Escape

By vkaugust

31.4K 1.5K 725

Ang nakaraan, sabay nating takasan. More

Prologue
1 • Friday
2 • Call
3 • House
4 • Ballpen
5 • Bike
6 • Connection
7 • Bracelet
8 • Away
9 • Help
10 • Set Up
11 • Confess
12 • Third Wheel
13 • Change
14 • Jealous
15 • Basketball
16 • Representatives
17 • Partner
18 • Realizations
19 • Friends
20 • Texts
21 • Option
22 • Practice
23 • Brainwash
24 • Obsession
25 • Bad News
26 • Contest
27 • Date
28 • Picnic
29 • Book
30 • Plans
31 • Tagaytay
32 • Gratitude
33 • Talk
34 • Let Go
35 • Mutual
36 • Heartbreak
37 • Decision
38 • Reunited
39 • Sign
Author's Note
40 • Party
41 • Promise
42 • Last Friday
43 • Last Call
44 • Christmas Gift
45 • New Year
46 • Rejected
47 • The Dance
Epilogue
THANK YOU 💚
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3

48 • Beginning

612 29 38
By vkaugust

Abrianna's POV

After 2 years...

"Ay jusko po!" sigaw ko nang bigla akong gulatin ni Dhaylene at natawa naman siya.

"Bwiset ka, ano bang trip mo?" inis kong sabi sa kaniya pero tawa pa rin siya nang tawa.

"Bakit ka kasi nagsosolo dito eh dapat nga magparty party tayo kasi birthday mo." sabi niya.

"Mamaya na tayo magparty. Ini-enjoy ko lang yung magandang view dito kaya huwag kang panira."

"Okay, 'yan gusto mo eh. Kakain na lang muna ako doon, bahala ka na diyan." sabi niya at umalis at bumalik sa pwesto nila kasama sila Mama, Mikee, Kessel, Macey, Ate Cheeng at Dave. May mga dadating pang iba mamaya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa magandang view na tinitignan ko ngayon. Nasa People's Park In The Sky ulit kami ngayon sa Tagaytay. 18th birthday ko ngayon pero ayoko ng bonggang celebration kaya dito ko na lang naisipang i-celebrate ang birthday ko. Simple lang pero kasama ko yung mga taong mahahalaga sa akin.

Masaya ako? Oo naman. Kasi binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na madagdagan na naman ang edad ko.

Pinikit ko ang mata ko at nilasap lang ang malamig na hangin na tinatangay ang mahaba kong buhok. Napaka-peaceful talaga ng lugar na 'to. Kung magkakapamilya ako, dito ko gustong tumira.... Teka, pamilya agad? Eh wala pa nga akong boyfriend, hay nako Abrianna...joker ka talaga.

Pinagmasdan ko ang paligid. May isang taong biglang sumagi na naman sa isipan ko na kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang isipin siya.

Dalawang taon. Dalawang taon ang naghintay. Pero sabi nga nila, huwag mo nang hintayin ang taong wala namang kasiguraduhan kung kailan dadating.

Okay na ako. Siguro may mga tao lang talagang dadaan sa buhay mo para pasayahin ka, mahalin ka...at iwanan ka.

Kung nasaan man si Darren ngayon, gusto ko lang hilingin na sana magaling na siya. Na sana masaya na siya kung nasaan man siya. Pero ang malaking sana ng buhay ko ay ang sana bumalik pa siya...na alam ko namang malabo nang mangyari.

Madami nang nangyari sa loob ng dalawang taon pero siya pa rin ang nilalaman nito, ng puso ko. Dalawang taon akong nangulila sa kaniya at patuloy na ngungulila hanggang ngayon. Hindi na siya nagparamdam pa at nagpakita sa akin magmula noong moving up ball namin.

Oo, mahirap...sobrang sakit. Walang gabi na hindi ko hiniling at dinasal na sana isang araw, paggising ko, nasa tabi ko na ulit siya. Hawak ko na ulit yung kamay niya at sasabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Kaso ilang araw at gabi pa ba ang kailangang dumaan para lang makapiling ko ulit siya?

Naramdaman kong may biglang tumulong luha mula sa mga mata ko. Kahit pala tanggap mo na, masakit pa rin pala.

Napatingin ako sa kanan kong kamay at nakasuot pa rin sa daliri ko ang singsing na binigay sa akin ni Darren, 2 years ago. Pinilit kong ngumiti, gusto kong kiligin kaso nangingibabaw ang sakit.

