"tanong ni Daddy.
"Yeah.I'm fine Dad."ngumiti lang siya.
"Magiging maayos din ang lahat son.Don't worry."nakangiting wika ni tita Cassandra kaya ngumiti rin ako sa kanya.Alam kasi nilang dalawa kung bakit ako sumama agad sa kanila nang hindi man lang nagpapilit.
Sanay na kasi sila saking pinipilit ako.Syempre,dahil kay Charice.Gustong-gusto ko na siyang makita at makasama.Tch.

Gabi na nang makarating kami sa London.
"Dad,tita.Akyat muna ako sa taas.Pagod na pagod na ako."paalam ko.Tumango naman silang dalawa.
"Okay son.I'll call you later for the dinner."wika ni Daddy.Tumango lang ako at tuluyan ng umakyat sa kwarto ko.

~~Nikko's Calling~~

"Hey."
"Oh? Nakarating na kayo?"
"Kararating lang."
"Mmm.That's good.I hope magkaayos na kayo ni Charice."
"Of course bro.I will do my very best."
"Tch.Okay bye na,aalis pa kami ni Alexa."
"Where are you going?"
"On a date.I think?"
"Tch.Geh,take care."

Ibinaba ko na ang linya at umidlip lang sandali.
Ilang minuto lang din ay may kumatok na sa pintuan.

"Come in."
"Son,the dinner is ready.Get up there."
"Coming dad."sabi ko at agad nang tumayo.

"So? Ano ng plano mo?"tanong ni daddy.
"I need to find her.Hindi ko lang alam kung saan siya nakatira dito."
"Come on Tristan, don't lose hope at magkikita rin kayo dito."nakangiting wika ni tita.
"Yeah right.Tch."sabi ko at sumubo ng pagkain.
Nagkwentuhan lang kami saglit at pagkatapos ay agsd narin akong bumalik sa kwarto at natulog.

Kinabukasan,nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.Napabangon ako at kinuha ang cellphone sa side table.

Today is Sunday, March 5.

Ang bilis lang ng panahon at parang kahapon lang ay kasal nina Daddy at tita.Tch.

Ang bilis lang din ng panahon at miss na miss na kita,munchie.

Tumayo na ako at pumasok sa loob ng banyo para maligo.Ilang minuto lang din ay nakabihis na ako.

"Goodmorning!"bati ko sa kanila at niyakap sila.
"Goodmorning son."sabay sabi nila daddy at tita.
"Bihis na bihis ka ata?May lakad ka ba ngayon?"tanong ni tita.Ngumiti lang ako sa kaniya at hinaplos ang buhok niya.
"Yes tita,maglalakad-lakad lang ako sa labas."ngumiti naman siya.
"Basta,balik ka dito before lunchtime at baka magutom ka."
"Of course tita.I will."

Kumain narin kami at nagkwentuhan.
"So,back to work kana ngayon,dad?"tanong ko.
"Yes.Kailangan eh."sagot niya.

After naming magbreakfast ay nauna ng umalis si Daddy.
Sumunod naman ako sa kanya pagkatapos kong magpaalam kay tita Cassandra.

Ang sarap talaga ng hangin.

Pumasok nalang muna ako sa isang cafe.Maraming tao sa loob at maganda ang ambiance.

"Goodmorning sir, can I take your order?"
"Isang espresso please."
"Give me a minute sir."
"Thank you."
Ngumiti lang ako pagkaalis ng waitress.

"Tristan?!"gulat akong napatingala sa tumawag sakin.Ngumiti ako sa kanya st sinalubong siya ng yakap.
"What's up,bro?!"wika ko pagkakalas ko sa yakap namin.
"Whoah! I didn't expect to see you here! Napadpad ka ata dito?!"nginisian ko lang siya saka naupo.
"So, how are you doing?"tanong ko.Ngumiti naman siya.
"I'm doing good.Tch.As usual,busy parin sa career ko.Mabuti at sumama ka kela tito pagkauwi dito?"tumango lang ako.
"Yeah.I want to see my girlfriend here."nagulat naman siya at nangunot ang noo.
"Sinong girl naman yan?Buti naman at nakamove on kana talaga kay Arcie?Hahaha.Look bro,nandito rin si Arcie at boyfriend niya rin ang kaibigan ko.Tch.What a small world."wika niya.Natawa naman ako.
"Is she doing good here?"
"Yeah.Actually, malapit na nga silang ikasal ni Mikael.I think,next year siguro.Parehong busy sa work eh."ngumiti naman ako.
"So? Sinong girlfriend mo ba ang nandito?"tch.Inirapan ko lang siya.
"Her name is Charice.Last month lang siya nagtungo dito kaya sumunod ako."sagot ko.
"Is that so?Mmm.Alam nya bang nandito ka?"
"No.Kaya nga hinahanap ko siya eh.Actually, she broke up with me before.Tch.I need to win her back, Elton."ngumiti naman siya.
"Ikaw? May girlfriend kana ba?"tanong ko.
"Well, nililigawan meron."ngumisi naman ako.
"That's good to hear."sabi ko.

