The Warrior 1: Primo

Par sassymissy

408K 11.6K 840

The Warrior Series #1 Alliyah never really wanted the spotlight, she didn't even want to be known. For her, l... Plus

Prelude
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 3

11.5K 380 20
Par sassymissy

"Shiv, may klase ba sa lab mamaya?" Agad na tanong ko kay Shiva nang makaupo kami.

Simula nang sabay kaming mapahiya noong nakaraang araw ay naging close na kami. Pareho kaming Bio major kaya halos magkapareho ang subjects namin. Plus, we share the same hatred about Primo's squad aka The Assholes Co. Yeah, we actually did a great job of naming them.

"Hindi pa nagkaklase sa lecture so possibly walang laboratory," sagot ni Shiva.

Honestly may point siya. Paano naman magkakaroon ng laboratory kung hindi pa kami tinuturuan ng lec. Stupid.

"May gagawin ka ba after calc?" aniya pagkalipas ng ilang minuto.

Umiling ako. Busy sa pagnguya ng chips. Tumambay kami sa canteen dahil free time namin. Malayo sa karamihang halos magdutdutan para mag paunahan sa mesang malapit sa The Assholes Co. Yup, may sarili silang mesa. They would never sit anywhere than their table kahit magunaw pa ang mundo o ang presidente ng Pilipinas ang nag request. Ang corny nga kasi kahit college na ay may ganito pa rin. The students doesn't really mind though, lalo na ang mga girls because that's what they do, they slut around them.

"Gala tayo after calc?" she offered.

"Bakit may calculus ba ngayon?" tanong ko.

"MTThF schedule natin sa calc."

I groaned internally. Bakit may calc ako? Kaya nga nag biology ako para walang math pero mukhang ayaw niyang mapahiwalay sa akin.

Sino ba kasi ang nag imbento ng mga Math na 'yan, mga 'di yata masaya sa buhay nila at nandadamay pa.

"Ayaw mo umuwi at matulog? We need to enjoy this habang hindi pa tayo tinatambakan ng assignments," pangungumbinsi ko.

She frowned and faced me. Tinigil ang pag rerewrite ng notes niya kanina sa Literature na mukhang binagyo dahil sa bilis magsalita ng prof. Salitan kami sa pagrewrite, tapos ipho-photocopy ng isa para may notes siya. Technique para 'di kami mahirapan sa buhay.

"Mababaliw ako sa sobrang katahimikan sa bahay," sabi niya.

"So play some music," I said, tinaasan siya ng kilay.

Bumuntong hininga siya at tumigil ulit sa pagsusulat. She closed her notes at binalik sa bag.

"May problema ka," I stated. "Tell me," susog ko.

Dumaan ang pagkalito sa mukha niya. She's weighing if she should tell me or 'wag na muna dahil hindi pa siya handa.

I gave her an encouraging look.

"I transferred school because I met someone," panimula niya.

Ohhhh.

Exciting! Napatuwid ako ng upo at naging mas interesado sa sasabihin niya. You know I'm a sucker for love stories.

"Here? Kaya ka lumipat dito para sundan siya? Bad-ass," komento ko.

She frowned again, "Hindi, I transferred so I won't be able to see him again. Doon siya nag aaral sa dati kong school," aniya.

"What?! Bakit?" nalilitong tanong ko sa kanya. Lovelife na 'yon, hello???

"He's annoying, cocky but cool," sabi niya at bumuntong hininga.

"Kapag nag transfer siya dito pwede siyang sumama sa grupo ng The Assholes Co." I laughed a little.

"Hindi siya magtatransfer. Hindi pwede. Their family has this tradition na doon dapat mag aral ang lahat na kadugo nila," sabi niya sabay kibit balikat.

"So you basted him?"

"Siguro. Hindi naman kasi siya nanligaw. He was just flat out honest that he wanted some sex with me, nothing more and nothing less."

"You don't like him? Like crush or like he's your type," sabi ko.

"Wala. Hindi ko siya gusto. Plus, I don't need a distraction at matino pa ang utak kong 'wag pumatol sa mga pang isang gabing kasiyahan 'no," defensive na sabi niya.

"Alam mo Shiv, I don't like shopping. So I'm not buying any of your bullshit. C'mon tell me you like the guy, let's be honest here." Tuya ko sa kanya.

