12 Bad Boys 2: Unremembered

By JoeCat28

42K 2K 1.1K

[COMPLETED] ❝Alaalang nawala.. maibabalik pa kaya?❞ ✔BOOK 1: 12 Bad Boys (COMPLETED) ✔BOOK 2: Unremembered (... More

Trailer & Cast
1 - New Beginning
2 - Missing You
3 - Friend
4 - Paris, France
5 - Rumored Transferees
6 - Lorence & Ellie
7 - They're Back
8 - Xander meets Ellie
9 - 2 Years Ago
10 - I'm-Sandy
11 - Ellie's First Day
12 - Kris's Feelings
13 - Relationship Status
14 - It's Yours
15 - Stephanie's Plan
16 - Lies
17 - Xander, Ellie & Kris
[Special Chapter]
18 - Picture
19 - Hoping
20 - Waiting For You
21 - Unstoppable
22 - A Familiar Place
23 - With You Again
24 - The only one in my Heart
25 - Suspicions
26 - I give up
27 - Stephanie Garcia
28 - Admitting Defeat
29 - Begin Again
30 - When he's Jealous
31 - Sasha & Tiffany
32 - Making Memories of Us
[Special Chapter 2]
33 - Next to you
34 - Shocking News
35 - Sun Ferrand
36 - The Unexpected
37 - Crying Silently
38 - She likes me..
39 - What should I do?
40 - Chennoying
41 - Bridal Shower
43 - Rachelle
44 - An Honest Confession
45 - Take me with you
46 - Mrs. Kim
47 - Mrs. Kim meets Xander
48 - Scars left behind
49 - Invitation
50 - 18th Birthday
51 - 18th Bday Pt. 2
52 - Xander & Lorence
53 - 18th Bday pt. 3
54 - She's back!
55 - Moment of Truth
56 - Lose Control
57 - Charlie's Pov
58 - Mutual Feelings
59 - Another School Year
60 - First Baby
61 - Unchanging Dream
62 - Losing Focus
63 - Stephanie & Ellie
64 - A Shattered Mind
65 - The Lost star
66 - The Forgotten Memories
67 - Confused Heart
68 - Tough Choices
69 - I'm letting you go
70 - Remembering Us
71 - Say My Name
72 - The Best Present
73 - On a Calm Day
The Start of Forever
Epilogue
BOOK THREE

42 - Wedding Day

273 14 6
By JoeCat28

#12BadBoysTWO42


Chapter 42 – Wedding Day (Brian X Jed Pearl)







12 Bad Boys 2   



Ngayong araw na magaganap ang kasalang pinakahihintay ng lahat.


Matagal tagal at maraming araw din itong pinaghanda nila, lalong lalo na sina Brian at Jed. Mapapansing ngayon pa lang ay napakasaya na ng dalawa, sa wakas ay dumating na ang araw na kanilang pinakahihintay.. wala silang ibang hinangad kundi ang maging perpekto at masaya ang araw na ito.


May mga family and friends nang nagsisidatingan sa simbahan, habang nasa hotel pa ang bride at groom kasa kasama ang mga importanteng tao sa buhay nila.


Mapapansing napaka busy kahit saan ka mang magpunta.


Kanya kanyang pagpapaganda naman ang mga bridesmaids at isa nga doon sina Meyrin at Tiffany, habang kasa-kasama naman ng bride ang magkakaibigang sina Ellie, Barbie. Yani at Michelle. Samantalang kasa-kasama naman ng groom ang labing-isang best friends niya. Maingay sa loob ng kwarto ni Brian, lalo na't magkakasama silang labing-dalawa, masayang masaya naman ang groom.. wala na siyang mahihingi pa, makita lamang niyang nandito ang mga kaibigan niya para sa kanya, kontento na ito.


" Wow! Lalo akong gumwapo! " Pagpapapogi ni Chen sa harapan ng salamin.


Napapailing na lamang ang mga ibang kaibigang nakarinig sa kanya. " We are all handsome! " Dagdag ni Sun na hindi kayang sumangayong si Chen lamang ang gumwapo sa kanila.


" I know bunso.. gwapo na tayong lahat—pero 'mas' na ako. Okay? Mwahaha! " Chen.


