The Momentous Premier [š˜šš˜°š˜°...

By Muriaticalyy_

17.6K 812 51

Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing... More

front matter
Prologue.
Momentous 1
Momentous 2
Momentous 3
Momentous 4
Momentous 5
Momentous 6
Momentous 7
Momentous 8
Momentous 9
Momentous 10
Momentous 11
Momentous 12
Momentous 13
Momentous 15
Momentous 16
Momentous 17
Momentous 18
Momentous 19
Momentous 20
Momentous 21
Momentous 22
Momentous 23
Momentous 24
Momentous 25
Momentous 26
Momentous 27
Momentous 28
Momentous 29
Momentous 30
Momentous 31
Momentous 32
Momentous 33
Momentous 34
Momentous 35
Momentous 36
Momentous 37
Momentous 38
Momentous 39
Momentous 40
Premier
Ang mensahe ng manunulat.

Momentous 14

371 14 0
By Muriaticalyy_

×××

Pagkatapos naming kumain ay nag paalam na sina aunt Trinity, aunt Cynthy, uncle Kye, Amritta at Elody saamin. May trabaho pa kasi silang tatlo samantalang may klase naman sina Amritta. Kaya naman kaming tatlo lang nila aunt Charlotte at Kennedy ang naiwan, napagdesisyunan naming tatlo na tumambay sa labas kasi nakakasawa na dito sa loob.

Nag kwentuhan lang kaming tatlo sa labas pero hindi ko minention sakanila 'yong about sa spell na chinant ni aunt Trinity saakin kaninang madaling araw, nakita ko si Myganne sa may gate na nag lalakad at may kasamang isang lalaki. Kinawayan kami ni Myganne samantalang ngumiti naman saamin 'yong lalaki. Tiningnan ko ng mabuti 'yong lalaki at inalala kung saan ko siya nakita.

“Bakit, Avrice?” tanong bigla ni Kennedy sa'kin.

“Siya 'yong unang lalaking nakilala ko at nag ligtas saakin sa gubat.” tiningnan niya rin 'yong lalaki at napa-ah na lang siya.

Nakipag beso sa'ming tatlo si Myganne.

Ah nga pala Avrice, Kennedy, siya si Calyx. Cal sila naman si Avrice at Kennedy.”

“Siya 'yong..” nanlaki ang mga mata ni Myganne at biglang tinakpan ang bibig ko, napahagikgik naman si aunt Charlotte.

Oo siya 'yon, Avrice. Hi Cal! Kamusta?” parang naguluhan naman si Cal pero ngumiti pa rin siya saamin.

“Ayos naman ako, ikaw ang kamusta? It's been a long time.”

“Eto maganda pa rin.” at nag flip hair pa talaga si aunt Charlotte.

Binitawan naman na ako ni Myganne at naupo sa tabi ni aunt Charlotte.

“Maganda nga wala namang boyfriend!” sigaw sakanya ni Myganne, napakunot ang noo ni aunt Charlotte at biglang ngumisi.

Kesa naman sa umaasa sa taong hindi naman magugustuhan.” biglang binatukan ni Myganne si aunt Charlotte.

“Bat sa'kin ka nakatingin?!”

“Bakit? Tinamaan ka? Ikaw ba tinutukoy ko?” nakangisi pa ring sabi ni aunt Charlotte habang hinihimas himas ang batok niya.

“Tumigil nga kayong dalawa. Pare pareho naman kayong single eh nag aasaran pa kayo.” naupo sa tabi ko si Cal, nakakunot at sabay na tumingin naman sakanya sina Myganne at aunt Charlotte.

“Huwaw! Nag salita ang hindi single!”

“Kung makapag salita ka diyan ah, Virgin ka pa?!”

Sabay na sabi nilang dalawa, nagkatinginan kami ni Kennedy at sabay na natawa. Mga baliw pala kasama namin. Nag asaran lang sila nang nag asaran hanggang sa mapagdesisyunan kong mag luto na ng pananghalian namin, nagpaalam ako sakanila tsaka pumunta sa kusina.

