The Momentous Premier [š˜šš˜°š˜°...

By Muriaticalyy_

17.6K 812 51

Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing... More

front matter
Prologue.
Momentous 1
Momentous 2
Momentous 3
Momentous 4
Momentous 5
Momentous 6
Momentous 7
Momentous 8
Momentous 9
Momentous 10
Momentous 11
Momentous 13
Momentous 14
Momentous 15
Momentous 16
Momentous 17
Momentous 18
Momentous 19
Momentous 20
Momentous 21
Momentous 22
Momentous 23
Momentous 24
Momentous 25
Momentous 26
Momentous 27
Momentous 28
Momentous 29
Momentous 30
Momentous 31
Momentous 32
Momentous 33
Momentous 34
Momentous 35
Momentous 36
Momentous 37
Momentous 38
Momentous 39
Momentous 40
Premier
Ang mensahe ng manunulat.

Momentous 12

436 24 2
By Muriaticalyy_

×××


Pagkatapos naming mag almusal ay pumunta kaming apat na mag pipinsan sa sala, sila naman uncle ay umakyat at pumunta sa opisina ni aunt Trinity. May mahalaga raw silang pag uusapan.

Kamusta naman kayo?” tanong ko kina Kennedy at Elody.

Pangalawa si Kennedy sakanilang mag kakapatid samantalang bunso naman si Elody, isang taon lang naman ang tanda sa'kin ni Kennedy, isang taon din ang tanda ko kay Elody. Kaming dalawa ni Kennedy ang close, sila naman ni Elody at Amritta ang close sa isa't isa.

“Okay naman kami, boring sa bahay kasi wala akong kasama palagi.”

Pareho pala tayo eh, pero madalas pumunta dito sina aunt Charlotte at Myganne.”

Ako naman stress sa school pero kakayanin para sa future. Nga pala Freign, sa school niyo na ako papasok.”

“Talaga? Edi lagi na akong may kasama at kasabay?” maliwanag ang mukhang tanong ni Amritta.

Kinindatan at ngumiti ng malapad si Elody at tumango.

Yeeees!” napasuntok pa sa hangin si Amritta dahil sa saya.

Nasa magkaparehong taon sina Amritta at Elody, kung ang course ni Amritta ay Lawyer si Elody naman ay Accountancy. Mga big time. Ako at si Kennedy naman ay graduate na, Pharmacy ang kinuha ni Kennedy samantalang Culinary naman ang kinuha ko.

Nag kwentuhan lang kaming apat, maya maya'y napatingin sa'kin si Amritta.

“Nanaginip ka rin pala ate, pareho tayo. Nakita ko pa nga 'yong sugat sa panaginip na sinasabi mo kanina, akala ko rin totoo kaya sinilip muna kita kanina pagkagising ko.” hindi namin napansin na nakatingin na pala saamin sina Kennedy at Elody.

Knock knock” napalingon kaming apat sa pinto at nakita si Myganne.

Kinawayan ko siya at sinenyasan na lumapit sa'kin, lumapit naman siya agad at tumabi sa'kin. Pero hindi ko inaasahan na may kasama pala siya.

Siya! Siya 'yong lalaki sa panaginip ko!” halos magkasabay na sabi namin ni Amritta.

Napakunot ang noo ni Myganne.

“Panaginip?”

“Myganne, Drench. Andiyan na pala kayo, umakyat na kayo sa opisina ni Trinity.” napalingon kaming anim at napatingin sa dulo ng hagdan kung saan nakatayo at nakatingin saamin si aunt Charlotte.

Yumuko naman muna sina Myganne at 'yong lalaki nang makita si aunt Charlotte tsaka nag paalam sa'min si Myganne na aakyat muna, nag tinginan muna silang tatlo nang magkasalubong sa hagdan. Para bang nag tatalo sila. Bumaba si aunt Charlotte at ngumiti sa'min.

