Breaking the Rules (Mondragon...

By DarlingVee

1.6M 42.7K 3.7K

[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa... More

READ FIRST!
Breaking the Rules
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Epilogue
Author's Note

Chapter Ten

25.3K 571 8
By DarlingVee

Chapter Ten

Eliz

"TELL ME where you live. I'll send you home."

Ilang beses kong ginalaw-galaw ang tainga ko at napapatingin sa langit kung may paparating na naman bang sama ng panahon dito sa isla dahil do'n sa sinabi niya.

"What are you doing?" nakakunot na sita niya doon sa ginagawa ko.

Isang buwan mahigit na ang nakakalipas magmula nang mapadpad ako sa isla, habang isang linggo naman ang nagdaan magmula nang matapos ang trahedya ng sunog dito at sa pagkakaligtas ko sa buhay ng antipatikong Eros Mondragon na 'to.

At sa loob ng ilang linggo kong pananatili dito, hindi ko aakalain na sasabihin niya sa akin ang bagay na 'to ngayon.

"Magaling ka na ba talaga o masama pa rin ang pakiramdam mo?" hindi ko maiwasang maitanong sa kanya.

"And what made you think of that?"

"Pinapauwi mo na kasi ako e! Tama ba 'yong narinig ko o guni-guni ko lang 'yon?"

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ko saka napatingin sa mukha ko na para bang binigyan ko na naman siya ng panibagong rason para mainis sa akin o hindi kaya umarteng bastos at walang modo sa harapan ko.

"You really want me to say this to you, huh? Why do you keep making things difficult for both of us? Gaano ba kahirap sa'yo ang sumunod sa mga sinasabi ko?"

"Alam mo, maliban d'yan sa ugali mo, wala na akong nakikitang nagpapahirap sa akin sa isla na 'to," sabi ko saka namaywang sa harapan niya. "Bakit kasi hindi mo na lang linawin sa akin 'yong sinabi mo nang parehas na tayong hindi makunsumisyon sa isa't isa? Tama ba ang dinig ko na pinapauwi mo na talaga ako?"

"Yes! I'm letting you go! Is everything clear to you now?" pasigaw niyang sabi na para bang tuluyan nang naubos ang pasensya niya sa akin saka siya muling napabuntong-hininga. "Look, woman. I am thankful with what you did. For saving my life, for helping my people, thank you. And just like what I have said before, I will personally send you home when everything is clear."

"Ibig sabihin hindi mo na ako pinaghihinalaan kaya mo na ako pinapaalis?"

"Yes. God damn it!"

Matagal akong napatingin sa mga mata niya at doon sa iritasyon na mababakas sa mukha niya.

At sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ko na napigilang mapangiti sa kanya.

"Hindi ba? Sabi ko naman sa'yo at ugali mo lang ang nagpapahirap sa atin dito."

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'yon o bakit hindi ko pinigilan ang sarili ko na gawin ang bagay na 'yon.

Basta nakita ko na lang ang sarili ko na kinukuha ang dalawang kamay niya at marahang hinawakan iyon.

"Salamat, Eros. Salamat."

Napatingin siya doon sa kamay ko at marahil ay nagtaka doon sa ginawa ko kaya mabilis niya ring hinila ang kamay niya saka binalik ang tingin niya sa mukha ko.

"Let me remind you that I'm only doing this to return the favor, Monique. Huwag mong lagyan ng ibang kahulugan ang ginagawa ko. And to be honest, you still annoy the hell out of me."

Ako naman ngayon ang napakunot ng noo saka napataas ang kilay sa sinabi niya.

"Ano bang naiisip mo na iniisip ko? Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago! Sobrang laki pa rin talaga niyang ego mo para lagyan na naman ng malisya 'yong simpleng papasalamat ko!"

"There's no need for thank you's when I was the one who offered to do this in the first place," mabilis na sagot niya sa akin saka tumalikod at akmang lalabas na sa kubo. "Gather your things. Aalis tayo mamayang hapon."

Marami pa sana akong gustong sabihin pero pinili ko na lang na hayaan siyang umalis dahil parang wala na rin naman siyang balak pang makipag-usap sa akin, base na rin sa reaksyon na makikita sa mukha niya.

Habang pinapanood ko siya na sumakay kay Achilles at lumayo doon sa lugar ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa nagtataasang puno at mga bundok na nasa paligid ng isla.

Gusto ko na nga bang umalis sa lugar na 'to? hindi ko maiwasan maitanong sa sarili ko.

Sa loob ng ilang linggo kong pananatili ko, aminin ko man o hindi, parang naging natural na sa akin ang pananatili sa isla.

'Yong maya't mayang pangungulit ko kay Manang Pising at Mang Cardio na tulungan sila sa mga trabaho nila. 'Yong pagtulong ko sa mga taga-isla matapos maapula 'yong apoy at 'yong mga pala-kaibigan naming pagpapalitan ng tawa at pakikisalamuha sa amin.

Sa loob ng maikling panahon, kahit sa kabila pa nang pagkawala ng ilang mga alaala ko at mga tanong kung paano nga ba ako napunta dito sa isla na ito, pakiramdam ko ay may isang malaking bahagi sa loob-loob ko ang nailagay ko na dito sa isla.

Isa pa, kahit na naging malinaw na kay Eros na wala nga akong kinalaman sa mga nakawan na nangyayari dito sa kanilang isla, hindi pa rin sapat iyon para mahanap nila kung sino ang gumagawa nito at posibleng nasa paligid pa rin ang mga magnanakaw at tahimik na naghihintay ng pagkakataon kung paano ulit maabuso ang mga ari-arian ni Eros.

Idagdag pa na hindi pa rin nawawala sa isip ko 'yong isa sa mga sinabi ng mga lalaking iyon na nagbabalak gawan ng masama si Eros at gumamit ng dahas para magawa lang ng mga ito ang masama nilang binabalak.

Na sa ano mang sandali, maaaring malagay na naman sa panganib ang buhay ni Eros.

Maaring aksidente lang ang sunog na nangyari sa isla gaya na rin ng sinabi ni Eros kanila Manang Pising at Mang Cardio nang bumuti na ang lagay nito.

Pero paano kung hindi na sa susunod?

Paano kung talagang gawan na nila ng masama si Eros o hindi kaya ang mga inosenteng nakatira at nagtatrabaho rin sa isla?

Hindi dito ang buhay mo, Eliz. Alam mo dapat 'yan, sabi ng isang bahagi ng utak ko. Kung ano mang problema sa lugar na ito, wala ka na do'n. Hindi mo na sila dapat pang inaalala dahil ikaw mismo ay may sariling problema na hindi mo pa nasu-solusyunan mag-isa.

Muli ko na lang inilibot ang paningin ko sa isang bahagi ng isla na nasa harapan ko saka napabuntong-hininga bago bumalik sa loob ng kubo at inayos ang mga gamit ko.

"SANA GUMALING ka na pag-uwi mo sa Maynila, Monique," maluha-luhang sabi sa akin ni Manang Pising matapos naming magyakap at magbitaw ng pasasalamat at pamamaalam sa isa't isa. "At kapag bumalik na ulit ang mga alaala mo, huwag ka sanang makalimot na bumisita ulit sa amin dito."

"Oo nga, hija," si Mang Cardio naman ngayon ang nagsalita. "Sana makabalik ka at huwag mong babayaan ang sarili mo sa Maynila. Ipagdadasal ko na ligtas kang makakauwi sa inyo."

"Salamat ho ulit sa pag-aalaga n'yo sa akin, Manang Pising, Mang Cardio, at sa inyo na rin na mga nakasama ko dito sa isla," sabi ko naman do'n sa ilang trabahador sa isla na kasama namin ngayon para personal ding makapagpaalam sa akin. "Gustuhin ko mang bumalik dito, pero alam ko naman na hindi ko na magagawa iyon. Alam ko naman na hindi papayag ang amo n'yo na—"

"You're free to come here whenever you want."

Lahat kami ay napatingin sa papalapit sa lugar namin na si Eros saka niya ako nilagpasan at sumakay doon sa munting yate na magdadala sa amin papunta sa may bayan sa El Nido.

Napatingin ako sa likuran niya na puno ng pagtataka doon sa sinabi niya.

At dahil siguro masyadong napatagal ang ginagawa ko at hindi lang naman ako ang naghihintay ng paliwanag do'n sa huling sinabi niya, napalingon siya sa direksyon ko saka muling nagsalita.

"Take this as another sign of gratitude for the help the you gave. And for Manang Pising and Mang Cardio's sake," sagot niya saka tuluyan nang sumakay do'n sa yate at pumwesto na para paandarin iyon.

"Hindi ba't napakagandang balita nito, Monique?" narinig ko ulit ang boses ni Manang Pising. "Pinapayagan ka na ng senyorito na bumalik dito kahit kailan mo gusto. Kaya bisitahin mo kami minsan, ha?"

"Sige ho, manang. Magdadala na rin po ako ng pasalubong sa inyo sa susunod."

Muli pa kaming nagpaalam sa isa't isa bago ako sumunod kay Eros na sumakay sa yate.

Hindi maawat ang pagkaaway ko sa mga taga-isla habang umaandar na ang sasakyan namin.

Hindi ka para sa lugar na 'yon, Eliz, muli kong nasabi sa sarili ko.

Nang mga oras na iyon, gusto ko sanang umiyak sa katotohanang hindi naman talaga ako makakabalik pa ulit sa isla.

Hindi sa Alta Puebo ang buhay ko. Hindi sa mga taga-isla at mas lalong hindi sa teritoryo ng antipatikong Mondragon na 'yon.