" Gwapo pala ha? " Mabilis namang ginulo ni Charlie ang maayos na buhok ni Chen kaya mas lalong umingay sa loob ng kwarto. " Aaaaaaaaaaa!! Shit!! " 'di makapaniwala si Chen na sira na ulit ang buhok niya na kanina pa niyang inaayos ayos.


Napansin ni Kris na hindi maayos ang pagkakalagay ng necktie ni Timmy kaya nilapitan niya ito at inayos.


" Tsk. Grow up. " Mahinang sabi ni Kris habang inaayos ang necktie ng kaibigan.


Napapangiti si Timmy sa ginagawa nito sa kanya.. napansin naman iyon nila Sun, Lay at Kai.


" Kris, ayos na ba ang pagkakalagay ko? " Nagulat si Kris nung tanungin siya ni Kai.


" Yah. " Napapatangong sabi ni Kris.


Hindi rin mapigilan ni Mike ang mapangiti, masaya siyang kompleto na sila lalo na't napakaimportante ng araw na ito.


Pinapanood lamang niya ang mga kaibigan niya—maiingay, magulo, may mga nagbabangayan at syempre ang nagiisang taong pinakamasaya ngayong araw, si Brian! Pinagdadasal ni Mike na sana'y magiging mabait itong asawa at ama. 


" I hope you'll always be happy, and I'm proud of you lil' bro. "


Pagkatapos sabihin ni Mike iyon kaagad namang napalingon si Brian sa kanya at napangiti ito.


Lumapit si Brian sa kaibigan nito. " Mike, thank you so much.. kahit makulit ako.. matigas ang ulo and syempre sobrang gwapo hahaha—ehem.. natitiis mo pa rin ako, alam kong binigyan kita ng malaking problema nung malaman niyong nabuntis ko si Jed.. 'ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa parents ni Brian' pero hinarap mo parin sila.. nagpaliwanag ka kahit na ako dapat ang unang una na gumawa non. Lagi ka na lang namin binibigyan ng problema, but you're still here.. hindi mo kami iniiwan. Ikaw talaga ang una unang taong pasasalamatan ko. "


Muling nagpatuloy si Brian- " I love you. "


" Yung huli mong sinabi.. hindi ko alam kung ano ang masasabi ko.. ang weird. " Sabay pa silang natawa.


" Hahaha! 'I love you'? Tengene ang korny ko! " Natatawang sabi ni Brian.


" Brian, hindi ka lang magiging ama.. maya maya'y magkakaasawa ka na. You know what? Hindi ko inasahang ikaw ang mauunang ikasal at magkakaanak sa'ting lahat. I'm serious. " Lay.


" Same here. Iba ang inaasahan ko. " Diesel.


Humarap silang lahat kay Diesel.


" Sino naman ang inaasahan mong mauuna? " Kai.


" Tinatanong pa ba yan? Malamang—si Charlie! " Kaagad namang inalis ni Sun ang tingin kay Charlie.


" Yes. He got it right. " Diesel.


Natatawang napailing si Charlie. " Nagbago na ako.. kaya nga hindi nangyari ang inaasahan ni Diesel eh. Haha! "


" And guys.. sino sa palagay niyo ang sunod na ikakasal? " Wala naman sa katinuang biglang tanong ni Xander, kaya lahat nakatingin sa kanya ngayon. Natawa siya saglit at muling nagsalita.. " Nagulat ba kayo? Nagtatanong lang ako kung sino sa palagay niyo. "


" Ako. " Tipid pero siguradong sagot ni Timmy.


Nakatanggap pa ng mahinang sampal sa braso si Timmy mula kay Brian.


" Tch. Hindi na ako magtataka, sa kanya na mismo nanggaling oh. " Nakataas namang kilay na sabi ni Sun.


" Haaayyy—hoy pandang malaki ang blackeye! Yan ang wag mong iisipin.. huwag kang tumulad sa akin. Dapat pinagiisipan mo ng mabuti ang gagawin mo.. basta! Huwag mo akong tularan. Maliwanag? Kung ayaw mong madagdagan yang blackeye mo! " Brian.


Pinigilan naman ni Chen si Brian. " Okay na Brian.. baka mai-stress ka pa. Ikakasal ka na oh! " Sabi ni Chen.


" Thanks.. Chen-panget. " Brian.


" Gwapo ako! " Chen.


