In the Shell of Emptiness

By RoceLXD

731 104 3

After losing everything, she will get up and rise as a whole damn fire. - Copyrights©2018 ALL RIGHT RESERVED. More

In the shell of emptiness
Chapter 1 |Firstday|
Chapter 2 |Reminisce|
Chapter 3 |Him|
Chapter 4 |His name|
Chapter 5 |His Eyes|
Chapter 6 |His way|
Chapter 7 |His angerness|
Chapter 8 |Childhood|
Chapter 9 |Power of Love|
Chapter 10 |Sorry|
Chapter 11|Possessive|
Chapter 12 |Betrayal|
Chapter 13 |Home|
Chapter 14 |Forgiveness|
Chapter 15 |Sundo|
Chapter 17 |Manila
Chapter 18 |A Shell and Pearl|
Author's Note
Chapter 19 |Jealous|
Chapter 20 |Promise|
Chapter 21 |Together|
Chapter 22 |Graduation|
Chapter 23 |Years|
Chapter 24 |Changes|
Chapter 25 |Rapist|
Chapter 26 |Hunt|
Chapter 27 |Revelation|
Chapter 28 |Friends|
Chapter 29 |Stay|
Chapter 30 |Goodnews|
Chapter 31 |Confrontation|

Chapter 16 |Secrets

16 3 0
By RoceLXD

"How's your visit?" Pagkapasok pa lamang ng kaniyang sasakyan ay iyan na agad ang kaniyang bungad sa akin.

Nagpakawala na lamang ako ng buntong hininga. "It's fine." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Ramdam ko naman ang titig niya pabalik sa reaksyon at sinabi ko.

Nang salubungin ko ang tingin niyang iyon ay pinagsisihan ko na dahil grabeng epekto sa akin non.

Bahagya ko na lamang kinunot ang noo ko at umiwas sa kaniyang tingin.

Narinig ko naman ang kaniyang halakhak matapos non.
"Look at me."

Damn! Simpleng salita niya lang ay parang sasabog na ang buong sistema ko.

"M-Magdrive ka na nga lang diyan!" Napapikit ako dahil sa inis! Inis sa sarili ko. Bakit ako nautal?

Nang hindi na siya nagsalita ay muli kong ibinaling ang tingin ko sa kaniya. Nakatungkod lamang ang siko niya sa bintana ng sasakyan habang hawak hawak ang labi na nakangisi. Ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa manibela.

Bakit simpleng ganiyan niya lamang ay napakagwapo niya?

Isang sulyap ang iginawad niya sa akin at ayan na naman ang ngisi niya. Hinampas ko nga.

"Damn!" Giit nito at pinakawalan na ang kanina pang halakhak na pinipigilan niya.

"Vandrius ano ba!" Napatakip ako ng bibig dahil sa pagsuway ng tono ng boses ko. Imbis na galit ay hindi ko alam kung palambing ba.

Nang sinubukan kong tumingin sa gawi niya at bigyan siya ng matalim na tingin ay para akong mauubusan ng hininga sa tingin niya.
"Sungit ng baby ko." Saad nito sabay halakhak at hinawakan nito ang kamay ko.

Pinagsalikop niya ang kanang kamay niya at ang kaliwang kamay ko. Ang kaninang kaliwang kamay niya na nakahawak sa labi ay nasa manibela na ngayon.

Pumula ang pisngi ko ng dahil sa aksyon niyang iyon. Lalo na't kasabay non ay ang pagtawag niya sa akin ng 'baby'.

Buong biyahe ay magkahawak ang aming mga kamay.
Napakakomportable ng kaniyang hawak na di ko na namalayan ang pagtulog ko.

Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang paghalik sa kamay ko.

Nang mapamulat ako ay ganon na lamang ang gulat ko ng nakita ko siyang nakatitig lamang sa akin.
Huminto na pala ang kaniyang sasakyan.

"I'm sorry, I wake you up. We need to eat first. Hmmm." Saad niya habang pinupugpog ng halik ang kamay ko.

Kahit na kagigising ko pa lang ay natatawa na lang ako sa inaasta niya. Lecheng to! Ano bang mayron sa kamay ko? Pwede bang sa iba na lang? Ayy! Talande.

Kinagat ko ang labi ko at tumango na lang. Nakakahiya naman din kasing magsalita gayong kagigising ko pa lang. Nakakaconscious.

Nang makalabas na kami ay iginiya niya ko papasok sa isang fine dining restaurant. Nagulat pa ko ng hinawakan niya ang aking baywang.

Tinignan ko lamang siya sa kaniyang ginawa ngunit nakangisi lamang siya at nagkibit balikat.
Nakakarami na to ah.

