The Warrior 1: Primo

By sassymissy

408K 11.6K 837

The Warrior Series #1 Alliyah never really wanted the spotlight, she didn't even want to be known. For her, l... More

Prelude
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 5

10.5K 351 16
By sassymissy

Nilukot ko ang papel ko.

I failed my Calculus exam and I'm not even surprised at all. Primo and his friends? Pasado, with flying colors.

Matalim ang matang tiningnan ko ang mga katabi ko. Katabi dahil apparently permanent seats namin 'to sa Calculus from Mondays to Fridays except Wednesdays dahil wala kaming Calc.

This is so unfair.

I mean, they basically hang out all the time, cheat on girls, get laid, form up a mini race-gang and not to mention they're freaking assholes and yet they get the highest grades?

Paki-explain bakit hindi pantay ang pamimigay ng mga good attributes?!

Shiva barely passed. Pero wala siyang pake. She's A+ in everything too except Math and hindi niya na daw ipipilit kasi malaki na daw 'yon for her. Kaya nga gusto ko talaga siyang kaibigan kasi same kami ng vibes.

"Ayah, gusto mo magtanggal ng stress? Punta ka sa track mamaya," yaya ni Jaguar.

They have a hobby, expensive hobby. At yun ay ang paglalaro ng drift racing sa track which is legal- I guess.

"Ayoko," tanggi ko.

Feel ko masti-stress lang ako lalo sa kahambugan at pagpapasikat nila. Actually, hindi naman nila sinasadya, talagang ganoon lang talaga sila. In-born kumbaga.

Nakatunghay pa rin siya sa akin, umaasang magbago ang isip ko.

"No," sabi ko sabay iling.

"No?"

"No."

Natawa siya. "Maybe "No" will become our version of "Always"," aniya.

"So pinanuod mo ang The Fault in Our Stars? That's unbelievably gay- which is not bad thing actually pero I did not expect that from you of all people," tuya ko.

"It's a fairly nice movie, classic kumbaga. And it's not only me who watched- we all did," aniya at tinuro ang mga nasa likod na nakikinig din sa amin.

Kinalabit ni Shiva si Jaguar at sinenyasang palit sila ng pwesto. Hinintay muna nilang nagsusulat sa whiteboard si Prof bago nagpalit.

Suddenly, we became close friends now.

Napakaweird talaga.

"The Notebook? The Vow? Me before you? Best of Me? Dear John?" ani Shiva sa kanilang apat.

Although nakaharap pa rin si Primo sa harap pero ramdam kong nakikinig siya sa conversation naming lima.

"Nakalimutan mo yunbg The Last Song," ani Seige.

"If I stay, The Longest Ride, Safe Haven," dagdag ni Ranger.

"We cried in all of that, dude." Si Jaguar na tumango tango pa.

Napahagalpak kami ng tawa ni Shiva. Everyone turn their heads towards us.

Patay! Papalabasin kami for sure.

"Sino yung tumawa? Mind sharing what is there to laugh about?" Malamig na sabi ni Prof. Karl.

Tahimik lang kami. Napakagat ako ng labi sa pagkahiya at takot. This is so stupid of me.

"Kung hindi kayo tatayo magbibigay ako ng pop quiz," galit na sabi niya.

I heard my classmates groaned in frustration and hate. Naninisi ang mga matang tiningnan nila kami.

Sinenyasan ko si Shiva na tatayo kami. Nakangiwing sumang ayon naman siya. Tatayo na sana kami nang...

"Sir, kami po yung tumawa," ani Ranger.

Nanlalaki ang mata namin nang lingunin namin ang dalawa sa likod. Maging si Jaguar ay nakatayo din sa gilid ni Shiva.

"Would you like to share to the whole class what you were laughing about, Mr. Alforque?" aniya na medyo huminahon ang boses.

I tried so hard not roll eyes on him/her.

Kapag babae tumawa, galit. Kapag lalaki okay lang. Talk about double standards.

"Primo knows the answer to the problem on the boad, Sir. Tumawa kami kasi masaya kaming may sasagot na sa tanong mo, tears of joy po," ani Seige.

Narinig kong umusal ng mahinang mura si Primo bago masamang tiningnan ang mga kaibigan. Nang magtama ang tingin namin ay namula ako. I feel so embarrassed about what we did. Nadamay pa tuloy siya sa kabulastugan namin.

