MAFIA 3: DARK The Mafia Boss...

Od YourMyCookieHeart

1.5M 32.3K 1.9K

Aileen Ramirez ay isang probinsyanang babae na napadpad sa siyudad ng ka-maynilaan dahil sa nangyaring hindi... Viac

PRELUDE
UNO
DUE
TRE
QUATTRO
CINQUE
SEI
SETTE
OTTO
NOVE
DIECI
UNDICI
DODICI
TREDICI
QUATTORDICI
QUINDICI
SEDICI
DICIASSETTE
DICIOTTO
DICCIANNOVE
VENTI
VENTUNO
VENTIDUE
VENTITRE
VENTIQUATTRO
VENTICINQUE
VENTISEI
VENTISETTE
VENTOTTO
VENTINOVE
TRENTA
TRENTUNO
TRENTADUE
TRENTATRE
TRENTAQUATTRO
TRENTACINQUE
TRENTASEI
TRENTASETTE
TRENTOTTO
TRENTANOVE
QUARANTA
QUARANTUNO
QUARANTADUE
QUARANTATRE
QUARANTA-CINQUE
QUARANTA-SEI
QUARANTA-SETTE
QUARANTOTTO
QUARANTA-NOVE
CINQUANTA
CINQUANTUNO
CINQUANTADUE
CINQUANTATRE
CINQUANTAQUATTRO
CINQUANTA-CINQUE
CINQUANTASEI
CINQUANTA-SETTE
CINQUANTOTTO
CINQUANTA-NOVE
ULTIMO CAPITOLO
EPILOGO
NOTA DELLA DEA
Capitolo Speciale
G R A C I A S!

QUARANTA-QUATTRO

18.2K 360 13
Od YourMyCookieHeart

DARK The Mafia Boss Chapter 44

BAHAGYANG napasimangot at ngumuso ako na tinatanaw ang buong paligid muka sa kinauupan ko. Kahit medyo malayo ang kinauupuan ko sa matao at napakaingay na tao sa harap ay hindi ko mapigilang mapangiwi at maubo, dahil sa sari-saring usok na nalalanghap ng inosente kong baga.

At nasa iisang tao lang nakatutok ang aking magagandang mga mata. As in, yung parang eagles eye. Yung tutok na tutok at pwede ng malusaw o kaya bumulaga na lang sa sahig dahil sa sama ng tingin. Yung predator na ready-ng ng lapain ang biktima niya. Don't get me wrong ha, duh, napaka-dyosa ko lang para susunda lang ang isang kagaya niya. Nagkataon lang na nandito siya na nakipaglampungan sa babaeng nakakandong sa hita niya at ang hudas ay hinihimas pa ang hita nito. At buti na lang talaga, dahil madilim itong kinauupuan kong couch dito sa bar. Yes, tama. Oo. Tama ulit. Nasa bar ako dahil nagpumilit akong sumama kay Vianno na sumama rito dahil nabuburyo na ako sa mansyon niya.

Habang inisahang lagok ko ang inorder na inumin para sa akin ay hindi ko parin inaalis ang tingin sa kanya at pagkatapos 'nun ay nilapag ito sa mesang gawa sa salamin. Kahit na nakakasilaw at nakakahilo ang mga patay-sinding mga ilaw at ang paiba-iba nitong kulay ay nakaya ko parin siya makita.

"Hmm," lumingon ako sa gilid ng marinig ko ang boses niya.

Tinasan ko man ng kilay ay hindi ito natinag. "Bakit?" salita ko. Nakahawak ang mga kamay nito sa baba na para bang tinatantya niya kung ano ang nasaisp ko. Sinisiyasat ang bawat galaw ko.

"Kulang na lang ay mabasag ang mesa dahil sa ang lakas ng pagkakalapag mo sa baso." sinabi ni Kesha habang nasa mga baba parin nito ang mga kamay at nakadekwarto pa ito.

"You know, it's written in her face she's just jealous..." sabat pa ni Aris na ikinalaki ng butas sa ilong ko.

"Ano?" Asik ko. "Hoy! Hindi ah!"

Tinitigan lamang ng dalawa na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Weh? Seryoso? Mamatay ka man?" si Aris.

