The Warrior 1: Primo

Bởi sassymissy

408K 11.6K 837

The Warrior Series #1 Alliyah never really wanted the spotlight, she didn't even want to be known. For her, l... Xem Thêm

Prelude
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Simula

24.2K 604 17
Bởi sassymissy

"Sir Primo, a certain Mr. Salvatore wants to talk to you. Wala po s'yang appointment but he insisted on seeing you," alanganing sabi ng sekretarya ko sa intercom.

Mula sa pinipirmahang dokumento ay nag angat ako ng tingin sa kisame sabay iginalaw ang leeg sa magkabilang direksyon para mawala ang pangangalay. Pagkatapos ay pabagsak na isinandig ko ang sarili sa swivel chair.

I'm currently comtemplating on how to welcome an unwanted guest. Ano ba ang pinakamagandang gawin rito? Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang dinidistorbo ako sa trabaho. It's a rule not to disturb me na alam ng lahat kabilang ang empleyado, mga kakilala at maging mga kapamilya ko.

And yes there's always gonna be an exception; family emergencies, old comrades and of course, her.

But I'm not in the mood to entertain anyone.

"Sir?" ulit ng sekretarya sa'kin.

"Kailan ako bakante?" tanong ko rito.

"Friday next week po," mabilis na sagot nito.

"Then tell him to go back next week and mag set up ka ng appointment," I said while smirking.

"I'm sorry Mr. Salvatore, but he's doing an important business and is not available right now. I can set up an appointment for you next week if you'd like but for me to do that I'm gonna need some of your details," saad ng aking sekretarya sa bisita.

Naka ismid na hinihintay ko ang sagot nito sa sekretary ko. I can sense his annoyance from the other line up to here.

Sa halip na sumagot sa sekretarya ko ay ito na mismo ang lumapit sa intercom para magsalita.

"Montenegro," ani ng bisita.

"Salvatore," agad na sagot ko.

"Want me to tear down your whole building?" tuya nito sa kanya.

"Not gonna happen if I tear you down first," balik tuya ko rito.

"Nah, I changed my mind. Ano kaya kung magkaroon ng biglaang black out sa buong building? Everyone would easily conclude that it's an electrical failure. Sa tingin ko'y dalawang oras bago mapapalitan ang sumabog na fuse so I got you about 2 hours of free time? Ayaw mo ba ng gano'n? You're legally allowed to slack off. You should be thankful.." hambog na sabi ng kausap ko sa kabilang linya.

Ang hula ko'y prenteng nakaupo ito sa mesa ng sekretarya kong kasalukuyang tulog ngayon dahil napisil ang tamang ugat sa leeg. She's not dead, she's just asleep. Humigit kumulang sampung minuto siguro itong makakatulog.

"What do you think, Montenegro? Gawin ko na ba?" naaaliw na dagdag ng bisita ko.

Kapag nag black out ang 20 story building at pinasabog ang fuse, malamang sa malamang ay awtomatikong electrical failure ang lalabas sa imbestigasyon. Iyon ay kung magpapaimbestiga dahil hindi naman alam ng mga may ari ng building kung sinadya ba ang pagsabog ng fuse o hindi.

Maliban na lang sa ganitong sitwasyon na ang bisita mismo niya ang nagsasabi ng plano nitong gawin sa building niya. Kapag walang nasaktan at walang nawala ay walang imbestigasyong magaganap para alamin kung sinadya o hindi. At mas lalong walang mahahanap ni isang ebidensya sa isang sunog na fuse.

Ito ang dahilan kung bakit ito ang pinakaginagamit ng mga nasa special forces kapag may gusto silang pasukin na gusali. Special forces are more advantageous in the dark dahil halos nabuhay sila sa dilim. Kada may gagawing misyon ay kelangan malinis na malinis iyon at walang dapat maiwang bakas. Kung meron man ay kelangan nilang linisin 'yon and a non working CCTV from a blackout would give the special force unit a less work to do.

"I own a multimillion dollar company, Salvatore. Uso na ang generator ngayon at afford ko 'yon kaya kung hindi mo alam ay ipapaalam kong bumili ako ng maraming gano'n," aniya rito.

