-24-
Keith Point of View:
"Sa tabi nalang po."
Pagkaparada nito sa gilid ay binigay ko ang buong 200 pesos at lumabas na. Tumakbo ako papalapit kanila Mikaela na pumapagitna sa away.
"Tumigil na kayo!"
Inis na sigaw ni Janine kanila Van. Pero imbis na tumigil ay itinulak niya lang si Janine at agad na sinuntok sa mukha si Lance. Na ngayon ay punong puno na nang dugo ang mukha.
Akmang susuntukin nito ulit nang hawakan ko ang braso ni Van.
"Tama na."
Mariin kong sabi sa kanya. Napatingin naman ito sakin at halata sa kanyang mata na hindi niya inaasahang makikita niya ako dito.
"Woah! Keith? Nandito ka pala? Anong ginagawa mo dito?"
Binitawan ko ang braso nito. At saglit na pinasadahan si Lance. Akay akay na ito nila Janine palayo rito. At wala itong malay.
Tumingin ako kay Van.
"Kung ano man ang atraso sayo ni Lance. Please! Ako na ang nakikiusap------"
"Ano ako tanga? Malaki ang atraso niyan sakin, Keith! Inagaw niya si Michelle sakin! Kaya kulang pa ang bugbog na ginawa ko sa kanya. At Keith! Parang hindi mo naman ata napagdaanan na nasaktan----"
"Matagal na yun, Van. Matagal na akong nakalimot. Kaya kalimutan mo narin ang mga nangyari."
Seryoso kong sabi. Bigla naman itong natawa nang sarkastiko na parang hindi niya matanggap na nasasabi ko ang mga bagay na iyon.
"Ha ha ha! Keith! Matagal? Eh bakit para sakin parang kahapon lang nangyari? Nandito parin yung sakit!"
Turo nito sa kaliwang dibdib nito. Napairap nalang ako. Ang drama, potek!
"Bitter ka kasi."
Sabay irap ko rito.
"Anong sabi mo?"
"A-ray! Masakit V-an!"
Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kingina! Kapag namasa yan, yari tong unggoy na ito! Damn it!
"Bakit ka ba nangingialam dito, ha? Away namin to ni Lance, kaya labas ka rito!"
Inis nitong singhal sakin. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya. But damn! Mas lalo niya lang hinihigpitan!
"Wala akong pakialam kung away niyo ito! Ang akin lang naman ay sana tantanan mo na ang ka-bitteran mo! Aaah!"
Namimilipit na ako sa sakit. Damn it!
"Mas masasaktan ka talaga sakin, Keith!"
"A-rayy!"
Napakagat ako nang mariin sa aking labi para mapigilan ko ang pagtulo nang luha ko. Masakit na talaga.. sobrang sakit na!
"Bitawan mo si Keith!"
Pinaghahampas nila Mary Love at Mikaela si Van. Inis na tinulak ni Van silang dalawa kaya napasalampak ito sa sahig.
"Mikaela! Mary Love!"
Sigaw nila Crizza at mabilis na pumunta rito para tulungan makatayo. Nakita ko pa ang pagtulo nang luha ni Mikaela habang hawak nito ang gasgas sa kanyang siko.
"Ipunta niyo si Lance sa hospital. At Mikaela, ipagamot mo yan."
Nahihirapan kong sabi sa kanila. Tumango ang mga ito. Nang makatayo sila ay biglang pinagsalitaan sila ni Van.
"Wag na wag kayong makikialam ulit. Kung ayaw niyong masaktan!"
Singhal nito. Mas binilisan nila Janine ang paglalakad nila palayo rito. Si Crizza at Janine ang may akay kay Lance.
Nang madako ang tingin nito sakin ay ngumisi ito na ikinatakot ko.
"Ngayon ko lang napansin na nagpapakababae ka na pala?"
Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa hanggang sa huminto ang tingin nito sa hita ko.
"W-ala kang pakialam."
Ngumiwi ako nang maramdaman na kumirot ang braso ko. Hanggang ngayon hindi niya parin binibitawan ang braso ko. Kaya sigurado na ako. May pasa na talaga iyon!
"Ang bango mo rin.."
Inamoy pa nito ang leeg ko. I gasped. At nakaramdam nanaman ako nang takot nang haplusin nito ang pisngi ko.
Napapikit ako nang mariin.
Bumabalik nanaman ang trauma ko..
Hindi ko na napigilang mapaluha. Natatakot na ako sa susunod na gagawin niya sakin.
*boogsh*
"Subukan mong hawakan ulit siya, hindi lang yan ang aabutin mo sakin."