" Nagbibiro lang ako! Masyado kayong serious. " Pagkukunwari ni Timmy kaya inakbayan siya ni Sun na nasa tabi nito. " Liar! Don't worry guys, babantayan ko 'tong panda na 'to! " Paninigurado ni Sun.


" And you too.. " Dagdag ni Lorence.


Magkakasama parin sina Ellie at ang mga kaibigan niya, pero nauna na silang umalis dahil pupunta na sila sa simbahan, hindi naman ito malayo sa hotel kaya mabilis lamang silang dumating.


Magkasabay naman silang dumating at ng labing-isang groomsmen.


Nagkitakita sila sa tapat ng simbahan, hindi naman gaanong mainit sa labas. Mayamaya lamang ay magsisimula na ang wedding ceremony kaya handang handa na ang lahat!


" Hay nako.. ang gwapo ko talaga!! Kaka-in love! " Pagpapapogi parin ni Chen habang kanina pang nakatingin sa dala dala niyang maliit na salamin.


Pasimpleng inoobserbahan ni Barbie ang binata at napansin naman iyon ni Kai nung lalapitan na sana ng dalaga nito si Chen, kaya mabilis niyang siniko si Chen.


" Oh? Problema mo? " Chen.


" Geh. Magusap na nga kayo. " Tsaka umalis si Kai para puntahan ang ibang kaibigan.


Noong mapalingon si Chen sa paparating na dalaga—nagabot ang mga mata nila kaya natigilan itong maglakad papalapit sa binata. Ilang araw nang hindi parin nakakapagusap itong dalawa, minsan naman kapag gustuhing lumapit ni Barbie dito ay iiwasan siya.


Akala ni Barbie ay makakausap na niya ang binata pero muli siya nitong iniwasan at iniwan.


Napabuntong hininga ang dalaga. " Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Tss. " Bulong niya.


" Ano? Nagkausap na kayo? " Kai.


" Hay nako.. hindi pa ako ready!! " Sabi ni Chen pero hinahanap hanap naman ngayon s Barbie.


" Kailan ka magiging ready? Sige nga. " Kai.


" Kapag pumangit siya lalo, don siya magiging ready! " Sun.


" Haysh! Batukan kita dyan eh! Gwapo ako! " Chen.


Medyo nawalan ng gana si Barbie pero kinalimutan na lamang niya iyon at maging masaya ngayong araw para sa ikakasal niyang mga kaibigan.. alam naman niyang may ibang araw pa at magkakabati din sila ni Chen.


Magkasama naman ang magkasintahang sina Mike, Yani, Lay at Michelle.


" Kyaaaa! Ang gwapo gwapo talaga ng boyfie ko! " Natutuwang sabi ni Yani habang pinapagpagan ang suot ni Mike.


Hindi naman maitatago ni Mike ang kilig na kanyang nararamdaman, nacu-cute'an kasi siya sa reaction ng girlfriend niya. " And you look beautiful today. "


" Today lang? " Nakasimangot namang tanong ni Yani.


Napangiti si Mike at sinabing, " I love you.. " Lalong kinilig ang dalawa.


" Magiging honest ako. Ikaw ang pinakagwapo ngayong araw. " Michelle.


" Masyado kang honest haha. " Lay.


Hindi lamang makapaniwala si Michelle na may igugwapo pa pala itong boyfriend niya. Ang buong akala kasi niya simpleng tao lang si Lay, pero iba ito ngayon habang naka suot ng black suit, nakataas ang buhok, manly na manly ang dating, akala mo sikat na artista at magaattend ng award show.


Dumating na rin ang mga bridesmaids.


Ilang sandali na lamang ay magsisimula na, halos kompleto na ang mga bisita sa loob ng simbahan.


Mukhang nahihirapan namang maglakad si Tiffany nung makababa siya ng kotse, masyado kasing mahaba ang kanyang suot na long gown at mataas din ang kanyang suot na heels. Sanay naman siyang magsuot ng ganito pero ngayon lamang siya nahirapang maglakad, muntik pa nga siyang matapilok at ma out of balance pero maswerte siya nung may sumalo sa isang braso niya.


" Argh. Muntik na yon! " Kinabahan naman si Tiffany kaya mabilis siyang nagpasalamat.


" Miss. Are you okay? " Si Charlie pala itong nakasalo sa braso ni Tiffany.