"Akala ko ba, babalik ka pa? Nangako ka diba?" wala sa sarili kong sabi habang nakatingin pa din sa singsing.

Marahas kong pinunasan ang mga luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko. Pagod na akong umiyak. Akala ko nga ubos na yung luha ko eh, pero hindi pa pala.

Kahit sabihin ng utak ko na ayaw ko na, na suko na ako at pagod na ako, palaging nananaig yung puso ko na sinasabing kaya ko pang maghintay kahit wasak na wasak na siya ngayon.

Yung kahit alam mong wala nang pag-asa, patuloy ka pa ring umaasa. Umaasa na magiging maayos din ang lahat kahit yung katotohanan na mismo ang sumasampal sa 'yo para magising ka sa kahibangan mo.

Argh! Sabi ko, dapat happy ako ngayon eh. Birthday ko diba? Dapat masaya ako. Hindi ko dapat siya iniisip. Hindi dapat. Erase erase.

"Anna! Halika na dito!" rinig komg sigaw ni Mikee mula sa kanilang pwesto.

Huminga muna ako nang malalim at inayos ang aking sarili. Hindi dapat nila mahalatang umiyak ako. Kailangan kong magpanggap na okay lang ako.

"Teka lang, eto na." tugon ko at naglakad na papunta sa kanila.

× × ×

"TITAAAAA!!!" malakas kong sigaw nang makita ko kung sino ang dumating.

"Hello Anna! I miss you!" sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.

"I miss you too, Tita Elly!" sagot ko naman bago kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

"Happy birthday Abrianna!" masaya namang bati ni Tito Tyler habang hawak ang kamay ni Yesha, ang anak nila.

"Waaahhh! Yesha!" natutuwa kong sabi at lumuhod ako sa harapan niya para magkapantay kami. Niyakap ko siya at binuhat saka tumayo.

"Thank you po kasi dumating kayo." pagpapasalamat ko sa kanila.

"Naku, wala yun! Maliit na bagay lang. Tsaka birthday mo kaya hindi pwedeng palampasin noh!" sabi ni Tito Tyler.

"18th birthday mo na diba? Bakit hindi ka nagpaparty nang bongga? Dapat may 18 roses ka rin." sabi naman ni Tita Elly. Natawa na lang ako at napailing.

"Gusto ko po yung simple lang tulad nito. Para maiba naman po, tsaka kung kasama ko naman kayong mga special sa akin eh bongga na rin naman na ang birthday ko kahit walang malakihang party." nakangiti kong paliwanag.

"Naks, na-touch naman ako. Tara na nga. Pumasok na tayo." pag-aaya ni Tita Elly at sumunod naman kami.

Pagpasok namin sa loob, napangiti ako nang makita ko ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Wala akong dahilan para maging malungkot sa araw na 'to. Nandito silang lahat sa harapan ko, pinapasaya ako't minamahal. Wala na akong hihilingin pa.

× × ×

"Ang birthday wish ko para kay Abrianna... Uhmmm... Sana lagi ka lang masaya, ayokong nakikita kang umiiyak kasi nahahawa ako. Haha. Tsaka sana... Mahanap mo na yung the one mo." natatawang sabi ni Mikee.

"Sus, porket may lovelife ka na." panunukso ko naman sa kaniya at tinignan siya nang mapang-asar na tingin.

"Ewan nga." sabi naman niya. Nakita ko namang tinignan siya ni Dave na katabi niya ngayon at hindi ko maiwasang kiligin.

Oo, sila na ni Dave. Paano? Well, mahabang kwento 'yan. Basta ang alam ko lang ay simula nung elementary pa lang, crush na ni Mikee si Dave hanggang sa makagraduate kami ng senior high school. Kung hindi pa siya ligawan ni Dave, hindi pa namin malalaman na matagal na pala siyang may gusto sa lalaking yun. Bilib ako sa galing niyang magtago ng feelings. Naging mabilis ang pangyayari hanggang sa magulat na lang kami na sila na pala ni Dave.

"Ako naman! Ako naman!" sabi naman ni Kessel.

"Ahh... Teka, wala na akong masabi kasi ang dami ko naman nang nasabi sa letter na binigay ko sa'yo, basahin mo na lang mamaya. Basta good luck sa atin sa college, at sana matupad mo lahat ng mga pangarap mo. Nandito lang ako palagi, kami...para sa'yo. I love you, Anna!" sabi pa niya at lumapit sa akin para yakapin ako.