"Napadaan ako kanina sa maintenance office ng building mo at narinig kong namomroblema sila kung bakit ayaw gumana ng automatic power interruption switch n'yo. Tingin ko'y sa generator ang problema. Nagdasal din ata ang mga 'yon na 'wag sanang magka black out habang inaayos nila dahil paniguradong sa lansangan sila pupulutin 'pag nangyari 'yon," tuya nito sa kanya na may marahang halakhak.

This fucking asshole.

"O, ano na?" patuloy na panunuya nito.

"Fuck you, Salvatore. You just broke a 90,000 dollars worth of a three phase generator set. Get in my office so I can kill you."

"Frontal attack, Montenegro."

"Last time I checked, the unit was not trained to warn the enemies of what tactic they're going to use."

"I want to add a little challenge," aliw na aliw na sagot nito pagkatapos ang marahang pagtawa.

Pinatay nito ang switch ng intercom.

It would take twenty steps from my secretary's desk to my office.

Ang mata'y nakatutok sa pinto habang ang kanang kamay ko ay nasa ilalim ng mesa kung saan mayroong sikretong lalagyan ng mga maliliit na mga armas.

Nine steps to go.

A swiss knife will do.

Six steps.

My hearing capability is trained to notice even the slightest noise.

He's almost in my door.

Three.

Two.

One.

"Long time no see, Falcon." Bati ko rito nang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa nito ang pamilyar na pigura.

Lumapad ang nanunuyang ngisi nito at bahagyang itinagilid ang ulo.

"Three months is not exactly long, Hawk," sagot nito sa kanya.

Walang salitang itinapon ko rito ang swiss knife na hawak ko mula pa kanina. Hindi na ako nagulat nang dalawang kutsilyo ang nagsalitan ng direksyong lumilipad sa ere. Ang isang kutsilyo ay galing sa bisita. Sabay din namin na nasalo ang mga 'yon.

"Not bad for a retiree," tudyo ko rito habang tinapon ulit sa direksiyon nito ang kutsilyong nasalo ko. Gano'n din ang ginawa nito.

"Bad for an active agent on duty. Seriously man, you're getting rusty. Hindi ba sapat ang weekly mandatory training sa unit?"

Magkapanabay naming tinanggal ang kutsilyo na nasa mga manggas ng mga damit namin. Nakabaon ang kutsilyo ko sa swivel chair at ang kusilyo niya naman ay nakabaon sa pader ng opisina.

I'm mentally computing the cost of a new swivel chair and a wall repair. Well, kaonti lang 'yon kung pinili ko ang suhestiyon nitong pasabugin ang fuse ng kuryente ng building. Knowing this guy, he won't leave until he gets what he wants.

"That's because I specialize in bomb diffusion, dumbshit," tugon ko sa tudyo nito.

"Andy's probably going to kill me kapag nakita ang damit ko. Iisipin no'n na nakipag away na naman ako," Rogue said frustratingly habang tinitignan ang may butas na manggas ng damit.

"I'll send you flowers and offer my condolences, 'wag kang mag alala." Napailing ako sa sobrang pagka inlababo nito sa asawa. "Ano kaya'ng iisipin ng mga pinatumba mo kung nalaman nilang isang babae lang pala ang magpapabahag ng buntot mo?" dagdag ko sabay tawa.

He raised his middle finger in my direction sabay umupo sa sofa para sa mga bisita. Sumandig ito at pinatong ang paa sa mesa sa harap nito.

"This is a whole lot better than chasing death and courting danger para sa bayan at sa mga taong hindi naman iiyak para sa'yo kahit na ibuwis mo pa ang buhay mo."

"Hindi mo ako kailangang inggitin sa masayang buhay mo, Salvatore. Marriage is nice pero hindi 'yan para sa lahat and I'm sure you didn't come all the way here para lang sabihin 'yan. Get to the point."

"Hindi ba pwedeng nangangamusta lang ako sa isang kaibigan kaya ako nandito?" sabi nito at umakto pang nasaktan sa sinabi ko.

"Wala sa bokabolaryo mo ang pangangamusta." I smirked. "Quit wasting both our time and spill it out, bastard. Alam kong marami ka ring trabaho."

Mula sa mapaglaro nitong ngisi ay sandali itong nanahimik pagkuwa'y bumuga ng hangin.

