The Momentous Premier [š˜šš˜°š˜°...

By Muriaticalyy_

17.6K 812 51

Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing... More

front matter
Prologue.
Momentous 1
Momentous 2
Momentous 3
Momentous 4
Momentous 5
Momentous 6
Momentous 7
Momentous 8
Momentous 9
Momentous 10
Momentous 11
Momentous 12
Momentous 13
Momentous 14
Momentous 15
Momentous 16
Momentous 17
Momentous 18
Momentous 19
Momentous 20
Momentous 22
Momentous 23
Momentous 24
Momentous 25
Momentous 26
Momentous 27
Momentous 28
Momentous 29
Momentous 30
Momentous 31
Momentous 32
Momentous 33
Momentous 34
Momentous 35
Momentous 36
Momentous 37
Momentous 38
Momentous 39
Momentous 40
Premier
Ang mensahe ng manunulat.

Momentous 21

308 17 0
By Muriaticalyy_

×××

'Dito ako sa couch natulog dahil sinunod ko ang sinabi ni Drench na huwag piliting ilakad ang paa ko, kaya naman dito kami sa sala kumakain—at nag aasaran.

“Grabe ang bilis naman pala ni Drench!” sabi ni Amritta.

Oo nga eh, akalain mo 'yon may tukaan agad na naganap, sandali lang tayong umalis eh!” sabi naman ni Elody.

“Naku! Hindi na ako magugulat kung isang araw ay mapasukan ko silang dalawa sa kwarto na nag chuchukchakan.”

Bigla ko namang naramdaman ang pisngi ko na uminit.

ANO BA NAMAN KAYO! KUNG MAG USAP KAYO PARANG WALA AKO DITO AH!” sigaw ko sakanila pero tumawa lang sila.

*knock knock*

Napatingin kami sa pinto, tumayo si Elody at binuksan ang pinto.

Good morning!” rinig kong sabi no'ng nasa labas.

Boses pa lang alam ko na kung sino.

Ang aga niyo ata ah.”

“Syempre, boring eh! Hello there!” bati niya saamin at binati rin namin siya pabalik pero itong si Amritta ay tumango lang.

Dumating si Myganne na kasama si Cal, napatingin silang dalawa saakin at nagkatinginan silang dalawa.

Avrice.. Ano nanamang kalokohan ang ginawa mo?” tanong ni Myganne.

Silang tatlo naman ang nag kwento kina Myganne at Cal tungkol sa nangyari kahapon, nai-kwento rin nila 'yong "tukaan" scene kuno namin ni Drench. Ang pangit ng term na ginamit nila. -_-

Kilig na kilig naman 'tong apat na babae.

Psh.” napatingin kami kay Cal at napahinto sila sa pagtitili.

“Alam mo Cal, mula no'ng napasok sa usapan si Drench nag iba mood mo.”

“Konti na lang iisipin ko nang nag se-selos ka.”

“Huh? Nag se-selos? Bat naman ako magse-selos?”

“Bakit nga ba?” tanong pabalik sakanya ni Amritta.

“Hoy ano ba kayo! Lahat na lang binibigyan niyo ng meaning tsk.” sabat ko.

“Oo nga. At isa pa, kaya ako naiinis ay dahil nag papasok kayo ng lalaki.. kagabi. Puro kayo babae dito, paano kung may nangyaring masama sainyo?”

Aww ang sweet naman.” Sarcastic na sabi ni Myganne at nag beautiful eyes pa talaga.

“Gag*.” at sinamaan siya ng tingin ni Cal, sinamaan rin siya ng tingin ni Myganne.

Kung makapag salita ka diyan parang others si Drench. Tsk.” at inirapan siya nito.

Tumawa naman si Cal at ginulo ang buhok ni Myganne.

Hobby mo ang manggulo ng buhok eh noh?” sabi ko.

Kumindat naman si Cal at bumaril baril pa saakin, napailing na lang ako.