"Thank you! I love you, too!" sagot ko sa kaniya habang kayakap pa rin siya. Nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin ay bumalik na siya sa kaniyang pwesto.

"And siyempre magpapahuli ba ang diyosa?" sabi naman ni Dhaylene na may pagtaas pa ng kamay. Sabay sabay naman kaming nagsabi ng "Weh?" sa kaniya at tinignan niya lang kami nang masama.

"Okay so ayun nga, may letter din naman ako sa 'yo pero gusto ko pa ring magsabi ng maikling message siyempre. Uhmmm, una sa lahat... Gusto ko lang sabihin na ang ganda ko." sabi niya sabay tawa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dito o maiinis eh. Nakakaloka.

"Charot lang. Siyempre ikaw ang pinakamaganda sa amin...ngayon. Ngayon lang, kasi birthday mo. So ayun nga, good luck sa lovelife. Sana mahanap mo na yung guy na magpapasaya sa'yo at yung hindi ka sasakta--- I mean, basta ayun, I love you! Pahinging height" pagpapatuloy niya pa at lumapit na siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Thank you kasi binigyan mo ako ng chance na maging maganda kahit sa birthday ko lang." natatawa ko namang sagot sa kaniya bago kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

Kanina pa mugto ang mata ko dahil isa isa silang nagbigay ng mga short and sweet messages and greetings sa akin. Ang saya ko ngayon, sobra.

Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday
Happy birthday
Happy birthday to you...

Sabay sabay nilang kanta habang pumapalakpak. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila.

"I-Blow mo na yung candle!" utos ni Macey.

"Sige..." sabi ko at pumikit at saka nag-wish.

Sana bumalik na siya.

At hinipan ko na ang kandila. At nagpalakpakan sila.

"HAPPY BIRTHDAY ABRIANNA!" sigaw ni Dave at sabay sabay silang nagsigawan na parang ewan.

Nandito lang kami ngayon sa loob ng bahay ni Ate Cheeng na nandito din ngayon at kasama sila Mama, Mikee, Kessel, Dhaylene, Dave, Tita Elly, Tito Tyler, at Yesha. Konti lang kami pero ramdam ko ang sobrang kasiyahan sa puso ko ngayon.

Hay. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko kung wala sila ngayon dito.

× × ×

Kahit nasa labas ako ng bahay ni ate Cheeng ay rinig ko pa rin ang tugtog na nanggagaling sa loob ng bahay na ito. Rinig ko din ang mga sigawan nila. Nakakatawa silang pagmasdan mula sa malayo.

Nandito lang ako ngayon sa garden at nakaupo sa isang bench. May hawak na ballpen at nakatingin sa diary na nasa harapan ko ngayon na nakapatong sa parang desk na konektado sa bench na inuupuan ko ngayon. Sinusulat ko lahat ng mga nangyari sa araw na 'to.

Napatigil ako nang marealize na isang page na lang pala ang natitira sa notebook na 'to. Ang tagal na rin kasi nito, buti nga natago ko pa at hindi naitapon. Sa loob ng dalawang taon, hindi ako napagod na magsulat dito ng mga mahahalagang nangyari sa akin. Hindi ko nga namalayang na dalawang taon na 'tong notebook na 'to sa akin eh.

"Isa na lang yung page... Sign na ba 'to na dapat na akong tumigil sa pagsusulat dito kasi hindi mo naman mababasa pa?" tanong ko habang nakatingin sa notebook na kaharap ko ngayon. Alam ko namang walang sasagot sa akin at magmumukha lang akong tanga.

Napahinga na lang ako nang malaim at tumingala. Tumingin ako sa taas at nakita ko ang magagandang bituin sa kalangitan ngayon na nagniningning ngayong gabi.

Ngumiti ako. "Thank you, Lord."

"Anak." nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Mama.

Napalingon ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti habang papalapit sa akin.

"Mama, nandyan ka pala." sabi ko naman at tumayo ako para lapitan siya.

"Hindi ko pa pala naibigay sa'yo yung regalo ko." sabi niya.

"Ay Ma, okay lang naman po kahit walang kang regalo. Hindi niyo na po kailangang mag-abala pa----"

"Basta, nandito na yung regalo ko sa'yo. At hindi mo na pwede oang tanggihan. Pinaghirapan ko kayo yun." tugon naman niya.

