The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰...

Por Muriaticalyy_

17.6K 812 51

Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing... Más

front matter
Prologue.
Momentous 1
Momentous 2
Momentous 3
Momentous 4
Momentous 5
Momentous 6
Momentous 7
Momentous 8
Momentous 9
Momentous 10
Momentous 11
Momentous 12
Momentous 13
Momentous 14
Momentous 15
Momentous 16
Momentous 17
Momentous 18
Momentous 19
Momentous 20
Momentous 21
Momentous 22
Momentous 23
Momentous 24
Momentous 25
Momentous 26
Momentous 27
Momentous 28
Momentous 29
Momentous 30
Momentous 31
Momentous 32
Momentous 33
Momentous 34
Momentous 35
Momentous 36
Momentous 37
Momentous 38
Momentous 39
Premier
Ang mensahe ng manunulat.

Momentous 40

311 11 6
Por Muriaticalyy_

×××


“Owen!” tawag ko sa pinuno ng mga cambion.

“Ilalabas mo si Drench o mamamatay kayong lahat?!” sigaw ko.


Napatingin kaming lahat sa pinakamalaking puno dahil biglang humangin ng malakas banda doon, nakita ko ang mala demonyong anyo ni Owen. Nag anyong tao siya at nanatiling nakatayo sa ibabaw ng malaking puno.

“Hindi ko inaasahang matutunton niyo kami.” nakakakilabot ang kanyang boses dahil sobrang lalim nito at sobrang lamig, nakadagdag pa sa kilabot ang pag ihip ng hangin ng malamig at malakas. Ngunit hindi niya ako masisindak at matatakot.

“Huwag kayong mag-alala dahil ayaw namin ng gulo.” sabi nito at sinenyasan ang mga tauhan niya, bigla namang naging alerto ang mga kasamahan ko.

Mula sa dilim ay lumabas ang dalawang tauhan ni Owen na dala dala ang nakataling si Drench, pinigilan ko ang sarili ko sa pag takbo. Dahan dahan akong lumapit at patulak namang ibinigay saakin si Drench, napatiim bagang ako dahil sa ginawa nila pero pinigilan ko ang sarili ko sa pag sugod sakanila. Agad kong kinalas ang tali sa mga kamay ni Drench at niyakap siya, hindi ko na napigilan ang sariling maging emosyonal dahil matapos ang ilang araw at linggong pagkawala niya ay nakita ko na ulit siya.

“S-shh.” pagpapatahan niya.

“Akala niyo ba ay gano'n lamang kadaling makuha ang isang 'yan? Pinaghirapan naming makuha siya, kaya kayo naman ang papahirapan namin!”

Biglang nagpakawala ng malakas na itim na kidlat si Owen, tila bumagal ang pag ikot ng mundo at nanatili lang kaming nakatitig sa papalapit na itim na kidlat. Malapit na sana saamin ang itim na kidlat nang bigla na lang may tumayo sa harap namin upang saluhin ang itim na kidlat na dapat ay para saamin, napatingin ako sa kanyang mga mata. Nanlaki ang mata ko pero ngumiti lang siya saamin hanggang sa bigla na lang siyang napaluhod at dahan dahang napahiga, bago niya ipikit ang kanyang mata ay tinapunan muna niya ng tingin si aunt Trinity hanggang sa unti unti nang sumara ang kanyang mata.

“Lad!” sigaw ko at napaluhod, dahil nakaalalay saakin si Drench at nanghihina pa rin siya ay napaluhod rin siya.

Gulat pa rin akong nakatingin sa nakahandusay na katawan ni Lad, hindi na siya gumagalaw. Sa lakas ng pinakawalang kapangyarihan ni Owen ay agad na binawian ng buhay si Lad.

Naramdaman ko ang pagiiba ng kulay ng mga mata ko, dahan dahan akong tumayo. Naramdaman kong napatingin saakin si Drench.

“A-avrice..”

“P-pinatay mo si L-lad..” mahina't nanginginig na sambit ko habang nakayuko, narinig kong tumawa si Owen.

“Kasalanan ng hangal na 'yan! Kung hindi siya nagmagaling, buhay pa sana siya.”

“MANAHIMIK KA!” Sigaw ko na siyang dahilan upang dumagundong ang buong paligid at ang kaninang madilim na paligid ay mas dumilim pa kaya nama'y halos hindi na namin maaninag ang isa't isa.

“Pagbabayaran mo ang pagpatay sakanya.” madiin kong sabi ngunit muli siyang natawa.