"Oㅡ" napatigil ako ng may marealize. "Ikaw muna ang mauuna sunod si Kesha panghuli ako." sarap batukan nito. Feeling siguro ng dalawang ito na close na kami sa isa't-isa, pero hindi. Uhm, slite lang naman mga one percent. Ganern.

Kibit ang mga balikat ay bumalik ang mga ito sa ginagawa. Sumimsim ng alak sa kopita si Aris habang nakadekwatro naman si Kesha habang pinagmamasdan ang paligid.

Ulit, ngumuso ako at nilibot ang paningin sa buong paligid.

Actually, parang sabit lang talaga ako sa lakad nila dito. Hindi naman dapat ako nandito kaso nagpumilit lang ako. Bumuga ako ng malakas na hininga.

May 'business' as yung business sila rito sa bar kung nasaan ako. Hanggang ngayon ay gindi parin lumalabas ang hinihintay namin. Si Vianno. Nasa isa sa mga VIP room rito sa bar na ngayon ay nasa third floor ng building ginaganap. Halos magkakalahating oras narin ang nakalipas at nababagot na ako rito.

Yung business na sila lang nakakaalam. Pero ako, alam na alam ko kung anu na ang ginagawa nila sa itaas. They are exchanging something illegal. Making an alley, maybe.

Wala sa sariling binalik ko ang tingin sa kanya na ngayon ay wala na ito sa kanyang pwesto. Nanatili ang babae sa kinauupuan nito ngunit wala na ang huli, ang babaeng nakakandong sa kanya kanina na may kahalikan na naman na ngayong ibang lalake. "Ibang klase rin si ateng, bes'." bulong ko sa aking sarili. Sarap kurutin sa singit. Pramis. Nangigigil ako.

Hinanap naman ng mga mata ko ang pamilyar na bulto nito kaso hindi ko na ito makita. Malakas akong bumuga ng hangin, naiihi na naman ako.

"Where are you going?" tanong sa akin ni Jenny na kanina pa tahimik. Inakala ko nga na patay na ang isang ito dahil hindi man lang ito kumibo sa kinauupuan.

"Sa comfort room," tipid ko sagot at nagmamadali ng tinungo ang banyo. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa dahil naiihi na talaga ako. Parang gusto ng sumabog ng pantog ko.

Napapangiwi pa nga ako habang dumadaan papauntang banyo dahil hindi na nahiya ang tao rito kung makachukchakan sa mga kasama nila. Duh. My innocent eye is now polluted.

Nang makarating ay agad ako nagtungo sa isang bakanteng cubicle at ginawa ang gawin. Nang may maalala ay nabitin sa ere ang pagihi ko.

Kunot ang noo. Teka nga lang. Paano nga ba ako napunta sa lugar na ito? Na ang naalala ko lang ay kasama ko lang si Dark noong mga oras na may mangyaring sagupaan sa mansyon ng Mayor ng lungsod na ito.

Teka. Teka. Ano nga ba ang nangyare?

2200 HOURS BEFORE|

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking magandang mukha, dahilan para takpan ko gamit ang kamay kaliwang kamay ang mukha mula sa sa sinag nito.

"Argh!" ungol ko ng may yumuyuyog sa aking katawan. "Ano ba!"

"Hey, wake up, sleepyhead." hindi parin ito tumitigil sa pagyugyog sa akin.

Kumunot ang akin noo. Bakit ang lambot at ang bango ng hinihigaan ko. Sa pagkakaalam ko nasa...ang kaninang natutulog na diwa ngayon ay buhay na buhay.

Mabilis at marahas akong napabangon ng wala sa sarili. Nilibot ang paningin sa buong kwarto at pamilyar ito sa akin. Napasinghap ako. Anongㅡ

Lumingon ako sa nag-iisang tao sa aking harapan na walang kahit na anong ekspresyon sa mukha na ngayon ay unti-unting tumataas ang kanang kilay nito.

"What? You look like seeing a ghost here." sambit pa niya.

Nakakita nga ako. Parang nga akong nakakita ng baboy na lumilipad at ibon na may buntot sa laki ng mata ko.

"Paano ako napunta rito?" kapagkuwan ay tanong ko sa kanya.

Kunot ang noo, "What do you mean?"
"dito!" giit ko sa silid kung saan ako nagpapahinga.

May pagtataka man ay sumagot parin ito. "This is your home, your room to be exact." Sumingkit ang mga mata nito na para bang nawi-wierduhan sa akin. "Is there something hit on your head, Miss Aileen?"