"Saglit lang ah, kukunin ko lang sa loob. Dito ka lang." sabi pa niya. Nagtataka man pero tumango na lang ako bilang tugon.

Umupo na lang ulit ako bench na kung saan ako nakaupo kanina. Ano naman kayang regalo ni Mama sa akin? Pinaghirapan? So it means, hand made gift? Hmmm...

Napatingin ulit ako sa diary na nasa harapan ko ngayon. Ano kayang pwede pang isulat sa huling page nito?

Napatingin ako sa wrist watch na suot ko ngayon, 11pm na pala. Isang oras na lang, tapos na ang birthday ko.

Napabuga na lang ako sa hangin, at tumingin sa paligid. Nakikita ko mula sa malayo ang masasayang mukha ng mga kaibigan ko at mga mahal ko sa buhay. Napangiti na lang rin ako.

Ang tagal naman ni Mama. Napatingin na lang ulit ako sa taas at pinagmasdan ulit yung mga stars. Ang dami nila ngayon. Ang gandang tignan.

"Abby." mahinang sabi ng isang lalaki.

Nanigas ang katawan ko at nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang boses na iyon. Kahit lumipas pa ang ilang taon, alam ko pa rin kung kaninong boses yun.

Hindi pa din ako lumilingon. Diretsong nakatingin lang ako sa kung saan dahil nararamdaman kong nasa likuran ko lang.

"Abby, tumingin ka naman dito." sabi niya pa.

Shet, boses talaga niya yun. Si Darren yun.

"A-Ayoko. Naghahallucinate na naman ata ako. Kailangan ko nang matulog." sabi ko sabay tayo mula sa kinauupuan ko at hahakbang na sana ako papasok sa bahay nang bigla akong hinarang ni Mama.

"Hindi mo ba nagustuhan yung regalo ko?" tanong ni Mama.

"H-Huh? Nasaan po ba yung regalo niyo?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Ayan oh." tugon niya at may itinuro sa likuran ko.

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya.

"Mama naman, nasaan ba kasi? Hindi ko naman makita eh." sabi ko kay Mama at nag-iwas ng tingin kay Darren.

"Huh? Bakit? Hindi mo ba nakita? Eh ang laki laki ng regalo ko sa'yo." nagtataka naman niyang sabi.

Napatigil ako. Nababaliw na ata ako or si Mama ang nababaliw?

"Ma, pakisampal nga ako." utos ko sa kaniya. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat.

"Bakit naman kita sasampalin?" gulat niyang tanong.

"Ma! Si Darren yung nakikita ko! Baka nananaginip na naman ako ng gising o kaya naghahallucinate!" nagpapanic kong sabi. Bigla namang tumawa si Mama at dahil dun ay mas lalo akong naguluhan. Si Mama nga ata ang nababaliw dito.

"Anak, hindi ka nananaginip ng gising or naghahallucinate, si Darren talaga 'yang nasa likuran mo, siya yung regalo ko sa'yo ngayon." sabi niya kaya napatigil naman ako. Paano?

"Happy birthday, anak." bati niya sabay hinalikan ako sa noo at iniwan akong nakatulala lang at hindi makapaniwala.

"Abby." rinig kong sabi na naman niya.

"Bakit ba Abby ang tawag mo sa akin? Anna ang nickname ko!" inis kong sabi sa kaniya bago siya harapin.

Shet, ang gwapo naman nito. Paano ko magagawang magtaray?

Pero teka, si Darren na ba talaga 'tong kaharap ko ngayon? Baka kasi kapag pumikit ako, pagdilat ko wala na ulit akong madatnan na Darren ngayon sa harapan ko.

"Ang sungit mo naman. Namiss ko 'yang kasungitan mo." sabi niya habang nakangiti nang nakakaloko.

"Mas masungit ka sa akin dati noh, FYI." sabi ko naman.

Hindi ko pa din magawang humakbang palapit sa kaniya.

"Ang layo mo naman sakin, pwede bang lumapit ka dito?" tanong niya at tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Aba? Ako pa talaga ang inutusan mo? Ikaw ang lumapit." sabi ko naman sa kaniya. Siyempre, siya ang lalaki kaya dapat siya ang lumapit.

Bigla naman siyang humakbang na papalapit sa akin habang nakangiti pa din. Baka mapunit na yung mukha niya sa sobrang lawak ng ngiti niya.