Napamulat ako. At nakita ko si Gerald na nanlilisik ang tingin kay Van na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Habang hawak ang gilid nang kanyang labi na may dugo.
"Ang tapang mo ah! Hindi mo kilala ang binabangga------ FUCK!"
"Gerald!"
Awat ko rito nang bigla niyang sinipa ang sikmura ni Van at sabay sinuntok sa mukha.
"AKO ang hindi mo kilala! Kaya wag mo akong niyayabangan. Baka malibing kita nang buhay diyan sa kinahihigaan mo!"
Ito yung Gerald na nasaksihan ko nung muntik na akong ma rape.
"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita! Tandaan mo yan!"
Ngumiwi ito at iika ikang naglakad palayo.
"Let's go."
Malamig na sambit nito sakin. Napalunok ako nang tatlong beses bago sumunod sa kanya. Sumakay na ito sa driver seat. Kaya umikot ako para makasakay na rin. Bago ko buksan ang pinto nito ay napahingang malalim ako.
Wag mo munang pairalin ang takot mo, Keith. Kalma ka muna...
Pinaandar na nito ang kotse niya nang walang imik. Minsan napapatingin ako sa kanya pero sa mga sandaling iyon, hindi parin nagbabago ang expression nito. Napaka emotionless nanaman..
Mabilis lang kaming nakauwi sa bahay dahil walang gaanong traffic. Bumaba na ito at dire- dretsong pumasok sa bahay. Napakagat nalang ako sa labi at lumabas narin.
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko itong nakaupo sa ikatlong baitang nang hagdan habang ang kamay niya ay nasa ulo nito at hinihilot iyon.
Dahan dahan akong lumapit rito at huminto sa harap niya.
"T-hank you.."
Mahina kong sabi rito. Pero sapat na para marinig niya.
"Kaya ba nagmamadali ka kanina para makipagkita kay Lance at sa lalaking iyon?"
Mahinahon pero nandun yung inis na tono niya. Napabuntong hininga ako at hind agad nakasagot.
"H-indi sa ganun-----"
"Hindi sa ganun pero yun ang nakikita ko!"
Tumayo ito at tinignan ako mismo sa mata. Agad akong napayuko. Dahil hindi ko kayang sabayan ang galit niyang tingin sakin. Hindi ko kaya...
"Pumunta lang-----"
"Papayag naman ako eh! Pero anong ginawa mo? Binaliwala mo lang ang tanong at tawag ko sayo!"
"Sorry.."
Nararamdaman ko nanamang tutulo ang luha ko..
"Sorry?! Yan ang lagi kong naririnig sayo kapag nasasagip kita sa mga manyakis na yun, Keith!"
"Hindi ko alam na ganun ang mangyayari.."
"Ha!"
Malakas na anas nito na parang hindi makapaniwala.
"Keith, kung pupunta ka sa isang lugar mag isip ka muna kung ano ang mangyayari! Damn it!"
Pinunasan ko ang luha na pumatak na sa mata ko. Hindi ko na napigilan.. Masyado na akong guilty sa ginawa ko.
"Eh paano kung hindi kita sinundan? Sa tingin mo ba, makakauwi ka nang ganyang ayos parin ha?"
Hinawakan nito ang braso ko na hinawakan kanina ni Van. Agad akong napangiwi sa sakit.
"Nasa-saktan ako..."
"SAGOT! Sa tingin mo ba-----"
"Hindi! Kung hindi ka dumating baka napagsamantalahan nanaman ako! Kung hindi ka dumating bugbog sarado na ako! Kung hindi ka dumating mamatay na ako sa takot!"
Umiiyak na singhal ko rito. Napatigil ito saglit sa pagsigaw ko.
"Alam ko namang napaka gaga kong babae para lumabas pa nang ganitong oras. Pero anong magagawa ko? Nandun ang mga kaibigan ko, naiipit sa isang sitwasyon na hindi naman nila ginusto! Hindi naman ako pupunta doon eh! Pero si Mikaela, nagmakaawa na sakin. Dahil sabi niya kapag tumawag sila nang pulis ay mas lalaki lang ang gulo! Kaya AKO... Ako mismo ang pumunta na hindi iniisip kung ano ba ang kahihinatnan ko roon! Kaya sorry! Sorry kung nadamay ka sa katangahan ko. *Huk*"
Pinunasan ko ang aking luha at patakbo nang umakyat sa kwarto. Agad akong dumapa sa kama at doon ako umiyak nang umiyak.
Narinig ko pa sa baba na may mga nababasag na mga gamit.
Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makatulog na ako.
*------------
Vote and Comment Guys!