In the Shell of Emptiness

By RoceLXD

731 104 3

After losing everything, she will get up and rise as a whole damn fire. - Copyrights©2018 ALL RIGHT RESERVED. More

In the shell of emptiness
Chapter 1 |Firstday|
Chapter 2 |Reminisce|
Chapter 3 |Him|
Chapter 4 |His name|
Chapter 5 |His Eyes|
Chapter 6 |His way|
Chapter 7 |His angerness|
Chapter 8 |Childhood|
Chapter 10 |Sorry|
Chapter 11|Possessive|
Chapter 12 |Betrayal|
Chapter 13 |Home|
Chapter 14 |Forgiveness|
Chapter 15 |Sundo|
Chapter 16 |Secrets
Chapter 17 |Manila
Chapter 18 |A Shell and Pearl|
Author's Note
Chapter 19 |Jealous|
Chapter 20 |Promise|
Chapter 21 |Together|
Chapter 22 |Graduation|
Chapter 23 |Years|
Chapter 24 |Changes|
Chapter 25 |Rapist|
Chapter 26 |Hunt|
Chapter 27 |Revelation|
Chapter 28 |Friends|
Chapter 29 |Stay|
Chapter 30 |Goodnews|
Chapter 31 |Confrontation|

Chapter 9 |Power of Love|

21 3 0
By RoceLXD


Hindi ko alam kung maniniwala ba ko o hindi.

Kahit na ang bigat ng aking nararamdaman ay ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa kanilang litrato.

Narito pa rin ako at tumitingin sa wall ni Faye.

Nakakainis mang isipin na bakit pa ko tumitingin rito, hindi ko rin naman maalis ang mata ko sa kanilang mga litrato.

Oo. MGA. Dahil bukod roon sa kaniyang display profile, may mga post pa si Faye na mga pictures nila magmula noong bata pa sila at may mga sweet captions na talaga namang kung hindi ka bitter ay magiging idolo mo na sila.

Di ko naman din ipagkakaila na sa paglipas ng mga buwan na nakilala ko si Van ay may nararamdaman na ko. Alam kong nagugustuhan ko na siya.

Pero hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pagkagusto ko sa kaniya gayong alam kong may nagugustuhan na pala siya.

Maglolog out na sana ako ng pagkarefresh ko ay nakita kong may panibagong post si Faye.

Napangiti ako ng mapakla sa post nito.

Kamay lamang nila ang nasa picture. Magkahawak ito. Ng mahigpit.

Sobra sobra ang sakit na nararamdaman ng aking dibdib at napangiti na lang ako ng mapakla ng may tumulong luha galing sa aking mga mata.

Kilalang kilala ko kasi ang kamay na hawak nito.

Ang maugat nitong kamay at ang relo nito.

Ang higpit ng hawak ng kamay nito na para bang ayaw niyang pakawalan ito.

With caption pa ng, "give me your hand darling, do you feel my heart beatin'?"

Ilang saglit pa na hindi ko na maaninag ang screen ng phone ko dahil sa pagkalabo ng aking mga mata gawa ng mga luha na pumapatak sa aking mata ay pinunasan ko agad ito.

Ilang minuto lang ay ang dami nang nagreact, nagshare at nagcomment dito.

"Sabi na e. Sila talagaaaa"

"Childhood couple is the best <3"

"Do you feel the same? Yes! Vandrius feel the same too!"

Sobrang sakit na hindi magawang tanggapin ng sistema ko ang lahat.

Kailan pa?

Malamang ay si Faye ang kasama nito sa pag uwi.

Malamang ay kumain at nagdate pa iyon kung kaya't hindi na ko naalala pa ni Van.

Pumikit ako ng mariin at inaalala ang mga nangyari kaninang umaga.

Kaya ba nanahimik na lamang siya dahil narealized niyang napagtataksilan niya ang girlfriend niya? Na dapat hindi niya ko tinatawag na 'baby' huh?

Fine. Lalayo na lang ako. Tutal ay may girlfriend na siya.

Malamang ay alam niya na ring hindi pwedeng mag usap kami dahil may girlfriend na siya.

Lalo na't isang beses na ring pinagselosan ako ni Faye.

Matapos ng mga nangyari ay itinulog ko na lamang ito.

Gabi na ng magising ako at nakitang 8:29 na.
Medyo nalipasan na din ako ng gutom dahil sandwich lang ang kinain ko kanina.

Dahil gabi na rin ay tinatamad na kong magluto. May cup noodles naman kaya't nilagyan ko na lamang ng mainit na tubig.

Habang hinihintay ko ang pagluto ng noodles ay hindi maalis alis sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Pinagsisihan ko tuloy na naging active ako sa pagfefacebook kanina-nina lang.