×××

Kakatapos lang namin mag lunch at inaasar nila ako dahil hindi raw ako naligo, palibhasa hindi sila injured. Ang baho baho ko na raw.

“Sinong hindi naligooo?”

“Si Avrice!” sigaw naman nila.

Napa-facepalm na lang ako dahil sa ginagawa nilang pang aasar at palihim na nag dadasal na ma-sprain din ang paa nila. Para silang mga bata hays.

“Hindi naman mabaho si Avrice ah?” rinig kong sabi ni Cal.

“Ayieee nakahanap ng kakampi!” pang aasar nila.

Tumabi saakin si Cal at biglang tinaas ang kamay ko at inamoy amoy ang kili kili ko, dahil sa ginawa niya ay pinalo ko siya sa braso at binatukan.

“Sabi sainyo eh hindi naman mabaho! Sa katunayan, amoy baby nga eh!” at nagtawanan silang lahat, muli kong hinampas si Cal.

“Bat mo ginawa 'yon?!” sigaw ko sakanya pero tawa lang siya ng tawa habang ako naman ay patuloy siyang hinahampas.

Bigla niyang kinuha ang dalawang kamay ko at niyakap ako, naka rest sa ulo ko ang ulo niya.

Hoy! Umalis ka nga! Sino ba talaga ang hindi naligo saating dalawa?! Ako o ikaw? Ang baho mo!” sigaw ko habang nag pupumiglas sakanya, 'yong apat naman ay tawa ng tawa saaming dalawa habang si Cal naman ay mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap saakin.

CALYX DEMETRIOUSE!” Sigaw ko pero wala pa ring epekto.

“Tss.” napatigil sa tawanan 'yong apat at napatingin sa likod namin ni Cal.

“Drench?” halos sabay sabay na sabi nila dahilan para mapalingon din kami ni Cal at dahil sa presensiya niya ay lumuwag ang yakap saakin ni Cal at kinuha ko ang chance na 'yon para matanggal ang kamay niya saakin.

“I just came here to check if Avrice is okay.” at bigla siyang tumingin saakin ng sobrang seryoso “And I guess she's fine. I'll go ahead.” at tinalikuran niya kami.

“D-drench, wait!” huminto siya sa pag lalakad at itinagilid ang ulo niya.

Stay here.”

“Why?” tanong nito pero hindi pa rin siya lumilingon saamin, at hindi naman ako makasagot sa tanong niya. Bakit nga ba?

Seems like my presence is not needed here, and you're having fun together. I'll go ahead.” sabi nito at itinaas niya ang kaliwang kamay niya na parang nag papaalam nakatingin lang ako sa likod niya hanggang sa makarating siya sa may pinto.

Bago siya lumabas sa pinto ay tumingin siya sa mga mata ko tsaka siya tuluyan nang lumabas ng pinto.

Halaaaa!”

“Lagoooot!”

“Nangangamoy LQ!”

“Nagsisimula pa lang, away na agad!”

Tss. Ang bakla.”

Side comments nila kaya naman napatingin ako sakanila at napakunot ang noo ko sakanila.

“Mga sira talaga kayo!” at napailing iling pa ako pero tinawanan nanaman nila ako.

Napatingin ako muli sa pinto at umaasang babalik siya pero napabuntong hininga na lang ako. Tumingin ako sakanila at sumingit sa kwentuhan nila, buti na nga lang at hindi na ako ang topic at inaasar nila.

×××

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 154 43
Fuentes Series #1 Her name tastes like berry but her life seems misery. She loves to paint red but her heart seems dead. Meet Sweet and her bitter...
44.5K 1.6K 39
Symphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the...
315K 10.1K 45
Gideon Aries ā€¢ Aliyah Franchesca Highest Rank Achieved: #1 in Academy #25 in Mystery #7 in Action #7 in Teen-fiction
121K 3.8K 47
Who knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand o...