“Hi Avrice.”

“Ay mama mo.” natawa naman si Cal sa naging reaksyon ko, umupo siya sa upuan sa counter bar nitong kusina.

Nasa counter bar din kasi ako nag hihiwa ng mga ingredients, so bale magkaharapan kaming dalawa. Ipinatong niya sa kamay niya ang ulo niya na nasa counter bar at tumingin sa'kin.

Kamusta? Huling pagkikita natin no'ng pumasok ka mag isa sa gubat ah.” ngumiti naman ako.

“Ayos naman ako though ang weird lang.”

“Weird? bakit naman?” nakita kong ang seryoso niya habang nakatingin sa'kin.

Hmm.” kinwento ko naman sakanya 'yong panaginip ko, 'yong pareho kami ng panaginip ni Amritta.

Napaayos naman siya ng upo at ginulo ang buhok niya, napa-cross arms din siya at tumango siya. Nakatingin siya sa hinihiwa ko.

“Naniniwala ka namang panaginip 'yon?” bigla siyang tumingin sa'kin.

“Huh?”

“Ah wala.” at napailing pa siya. “Marunong ka palang mag luto.”

“Pfft. Malamang, baka nagtapos ako sa Culinary.” natatawang sabi ko kaya naman ay napakunot ang noo niya at ngumisi na lang habang umiiling iling pa.

Oo nga naman tsk.” at inirapan niya ako, bakla ata 'to.

“Bakla.” bulong ko.

Napatingin siya sa'kin at napakunot ulit ang noo niya, tumayo siya sa pag kakaupo.

Anong sabi mo?” dahan dahan siyang lumapit sa'kin at no'ng malapit na siya sa'kin ay pinag laruan ko sa kamay ko ang kutsilyong hawak ko pa pala at nilingon ko siya.

“Bakla ka, may angal ka?” sabay ngisi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumiti rin siya at ginulo ang buhok ko, hinampas ko naman ang kamay niya.

“Umalis ka na nga dito, nangbi-biwist ka lang! Shoooh!” at tinulak tulak ko pa siya palabas.

Wala naman siyang nagawa at lumabas na rin habang tumatawa, napailing naman ako at pinagpatuloy ang pag hihiwa. Pero bigla akong napatingin sa glass door sa gilid nitong kusina na kung saan ay makikita ang gubat, at nakita ko si.. Drench? Na nakatingin dito sa kusina—saakin?

A-aray!” napabitaw ako sa kutsilyo at napatingin sa daliri ko.

Hindi ko napansin na nahiwa ko na pala ang daliri ko, pag tingin ko ulit sa may gubat ay wala na siya. Guni guni ko lang siguro 'yon, kinuha ko na lang ang first aid kit sa ibabaw ng cabinet at ginamot ang sugat ko tsaka ko tinapos ang pag luluto ko.

Pagkatapos kong mag luto ay sinerve ko na sa dining table at tinawag na sila para makakain, habang kumakain kami ay nag ki-kwentuhan kami. Hindi naman mawawala sa pag kain ang kwentuhan eh.

Parang nakakadagdag pa nga ng sarap sa pagkain ang kwentuhan.

Hmm. Ang sarap!” rinig kong sabi ni Cal. “Ngayon ko na lang ulit 'to natikman!”

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at napatingin sakanya.

What do you mean?”

“Ha? Ah I mean, ngayon na lang ulit ako nakakain ng ganito.” at ngumiti siya sa'kin.

Ngumiti na lang din ako pabalik sakanya kahit na naguguluhan ako, bakit ba parang kilalang kilala niya ako?

Pakiramdam ko rin matagal na kaming mag kakilala.

Aish. Nakakalito.

×××


Calyx❤

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 369 35
In order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end...
5.1K 326 68
I thought I was the type of girl perfectly described as a beautiful garden on a hillside next to the sunset. The type where I bloom everyday with pea...
21.5K 2.2K 40
Isang lobo na nais pangalagaan ang kalikasan, ang bundok Halcon. Story Started: April 24, 2016 Story Finished: October 3, 2020
39.8K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...