Nagpapasalamat parin ang dalaga, pero hindi nila namalayan na nakatingin naman sa kanila ang isa pang binata.


" Charlie! Kanina ka pa hinahanap, saan ka ba galing? "


Sanay si Charlie na laging seryoso ang boses nito pero pakiramdam naman niya parang may galit itong tinatago base sa tono ng pananalita nito kanina.


" Diesel. "


Nanlalaki ang mga mata ni Tiffany noong marinig niya ang pangalan nito. Mabilis din niya itong tiningnan, si Diesel nga ang nasa harapan nila.


" Kanina pa ako hinahanap? Sorry.. bumili lang ako ng water, nauuhaw ako eh. " Nauna na si Charlie pero ipinagtataka parin niya kung may galit bang itinatago si Diesel..


Naiwan naman ngayon ang dalawa.


Hindi mapigilan ni Tiffany ang matuwa kasi nakita niya ulit ang binata kahit pa na alam niyang makikita niya ito ngayong araw.


Tumalikod si Diesel at aalis na sana pero narinig niyang napasigaw ang dalaga, kaagad niya itong nilapitan.


" Okay ka lang? " Diesel.


" Oh? Ah.. muntik lang akong ma out of balance ulit.. " Pero nagkukunwari lamang ang dalaga, ayaw lamang niyang iwan siya ng binata at hindi kakausapin nito.


Pakiramdam kanina ni Diesel nung makita niyang nakahawak si Charlie sa braso ng dalaga—ay baka may binabalak na naman ito.. mahirap na't playboy si Charlie, kaya lang alam niyang nagbago na ito pero bakit pakiramdam niya nagagalit siya?


Siguro nga'y ayaw lamang niyang makitang umiyak na naman ulit si Tiffany dahil sa isang lalake.


Pero bakit nagiisip na naman siya ng ganito? " Hay.. nakaka-stress.. " Bulong ni Diesel.


" Ha? " Tiffany.


" Ha? Ah.. I like your dress, bagay sayo. " Diesel.


Napangiti ang dalawa sa isa't isa.


Kakasabi lamang sa kanilang ilang minuto na lang ay magsisimula na kaya kailangang nasa loob na ng simabahan ang mga bisita at manatiling nasa labas ang mga makakasama sa marching.


Nagdadalawang isip naman si Ellie habang nakatingin kay Lorence kung lalapitan niya ito.


Nagtatampo parin siya kay Lorence, ngunit hindi naman pwedeng lagi na lang. Napansin na lang niya na medyo hindi pantay ang necktie na suot nito. Hindi nagtagal ay nakita ni Lorence na nakatingin sa kanya ang dalaga.


Naglakad ito papalapit sa binata. " Ayusin ko lang ang necktie mo, Lorence.. "


Hinayaan ni Lorence na ayusin ni Ellie ang necktie niya, tahimik silang dalawa.. kahit anong sabihin niya kay Ellie para hindi siya magustuhan nito, hindi naman niya maikakaila na miss na miss na niyang nakakasama ito.


" Nasaan si Ellie? " Tinatanong ni Xander sina Yani kung nasaan ang dalaga, kanina pa kasi niya ito hindi nakikita.


Ilang saglit lang ay nakita na niya ito pero nakatingin lamang siya habang inaayos ni Ellie ang necktie ni Lorence.


" Sumisikip na naman.. " Bulong ni Xander habang pinagmamasdan ang dalawang iyon at patuloy na nakahawak sa dibdib niya, 'di nagtagal ay umalis na siya mula sa kinatatayuan niya.


Matapos namang ayusin ni Ellie ang necktie nito, napangiti siya. " There you go.. ta cravat.. je l'aime. (Your tie, I like it) " Napapangiti paring sabi ni Ellie habang nakatingin sa necktie nito.


" Merci. (Thanks) " Lorence.


Nanatiling tahimik si Lorence, hindi niya rin alam kung ano pa ang sasabihin sa dalaga.


Sigurado si Ellie na wala nang sasabihin ito sa kanya. " Sige, papasok na ako. " Kahit tinalikuran na niya ang binata, naghihintay parin siyang tatawagin nito ang pangalan niya at may sasabihin.. pero wala.


Gustuhin mang magsalita ni Lorence, hindi naman niya magawa.