Sana pala ay nanatili na lamang akong hindi nagbobrowse ng facebook at ang tanging pinagkakaabalahan lang ay ang pagtanaw ng magandang tanawin gaya ng ginagawa ko sa Puerto Sigla.

Ngunit, dito naman sa kamaynilaan ay puro istraktura ng mga kompanya at wala kang makikitang tanawing maihahalintulad sa Puerto Sigla.

Ilang linggo na nga lang pala ay gagraduate na kami.

Napakabilis ng panahon. Pero sariwa pa rin sa akin ang dahilan ng pagkapunta ko dito sa Maynila.

Kamusta na kaya si Papa?
Sobrang tagal na din magmula noong tinawagan niya ko. Pero hindi para kamustahin.

Hindi ko rin naman kasi magawang magpakumbaba na lang dahil hindi naman talaga ako ang may mali!

Si Tita Veronica iyon at ang magaling kong stepsister.

Kamusta na rin pala ang sinabi sa akin ni Papa na papakasalan niya si Tita Veronica?

Malamang ay nagpakasal na iyon ng hindi man ang pinapakinggan ang opinyon ko.

Alam din kasi ni Papa na tutol ako sa relasyon nila.
Hindi naman din ako magiging tutol kung una pa lang ay maganda na ang ipinakita sa akin ng mag ina.

Naalala ko pa noon ang unang pagpasok ng mag ina sa aming mansyon.

"Hello!!"
Sabi ng batang nasa edad labinglima na hawak hawak ang kaniyang backpack.

Tinitigan ko lamang ito at tumango. Hindi rin kasi ako sanay na makipag usap.

"Anak! Halika na, sino ba yang kinakausap mo?"
Sabat ng isang babaeng nasa mid's 30 na.

Nakita ako nito at pinagtaasan ng kilay.
"Ikaw pala ang anak ni Zaphino at Kira."

Nagtaka naman ang batang anak nito.

"Ikaw ang magiging sister ko? Tsk. May kahati pala ako sa mga gamit na ibibigay ni Daddy. " pagtataray na rin nito.

Nilapitan naman ito ng kaniyang ina at sinabing, "Oo, anak. Kaya don't be friend with her ah. Aagawin niya si Daddy mo sa atin."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng mga ito.

Oo at sinabihan na ko ng aking ama na darating ang magiging Tita ko daw na nobya nito kasama ang anak. Ngunit sa aking edad ay alam ko na ang mga dapat at hindi dapat gawin.

At kung sa magiging step sister ko na magiging sunod-sunuran sa kaniyang ina ay nakakaawa lamang ito.

Buti sana kung magsunod-sunuran siya kung nasa 8 years old pa siya e.

Napairap na lamang ako sa aking kaisipan.

Wala rin naman akong pakialam sa mga ibinibigay ni Papa sa akin.

Ang bank accounts ko, doon lamang ang paki ko kumikilala. Wala na kong pakialam sa iba pa.

Dahil ang bank accounts ko ay ang tiyak na magagamit ko paglaki ko. For future purposes. Kaya lahat ng ibinibigay ni Papa sa akin na pera ay idine-deposit ko agad sa banko.

"Yes, mommy. I'm sure na ako pa din ang pipiliin ni Daddy na favorite daughter niya." Sabay tingin sa akin nito ng matalim.

Simula nang umalis si Mama sa mansyon ay nawalan na nang buhay ang mansyon namin.

At nang dumating naman ang mag ina ay ramdam kong ipinipilit lamang ng aking ama ang kaniyang sarili na magmahal muli katulad ng pagmamahal sa aking ina.

Iba nga talaga ang nagagawa ng pag ibig.

Napabuga na lang ako sa kawalan.

Sino kaya ang aattend sa graduation ko? Malamang ay wala dahil wala naman nang pakialam si Papa sa akin.

Kumain na lamang ako at iniwas ang pag iisip sa mga nangyari sa Puerto Sigla at sa mangyayari sa papalapit kong graduation.
_________________________

Continue Reading

You'll Also Like

186K 2.1K 51
I actually haven't posted a book on wattpad in about 2 yrs so gimme a break if it isn't good 🏃‍♀️ But most are smut so be ready and idc if u vote ju...
31K 3K 39
ត្រឹមជាក្មេងប្រុសថ្លង់ស្ដាប់មិនឮម្នាក់ អាចធ្វើឲ្យបុរសមានអំណាចធ្លាក់ចូលក្នុងអន្លង់ស្នេហ៍បានយ៉ាងងាយ... 5.30.24❤️
361K 9.5K 149
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
102K 5.8K 141
𝐭𝐡𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐥𝐢𝐯𝐢𝐚 𝐫𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐝 𝐲/𝐧'𝐬 𝐦𝐞𝐞𝐭-𝐜𝐮𝐭𝐞𝐬/𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢�...