"Fine, I like him. But he's not serious about anything and too honest for my taste. I will be a doctor, I might face too many complications sa ER later kaya ngayong nag aaral pa, ayoko munang humarap ng isa," sabi niya.

"I second the motion. Kaya ang mabuti pa'y pumunta na tayo sa lecture hall dahil baka magkaroon tayo ng isa pang komplikasyon kapag nalate na naman tayo," nagbibirong sabi ko.

"What if she's our prof 'no? Myghad. Nakakatakot pa naman siya. I just hope she doesn't remember us," ani Shiva.

Ang tinutukoy niya ay ang prof ng maling subject na pinasukan namin. Mabilis akong ngumiwi. Kinuha ko ulit ang COR at nakahinga ng maluwang nang makitang lalaki ang prof.

"Hindi, lalaki prof natin ngayon. Mamaya magpapamisa ako ng pasasasalamat kay Lord. Dininig niya ang panalangin kong walang terror na prof this sem," sabi ko.

"Kaso hindi niya pa siguro narinig yung dasal mong 'wag na kayong magkita ng may sayad na manliligaw mo," ani Shiva na nakatingin sa papasok na grupo ng mga pader at tila poste sa taas na mga lalaki.

Bago paman kami makapag isip kung saan pwedeng magtago ay namataan na kami ni Ranger. Siniko nito si Jaguar na agad tiningnan ang direksyon namin at awtomatikong ngumiti.

"Here's your first complication, Ayah," tukso ni Shiva habang naglalakat si Jag sa gawi namin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napansin kong si Jaguar lang ang lumapit at ang tatlong assholes ay dumiretso sa kanilang mesa. Girls are shameless gawking at them, yuck.

Pero 'di ko sila masisi, they have eyes who know how to appreciate beauty. I have eyes too. Pero kahit ano ka pa ka gwapo pero masama ang ugali mo then you're not the man for me.

IF they want to be the man for me.

Kaso hindi.

Jaguar treats this like a joke too! Sigaw ng utak ko.

"Does it hurt?" aniya na may concerned na tono.

"What?" I stared at him quizzically. Ganoon din si Shiva na nasa tabi ko.

"You, falling from heaven?" aniya sabay kumindat.

Dear Lord.
Please give me more patience para intindihin ang pagiging baliw nitong lalaking 'to.

Siniko ko si Shiva na mahinang natawa sa gilid ko. Tumahimik naman siya. Akala ko kami yung magkakampi dito.

"Jaguar," sabi ko sabay hawak sa magkabilang braso niya. I acted like I was looking for something around his body.

"Anong ginagawa mo?" siya naman ang nagtataka ngayon.

"May hinahanap ako," sabi ko patuloy parin sa ginagawa.

"What is it?" aniya, looking quite expectant.

Huminto ako at matamis na nginitian siya. Ginantihan niya din ako ng you-can't-resist-me-I'm-Jaguar-smile.

"Yung PAKE ko sa'yo."

Agad na napasimangot si Jaguar. Shiva cannot contain her laughter anymore at malakas na talaga siyang tumawa. Jaguar frowned at her and me, pagkuway malapad na ngumiti.

"You know your wit makes me fall for you even more, right?" Nakangising sabi niya.

I groaned at hinila si Shiva palayo sa kanya.

"Babe!" sigaw ni Jaguar.

"Don't babe me!" asik ko sa kanya.

"Okay, honey bunch sugar pumpkin. Anyway, pinuntahan lang kita para sabihing walang klase sa Calculus. Ayokong napapagod kang umakyat sa hagdan, sweet ko 'no," aniya at nagkibit balikat pagkuway dumiretso na sa grupo niya.

How annoying.

Napadaan ang tingin ko kay Primo na busy sa pagcecellphone. Napadako ang tingin ko sa isang kamay niya. It was bandaged. What happened to him? Naramdaman ko ang pangungunot ng noo ko.

Napakislot ako nang tumingin din si Primo sa akin. He raised his brows pati ang dulo ng labi telling me he's amused that he caught me openly staring at him. Siniko siya ni Seige at may sinabi pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin. Ako ang unang nagbawi ng tingin because it was embarrassing.

"Punta na tayo sa room, we established the fact na hindi sila katiwa tiwala remember?" paalala ni Shiva sa akin.

"Of course Shiv, kelan pa naging trustworthy yang mga 'yan?" I muttered.