Habang papasok na sa loob si Ellie, nakasalubong naman niya si Xander habang may kausap itong mga matatanda na bisita. Hinintay niya itong matapos makipagusap saka niya ito nilapitan nung makita narin siya nito.


Sinalubong niya si Xander na nakangiti. " Hmm.. " Lumapit ng konti ang dalaga at may inaalis itong dumi sa balikat ni Xander. " Ayan.. wala nang dumi. "


Naaalala parin ni Xander ang nakita niya kanina—at totoong nagseselos siya.


" Ang gwapo mo, Xander. " Nakangiti pa ring sabi ng dalaga.


Napatawa si Xander sa sinabi nito sa kanya, " Talaga? " Gusto naman niyang makasigurado.


Tumango tango ito sa harapan niya. " Oo naman! Ang gwapo gwapo mo! " Ellie.


" Sinungaling.. " Nagulat si Ellie noong sabihin iyon ni Xander pero muling nagpatuloy sa pagsasalita ito.. " Hindi ako naniniwala. Gwapo ba talaga ako? Sa tingin ko kasi may ibang mas gwapo pa para sayo.. hahaha. "


Totoo ang sinasabi ni Ellie na napakagwapo nito, kaya hindi niya maintindihan si Xander. Kung tutuusin si Xander ang nakaagaw ng atensyon niya, hindi siya makapaniwala na may igugwapo pa pala itong binata.


Naaalala parin ni Xander ang nakita niya kanina.. " Hahaha.. oo na, alam kong gwapo ako. Pretty din ako 'e. Haha! " Pahabol niya at bahagyang kinurot kurot ang matabang pisngi ni Ellie.


" So cute! " Xander.


Napangiti ulit si Ellie, naramdaman naman niyang bumilis ang tibok ng puso niya..


Masayang masaya si Ellie sa tuwing nakangiti si Xander, lalo na kapag nakangiti ito dahil sa kanya.


" Ano ba yan? Dapat mamaya pa ako kikiligin eh. Kuya Xander! Isusumbong kita kay kuya Brian.. inunahan mo siyang pakiligin ako!! " Kunyaring nagtatampo namang sabi ni Meyrin.


" Oh? Ang cuuuuuute!! " Mabilis namang kinurot ni Xander ang pisngi ni Meyrin!


" Argh! Face koooo!! " Meyrin.


Hindi naman maintindihan ni Ellie kung bakit parang unti unting nawawala ang mga ngiti niya.. nagseselos ba siya? Napailing iling siya at kinalimutan ang iniisip niya kanina.


Dumating si Sun at nakakunot ang noong nakatingin kayna Xander at Meyrin.


" Tiyet. Kadiri. " Napapailing na lang sabi ni Sun.


Tinigilan na ni Xander ang pangungurot sa pisngi ni Meyrin at napansin nilang namumula na ito kaya napatawa siya lalo.


" You ruined my face kuya Xander!! " Meyrin.


" Sorry na—ang cute mo din kasi hahaha!! " Xander.


Muling nandidiri si Sun nung marealize niyang close pala si Meyrin kay Xander. " Hayaan mo na, ugly ka naman kaya okay lang yan. " Sabi ni Sun sa dalaga.


Bigla namang pinalo ng malakas ni Meyrin itong matangkad na binata.


" Aray ko! Masakit yon ha! " Sun.


" Bwiset kang payatot ka! " Meyrin.


Naiwan namang nagtatawanan sina Ellie at Xander dahil sa dalawa.


Dumating na ang pinakahihintay ng lahat!


Marching pa lang ay excited na excited na ang lahat lalo na nung pumasok na ang groom sa loob. Maraming nagpalakpakan habang medyo nahihiya naman si Brian habang naglalakad pero excited na siyang makita ang kanyang bride maya maya lamang.


Magkakapartner naman ang mga bridesmaids at groomsmen na pumasok sa loob, nauna ang pinakamatanda sa grupo, si Xander. Habang naglalakad siya sa mahabang red carpet na iyon nakita niya si Ellie na nakatingin sa kanya at nakangiti, kaya ganon din ang ginawa niya. Pangalawa namang pumasok sa loob si Mike, kasunod si Kris.. ngayon naman ay si Lorence na ang pumasok sa loob..