"Is it true, Mr. Montenegro?" ani Prof. Karl na mas lalong lumambot ang boses.

Kumunot ang noo niya habang tinitignan ang pisara.

"Yes, sir."

"Answer it on the board," ani Prof.

Isa isa niya kaming tiningnan lalo na kaming dalawa ni Shiva. He gave us his you-owe-me look para ipaalalang kung wala siya'y nasa labas na kami ngayon ng klase.

Walang kahirap hirap niyang sinagutan ang board work.

How does he do that? Listening to our conversation and keep up in our lessons?

"Bakit nakatayo pa kayong tatlo dyan? Upo." Sabi niya pagkuway nagtuloy sa pag didiscuss sa harap.

Natatawang nagsi-high five ang tatlo sa isa't isa, medyo mahina na ngayon ang mga boses at tawa nila. Ginulo din ni Ranger ang buhok ko kaya sinamaan ko siya nang tingin. Agad ko ding binawi nang maalala kung paano nila kami tinulungan.

Dahil lumipat si Ranger at Seige sa likod namin ay mas napadali ang pagchi-chismis namin. Tulad na lamang ngayon na nakayuko si Seige sa pagitan namin ni Shiva.

"Hindi yun libre. Sagot niyo lunch," aniya sabay umayos ng upo.

Nilingon namin siya ni Shiva at tumango.

*****

"I cannot believe you guys! Ang cool niyo kanina - sobrang solid," si Shiva na kunyare siniko siko ang mga lalaki.

Seige frowned at hinarap si Shiva.

"Shiv, we were always cool. Hindi ako makapaniwalang ngayon niyo lang napansin yon," aniya.

"Well, all of you were assholes to everyone kaya ngayon lang namin napansin ang coolness niyo," natatawang sabi ko.

Jaguar put up a fake hurt look.

"Ayah, my loves. Hindi ako makapaniwalang nasabi mo yan sa harap namin mismo," aniya.

"Sorry to break your Oscar Award winning acting Jaguar pero hindi ako tinatablan niyan," sabi ko.

"Ayah, itigil na natin ang pag iibigang ito. Masyado nang maraming nasasaktan," aniya with full of emotions.

Bago pa siya makareact ay sinalubong na ng mukha niya ang libro ko sa Calc na sing kapal ng mukha niya.

"Aww! Great! This is what I get for saving you?! Tapos na tayo, Ayah! Let's break up!" Tumigil siya para lumingon kay Shiva, "Shiva my love so sweet, please be mine," aniya at akmang lalapit kay Shiva.

"Touch me and I'm gonna cut your balls," ani Shiva na may hawak na gunting.

Nanlaki ang mata ni Jaguar na napaatras.

"What's the scissors for, Shiv?" natatawang sambit ni Ranger.

"Para sa mga lalaking katulad ni Jaguar," matalim ang mga matang tiningnan nito si Jag na nahihindik sa mga pangyayari.

"I feel so harassed?" ani Jaguar.

Nagtawanan na naman kami. Papunta kami sa canteen dahil lunchtime na. Hindi ko alam kung paanong nangyaring nauuna nang maglakad ang tatlo pati si Shiva. I was about to jog para makaabot sa kanila nang magsalita si Primo.

"Ayah," tawag niya.

Nilingon ko siya, slightly feeling embarrassed about the incident earlier. "Uh- about kanina, thank you."

Nagkibit balikat siya at nilagay ang kamay sa bulsa. "Consider it as my apology, wala na akong atraso sa iyo."

"Atraso?" nagtatakang tanong ko.

"Lecture Hall B," his face serious but his eyes are twinkling with amusement.

This prick! Fine, sinalo niya naman kami kanina.

"Deal. We're even," sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa dahil naabutan namin ang apat sa gitna ng canteen na nagtatalo kung saan uupo. Shiva wants to sit in our usual table habang ang gusto naman nila'y doon kami sa upuan nila.

We know for a fact what will happen kapag umupo kami sa pwesto nila. The top material girl and her squad will be after us.

"How about we split? Doon kami sa amin, doon kayo sa inyo. Don't worry we'll still pay for your lunch guys," sabi ko.

"Ayah!" Sabay sabay na saway sa akin ng tatlo.

"Bakit?" Nagtatakang sabi ko.