"I'm offering you a job," diretsong sabi nito.

Ang job na tinutukoy niya ay hindi simpleng trabaho. Kalimitan kung hindi man lagi ay buhay nila ang kapalit.

"I'm not going bankrupt, Rogue. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang kailangan ko ng ganyang trabaho. Knowing you, you already did some research at alam mong sa kompanya pa lang ng magulang ko'y ubos na ang oras ko."

Nilaro nito ang folder na dala at inikot ikot sa harap ko. Rogue's corner of the mouth twitched while slightly nodding in agreement to what I've just said.

"Yeah, kaya ka nagtemporary leave sa unit ay dahil rito. But why choose temporary leave? Why didn't you resign permanently?"

"I'm not made for a four walled office. I'll suffocate here. The Persian Gulf is my home at mas sanay akong laging nakikipaghabulan kay kamatayan." Nalalasahan ko ang pait ng mga salitang binitawan ko.

If only I have someone who waits for me at home....

No, man.

Don't go there.

Wala kang karapatang magreklamo sa buhay na pinili mo.

Binalik ko ang tingin kay Rogue bago pa man tuluyang maglakbay ang alaala ko sa nakaraan.

"I want you to keep someone safe and unharmed without showing yourself. I think she's headed to somewhere in Mindanao. One million for two weeks," anito at initsa ang folder sa desk niya.

One million for two weeks.

She must be filthy rich.

"Tailing a brat, huh? C'mon Rogue, you're better than this. Alam mo namang pinakanakababagot na trabaho 'yan. Isa pa'y may business meeting ako sa Taiwan sa linggong ito at tambak pa ang trabaho ko."

His face didn't even show an ounce of disappointment. "Are you sure you don't want to consider?"

"One million is big enough for a two weeks job, Rogue. But no offense meant, I don't need money, I already have lots of that. I work because it's fun and if it's not, then it's a hard pass."

To work as a bodyguard is ridiculously out of my concern and interest. What's fun about holding a bunch of shopping bags? Hell no, I'd rather stay here in my office at tapusin ang kailangang dokumento sa negosyong ide-deal ko.

"She's not a spoiled brat, Primo. I've met her once and she's in fact a very nice person. Hindi rin kita inalok ng trabaho dahil sa pera because you obviously don't need it. I just thought you might probably be interested about her because know her a lot and she's very pretty, next to my wife of course."

"I've lost all the interest I have in women five years ago, Rogue." Napailing ako. "I don't care if she's hot as hell or rich as hell, my answer is still no."

"Well... I better get going. Alam ko naman na hindi ikaw ang tipo na napipilit kapag ayaw mo." Nakapaskil sa mukha nito ang pagkaaliw. Ilang minuto pa ay tumayo na ito. "I personally went here because I was actually interested on seeing your reaction if you knew this assignment is the reason why you lost all your interest in women five years ago." He said smugly, clearly not backing down on his purpose as to why he came all the way here.

Nanigas ang buong katawan ko sa narinig.

"Pero dahil nga kilala kita at alam kong hindi kita mapipilit... Condor would be more than happy to take this assignment, his hobbies are pretty women after all." He taunted again. "Stay alive and call me when you change your mind, Montenegro." Hindi na nito inantay and sagot ko at tuloy na lumabas ng opisina pagkasabi no'n.

Rogue, that fucking bastard, is cunning as hell.

Pinulot ko ang folder na kanina'y walang kainte-interest kong tinapunan ng tingin.

My heart felt a familiar sting of pain nang makita ang nakangiting litrato nito.

Rogue saying she's very pretty is the understatement of the year.

It's not enough to call her pretty.

Masyado s'yang maganda para tawaging maganda.

Kinuha ko ang litrato mula sa folder at tiningnan.

She's wearing an over all race suit.

Maybe she's good in racing now, way good when I was teaching her.

Her wavy chestnut brown hair looks really great in her ponytail.

Espresso dark brown eyes, pointed nose at mamula mulang pisngi.

And her cherry red lips....

Fuck.

Litrato lang pero kusang nagrereact ang katawan ko sa kanya.

I need a fucking cold shower.

Condor would be more than happy to take this assignment.

And I need to call Rogue, that son of a bitch.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

Lerwick Bởi Yana

Hành động

267K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...