"Yeah, makikilala mo rin siya soon.By the way,hanggang kailan ka ba dito?"tanong niya.
"1 year."mukhang nagulat pa siya sa sagot ko.
"Whoah! That's good bro.Haha.Swear, magugustuhan mo ang London."
"I think so.Tch."
"Kumusta na pala sina Daddy at Bryle sa Philippines?"tanong niya.
"They're good.May girlfriend na nga yung bunso mo eh.Anne Cruz ang pangalan."natawa ako nang maalala kung paanong naging isip-bata si Bryle pagdating kay Anne.Kung paanong tawagin ni Anne si Bryle na bading dahil sa pagiging childish ng pinsan ko.
Ngumiti lang si Elton.
"As I can remember,mas playboy pa si Bryle kesa sayo,right?"natawa nalang ako sa katotohanang iyon.
"Yeah.Tch."sagot ko at napapakamot sa ulo.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na si Elton na mauna nalang kasi may photoshoot pa siya.
"See you around bro,dadalaw nalang ako sa bahay niyo.Tch.Hindi ko pa kasi kilala kung sino yung asawa ni tito."natatawang wika niya.Tumango lang ako bsgo siya tuluyang lumabas ng cafe.
Maya-maya lang ay umalis narin ako sa cafe at naglalakad-lakad.Napatingin ako sa dami ng paninda sa sidewalk.
Napangiti ako nang makita ang isang maliit na plastic na baboy na color pink.Ang cute.
Favorite color ito ni Charice.

"I'll take this one."nakangiting wika ko sa vendor.Pagkatapos kong binili ang keychain na baboy na iyon ay umupo muna ako sa bench sa ilalim ng kahoy.
Grabe,ang ganda ng paligid.

Tinitigan ko ang keychain saka ako napangiti.Ang cute.

Siguradong magugustuhan mo ito munchie.Bagay na bagay sayo.Tch.

Nagbuntong-hinga ako bago umalis sa lugar na iyon.Saka na ako naglakad pabalik ng bahay.

"Oh? Here you are son.Mabuti naman at maaga kang umuwi.Nagluluto pa kasi ako ng lunch natin.Hihihi."wika ni tita.
"Thanks tita."ngumiti lang siya.
"Nagkita kami ng kapatid ni Bryle sa labas."wika ko saka naupo sa sofa.
"Really? Elton is his name,right?"ngumiti lang ako at tumango.
"How did you know anyway?"
"Mmm.Nakwento ng daddy mo.Model yon diba?"tumango lang ulit ako.
"Dadalaw daw sya dito kapag hindi siya busy.Gusto ka niyang makilala."
"Okay then.Mabuti naman."
"Yeah right."sabi ko.

"Mag-grocery ako later,do you want to join me?"tanong niya.Nandito na kami sa dining area st kumakain na ng lunch.
"Tch.Magpahinga nalang ako dito tita.Napagod ako sa gala ko eh."
"Okay if you say so."ngumiti lang siya.
"Tita look,pwede namang ang mga maids nalang natin ang magogrocery diba? Hindi mo naman trabaho yon eh.Tch."sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi na.Ayos lang naman sakin.I need to cook for your dad later eh.Hihihi."ngumiti lang rin ako.
"Okay.Kung kailangan mo ng tulong nandito lang naman kami ng mga katulong."sabi ko.Ngumiti lang siya.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad na akong nahiga.Tch.
Nakaalis narin si tita at kami lang ng mga katulong ang nandito sa bahay.
Kinuha ko ang keychain at inilagay sa side table saka ko kinuha ang celphone ko.

~~compose message~~
To:Nikko
Hey bro,how are you there?
I'm fine here in London and you don't have to worry about.Pakibantay kay Bryle ah.Tell our friends na miss ko na sila.Tch.

Pumasok na ako sa banyo at naligo.After kong naligo ay bumaba ako at nagtungo sa sala.Nanunuod lang ako ng tv.

Charice's Pov:
"Umiiyak ka na naman.Tama na yan Cha,okay?"wika ni Arcie.Hindi ko siya pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak.
"Alam mo yung sakit? Ang sakit eh.Hindi ko ata matanggap na nakabuntis ng ibang babae ang taong mahal ko? Tapos siya pa ang nakipagbreak sakin.Grabe asan na ang hustisya non?"iyak lang ako ng iyak.Mahigit isang buwan na akong nandito sa London at ganun parin ang sakit na nararamdaman ko.Hindi man lsng nabawasan sa araw-araw kung pag-iyak.Nakakainis!
Mahirap talaga para sakin ang lahat.Gusto ko man siyang makasama pero nasasaktan ako.Nasasaktan ako kapag makikita ko siya.
Ang sakit talaga.