"True. Pero hindi mo maitatangging gwapo sila 'diba?"

"You're kidding me, Shiva---I have eyes too! I agree with you," sabi ko sabay tawa.

Habang palapit kami sa lecture hall ay mas dumadami ang mga tao na papunta sa hagdan pababa. Nang makarating kami ay nasagot ang tanong namin kung bakit isa isa silang nagsi alisan. May nakakabit na note sa harap ng glass door.

Calculus (Section B-25),
No class today. I have a faculty meeting this afternoon. Evaluation test on Thursday.

Please update your number in the university site. I will be sending announcements (e.g, exam schedule and class suspension) through SMS soon.

Prof. Karl Martin.

"Yassss, free time." Sabi ni Shiva.

"Looks like Jaguar can say one thing true this time," sabi ko at napailing.

Pabalik na kami sa hallway na tinahak namin kanina patungo sa hagdan.

"He actually reminds me of him," honest na sabi ni Shiva na may konting buntong hininga. "Funny and loud pero hindi rin seryoso," dagdag niya.

Gets ko agad kung sino ang tinutukoy niya. The basted guy which she left.

"Mahirap ba?" tanong ko.

"Alin?"

"Leaving him?"

"We were never together anyway. Isa pa, kung kayo talaga ang para sa isa't isa kayo talaga."

"What if you're not meant for each other?" mahinang sabi ko.

"Obvious ba? Edi mag mo-move on," aniya at ngumisi na parang hindi malalim ang topic kanina, "... milk tea or coffee?" sabi niya.

"Bookstore muna may bibilhin akong libro," sabi ko.

"Textbook? Wala pa namang nirerequire ah?"

"I'm buying fifty shades trilogy," bulong ko.

Nanlaki ang mga mata niya, "Alliyah, you disappoint me."

"What? Don't act saint on me!" sabi ko sabay irap.

"No---I mean, bakit ngayon ka lang magbabasa niyan? I've re-read that for about... actually, hindi ko na mabilang," nakangising sabi niya.

Mas lalong lumapad ang ngisi ko. We are so going to be the best of friends. Sandaling natigilan ako. Nasa entrada na kami ng bookstore sa loob ng school.

"Oh? Napano ka?" aniya na sumasabay na papunta sa bookshelves at tumutulong sa paghahanap.

"Si Julia kasi yung bestfriend ko..." panimula ko.

"Why? What happened to her?" aniya sa concerned na tono.

"She stopped taking my calls at hindi na rin siya pumupunta sa bahay. Kapag pumupunta naman ako sa kanila, wala daw siya sa bahay nila," nakakunot noong sabi ko.

"Baka galit dahil may bago kang kasama?"

"What? No! Hindi siya ganyan. Parang may mali. I'm sure iniiwasan niya ako, if she's doing this, I'm sure she has her reasons."

Tumigil ako sa paglalakad nang makita ko na ang librong hinahanap ko.

"Sa school kaya? Hanapin natin siya tapos 'pag nakita natin siya kausapin mo siya nang diretsahan," suhestiyon niya.

"Oo nga. We can do that... pero---"

"Pero?"

"Hindi ko alam ang schedule niya," nanlulumong sabi ko.

"Sus. Be resourceful, kung si Jaguar nga nalaman niya kung anong subject at klase mo, ikaw pa?"

I stopped at hinarap siya.

"He knows? Are you sure?" naguguluhang sabi ko.

"Duh? He practically said na wala tayong klase sa Calc kanina 'di mo ba tanda?" aniya at inilapag ang libro dahil kami na pala ang sunod sa pila.

"Oo nga 'no, how did he do that?" Sabi ko sabay lapag sa card ko sa kahera.

Mula sa pagtingin sa cashier ay tiningnan niya ako, "I don't know. Baka connections sa admin o pinahack niya account mo sa university site," nakangiwing sabi niya sa huling ideya.

"Baka yung una..."

Inabot na ng cashier ang pipirmahang bill at ang card pati ang mga pinamili ko. Shiva was talking about something pero kinukuha ng isang ideya ang atensyon ko.

Impossible...

The only person who saw my sched was Primo.

Ridiculous, nababaliw na ata ako.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

25.2M 630K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
7.7K 67 13
read this up🔞
1.7M 48.1K 56
She is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMAL...