Dalawang araw ng nakalabas si Samuel ng Ospital. Gaya ng dati ay mainitin pa rin ang ulo nito. Lagi nitong sinisigawan si Amia. Tumuloy sila sa kubo ng dalaga. Katakot-katok ang natanggap niyang masamang kumento tungkol sa kubo niya. Pero pasok sa isang tainga tapos labas sa isang tainga. Mahirap itong alagaan oo lalo na sa pagpapakain. Mabuti na lamang ay medyo nagustuhan nito ang lugaw na kanyang niluluto.
Kapag pinapakain na niya ito, hinahandaan lamang niya ito ng sapat na pagkain at iiwan sa lamesitang malapit sa papag na hinihigaaan nito. Mas naiiinis kasi ito kapag nakikita siya.
“Samuel, kumusta ang pakiramdam mo?”
“I’m so fucked up can’t you see!” sigaw nito.
Umupo siya sa tabi nito. Nakatingin ito sa bintana nang lapitan niya ito. “Samuel, huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Alam kong mahirap ang kalagayan mo pero sana intindihin mo rin na nahihirapan ako kapag nakikita kong ganyan ka.”
“Just leave me alone! No one is telling you to take care of me! Get out!”
Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. “Walang nagsasabi sa aking alagaan kita pero responsibilidad ko iyon dahil asawa kita. At ako lang ang mag-aalaga sa’yo. Asawa mo ako, Samuel! Nandito ako. Huwag mong solohin ang problema mo.”
“I said leave! Don’t come near me or else you’ll be dead!”
Natakot siya rito kaya tumayo na siya agad. Kailangan muna siguro nitong mapag-isa at mag-isip. Simula ngayon ay hahayaan niya muna ito. “Sige mauna na ako. Nandiyan lamang ako.”
Makalipas ang ilang minuto ay naalala niyang kailangan na rin maligo ni Samuel. Noong una ay pinupunasan niya ito pero masungit nitong sinabi na kaya na nitong maligo mag-isa. Damit lamang ang kanyang hinahanda. Ang mga damit ng kanyang Itay ang pinapagamit niya rito. Buti na lamang ay naitabi pa niya ang mga damit nito dahil kung hindi baka magtaka si Samuel kung bakit wala itong gamit doon.
Pumasok ulit siya sa kwarto nito. Nakatulala na naman nito sa may bintana. Hindi na niya ito kinausap. Nilapag na lamang niya ang mga gamit nito sa tabi nito. Aalis na sana siya nang magsalita ito.
“Can you help me remember everything?” malumanay na sabi nito kahit napipilitan lang. Effective siguro ang sinabi niya rito kanina na nasasaktan siya kapag mukha itong miserable.
“Oo naman. Pero kaya mo na ba?” umupo siya malapit dito.
“Just answer my questions.”
“S-Sige...pero basta paunti-unti lang ha.” Sabi niya. Baka kasi mahirapan na ang utak niyang mag-isip ng kasinungalingan.
“So, I am Samuel Angeles. Thirty years old. Married to you. Right?”
Tumango lamang siya. Kinakabahan siya. Kung nandoon lamang si Harmony ay hindi siya kakabahan ng bongga.
“What’s my work?”
“Da-driver ka ng isang pamilya.” Sabi niya.
“You mean, a family driver? Damn!”
“Dam? Anong dam? ‘Yung parang may tubig? Lagi mo nalang sinasabi ‘yon...” Hindi na napigilang sabihin ni Amia.
“What the! You can’t understand English? Asawa ba talaga kita?”
Napakamot siya sa kanyang ulo. “Ikaw asawa ba talaga kita? Parang nag-iba ka na mula ng maaksidente ka.” Palusot niya.
“You mean I’m not the usual me?”
Hindi niya masyadong maintindihan pero nagbaka sakali siya. “Oo hindi. Hindi ka naman ganyan. Hindi ka nag-iingles masyado. Marunong ka mag-ingles dahil nakaabot ka naman sa kolehiyo pero hindi ka ganyan kagaling. Noon kasi naiintindihan mong hindi ako magaling mag-ingles kaya ayon hindi ka nalang nagsasalita ng ganoon.”
“Oh! I didn’t mean it. It just comes naturally to my mouth... Anyway, I promise to...sige hindi na ako mage-english.”
Ngumiti siya. At least, nabawasan ang pahirap sa kanya. “Pero huwag mong sagarin ang sarili mong ibalik ang dating ikaw.”
“Sige. Edi mahirap lang pala ako kung driver lang ako? Kaya pala pakiramdam ko ay magaling ako mag-drive.” Tumango tango ito at kumislap ang mga mata.
“Mas mahirap pa rin naman ako kaysa sa’yo pero kahit naman ganoon ay mahal pa rin kita. Hindi naman sa yaman nababase ang pagmamahal.”
Natigilan siya dahil sa pagtitig nito sa kanya. Ano ba naman kasi ang pinagsasabi niya? Ang awakward tuloy.
“Nasaan ang pamilya ko? Ang mga magulang ko? May kapatid ba ako?”
“Wala na. Lumaki ka kasi sa bahay-ampunan. Pareho na tayong ulilang lubos.”
Biglang lumungkot ang hitsura nito. “Ganoon ba? Eh, paano tayo nagkakilala?”
“Mag-textmate tayo noon. Sa text mo ako niligawan tapos sa text kita sinagot. Tatlong beses pa lamang tayong nagkikita kasi nga ang layo natin sa isa’t isa. Tapos inaya mo akong magpakasal kasi sabi mo ayaw mo na akong mawala sa’yo, eh. Mahal na mahal mo kasi ako.” Nakagat niya ang mga labi sa pinagsasabi niya.
“Talaga? Mahal na mahal kita?” napaisip ito.
“Oo kaya! Kaya nga pinakasalan mo na ako agad , eh.”
Tinignan nito ang daliri niya. Napatingin din siya. Ano kayang tinitignan nito. “Eh, nasaan ang wedding ring natin?”
Wedding ring? Oo nga pala! “Ahhmmm...wala na, eh.”
“Bakit wala? Hindi kita binigyan? Ganoon ba ako kahirap? Hindi man lang kita nabigyan ng singsing....This is frustrating!” bumagsak ang balikat nito.
Umiling iling siya. “Nako mali ka. Mali ka ng iniisip. Binigyan mo ako ng singsing kaso nga ano...binenta ko dahil wala na akong pambayad sa Ospital. Sorry talaga, Samuel. ‘Yung sayo naman ay malamang tinangay na rin ng mga magnanakaw dahil wala na sa daliri mo.”
“Ah ganoon ba? Ano naman ang ugali ko noon?” tanong ulit nito.
“Ikaw na yata ang pinaka-sweet na lalaking nakilala ko. Lagi kang nakangiti tapos palatawa. Ang hindi ko makakalimutan sa’yo ay ang pagiging maintindihin mo.”
“Really? That’s interesting...Pero bakit pakiramdam ko bugnutin ako tapos mapaglaro sa babae. Tapos wala akong pakialam sa iba.. Haay..”
“Iyan lang siguro kasi ang nakikita mo sa sarili mo ngayon kasi nga may sakit ka. Lahat ng pinapakita mo ngayon ay epekto lang ng kalagayan mo. Intindihin mo rin ang sarili mo.”
Nagkibit balikat lamang ito. “Siguro nga. Sige at maliligo na ako.”
Tinanguan lamang niya ito at lumabas na. Sana lagi nalang ganoon ang asawa niya. Laging nakikipag-usap sa kanya.
[SAMUEL'S POV]
Samuel wanted to squeeze his brain to remember something. Hell! He didn’t feel good though his wounds are kinda healed. He felt alone and helpless. He was dumb and speechless as of the moment.
He just go with the flow. He woke up with a wife. A wife that doesn’t look like one. Nagtataka siya dahil parang wala siyang maalala ni kahit ano dito. Siguro man lang kahit maliit na alalaala ay maalala niya. Pero wala talaga.
He sighed. He was watching his wife washing clothes. Aaminin niya, lagi siyang napapatitig sa asawa. Hindi niya ito masasabihang maganda. Sa tingin niya kasi ay ang tipong babae niya ay mestisa. Pero ang asawa niya ay morena. Pero may kakaiba ditong hindi niya maintindihan kung bakit lagi siyang napapatitig sa mukha nito.
Ang asawa niya ay may gandang natural. May katangkaran ito at maganda ang katawan. Ito ang napansin niya, malaki ang hinaharap nito at napakaliit ng bewang na binagayan ang mabibilog nitong balakang. Ang pamatay na katawan siguro nito ang naging dahilan kung bakit niya ito pinakasalanan.
Ibang iba ito sa lahat ng babae. Ito ang tipong babaeng parang hindi alagang derma. At natural na natural dito ang pagiging isang probinsyana. Bigla siyang napahawak sa kanyang ulo. Hinawakan niya ang barandal na lumikha naman ng ingay.
Sobrang sakit ng kanyang ulo. “Ahhhh!”
“Samuel, anong nangyari?!” takbo sa kanya ni Amia.
“Hayaan mo ako. Masakit lang ang ulo ko...”Inalalayan siya ito hanggang sa kawarto. Malagkit pa ang kamay nito dahil sa paglalaba nito. “Ako na nga ang bahala huwag ka ngang makulit!”
Naitulak niya ito. Bumagsak ito sa lapag sa lakas ng pagkatulak niya. Hindi nalang niya ito pinansin. Umupo siya sa papag at hinawakan ang ulo.
“Samuel, mahirap ba talagang intindihin na asawa mo ako! Kung anong nararamdaman mo dapat sinasabi mo sa akin!”
“Will you please shut up! Fuck! Ang kulit kulit mo! Buntot ka ng buntot sa akin! Hindi kita kailangan! Hindi kita kailangan!!”
Umagos ang luha nito. “Iiyak ka na naman! Puro ka iyak! Puro ka iyak! Hindi ka naman inaano! Layuan mo na kasi ako kung ayaw mong umiyak! Napakahirap mong umintindi!”
Magsasalita sana ulit ang asawa ngunit marahas niyang hinagis ang upuang malapit sa kanya. Nagulat ito sa ginawa niya.
“Tama na Samuel...Tama na parang awa mo na....” hindi na makahinga ito sa kakaiyak.
“Get out!”
Pagkaalis nito ay tumingin siya sa salamin. Bayolente ba siya talaga? Ganito ba talaga siya? Napaka-selfish at napaka-manhid ba niya? Gusto niyang masagot lahat iyon. Nilagay niya ang palad sa kanyang mukha.
Kung kaya lamang niya sanang kotrolin ang sarili.
Pero mahirap.