The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰...

By Muriaticalyy_

17.6K 812 51

Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing... More

front matter
Prologue.
Momentous 1
Momentous 2
Momentous 3
Momentous 4
Momentous 5
Momentous 6
Momentous 7
Momentous 8
Momentous 9
Momentous 10
Momentous 12
Momentous 13
Momentous 14
Momentous 15
Momentous 16
Momentous 17
Momentous 18
Momentous 19
Momentous 20
Momentous 21
Momentous 22
Momentous 23
Momentous 24
Momentous 25
Momentous 26
Momentous 27
Momentous 28
Momentous 29
Momentous 30
Momentous 31
Momentous 32
Momentous 33
Momentous 34
Momentous 35
Momentous 36
Momentous 37
Momentous 38
Momentous 39
Momentous 40
Premier
Ang mensahe ng manunulat.

Momentous 11

448 18 0
By Muriaticalyy_

×××


Anong nangyayari dito?”

Napatingin kaming lahat sa may hagdan at nakita doon si Amritta na nakatingin saamin habang pababa.

“Nag aaway ba kayo? Rinig na rinig sa taas ang mga sigawan niyo.” kalmado ngunit seryosong sabi nito habang nag lalakad, napatingin saakin si Amritta at napakunot ang noo niya.

“Anong nangyari sa'yo, ate? At..” tiningnan niya sina Myganne at 'yong lalaki na sa pagkaka-alam ko ay Drench ang pangalan. “Anong ginagawa nila dito at sino siya?” nakakunot pa rin ang noo na tanong ni Amritta.

Ang rude nga ng pagkakatanong niya, hay. Ano pa nga bang aasahan ko sa kapatid ko? Nakita kong napabuntong hininga sina aunt Trinity.

“Kalimutan niyo na ang nangyari ngayong gabi at bumalik na kayo sa pag tulog niyo, kayo namang dalawa mag usap tayo sa opisina ko bukas. Umalis na kayo, mag ingat kayo.” sabi ni aunt Trinity at yumuko naman sina Myganne tsaka sila lumabas sa likod ng bahay papunta sa gubat, si aunt Charlotte naman sinarahan niya ang glass door.

Lumapit naman sila aunt Charlotte at aunt Cynthy sa'kin, hinawakan ni aunt Cynthy ang braso ko na may sugat, si aunt Charlotte naman hinaplos ang buhok ko.

“Nicholas? Paki-kuha ng first aid kit.” Utos ni aunt Cynthy kay uncle Kye na agad naman nitong sinunod.

“Ate, bat may sugat ka?” nagaalalang tanong ni Amritta, napapikit naman ko.

“Amritta, bumalik ka na sa pag tulog mo.” mag sasalita pa lang sana siya nang unahan ko na siya “Matulog ka na sabi!”

Shit.”

Nataranta sina aunt Cynthy at aunt Charlotte, napatingin naman sa'min si aunt Trinity. Lumapit siya sa'min at kinuha si Amritta.

“Tara na Amritta, bumalik na tayo sa pag tulog.” nagkatinginan sila, napakunot naman ang noo ni aunt Trinity dahil parang ayaw sumunod ni Amritta sakanya.

Napabuntong hininga siya.

“I guess I don't have any other choice.”

“Wait, what?! Are you crazy, Trinity?!” Sigaw ni aunt Cynthy, pero wala nang nagawa si aunt Cynthy. Tinakpan ni aunt Trinity ang mata ni Amritta.

Sleep y que tengas un lindo sueño. Sleep y no sentirás nada. Sleep y estarás fuera de este mundo. Sleep y sentir nada más que felicidad. Sleep y olvídate de este día.”

Pagkasabi no'n ni aunt Trinity ay biglang nawalan ng malay si Amritta. Anong ginawa ni aunt Trinity? Puro sleep lang ang naintindihan ko sa sinabi niya kasi pabulong lang. Spell ba 'yon?

Bumalik si uncle Kye at nagulat nang makita ang kalagayan ni Amritta.

Ginamitan mo siya?” tanong nito, tumango naman si aunt Trinity. Napailing iling si uncle Kye.

Napakunot ako ng noo at lalong nadagdagan ang katanungan sa isip ko, lumapit sa'min si uncle Kye at ibinigay kay aunt Cynthy ang first aid kit tsaka kinuha ni uncle Kye si Amritta at inakyat sa kwarto niya.

Ginamot naman ni aunt Cynthy ang sugat ko at napasigaw pa ako dahil sa sobrang sakit, parang tinutunaw at sinusunog ang balat ko.

Trinity, look at this.” sabi ni aunt Charlotte habang hawak ang leeg ko.

Nagkatinginan silang dalawa at napailing iling.

Next time na may gusto kang malaman, saamin mo itanong. Sinabihan ka na namin na delikado sa gubat 'diba?” mahinahong sabi ni aunt Cynthy at parang bumalik na siya sa dati.