Napatingin naman ako sa mga red roses na hawak niya ngayon. Nakaputing sweatshirt na plain lang siya ngayon at simpleng pantalon pero ang lakas pa rin ng dating niya.

"Happy birthday...mi amor." nakangiti niyang sabi at iniabot sa akin ang mga rosas na hawak niya. Nanginginig ang mga kamay ko pero pinilit ko pa ding tanggapin ito.

Nagtataka akong napatingin sa kaniya. Siya na ba talaga 'to? Or imagination na naman ba? Natatakot ako kasi baka bigla na naman siyang mawala.

"Baka matunaw naman ako niyan." pagbibiro niya na dahilan para hampasin ko siya sa dibdib niya.

"Aray ko! Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit tapos sasaktan mo pa ako." sabi niya habang nakapout ang lips niya. Argh! Ang cute! Pero teka sasaktan?

"Sasaktan? Baka ikaw kamo ang nanakit..." sabi niya na dahilan naman para mapatigil siya.

"S-Sorry..." mahina niyang sabi at yumuko siya.

"Sorry kung iniwan kita, sorry kung pinaghintay kita, sorry kung nasaktan kita. Ang kapal nga ng mukha ko na pumunta pa dito pagkatapos ng ilang taon na pinaghintay kita, dapat----" hindi ko siya pinatapos pa sa pagsasalita dahil bigla ko na lang siyang niyakap.

"Hindi mo kailangang magsorry. Nagpromise naman ako na maghihintay ako kahit gaano pa katagal, kahit nga umabot pa ng 10 years, okay lang eh. Ang mahalaga, bumalik ka." naiiyak kong sambit habang kayakap siya.

"Thank you. Ineexpect ko na sasampalin mo ako sa magkabilang pisngi tapos ipagtatabuyan mo ako pero hindi ganun ang nangyari. Tinanggap mo pa rin ako. Huwag kang mag-alala, hindi na kita ulit iiwan. Hindi na tayo magkakahiwalay ulit at hindi mo na kakailanganin pang maghintay na naman dahil nandito na ako." sunod sunod niyang sabi. Hindi na ako makapagsalita. Naistatwa na lang ako sa pwesto ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.

"Darren?" tawag ko sa kaniya.

"Yes?" tugon niya.

"Alam mo ba... Nagcelebrate kami ng new year sa Luneta, 2 years ago, nakita kita. Pero hindi ako sure kung ikaw ba talaga yun. Tsaka nung nagmoving up kami, nakita din kita, sinayaw mo pa nga ako eh. Pero bigla kang nawala na naman bigla. Siguro nga baliw na talaga ako." sabi ko at mahinang natawa.

"Ako yun." sagot niya na ikinagulat ko naman.

"Pero p-paano?" tanong ko.

"Nung sinabi ko sa'yong aalis na ako, hindi pa naman talaga kami umalis ni tito Chris nun. Pinilit ko siya na huwag muna kaming umalis, nagstay lang ako dun sa village natin pero hindi lang ako lumalabas. Tuwing may program sa school natin nung junior highschool tayo, pumupunta ako para tignan kung kumusta ka. Wala naman akong lakas ng loob para lapitan o kausapin ka. Sabi ko, siguro okay na muna yung ganun. Yung sinasanay mo yung sarili mo na wala ako sa tabi mo." panimula niya.

"Nung mga panahon kasi na yun, natatakot rin ako. Natatakot ako na baka bigla na lang akong atakihim sa puso at mamatay. Nandun ako sa point na gusto ko na lang sumuko kesa lumaban sa sakit ko. Ang hirap na rin kasi. Tutal, wala na rin namab na sila Mommy, Daddy at ate Kaye, siguro okay na rin ang sumunod ako sa kanila. Kaso sa tuwing nakikita kita, dun ko naiisip na may dahilan pa ako para mabuhay. Ikaw ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako ngayon." tuloy tuloy niyang sabi. Walang lumalabas na salita mula sa bibig ko. Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya at kita kong may namumuong luha roon.