Hindi parin makalimutan ni Xander ang nakita niya kanina, ngayon madalas siyang magselos sa tuwing nararamdaman at alam niyang si Lorence ag iniisip ng babaeng kanyang gusto.. nakita niya si Ellie ngunit nakatingin ito kay Lorence na naglalakad papunta sa loob.. kitang kita niya ang lungkot sa mga mata ng dalaga.. muli siyang nakaramdam ng pagseselos noong makita niyang papalapt si Lorence.


" Kanina pa 'to sumisikip.. masakit na tuloy. " Bulong ni Xander na narinig naman ni Mike at nakita nitong nakahawak si Xander sa dibdib nito.


Naintindihan lamang ni Mike ito nung mapansin niyang nakatingin si Ellie kay Lorence.


Habang naglalakad, hindi naiwasan ni Lorence ang mapalingon sa dalagang kanina pa siya tinitingnan, pero iniwasan niya ito ulit.


Kasalukuyan namang magkapartner sina Diesel at Tiffany, masayang masaya ang dalaga na nakasama siya sa marching ang binata.


Napapansin din ni Diesel na pinagkakatuwaan siya ng mga kaibigan niya, hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya, humanda ang mga ito mamaya.. lalo na sina Chen, Sun at Timmy!


Ito na ang pinakahihintay ng lahat at ng groom.. ang pagdating ng kanyang bride.


Maririnig ang tunog na nagsasabing papapasok na ang bride, kinakabahan man ay masayang masaya si Jed.. naglalakad na siya papalapit sa kanyang groom, si Brian lamang ang kanyang nakikita at hindi na siya makapaghintay na mahawakan nito ang kamay niya. Masayang masaya sila pareho.


Manghang mangha si Ellie at masaya siyang makita ang bride, napunta ang mga tingin niya kay Xander, nakita nila ang isa't isa pero nagulat si Ellie noong umiwas si Xander ng tingin.. inisip na lamang ng dalaga na baka'y hindi siya nito nakita.. sandali ding tiningnan ni Lorence si Ellie at muling tinuon ang atensyon sa bride at groom.


Binigay ng papa ni Jed ang kanyang kamay kay Brian, at naglakad na sila papunta sa harapan.


" We have gathered together to witness and celebrate the coming together of two separate lives, Brian Carter & Jed Pearl Garcia to officially acknowledge their love for one another, and their desire to live as one. "


Nagsimula na ang Opening, sinundan ng prayer at iba pa.


Hindi mapigilan ng bride at groom ang mapatingin sa isa't isa at mapangiti. Dumating na rin ang araw na kanilang pinakahihintay. Sa harapan ng maraming tao at ng diyos, masasaksihan ng lahat ang pagiisang dibdib nila.


Sinimulan na ang exchange of vows, ang isa rin sa mga pinakahihintay ng lahat.


" Brian & Jed Pearl, as you stand in the presence of God, family and friends, having duly considered the sacred covenant you are about to make, I ask declare now your pledge of faith and commitment, each to the other with these vows; please repeat after me: "


" I— "


Brian: I, Brian Carter , take you, Jed Pearl Garcia to be my partner in life./ I promise to walk by your side forever, / and to love, help, and encourage you / in all that you do. / I will take time to talk with you, / to listen to you, / and to care for you. / I will share your laughter and your tears / as your partner, lover, and best friend. / Everything I am and everything I have is yours / now and forevermore.


Sinasabi iyon ni Brian habang nakatingin lamang sa mga mata ng bride.


Jed Pearl: I, Jed Pearl Garcia, give my self to you, Brian Carter, on this our wedding day. / I will cherish our friendship, / and love you today, tomorrow, and forever. / I will trust you and honor you. / I will love you faithfully / through the best and the worst, / through the difficult and the easy. / Whatever comes our way, I will be there always. / As I have given you my hand to hold, / so I give you my life to keep.


" May I have the rings. and in this moment, they mark the beginning of a long journey you will continue to share filled with wonder, surprises, laughter, celebration, and joy. The circle, a symbol of eternity, is a constant reminder of God's infinite love for both of you, and your love for one another. May these rings glow in the reflection of that love, today and always; Brian please place the ring on Jed Pearl's finger and repeat after me: "


" You are my beloved / and you are my best friend. / With this ring I wed you / and join my life with yours."



Sinasabi iyon ni Brian habang sinusuot kay Jed ang singsing, ganoon din ang ginawa ni Jed kay Brian.