“Ano bang kakayahan mo, bata? Kilala mo ba ako?”

“Eh ako? Kilala mo ba ako?” bigla siyang natahimik sa sinabi ko at hindi alam ang sasabihin. “Hayaan mong magpakilala ako sa'yo at sisiguraduhin kong hinding hindi mo ako makakalimutan hanggang sa kamatayan.”

Matapos kong sabihin iyon ay agad kong pinakawala ang kapangyarihang matagal nang gustong kumawala mula saakin, nagliwanag ang madilim na paligid dahil sa kapangyarihang pinakawalan ko. Narinig ko ang mga nakakakilabot na sigawan at panaghoy ng mga cambion, at dahil galit na galit ako ay hindi ko pinakinggan ang kanilang mga pagmamakaawa. Buong lakas kong nilabas ang kapangyarihang matagal nang gustong kumawala saakin, halos manghina ako at mawalan ng balanse dahil hindi ko inaasahang napakalakas pala nito.

Pakiramdam ko'y wala ako sa sarili ko at ang tanging gusto ko lang ay patayin sila. Lahat sila.

“AVRICE!” Biglang may yumakap saakin mula sa likod kaya nama'y naputol ang pagpapakawala ko sa kapangyarihan ko.

Nakita kong nanghihina at duguan si Drench at parang hirap na hirap din siyang huminga, napatingin ako sa paligid ko at doon ay unti unting bumalik sa dati ang kulay ng mga mata ko. Lahat sila ay nanghihina at duguang nakatingin saakin, lahat ay naghahabol ng kanilang hininga.

Napatingin ako kay aunt Charlotte na madiing nakapikit na para bang may iniindang sakit, nakita kong nakahawak siya sa binti niya at nagulat ako dahil mayroong lumalabas na napakaraming dugo doon.

“Y-you did it a-again..” humihingal na sabi ni aunt Trinity at bigla na lang siyang nahimatay.

×××

“Are you okay?” napalingon ako sa nagsalita.

Hirap na hirap na nag lalakad papasok ng opisina si Cal.

Kasalanan ko 'to.

“Look, don't blame yourself for what happened, okay? It's not your fault.” mukhang napansin niyang sinisinisi ko ang sarili ko sa nangyari.

Napabuntong hininga ako.

I have caused a big damage in this town, how can I not blame myself with what happened?

“Alam kong pinapagaan mo lang loob ko, Cal. Pero mas gugustuhin ko pang tanggapin ang masakit na katotohanan kesa sa kasinungalingan.” sabi ko na siyang dahilan para dahan dahan siyang mapangiti.

“Yan ang kilala kong Avrice.” nakangiti nitong sabi, nginitian ko na lang din siya pabalik.

*knock knock.*

Napatingin kaming dalawa sa pinto, bumukas ito at bumungad sa'min si aunt Trinity. Ginamot na ang mga sugat niya at mas malinis na siyang tingnan kesa kanina, pero kitang kita sa mukha niya ang pagdadalamhati dahil na rin siguro ng pagkawala ni Lad.

“Ipapakilala na kita sa buong taong bayan, Avrice. Panahon na para makilala nila ang totoong pinuno ng bayan na 'to.” nanlaki ang mga mata ko.

Seryoso ba si aunt Trinity?!

Napatingin ako sakanya at nakitang seryoso ang mukha niya.

P-pero hindi pa ako handa..

Hindi pa ako handang harapin ang mga taong muntikan ko nang mapatay ilang taon na ang nakalipas—na kung saan ay muli iyong naulit. Muntikan ko nanaman silang mapatay.

“Wag kang mag-alala, Avrice. Tatanggapin ka ng mga tao rito tulad ng pagtanggap nila sa'kin bilang pansamantalang pinuno, maniwala ka.”

Wala naman akong ibang magagawa kundi magtiwala kay aunt Trinity at bukod pa ro'n ay alam ko naman na hindi niya ako hahayaang mapahamak.


×××

Seguir leyendo

También te gustarán

Selene Por M A I

Hombres Lobo

10.6K 369 35
In order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end...
953 88 37
Si Asthearila ay ang bagong heneral ng Perionaca na siyang ipinalit kay Ketero matapos nitong mapaslang. Siya ang kauna-unang babaeng heneral na gina...
2.3K 83 26
You will never know who is the one for you.. You will never know what will the future is.. You will never know you were meant to be.. You will never...
5.6K 154 43
Fuentes Series #1 Her name tastes like berry but her life seems misery. She loves to paint red but her heart seems dead. Meet Sweet and her bitter...