“Kamusta kayo? Elody, Kennedy?”

“Okay naman po, masaya kasi kasama na ulit namin sila Avrice at dito na rin kami titira kasama sila.” ngumiti naman si aunt Charlotte.

ikaw po ba aunt Charlotte kamusta?”

“Ayos naman, boring sa bahay mag isa lang ako kaya madalas akong pumunta dito para na rin may kasama si Avrice. Pero ngayon mukhang hindi na ako kailangan dahil nandito na kayo.”

“Huh? Okay nga 'yon eh, the more the merrier.” singit ko sa usapan nila.

“May nanliligaw na ba sainyo?”

“Hay naku aunt Charlotte, ang dami ko na nga pong pinoproblema, sino-solve at binibilang. Wala po akong panahon sa ligaw ligaw na 'yan, siguro pagkatapos ko na lang mag aral.”

“Strict ang parents.” maikling sagot ni Kennedy.

Natahimik kami at nagkatiningan.

“Huwaaw ang taray ng strict ang parents! Virgin!” nag tawanan naman kami sa sinabi ni aunt Charlotte.

“Aunt Charlotte, sino nga po pala 'yong kasama ni Myganne?”

“Ah 'yon ba? Si Drench 'yon, pinsan ni Myganne. Bakit? Interesado ka ba sakanya? Ayieeee ang Avrice namin nag dadalaga na.” pang aasar ni aunt Charlotte.

“Ayieeeee” panggagatong naman nilang tatlo.

Huh? Mga baliw! Natanong lang, interesado na agad? Tsk.”

“Parang gano'n na rin 'yon, syempre nag tatanong ka. Bakit ka nag tatanong? Kasi gusto mong malaman. Bakit gusto mong malaman? Kasi interesado ka!”

Blah blah blah blah! Wala akong naririnig!” sabi ko habang nakahawak pa sa magkabilang tenga ko, tinawanan lang nila ako.

“Sus! Kunwari ka pa diyan eh. Oh, Hi Drench--oh bat ka lumingon? Ayieeeee.. Napaghahalataan ka!”

GRRRR! BAHALA NGA KAYO DIYAN!” sigaw ko at nag lakad pataas ng hagdan pero nag tawanan lang sila.

Hindi ko napansin na sa pag taas ko pala ng hagdan ay may mabubunggo ako at muntik na akong mahulog sa hagdan kaya naman ay napapikit ako at hinintay na lang na maramdaman ko ang sakit pero buti na lang at nahila niya ang braso ko at nahawakan sa bewang. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at muntik pa kaming magkahalikan dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, naramdaman ko naman ang pag init ng pisngi ko.

Nakarinig ako ng sigawan at tilian sa baba at dahil doon ay napalabas ang mga tao sa loob ng opisina at nanlaki ang mga mata nila sa posisyon namin, agad naman akong binitawn no'ng lalaki—ni Drench, at itinayo ng maayos. Pagkatapos no'n ay nag lakad na muli siya pababa ng hagdan.

Napalingon naman ako sa likod ko at nakita kong nakangiti ng nakakaloko saakin sina Aunt Cynthy, uncle Kye at Myganne, wala namang expression ang mukha ni aunt Trinity.

“B-bakit po?” tanong ko sakanila.

“Dalaga na ang Avrice namin.” nag taas baba pa talaga ang kilay ni aunt Cynthy.

WHAT?! PATI BA NAMAN SILA?!

AYOKO NA SA EARTH!

×××

Drench Roauz❤

Continue Reading

You'll Also Like

28.5K 1K 49
Athena Aurora, illegitemate child, badgirl, bad influence, bad mouthed bitch and knows every little bad things and beware of her madness. AURORA SERI...
369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
21.5K 2.2K 40
Isang lobo na nais pangalagaan ang kalikasan, ang bundok Halcon. Story Started: April 24, 2016 Story Finished: October 3, 2020
1.5M 62.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...