"Mahal kita kaya lumaban ako. Kinaya ko kasi mahal kita. Nang makita kong nakagraduate ka sa junior high school, napakasaya ko nun para sa'yo. Gusto kitang yakapin ka at i-congratulate ka pero wala akong lakas ng loob dahil ang alam mo ay umalis na ako. Naisipan ko na lang na puntahan ka sa moving up ball niyo, and nasurprise naman ako nung nalaman kong wala kang ka-date. Akala ko kasi meron nang iba, meron nang bago. Pero wala pa rin pala. Sorry kung bigla ulit akong umalis nun. Nakita ko rin pala yung phone mo dun sa table niyo na naiwan mo. Hindi ko naman naibalik agad sa'yo kasi kasama mo na sila Mikee nun, hindi ako makalapit sa'yo kaya tinago ko na lang muna. After nun, dun lang ako nagdecide na magpagaling na talaga. Hindi naging madali ang pinagdaanan ko pero sa tuwing iniisip kita, nagkakaroon ako ng dahilan para lumaban sa sakit ko." dagdag pa niya at tuluyan nang tumulo ang luha niya mula sa mga mata niya kasabay ng akin. May kinuha siya sa bulsa niya at yun ang cellphone ko. Binigay sa akin yun at tinanggap ko naman. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Abby, binigyan ako ni Lord ng pangalawang buhay at hindi ko na sasayangin pa yun." sabi pa nniya habang umiiyak.

"Sobrang hirap para sa akin ang magtiwala noon dahil sa mga nangyari sa past ko. Nawalan ako ng magulang, kapatid, kaibigan... Pakiramdam ko, wala na akong silbi sa mundong 'to. May sakit din ako kaya pakiramdam ko wala nang dahilan pa para mabuhay pa ako.Hirap na hirap ako noon. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas sa mga galit at lungkot na nararamdaman ko dati. Feeling ko wala nang magmamahal sa akin. Then bigla kang dumating, nagbago ang lahat. Tinulungan mo akong makaahon ulit. Tinulungan mo akong makamove on sa pangit kong past. Tinulunga mo akong maka-escape sa madilim kong nakaraan. Wala ako ngayon sa harapan mo ngayon kung hindi dahil sa'yo." sabi pa niya at pinunasan niya ng mga luhang tumutulo ngayon sa kaniyang pisngi.

"Lumaban ako kasi alam kong lumalaban ka din. Naghihintay ka sakin kaya hindi dapat kita biguin." sabi pa niya.

"Nagbalik ako. At nangangako akong hindi na kita ulit paghihintayin pa. I love you, Abrianna and I'll promise that I will never hurt you and I will never leave you, again. Handa na akong ibigay nang buong buo ang puso ko sa'yo." pagpapatuloy niya pa. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hawak niya pa rin ang isa kong kamay.

"Abrianna Estrella, will you be my girlfriend?" tanong niya na dahilan naman ng pagkabog ng dibdib ko. Parang sasabog na ata ang puso ko ngayon.

"Hindi mo na kailangang tanungin 'yan dahil yes na agad ang sagot ko!" sagot ko sa kaniya. Tumayo naman siya at bigla akong niyakap nang mahigpit.

"I love you." sabi ko sa kaniya.

"I love you more, Abrianna. I love you more than anything in this world. Thank you so much. I love you." paulit ulit naman niyang sabi kaya mahina akong napatawa kahit may luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Iyak tawa ako ngayon, baliw na talaga ako. Baliw na sa kaniya.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin. At tinignan ako sa mata ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Isa sa mga bagau na gustong gusto kong ginagawa niya sa akin.

Mga ilang segundo ding nagkatitigan ang mga mata namin. Pansin ko lang, mas lalo siyang gumwapo. Pakiramdam ko ay may kaharap akong anghel ngayon.

Naglapat ang mga noo namin at ilong. Napapikit na lang ako at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ilang sandali lang ay unti unti ko nang nararamdaman ang lalong paglapit ng mukha niya pero nanatili akong nakapikit.

Akala ko tapos na yung love story namin pero magsisimula palang pala. Hindi ko inakalang babalik pa siya. Handa na akong mag-let go pero hindi pa pala dapat kasi nandito na siya ngayon. Hindi na ulit siya aalis pa.

Napatigil saglit ang pagtibok ng puso ko at pakiramdam ko ay hihimatayin ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi na dumampi sa labi ko.

He kissed me passionately.

The best birthday gift ever...

• • •

Manginig nginig pa ang kamay ko habang tinatype ang huling scene. Hahahahaha.

So ayun nga guys, maraming salamat sa pagbabasa! Sa author's note na lang ako magdadrama basta may epilogue pa after nito guys don't worry. So...ayun na nga. Hahahaha.

TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
8.6K 541 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...