Lumingon ako kay Jenny na nakatitig sa akin na para akong nababaliw. Oo. Kulang na lamang ay mababaliw ako. Sa pagkakaalala ko ay kasama ko si Dark. Ano ba ang nangyayare?

Sumasakit ata ang ulo ko sa pag-iisip at mababaliw na ako. Sa pagkakaalam ko ay maganda ako hindi baliw.

Naalala ko na magkasama kami ni Dark kagabi. Dahil sa pag-iisip ay napahawak tuloy ako sa aking noo.

"You're acting weird..." salita niya na ikinalingon ko sa kanya.

"Anong nangyare kagabi?" sa halip ay tanong ko. Nasa magkabilang ulo ang aking mga kamay.

Ilang segundo niya muna akong tinitigan hanggang sa magsalita muli ito. "You pass out last night,"

Wala akong matandaan, pramis. Kinunotan ko siya ng noo. Hindi naniniwala sa mga pinagsasabi ng bruhang ito.

"When the encounter happens, you pass out in the middle of fight." huminto ito. Iniisip kung ano ang nangyare kagabe. "and your sick." dagdag pa niya.

Tumingala ako upang makita ang mukha niya. Ang mukha nitong walang kahit na anong bahid na emosyon. Tinitigan ko siya ng mabuti kung totoo ang sinabi niya. Ilang segundo ang lumipas ay ako rin ang sumuko. Bakit? Paano ba ako mananalo sa isang tao na expert sa pakipagtitigan. Edi siya na.

Bumuga ng malakas at marahas na bumalik sa pagkakahiga sa kama. Tinalikuran ko ito at binalot ang sarili ng kumot.

Siguro nga ay, nagdidiliryo lamang ako kagabe kaya iyon ang nakatatak na sa isip ko. Panaginip lang pala ang lahat na iyon. Akala ko kasi...muli ay napabuntong hininga ako.

Wala naman na akong maramdaman na kakaiba sa aking sarili. Maliban lang sa pagiging maganda ko, ayun lang at wala na. Siguro nga ay bumaba na ang lagnat ko.

Narinig ko naman siyang bumuga ng hangin ay naramdaman ko ang paglakad nito at ang paghinto niya. "You have to move, Vianno is waiting at the dining." yun lang ang sinabi niya at narinig ko muli ang pagsara ng pinto.

Nang ako na lamang ang mag-isa sa silid at bahagya akong tumihaya. Kaharap ko na ngayon ang kulay cremang kesame. Nakatitig lamang ako roon ng halos limang minuto, naghihintay na may mahulog na himala mula rito. Sana nga.

Hanggang sa may butiking lumapit sa magarang chandelier dahil sa may pagkatanga rin ay nakuryente ito at nahulog. Ayun, instant pritong butiki.

Kapagkuwan ay wala sa sariling bumangon ako at tinungo ang banyo. Sinipa ko muna ang napritong butiki palayo ng madaanan ko ito at pumasok na sa banyo.

Ilang minuto rin akong nagtagal roon bago ako makapagdesisyon na lumabas na. Habang sout ang roba at towalya sa aking buhok. "Woah!" napatalon at napapakarate kid style pa ako sa gulat ng may dalawang babae na pala ang nag-aabang sa akin sa labas ng banyo. 

Nang nahimasmas ay bumalik ulit ako sa dati maliban na lamang sa dalawa na hanggang ngayon ay nakayuko parin ang mga ulo. Napag-isip-isip ko kasi na muntanga ako kanina.

I composed myself with beauty and poise. "Ahm..." tumikhim. Naalala ko pa lang silang dalawa ang nag-aayos sa akin kapag wala sina Aris at Kesha. Siguro ay may abala ang mga iyon sa ibang bagay. "May kailangan ba kayo?"

"Pinapautos sa amin ni Master na kayo ay ayusan," halata naman gurl.

"Nako, wag na, kaya ko na ang sarili ko okay." ani ko habang lumalapit sa vanity table. Pinatitigan ko muna sandali ang sarili. Nang mapansin ag dalawa gamit ang salamin na hindi parin ito umaalis ay napabuga ako ng malaks at humarap na ako. "Wag niyo na akong hantayin dahil matatagalan pa ako hindi pa ako nakabihis 'e."