Kung wala lang kami sa public place ay masasapok ko na to.

Pero bigla na lang din akong nahiya sa sarili ko dahil traydor din ang puso't isip ko at nagugustuhan ang kaniyang ginagawa.

Nang may lumapit sa aming waiter at nagbigay ng menu ay tsaka ko lamang siya tinignan. Nagulat ako ng nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

Bubulyawan ko na sana siya na tumigil na siya sa kakatitig sa akin ng magsalita siya.
"Can't help baby, please stop being so beautiful." Kibit balikat nito.

Di ko maproseso ang kaniyang sinabi. Kinagat ko na lamang ang labi ko dahil iyon na lamang ang mapanghahawakan ko sa pag impit ng kilig na nararamdaman ko.

Napagpasyahan kong umorder na lamang ng gaya sa kaniya.
Nang iserve na ang appetizer ay tsaka ko lamang iginiya ang aking paningin sa buong restaurant.

Mamahalin at makikita mong hindi basta basta ordinaryong tao lamang ang nakakakain dito. The classy ambiance manifest in the whole restaurant and I don't even know why we chose to eat here.

I started roaming my eyes around. Tingin ko ay wala pa kami sa Maynila at natitiyak kong nasa kalagitnaan ang lugar na ito somewhere at Puerto Sigla.

"I'm starting to get jealous to those people na tinitignan mo kanina pa." Tinignan kong mabuti si Van at tsaka nginisian. Bahala ka diyan. Pinagseselosan mo yung restaurant.

"Nope. That's not what you think. Praning ka na. Yung buong restaurant ang tinitignan ko!" Halakhak ko matapos sabihin iyon.

Ngayon naman ay maincourse na ang isinerve sa aming mesa.
"What's with the restaurant? Too fancy?" Nakataas ang kilay nitong tanong.

Mas lalo lang akong natawa sa reaksyon niya.
"Nakakarelax kasi ang tanawin. Do you see that?" Turo ko sa dagat na natatanaw mula rito sa restaurant. "Ang ganda diba? Naiimagine ko tuloy siya kapag gabi na. Siguro, mas lalong nakakarelax tignan." Ngumiti pa ko pagkatapos non.

Nang ibinaling ko na lang ang tingin ko sa kaniya ay kumunot ang noo ko sa titig niya.

"Kanina pa ka tingin ng tingin diyan ah. Stop staring!" Irap ko at kumain na lamang.

Nang hindi niya pinatulan ang pagsusungit ko ay nag angat ako ng tingin sa kaniya. Seryoso lamang ang kaniyang mukhang nakatitig sa dagat na natatanaw magmula rito sa restaurant.
Mukhang malalim ang kaniyang iniisip.
Tumikhim ako at nakuha ko ang atensyon niyang iyon.

"Sorry 'bout that, you done?" Ngiti nito sa akin at ako'y tumango na lamang.

Pagkatapos ng nangyaring iyon ay wala na siyang kibo at aamba nang tumayo nang may tumawag sa pangalan niya.

"Dri!"

Nang bumaling ako ay kumunot ang noo ko nang bigla nitong niyakap si Vandrius.
Si Vandrius naman ay napaatras ng konti dahil sa impact ng pagsalubong ng babae dahilan para hawakan niya ang baywang ng babae.

Nanliliit ang mata ko nang makita ko iyon.

Nang sa wakas ay nagkaharap na ang dalawa ay todo ang ngitian nila sa isa't isa.

"Dri! You've really grown up! Ang gwapo mo!"

Nakatitig ako sa babaeng hapit ang red dress sa katawan na kitang kita ang ganda ng hubog nito. With a fair skin, long hair na nakacurly ang bandang dulo, pointed nose, at... napakaganda talaga.

Nginitian naman ito ni Vandrius.
"You too. I don't even recognize you earlier."

The fuck? So ano ako dito? Isang passerby na di sinasadyang mag eavesdrop?

Nakatulala lang ako sa kanilang dalawa. Nang mapatingin sa gawi ko si Vandrius ay napatingin din ang babaeng kausap niya.

"Oh. I thought, kayo ni Faye?" Tanong nito kay Van at tsaka ngumiti sa akin.

Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang kaniyang tanong.
So.. Alam nang lahat na si Faye at Van ang laging magkasama.

"Nope. She's only my friend. By the way, this is Zaphira. Baby, she's Madonna. My sister's friend." Sambit nito at hawak sa baywang ko.

Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Madonna. Napataas ang kilay niya ng binaba niya ang kaniyang tingin sa kamay ni Van na nasa baywang ko.