"Ayaw mo na sa amin?" Si Ranger.

"What?! Of course not!"

"So why would you want to break up with us?!" Si Jaguar.

Wow. Siya kaya nakipag break sakin kanina.

"Magagalit si Audrey sa amin," ani Shiva.

"We will protect you!" ani Jag.

Kahit kailan talaga ang OA nitong isang 'to.

"I'll break her nose if she touches you," ani Ranger. Seige nodded with approval, hinting he would do the same.

Napanganga ako kay Ranger at natawa ng malakas. Si Shiva ay napangisi sa tinuran ng tatlo.

"Come on Range, you said you don't hit girls." Ani Shiva sa kanya.

"Hindi ka nakikinig, Shiva. I don't hit girls but if you mess with my friends, you mess with me. Girl or not, I'll be glad to break their nose," ani Ranger at nagkibit balikat.

"Come on guys, we don't want you to get involve," nafrufrustrate na sabi ko. I don't want petty fights, we're college students.

"Like hell! Hindi pwede. We'll be your knight and shining armour, I've always wanted to be one," ani Jag at pumorma pang mala-knight.

Natigil ang usapan namin nang marinig ang mahinang ubo mula kay Primo. He was clearly getting bored with the conversation. Ang mas nakakagulat pa'y sa upuan namin siya naupo. I guess it's settled then...

Isa isa kaming lumapit sa mesa at naupo.

"Anong sa inyo?" Sabi namin ni Shiva sabay tayo.

"I'll get mine, hindi ako nagpapalibre sa babae," ani Primo at dumiretso sa harap.

"Ditto," ani Ranger at tumayo kasabay ni Seige.

"I would look so un-cool kapag hindi ko sila ginaya," bulong ni Jag sa sarili pero dinig na dinig namin. Pagkuway tumayo siya.

"Jag-"

"Forget it Ayah, ako na ang bibili para sa ating tatlo dahil ang gwapo ko." He said and gave us a wink bago umalis.

Baliw talaga.

"Ayah, I really feel bad for judging them." Sabi ni Shiva.

"Oo nga. I mean, kahit mahangin sila ay may tinatago naman pala silang kabaitan, sort of."

Napabuntong hininga siya.

"Seems like may consequences din ang pagiging close sa kanila," aniya at tiningnan ang grupo ng mga babaeng naglalakad papasok ng cafeteria.

I mentally groaned and extended my patience in advance. Ewan ko ba, I did't know bullying is still a thing in college.

"Totoo nga! These two girls have been hanging out with my boyfriend and his friends," madramang sabi ni Audrey.

Dahil nasa dulo kami at nakapila pa ang mga lalaki ay hindi nila kami napapansin dito.

Shiva arched her brows, "I don't remember Primo having a girlfriend and I think 'di niya type ang mga fake."

"Excuse me?!" Sabi ni Audrey.

"Sure, you're excused." Iminuestra ni Shiva ang daanan.

"I am not fake!" she said with a series of agreement from her dumbass friends

Tinagilid ni Shiva ang ulo at umaktong pinagmamasdan niyang mabuti si Audrey.

"Pinagawa mo ang ilong mo, your boobs too. Don't get me started with your eyes and butt AND there's nothing wrong about that pero in denial ka tapos pangit pa ugali mo which in fact yun dapat unang inayos m0," ani Shiva.

Shiva was being brutally honest and these girls were not taking it lightly.

"HOW DARE Y--"

"Careful with that jaw, Audrey. Baka madislocate yan," singit ko.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sumagot sa kanya at sa harap pa mismo ng grupo niya.

She looked at me with hatred pero bigla ding napalitan ng nanunuyang ngiti.

"Sino kaya ang mas fake sa atin? You call yourself a friend when you didn't even know Julia is in the hospital?!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo?" inis na sagot ko, completely forgetting about keeping low profile. I was ready to throw hands, not her mentioning my friend.

"She's pregnant- oh no, no. She was pregnant. My brother took care of it already pero hindi ko alam bakit hindi siya masaya?" Nang-uuyam ang tawang ibinigay niya.

Walang sabi sabing lumabas ako ng cafeteria, my bp is so high and I'm about to fucking explode. The fact that this was kept from me and the gravity of the incident -

What the fuck is happening?

Continue Reading

You'll Also Like

266K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...