"It's okay, we are here to serve you, Lady Aileen." Nilingon ko naman ang isa pa nitong kasama na babae.

"Hindi na nga diba. Kaya ko na." pilit ko pa.

"Mas matatagalan pa po tayo kung magmamatigas kayo, Lady Aileen." yung isa na naman ang nagsalita.

Muntik ng tumirik ang mga mata ko dahil anumang sandali ay maiinis na talaga ako sa kanila. Ano ako bata, para silbihan nila. Duh, ang mga dyosang tulad hindi na kailangan pang pagsilbihan okay. Pero, oo nga naman. May point naman siya roon. Kasi naman, ayoko lang talaga.

Okay. Suko na ako. Bahala na sila sa buhay nila. Hinayaan ko na lamang na sila na ang pumili ng damit na susuotin ko at lahat-lahat. Umabot pa kami ng trenta minuto dahil inayos pa nila ang medyong mahaba kong buhok. Gusto ko lang naman na nakalugay lang ang buhok kaso ang dalawa parang sila ang may-ari ng buhok dahil sila ang nagd-disesyon kung ano ang gagawin.

Sarap lang sabunutan ang mga 'to.

Kesyo, may panauhin raw si Vianno kaya ganito. Kailangan ay pormal itong sout ko at kaaya-aya tignan. Kaya heto ako ngayon. Nakaharap sa salamin at pinatitigan ang kulay kremang bestidang sout na umabot hanggang tuhod. Mataas rin ang manggas nito na umabot hanggang siko. Maganda nga siya dahil bumagay siya sa kutis kong porselana. Napapansin ko na may mga magagandang borda din ito sa may bandang ibaba ng damit.

"Kahit na kailan ang ganda ko parin." lumingon ako sa likuran ko. Binabalik at inaayos ang mga gamit na ginamit namin kanina.

Kumunot ang noo ko ng mapansin ang selpon. Sa pagkakatanda ko lumipad at nagdive yan sa ilog ha. Napatampal naman ako sa noo. Tanga lang Aileen. Panaginip nga lang iyon diba. Tsk.

Dinampot ko na lamang ito at in-open ang camera. Inayos ng konti ang sarili para may pang-post sa pesbok. "Selfie muna."

NANG MAKARATING sa dining hall ay bumungad sa akin ang napakaraming pagkain. Mga tagapagsilbi na hindi magkandaugaga papuntarito at paroon. Kumunot naman ang noo ko.

May bibitayin ba?

Nagtataka man ay umupo ako sa isang bakanteng upuan kung saan ako umuupo dati. Kasabay nun ang paglabas ni Vianno sa isang pinto na may kasamang matanda na baston at nakasumbrero pa. Tumingala ako. Hindi naman mainit rito ah.

Habang naglalakad ay panay naman ang pagyuko ng makakasalubong nilang mga tauhan. Habang sila ay nag-uusap nakasunod lamang ang tingin ko sa kanila hanggang sa makarating sila sa kanilang mga upuan kung saan ay sa harapan ko mismo.

Si Vianno ay tumungo sa kabesera ng mesa at ang matanda naman ay sa harapan ko mismo umupo. Nakatutok lamang ang tingin ko sa matanda na wala tiwala sa malaking kisame ng mansyon. Bawat galaw ay naaayon sa kanyang estado sa buhay. Pino at kalkulado. Kahit na matanda ay mababakas parin ang matipuno nitong mangangatawan at isama na ang gandang lalaki noong kabataan.

"So, you're Aileen Ramirez, right?" nabalik lamang ako sa sarili kong katinuan ng bigla siyang magsalita. Kahit na matanda na ay buo parin ang boses nito at mautoridad.

Napatikhim ang umayos ako ng upo, "ahm, opo."

Tumango siya biglang pagkilala sa akin. "Your are right Vianno she is so beautiful," lumingon siya kay Vianno na may ngisi sa labi yung ngising may kahulugan.

"Aileen," tawag pansin sa akin ni Vianno ng makaupo na ito aa silya niya. Lumingon ako sa gawi nito. "this is Octavio Lazaro, our friend." ako lang ba o may diin yung friend niya?

Nag-aalangan man ay nginitian ko na lamang ang huli bilang ganti. At naiilang ako sa mga titig niya. "She really looks like her mother..." salita niya na ikinalingon ko naman.

