-10-
Gerald POV:
"Sa ngayon, hintayin na muna natin siyang magising para malaman natin kung may kumplikasyon pa."
Sabi nang doctor samin.
"Salamat Doc"
Tumango lang ito at lumabas na sa room na ito. Lumapit sila Tita Yuri kay Yurika na ngayon ay mahimbing na natutulog. Halata parin sa kanyang katawan ang mga pasa.
Nagtaka kami nung una, pero nalaman rin namin sa mga bata na pagdating ni Yurika ay agad itong sinampal nang dalawang beses. Kaya simula nang sampalin ito ay lumaban si Yurika kay Xyron. Hanggang sa mauwi sa barilan. Nung nakapasok na kami sa loob ay balak ni Xyron na barilin si Yujae dahil lumapit ito sa mommy niya para tulungan pero si Yurika ang sumalo nang bala kaya simula nun ay nasa likuran ni Yurika ang mga anak niya na dama ang takot sa kanilang ama.
"Im sorry------"
"Hindi ko matatanggap ang sorry mo ngayon, Xyriel. Hangga't hindi ko pa nasisilayan ang paggising nang anak ko."
Malamig na sambit nito kay Tita Xyriel. Napatango nalang ito. Halata sa kanyang mukha ang lungkot. Tss. Hindi naman magkakaganyan sila Tita kung hindi dahil doon sa gagong Xyron na iyon!
"Ano bang nangyari sa anak niyo? Bakit niya nagawa ito sa anak namin?"
Kalmado na tanong ni Tito. Tahimik lang kaming nakikinig sa usapan nila. Dahil ayaw naming makisabat sa usapan nang matatanda samin.
"H-indi ko alam. Kahit kami nagulat nang malaman ang pangyayaring ito."
Sagot ni Tito habang yakap niya si Tita Xyriel na ngayon ay humihikbi na.
"Hindi na namin hahayaang maulit ito. Kaya mas mabuti nalang na mag divorce nalang sila. Ayokong makita ang anak ko sa ganitong kondisyon. Dahil masakit para sakin.."
May tumulong luha narin kay Tita Yuri. Minsan lang namin siyang makitang umiyak. Dahil madalas ay nakangiti ito at walang lungkot na nadarama. Kaya bago samin ito. Napatingin ako sa mga kasama ko, maging sila ay nakatingin lang kay Tita at may halong awa sa kanilang tingin.
Mahirap nga rin naman sa isang magulang na makitang nakahiga sa kama ang anak niya at may mga pasa at tama nang bala sa katawan..
"Pero---- paano yung mga apo natin? Paano sila?"
Lumapit si Tita Xyriel kay Tita Yuri pero hindi man lang ito tinapunan nang tingin. Nakatingin lang siya kay Yurika..
"Pwede niyo silang bisitahin. Hindi namin sila ipagdadamot."
"Paano si Xy-----"
"Bahala na siya sa buhay niya. Wala na akong pakialam sa kanya. Simula nang gawin niya ito sa anak namin ay kinalimutan ko na siya bilang PANGALAWANG ANAK ko."
"Please, Yuri.. Pag isipan-----"
"Napag isipan ko na ito, kaya hindi na iyon magbabago. Hintayin niyo nalang ang divorce papers na ipapadala ko sa inyo para pirmihan nang anak niyo."
"Nagmamakaawa ako. Please, wag namang ganito.."
Lumuhod si Tita Xyriel sa gilid nila Tita Yuri. Agad na lumapit sa kanya si Tito at naawa narin siya sa asawa niya dahil sa pagmamakaawa nito.
"Alam kong mahal nila ang isa't isa-----"
"Lintek na pagmamahal yan! Dahil diyan napahamak ang anak ko! Alam kong mahal niya ang anak ko, pero kung ganito pala siya magmahal na aabot sa patayan. Edi sana, AKO nalang ang pumatay sa kanya para siya ang nakahiga dito at hindi ang anak ko! Nanay ka, Xyriel. Kaya alam kong nararamdaman mo rin itong nararamdaman ko. Dahil walang magulang na gustong makita ang anak nila sa ganyang kalagayan! Kaya kahit magmakaawa ka diyan, hindi na magbabago ang isip ko. Kahit lumuha ka pa--- o kahit kayong mag asawa, isama mo na rin yang gagong anak mo! Kahit magmakaawa pa kayo, wala na akong pakialam sa inyo."
Mas napaiyak si Tita Xyriel sa sinabi ni Tita Yuri. Niyakap ni Tito ito.
"Yuri----"
"Mamili kayo.. Divorce o Pagkakakulong nang anak niyo? Choose one."
Malamig na sabi ni Tito na nagpatigil sa lahat. Maging sina Tita ay natulala sa sinabi nito.
"Yan lang ang option na ibibigay namin sa inyo. Kaya kapag hindi kayo pumayag na mag divorce sila, hindi kami magdadalawang isip na ipakulong yang anak mo."
Dagdag pa ni Tito. Mas tumitindi ang galit nila Tito. Dahil nararamdaman namin at hindi rin namin maitatanggi iyon.
Lumabas nalang ako para hindi na makita o masaksihan ang nagaganap doon.
Lumabas ako sa hospital para maghanap nang makakainan. Wala pa akong kain simula nang isugod dito si Yurika.