Bakit mo ba ginagawa sakin ito punchie? Ano bang pagkukulang ko sa iyo at nagawa mo ito sakin? Alam mo ba kung gaano kasakit para sakin ang ginawa mo? Itinaboy mo ako sa harapan ng babae mo.Ang sakit nun.

"Hey, baby tama na yan.Wag mo ng pahirapan ang sarili mo please..."nandito rin si kuya ngayon.Pina-cancel niya pa lahat ng shoot niya kasi nalaman niyang umiiyak na naman ako at hindi kumakain.Pati si Arcie nahihirapan narin para sakin.Kapag busy si kuya ay palagi siyang nandito para sakin.Minsan narin akong nagkasakit dahil hindi ako kumakain.Alalang-alala sina kuya at Arcie non.Pati si Elton napasugod agad sa hospital nang malaman niyang naconfine ako.Tch.

"Tinawagan ko na si Elton.Ang sabi niya ay lalabas daw kayo later.Fix yourself then."nakangiting wika ni kuya at ginulo ang buhok ko.
"Bakit mo siya tinawagan?Baka busy ang isang iyon eh.Konsensya ko pa."natawa naman silang dalawa ni Arcie.Tch.
"He insist baby.Kaya go to your bathroom."ngumuso lang ako bago ako umakyat sa kwarto ko.
Sa isang buwang pagstay ko dito.Masaya naman ako kasi nakasama ko na si kuya.Pero hindi ko parin maiwasang malungkot kapag naalala ko ang nangyari samin ni Tristan.
Dito narin ako nagpatuloy sa pag-aaral ko.Masaya naman ako dito kasi palagi ko namang makakasama sina Arcie lalo na kapag hindi sila busy.Si Elton naman ay palagi akong hatid sundo sa bahay.Tch.Ang gwapong iyon talaga.Nalaman ko nalang na magkapatid pala sila ni Bryle.Pero ang nakakatawa ay hindi niya alam na ex girlfriend ako ng pinsan niya.Tch.

At wala na akong balak ipaalam pa sa kanya iyon.
Makakalimot rin ako.Not now but soon.Hihihi.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako.As usual,nandon na si Elton at naghihintay na sakin.Nakangiti ko siyang sinalubong.
"San naman ang punta natin?"tanong ko.
"Anywhere Margaux.Are you okay?"tanong niya.Maaalalahanin rin si Elton at yun ang isa sa nagustuhan ko sa kanya.Kung makapag-alala kasi siya ay para bang isa rin ako sa pinakamahalagang tao sa buong buhay niya.
Matapos naming magpaalam kela kuya at Arcie ay umalis narin kaming dalawa.
"Do want to eat something?"umiling lang ako.
"Busog pa ako-------"
"Ang sabi ng kuya mo ay hindi ka kumain simula kaninang umaga.Kaya,kakain ka whether you like it or not."salubong ang kilay niyang tumingin sakin.Wala silang pinagkaiba ni Tristan.Ganyan na ganyan rin si Tristan sakin kapag nalaman niyang hindi ako kumakain.Siguro,kung nandito lang siya ngayon at nalaman niya ang sitwasyon ko paniguradong pagagalitan na naman ako non.Tch.
Napailing nalang ako sa naisip ko.

Hinding-hindi na iyan mangyayari Cha.Huwag ka ng umasa para hindi kana masaktan.Tch.

"Hey, are you okay Margaux?"nagitla ako sa tanong ni Elton.Nakatigil na ang kotse niya sa harap ng isang exclusive restaurant dito sa London.
"H-huh? Yeah, I'm f-fine Elton.Tch.Don't mind me."sabi ko at ngumiti ako.
Nginiwian niya naman ako saka ako inalalayan pababa ng sasakyan.
"Let's go."nakangiting wika niya at sabay na kaming pumasok sa loob ng restaurant.
"Good afternoon ma'am,sir.A table for what,sir?"
"Table for two."sagot ni Elton.
"This way sir,maam."ngumiti lang kami ni Elton.Pagkaupo naming dalawa sa table namin ay nag-order narin kami.

"My cousin is here in London."nagulat ako sa sinabi ni Elton.Bigla akong kinabahan.Ang lakas ng tibok ng puso ko.
At isa lang ang pumasok sa isip ko pagkarinig ko nun.

Si Tristan.

**************

Vote and Comments!

@CherayDiAyy💕

Continue Reading

You'll Also Like

26.7K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2M 92.3K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...