"Kilala niyo po ang Mama ko?" tanong ko. Curious lang naman.

Ngumiti si Sir Octavio, at para bang may binalikan itong alaala. "Kilalang-kilala, noong nandito pa ako ay dalaga na ang iyong Ina katulad mo medyo may pagka-kwela pero napakatalinong bata," so, ganern, ako hindi? Ano ba ang pinopunto ng isang ito. Natawa naman ito sa aking reaksyon. "Don't get me wrong, you're too beyond on her. I didn't thought that, Alexandro and Caeleen get married on a very young age. You know, just like in a drama they have a little me and you against the world journey. But here you go, they have an offspring that really beautiful and a tough woman."

Tama. Tama ka talaga diyan Sir Octavio. Maganda na nga ako maganda pa talaga ako.

"So..." magkasalikop ang mga palad habag ang mga siko nito ay nakatungtong sa mesa. "our deal Vianno don't forget that." hindi ko man maintindihan ang pinag-uusapan nila pero may kungklosyon na ako kung ano ang ibig-sasabihin niyon.

"Ofcoarse," sagot lamang ni Vianno habang nilalapag ang ilang pagkain sa harap. "According to our plan, they're will be in a right place." Tumango ang huli. "By the way, Aileen, are you feeling good now?"

Kumurap ako ng ilang beses. "Ah, Oo. Okay na ako." sagot ko.

"Are you sure?" napatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa aking kaliwang kamay. Babawiin ko sana iyon ng mahigpit niya itong hinawakan pagkatapos ay tumingala uli ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim at tumango bilang sagot. Hindi na niya ako kinausap pa dahil abala siya sa pakikipag-usap kay Octovio.

At usual, hindi ako nakikinig sa pinag-uusapan nila dahil hindi ako interesado. Kapagkuwan ay nagpaalam ito dahil marami pa raw itong gagawin. "I'm sorry, but, I have to go now. You know business. Thank you for the breakfast,"

Yun na yun? Hindi ko nga alam kung paano na punta ang matandang iyong. Masama na kung masama. Para lang kasing nakikikain sa kapit-bahay. Ganern.

Nang makaalis na ito ay lumapit sa kanya si Jing Bei a.k.a chinese garter girl. Bago inabot ang brown folder ay sinulyapan ako nito saglit at bumalik ulit ang atesnyon kay Vianno. "As your requested sir," tinanaw ko ang folder na inabot niya kay Vianno.

Ang huli naman ay binuksan ito at binasa. "yan ang mga listahan na ibebenta mamayang gabi kay Mr. Chen."

Ibebenta? Ano ang ibebenta nila? Face powder? Lotion? Make-up kit? Parang imposible naman yung mga nabanggit ko. "Ofcoarse sir, at ten-fifteen, the ship will be arrive and everything is in there right places according to the plan."

"Good." pagkatapos ay sinara ulit ang folder. "Octavio will be happy on this. And don't dissapoint me or else, you know what happened next."

Tamango ng isang beses si chinese girl bilang pagsang-ayon nito. "As always, sir, Mr. Chen will be at metrolux bar for the exchanging."

Nagpantig ang mga tenga ko sa narinig. "Bar?" feeling ko nagningning ang mga mata ko. "Pwede sumama?"

Ilag segundo akong tinitigan ni Vianno at wala man lang itong sagot. Pagkakataon ko na ito, bes'. Lumabi ako at humarap sa kanya. "Sige na. Magiging good girl ako roon, pramis." dugtong ko pa at cross my heart hope you die. Joke!

Sumingkit ang mga mata nitong nakatitig sa akin pawang hindi naniniwala wa aking sinabi. "It's too dangerous for to go there,"

Bagsak ang mga balikat akong bumalik sa aking pagkain. Totoo namang hindi ako istorbo sa kanila roon. Gusto ko lang naman maglibang kasi naman nakakabagot na talaga rito. Narinig ko naman itonh malakas na bumuntong hininga. "Fine, just to be sure you have your three bodyguards on you." paalala pa nito.

"Ayosㅡ"

NABALIK ako sa aking pansalukuyan ng makarinig ng ingay mula sa labas. Yung ingay na nagsisigawan at rinig ko ang takbuhan mula sa aking pwesto.