“Eh iniiwasan niyo nga ang mga tanong ko.”

“Hindi pa ito ang takdang panahon para malaman mo ang katotohanan.” sabi naman ni aunt Trinity.

“Pero kailan? Kailan natin sasabihin sakanya ang totoo? Kung kailan may panibagong digmaan na naman? Dapat nga malaman na niya at ihanda na natin siya sa nalalapit na digmaan.” sabi naman ni aunt Charlotte.

Kaya naman natahimik sila at nagkatinginan nanaman, parang nag uusap sila sa pamamagitan ng mga isip. Napabuntong hininga muli si aunt Trinity at tinalikuran kami.

Bukas mo malalaman lahat ng gusto mong malaman.” sabi niya at naglaho na sa paningin namin.

Ano bang hindi ko alam sa pamilyang ito?

×××


Napabangon ako sa higaan ko at napatingin sa orasan. Shit. 8:37 na. Agad akong bumangon at nag ayos.

Habang naliligo ako ay naalala ko ang panaginip ko, pakiramdam ko ay totoong nangyari 'yon. Napatingin ako sa braso ko at napakunot ng noo, bakit pakiramdam ko totoo lahat ng 'yon? Napailing na lang ako at tinapos ang paliligo.

Pag baba ko ay nagulat ako sa nakita ko, napakaraming bagahe at maleta. Dejavu.

Lumapit ako sa pinto at sumilip, naiharang ko naman ang mata ko dahil nakakasilaw.

Avriceeeee!” nagulat ako nang biglang may yumakap sa'kin.

Kennedy?” tiningnan ko ang yumakap sa'kin at nanlaki ang mata ko. “OMG! KENNEDY!” at niyakap ko rin siya pabalik.

Nagpaikot ikot kami habang magkayakap.

“Sana all.”

Napabitaw kaming dalawa ni Kennedy at napalingon.

Elody!” siya naman ang sinugod ko at niyakap.

“Ohmahgaaaash Avrice! Sobrang na-miss kita couuuz!”

“Sobrang na-miss ko rin kayo! Dito na ba kayo titira?” malapad ang ngiting tanong ko.

Nagkatinginan sila ni Kennedy at Elody at sabay na tumango.

Yuup! Sama sama na tayo!” sabi naman ni Kennedy.

Excuse me.” napahinto kaming tatlo sa pag didiwang at napalingon. Nakatayo sa gilid ko si Amritta na naka-cross arms at naka-taas pa ang kilay.

“Freeeeign!”

Sigaw nilang dalawa at si Amritta naman ang sinugod nila ng yakap kaya naman natumba sila, nag tawanan sila.

Oh anong nangyayari dito? tumayo na kayo at pumasok na sa loob.” sabi naman ni aunt Cynthy kaya pumasok na kami.

Dumeritso kami sa dining room, magkakatabi kaming mag pipinsan dito ra right side ni aunt Trinity samantalang sila naman aunt Charlotte, aunt Cynthy at uncle Kye ang magkakatabi sa left side, syempre sa gitna si aunt Trinity.

Tinanghali ka ng gising Avrice, ah.” sabi ni aunt Charlotte.

“Oo nga eh, ang sama kasi no'ng panaginip ko. Pumunta raw ako sa gubat kagabi tas may kung anong nilalang na biglang sumulpot at sinugatan ako tapos may nag ligtas sa'kin tapos pag dating namin dito nag sisigawan tayo. Parang totoo nga 'yong panaginip ko eh, pero pag tingin ko naman sa braso ko wala naman akong sugat pati na rin sa leeg ko.” kwento ko dahilan para matahimik sila, napatingin naman ako sakanila at lahat sila ay nakatingin sa'kin.

Bakit?” inosenteng tanong ko.

“A-ah buti nga walang nangyari sa'yong masama at hindi ka binangungot! 'Yan kasi, lagi namin kayong pinagsasabihan na mag dasal bago matulog! Tsk.” sabi naman ni aunt Cynthy.

Pero hindi nila alam na napansin kong napabuntong hininga silang apat.

May tinatago sila.

×××

Elody Zendara

Kennedy Margareith

Continue Reading

You'll Also Like

121K 3.8K 47
Who knows, a disastrous meeting with him would lead a disastrous experience to her? Hell. That's the perfect word you would experience if you stand o...
23.4K 1.5K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...
3.3K 79 18
Current rank: #2 in Arrest If there's a legal wife then there's a lethal wife. She's Lethal because she's not your typical wife type. Yes, she had it...
494K 16.4K 49
β€’DARKSTONE SERIES 2β€’ Katrina's life turned upside-down after the Mating Season's Ball. Una, ibinigay n'ya ang sarili sa Beta ng DarkStone dahil sa s...