Nagsisimula pa lamang ang bagong yugto ng buhay nila, ngayon pa lang ay masayang masaya na sila.


" I now pronounce you husband and wife. "


Naging emotional ang dalawa habang inaanunsyo iyon, magkahawak ang kanilang mga kamay at nakangiti parin sa isa't isa.


" You may now kiss the bride.. "


Hinawakan ni Brian ang dalawang pinsgi ng dalaga at hinalikan ito.


Maririnig ang hiyawan na nanggagaling sa mga kaibigan ni Brian, tuwang tuwa at masayang masaya ang lahat sa pagiisang dibdib na kanilang nasaksihan ngayong araw.


Isang buong pamilya na ngayon ang dal'wa at ilang buwan na lang may anghel nang dadating sa buhay nilang magasawa.


Magkakasama na silang lahat ngayon, habang busy naman sa pictorial ang bagong kasal kasama ang mga kapamilya at kaibigan nila.


" I'm so so so happy for them! Nakakainggit! " Natutuwang sabi ni Yani habang nakayakap sa braso ni Mike.


" So.. who's next?! " Panggugulat ni Meyrin.


Inakbayan ni Barbie ang kaibigan at kinurot ito sa pisngi. " Agad agad? " Hindi makapaniwalang tanong ni Barbie.


" Kanina pa kayo ha! Ang sakit sakit na ng cheeks kooooo.. " Meyrin.


" Malay natin.. baka nga bukas may susunod nang ikasal haha.. " Pagbibiro ni Chen nung makalapit siya sa mga dalaga, pero ginawa niya lang iyon para magpapansin kay Barbie na ngayo'y may pagtatakang nakatingin sa kanya.


" Tss. " Pero umalis din kaagad si Barbie.


Hindi naman makapaniwala si Chen na iniwan siya nito, siya na nga itong naglakas ng loob lumapit sa dalaga. Naguilty kasi siya kanina nung iniwasan niya ito.


" Iniwasan ang gwapo?! Hay nako! " Chen.


" Pabebe ka kasi.. kanina ikaw ang umiwas, ngayon ikaw na ang iniwasan! " Charlie.


" Edi magiwasan na lang kami habang buhay!! " Naiinis namang sabi ni Chen at iniwan ang kaibigan.


Napapailing na lang si Charlie dahil sa katigasan ng ulo ng dalawa. Nakita naman niyang nakaupo lamang si Xander, kalaunan ay nakita din niyang papalapit si Ellie doon sa binata kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at umalis sa kinaroroonan niya.



   12 Bad Boys 2


QOTD: May SunRin (SunxMeyrin) shipper ba dito? Haha.


Mabuhay ang bagong kasal!! 

Anyway.. LSS na naman ako sa Crsytal Snow ng BTS! I love it! Kyaaaaaaaa!! Kumanta si Hobi! Maraming lines si Jin! ARMYS! Pakinggan niyo ang crystal snow, i know magugustuhan niyo din siya! Promise.

Guys, ang ganda ganda pala talaga ni Dilraba Dilmurat (Meyrin) nuh? Siya yung nasa cf ng rejoice! Ang ganda talaga niya! TBH bagay na bagay sila ni Sehun, matangkad pareho! Hahahaha. Naalala ko nga palang may girlfriend na si Luhan, congrats lulu! Sa mga WEMDS readers na nagrerequest na i-ud ko na yun, 'di pa ako inspired kaya 'di ko muna yon iu-ud, but let see.. sabihan niyo na lang ako kung magandang balita na naman sa DARAEXO, lalo na ang ChanDara.. nakakamiss sila huhuhu.

Namimiss ko na ang DARAEXO :(

Last na 'to!! Kinikilig ako sa KOOKIU (ayy tama na ba?) JUNGKOOK & IU! Ang cute cute ni kookie nung nagsasalita si IU, tapos nahihiya pa syang maupo sa tabi ni IU hahaha! Sige na kookie.. ibibigay na kita kay iu. Love you!


Continue Reading

You'll Also Like

307K 8.5K 46
Chasing Ms. Gangster Season 2
4.1K 205 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
143K 4K 53
Lucas is a nerd guy..walang araw di sya na bubully sa school nila, wala syang lakas na loob para patulan ang mga ng aapi sa kanya. kung ano man kina...
6K 372 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...