Nag-tataka man ay nagmamadali akong lumabas ng banyo. Nang makalabas ay laking gulat ko ng nagkakagulo na sa labas. Marami ng tao ang natatakbuhan kung saan-saan. Nakakarinig na rin ako ng mga ingay ng putok ng baril.

"Anongㅡ"napatigil ako sa dapat kong sasabihin ng may bigla na lamang na sumabog sa kung saan dahilan upang mapatili ako sa gulat. Nabuwag naman ako sa aking kinatatayuan buti na lamang at nakahawak ako sa seradura ng pinto kundi una talaga ang maganda kong mukha.

Nang makahuma ay agad akong napatayo at binaling ang aking mukha sa kung saan. Hinahanao ang mga pamilyar na tao. Nang hindi makita ang isa sa kanila ay napagdesisyonan kong hanapin na lang sila. Kailangan kong makalabas ng buhay rito, kundi sa purinarya ako pupulotin. Paktay na talaga! Bahala na!

Mabalis akong tumakbo sa hindi ko alam na direksyon basta kung saan ako tatangayin ng paa doon na. Instinct lang bes'.

Palinga-linga sa paligid, hindi lang makita ng mga taong nagpapatayan ay ako diretso lang ang patakbo ko.

Agad kong kinuha sa bulsa ang selpon ko ng naramdamang nagba-vibrate ito. Wala na akong sulyapan pa kung sino ang tumatagal in-accept ko agad ang tawag at tinapat sa tenga ko habang lakad-takbo ang ginagawa. "Kung sino ka man pwede ba mamaya ka na lang tumawag dahil busy ako sa pagsagip sa buhay ko!" bungad ko.

"Where are you?" kumunot man ang noo saglit na tinitigan ang screen ng phone ng makita ay agad kong tinapat sa tenga ko.

"Hindi ko alam okay, ang alam ko lang ayㅡ"

Ngunit napahinto ako ng may isang armadong lalake akong mataan sa kabisera na tinatahak kong hallway, nang makita ako ay nanlaki na lamang aking mga tao ng puntiryahin ako nito dahil sa takot at kaba ay mabilis akong nagtago.

"Ay!" tili ko ng magpaputok ito sa direksyon ko. Buti nalang talaga at mabilis ang reflexes ko. Perks of being trained for weeks. Napahawak pa ako sa magkabilang ulo ko.

At hindi ko na alam kung saan nahulog ang selpon na hawak basta na lang ay nagmamadali na ako sa pagtago. "Yung selpon ko!" Nagpaputok naman ito ng ilang beses bago ito tumigil. Inangat ang ulo sisilip na sana kung wala na ito roon ngunit nagpaputok ulit ng dahilan magtago ulit ako. "Tangina! Inosente ako ano ba!" sigaw ko pa.

Ngunit hindi parin ito tumitigil. Napadilat ako ng mga mata ng may maalala.

"When something bad happens and I'm not around you,use this," pinakita niya sa akin ang isang maliit na baril. 

Kinapa ko sa loob na sout kong bestida ang baril at pinatitigan itong mabuti. Napalunok ma ng ilang beses ay wala na akong magagawa pa kailangan ko na itong gamitin kundi ako ang mamamatay. Walang anu-ano'y lumabas ako pinagtataguan ko at pikit matang tinutok ito sa lalake at kinalabit ang baril. Narinig ang pagputok at ang bahagyang pag-angat ng aking mga braso.

Napadilat ako ng marinig ko ang pagbagsak at napangisi na ang lalake ay bagsak na sa sahig na tama sa gutna ng ulo. Gulat man ay ngumisi pa rin.

"Astig!" bulalas ko na lamang dahil sa exciting. "para lang akong naglalaro counter strike!" dagdag ko at  mabilis na pinagpatuloy ang pagtakbo.

Busy much, bes'.
#unedited #IamDyosa

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

15.1K 560 30
He is a playboy, for him a girl is just a toy. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Dahil alam niya na sa huli ay masasaktan at masasaktan lang siya.N...
Possessive Hot Prof Od klv

Tínedžerská beletria

1.3M 27.9K 66
Its all about a student with her weird and possessive professor. She doesn't know anything about him, but she can feel all the access to him. Will th...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
2.8K 211 60
MATURE CONTENT: READ AT YOUR OWN RISK! Mayaman at nakukuha ang lahat ng magustuhan niya, iyon ang nakagisnan na buhay ng isang Rald James Gonzalvo. H...