Paalam, Alta Pueblo. Paalam, Manang Pising at Mang Cardio.

Nang hindi ko na makita ang pampang ng isla ay napatingin na lang ako sa likuran ni Eros at pinanood ito sa pagpapani-obra nito sa yate.

Paalam, Eros Mondragon.

"SINO BA kayo? Paano kayo nakapasok sa gate ng pamamahay namin, ha?!"

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ng mga oras na iyon.

Matapos ng ilang oras naming byahe ni Eros papuntang Maynila, at kahit ilang beses ko siyang sinabihan na huwag na akong ihatid mismo sa bahay namin, ay hindi pa rin siya nagpaawat at talagang tinupad ang sinabi niya na siya pa mismo ang maghahatid sa akin sa mismong bahay namin.

Pero sa halip ng walang laman na bahay ang naabutan ko ay isang ginang na may hawak na bata sa isang braso nito ang sumalubong sa akin.

"Alam n'yo ba na p'wede ko kayong kasuhan ng trespassing sa ginawa n'yo, ha? Teka! Sandali! Dito lang kayo at tatawagan ko ang mga pulis!"

"Sandali lang po, ale!" Bigla akong napahawak doon sa ilang braso ng babae para pigilan ito na bumalik sa loob ng bahay namin. "Hindi po ako p'wedeng magkamali. Dito po ako nakatira! Nandoon pa nga 'yong susi ng gate sa dati kong pinagtataguan e! Kung may nagti-trespass dito, kayo ho 'yon!"

Nagulat ako nang matawa ang babae sa akin saka niya ako muling hinarap.

"E, sira naman pala ang ulo ng isang 'to e!" natatawa at nang-uuyam na sabi pa niya sa akin. "Paano mo nasabing bahay mo 'to e binili namin 'to at nasa amin ang titulo?"

"Binili? Wala akong natatandaang pinagbili ko ang bahay na 'to!"

"Maghintay ka dito sandali."

Pinanood ko na binalik ng babae sa crib na nasa sala 'yong baby nito saka may kinuha na kung ano sa loob.

Dahil iniwanan niyang bukas ang pinto ng bahay, hindi ko maiwasan na mapatingin sa buong sala ng dati naming bahay at ang tanging kayamanan na naiwan sa akin ng mga magulang ko.

Sobrang naiba na ang mga gamit na nasa loob noon. Halos hindi ko na nga maalala 'yong dating itsura noon no'ng ako pa lang ang nakatira sa loob. May ilang bahagi rin ng bahay ang binago at pinalakihan.

Bigla tuloy akong napaisip kung nasa tamang bahay nga ba talaga ako.

Hindi! Hindi ako p'wedeng magkamali! Tama ang address na 'to at dito talaga ako nakarita!

"Heto, miss! Tingnan mo!"

Halos ihampas na sa akin no'ng babae 'yong papel na dala nito na siyang titulo ng bahay.

"Carmecita Dimakulangan ang nakalagay, hindi ba? Pangalan ko 'yan. Bakit? Carmecita Dimakulangan din ba ang pangalan mo, ha?"

"Hindi ako p'wedeng magkamali. Baka naman mali kayo ng—"

"I've heard enough," putol sa akin ni Eros saka niya kinuha 'yong titulo ng bahay na hawak ko at binalik iyon sa babae. "Sorry for the inconvenience. We're about to leave."

Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari nang maramdaman ko na hinihila na ako ni Eros palayo sa lugar na iyon.

Hanggang sa makasakay na ako sa loob ng sasakyan niya ay hindi pa rin ako nakakabawi sa gulat na sumalubong sa akin.

Dahil kung talagang pagmamay-ari na ng ibang tao ang bahay namin, kung gano'n...

Saan na ako titira?

Bigla kong nailagay ang mga kamay ko para takpan ang mukha ko saka isinandal ang ulo ko sa upuan ng kotse at sinusubukang pigilan ang mga luha na bumagsak mula sa mga mata ko.

Nawala na ilan sa mga alaala ko, nawala pa ngayon ang bahay ko.

Ano pa ba ang dapat mawala sa akin para pahirapan Mo ako ng ganito? hindi ko naiwasang magkaroon ng sama ng loob sa makapangyarihang nilalang na nasa taas.

"There's no need to cry over spilled milk."

Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ko sa mukha ko saka napatingin sa mukha ni Eros na ngayon ay nagsisimula na ulit paganahin ang sasakyan.

"I'll give you a room to stay."

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para makapagprotesta o makapagsalita man lang. Basta na lang niya pinaandar ang kotse at tuluyan kaming umalis sa lugar na dati'y naging lahat-lahat para sa akin.

At sa ikalawang pagkakataon, niligtas na naman niya ako.

Continue Reading

You'll Also Like

11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
11K 342 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...
1.5M 58.8K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...