"Gerald.."
Napahinto ako nang marinig ang boses nito na tinatawag ako. Hindi na ako lumingon pa, dahil hindi naman kagalang galang ang haharapin ko. Tsk
"Let's talk."
Dagdag nito pero hindi parin ako umiimik. Galit parin ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Yurika. Hindi niya iniisip na babae parin at asawa niya parin si Yurika. Napakagago lang.
"Talk to yourself."
At nagsimula nang maglakad.
"Please, Gerald. Please"
Napatigil ako nang marinig iyon galing sa kanya. Minsan at sobra pa sa minsan kung marinig ko ang word na yan sa kanya.
"I know that you are the only one that i will talk to. So please, can i have your time?"
"My time was expensive-----"
"10 minutes."
"I don't-----"
"5 minutes."
"Ayoko----"
"Okay. 1 minute only. Please, talk to me. It is just a little bit time that you will give it."
Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi niya talaga ako titigilan.
"Alam kong ikaw lang ang makakausap ko-------"
"Okay. 1 minute, deal. Coffee shop, then."
Naglakad na ako patungo sa kotse ko at sumakay roon. Tinignan ko ito at naglalakad narin siya patungo sa kotse niya. Kaya pinaandar ko na ito na hindi na ulit siya nililingon.
Sana Xyron, sa binigay kong 1 minute sayo ay hindi masasayang nang basta basta. Maipaliwanag mo ang dapat maipaliwanag. Dahil kung hindi, baka mapatay kita nang wala sa lugar at oras.
Keith Point of View:
Napatigil ako sa pag iyak nang may nagsalita. Nilingon ko ang paligid pero wala namang tao. Saan galing ang boses na iyon? Bakit ang lapit lang niya?
"S-ino ka? At nasaan ka?"
Pinunasan ko ang natitirang luha sa mukha ko. Hindi ko mapigilang kabahan. Baka engkanto yata ang nakatira dito, kaya ganito kaganda ang garden dito?
"Sa taas. Tsk"
Pagkarinig ko nang sabi niya na iyon ay napatingala agad ako. At nakita ko ang lalaki na nakaupo sa sanga at nakatingin na ngayon sakin. Kaya agad akong napatayo.
"Anong ginagawa-----"
"Tabi."
Utos nito sakin. Kaya napatabi narin ako. Tumalon ito pababa kaya ngayon nasa harapan ko na siya. Pinapagpagan niya ang kanyang polo. Nang matapos niyang gawin iyon ay tumingin ito, mismo sa aking mata na ikinapitlag ko pa.
"Paano ka nakapasok sa lugar na ito? Hindi mo ba alam na prohibited ang lugar na ito? Lalo na sa kagaya mo?"
Malamig na sambit nito. At ang talim nang tingin niya sakin. Kaya napaiwas ako nang tingin at tumingin nalang sa mga bulaklak.
Gwapo nga, masungit naman. Parang hindi pa marunong ngumiti. Sayang..
"Kung bawal pala ang tulad ko rito, eh bakit ikaw? Nandito? At natutulog ka pa sa sanga?"
Napaka delikadong tumambay and worst mahiga sa sanga. Kahit na malaki ang sanga ay delikado parin.
"You don't care. And this is MY TERRITORY that you standing right now."
Ang sungit niya talaga!! Mas malala pa ito kay Gerald! Badtrip!
"Territory? Ano? Anak ka ba nang presidente para magkaroon nang territory dito? Unbelievable."
Humakbang ito papalapit sakin kaya hindi ko maiwasang mapasandal sa puno. Nang makalapit ito sakin ay hinarang nito ang magkabilang braso nito sa pagitan nang mukha ko, at isama mo pa ang ilang dangkal na layo nang mukha namin, kaya hindi ko maiwasang magulat..
Masyado siyang mabilis..
"Transferee ka siguro? Kaya hindi mo ako kilala?"
Ang bango nang hininga niya, sheyt!
"A-no naman sayo, kung transferee ako?"
Maangas na tanong ko sa kanya, kahit na deep inside.. kinakabahan na ako sa kanya. Malay mo, killer siya..
Mas nilapit pa nito ang mukha niya kaya naramdaman ko ang pagdikit nang ilong namin. Shit! Hindi ko na talaga mapigilang kabahan.
Kung hindi siya killer, baka rapist ito! Ayoko pang mawala ang virginity ko. Kahit gwapo siya, ayoko padin. Sawa na ako sa ganitong set up, dahil naalala ko lang ang mga panget na matataba na iyon!
"Dahil kung sino man ang tumungtong sa teritoryo o pag aari ko ay magiging pag aari ko narin. Kaya akin kana, Keith Co."
And he kissed my lips, it is just a smack! But damn! First kiss ko yun! Paksheyt na malutong!
He stole my first kiss! And now, he smirking to me.. hindi parin ako makapag react.
And he just called me by my name? How did he know?
"I just saw your ID."
Biglang sagot nito. Kaya nasagot na ang tanong ko. Lumayo ito sakin at naglakad na palayo. Nakahawak lang ako sa labi ko. Dahil nadarama ko parin ang labi niya sa labi ko.
"By the way, Im Terrence Vinluan. Rence for short, baby.."
Damn it!
*---------------------
Vote and Comment Guys!