"Baby huh? Ang korni mo talaga kahit kailan! Been always heard your oh-so lovely-endearment way back when you have so many flings." Halakhak nito at hampas sa braso ni Van.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Flings? So ibig sabihin...

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baywang ko at nagulat ako ng ilapit niya ang sarili ko sa kaniya at halikan ako sa noo.
"Damn. Don't put that kind of idea in her mind. Mas lalo siyang gaganda tignan pag nagseselos." Proud nitong sabi at nakipagtawanan.

What? Ako magseselos? Hah! Hindi ah.

Pero.. Di ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Akala ko makikipagtawanan na lang siya buong maghapon e.

"By the way, we have to go Madonna. It's nice to see you again." Ngumiti ito, ganoon din ako.

Bahagyang lumungkot ang mukha nito.
"Why don't you stay kahit saglit lang?" Gulat ang sistema ko ng inangkas nito ang kaniyang kamay sa braso ni Vandrius.

Bahagya namang napansin nito ni Vandrius at agad na tinanggal ito.
"I'm sorry. Nexttime na lang siguro. We really need to leave now." Saad niya.

Kung kanina ay lumungkot ang mukha nito, ngayon naman ay medyo umaliwalas na.
"Okay! Umuwi ka na ba sa inyo Dri? Namimiss ka na ng pamilya mo."

Kulang na lang ay umirap ako sa tanong niya.
Okay daw tapos may kasunod pa na tanong. Of course, umuwi na yan. Uuwi na nga kaming Manila deba?

Bahagya na kong naiinip sa chikahan nila at parang nawala na ang magandang mood ko sa lugar na ito. Tumingin na ko kay Vandrich para senyasan siyang mauuna na lang ako sa kotse, ngunit nagulat ako sa bahagyang pagkabalisa niya sa simpleng tanong na iyon.

"I'm sorry Madonna, we have to go." Sabi nito at tsaka tumalikod.

Susundan ko na sana siya ng biglang magsalita si Madonna sa likod.
"So, wala ka palang alam sa pamilya niya huh."

Nagtaka pa ko non at muli siyang binalingan ng makita ko ang ngisi niya.
"You don't even know a single thing to him, probably because you're just only his fling. Cut the "baby" cheap endearment and assuming personality of yours." Kitang kita ko ang sarkastiko nitong ngiti sa bawat pagsabi nito.

Tinalikuran niya na rin ako ng may ngisi sa kaniyang mga labi. Ako naman ay bahagyang nawindang sa mga sinabi niya.

Tahimik lamang akong sumunod sa sasakyan ni Van. Naroon siya at nakahilig ng bahagya habang nag aantay. Pinagbuksan ako nito ng pinto at agad akong pumasok sa frontseat.

Tahimik lamang ang ilang minuto naming biyahe. Di na rin ako nag abala pang magsalita dahil iniisip ko pa din ang mga sinabi sa akin ni Madonna.

Tama. Ang tanging alam ko lamang sa pamilya niya ay mayaman ito na ang kanilang negosyo ay kilala maski saan mang lugar dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Bukod doon, wala na.

Napaisip din ako dahil ilang buwan na rin magmula noong magkakilala kami ni Van. Gagraduate na nga kami nextweek pero sa mga buwan na iyon ay hindi namin pinag usapan ang pamilya. Yes, he knows about my family but not that much para mas malaman ang lahat. He knows na namatay si mama because of car accident. And now, si Papa. But digging and tell him kung anong buong storya ng buhay ko at sa kung paano ako napuntang Manila ay hindi ko kailanman kinuwento sa kaniya.

So we both have secrets. I don't know kung secrets ba o talagang mas pinili na lamang namin na bigyan ng privacy ang sarili naming buhay.

At ang reason ko doon ay ayoko nang madamay pa siya. Somehow, I also wonder kung anong rason niya rin.

Napapikit na lamang ako't tinulog na lamang ang aking iniisip.
___________________________

Continue Reading

You'll Also Like

52.2K 1.4K 40
¨i dont like her, ok?!¨ ¨oh you definitely do¨ lynn loud is the schools best athlete. shes good at everything, basketball, baseball, soccer, you name...
29.2K 973 57
What happens when 7 crack heads are added to a groupchat by the only 'sane' one? if you are homo please LEAVE! ⚠️T/W⚠️ Language Smut Slurs
24K 1.5K 32
The story is about a very prominent Rajput family in Rajasthan, well-known in their village, and they have a large business empire of the jewelry and...
49.4K 1K 23
Isang groupo Ng kalalakihan na tagapag mana Ng ari-arian Ng mga magulang nito at groupo Ng kababaihan na anak Ng mayayamang political at may Isang da...