37 • Decision

577 26 11
                                    

Abrianna's POV

Kainis naman 'tong ipis na 'to! Napahampas tuloy ako sa pinto kaya siguro narinig nila ako.

Napansin kasi namin na nawawala si Macey kaya naisipan kong utusan si Darren na hanapin si Macey dahil balak ko ring mag-usap sila. Wala lang, gusto ko lang na makapag-usap sila. May nararamdaman kasi akong kakaiba. Dahil pagkatapos naming magkaaminan ni Darren, napapansin kong lumalayo ito, hindi lang kay Darren kundi pati na rin sa akin.

Nung pumasok si Darren sa loob ng bahay, napagdesisyunan kong sumunod pero hindi ito alam ni Darren, dahil hinintay ko munang makapasok siya para hindi halata. Nakita ko mismo kung paano ipagtabuyan ni Macey si Darren sa pamamagitan ng pagtulak nito ng pintuan pero hindi nagpatigil si Darren. Doon pa lang, may naramdaman na akong kakaiba. Malayo ako mula sa kanila kaya hindi ko marinig kung anong sinasabi ni Darren, si Macey ay nanatiling nasa loob ng kwarto kaya hindi ko makita kung anong reaksiyon nito. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari, pero ang alam ko lang at sigurado ako...ay may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Nang makapasok na nang tuluyan sa kwarto si Darren at masarado ang pinto, dahan dahan na akong lumapit dito at alam kong mali pero pinakinggan ko ang pag-uusap nila.

Parang kutsilyong tinutusok-tusok sa aking puso ang bawat salitang binibitawan ni Macey. Ang kulit ko kasi eh, bakit pa ako nakinig?

Siguro nga may mga bagay na mas mabuti nang hindi mo na alam kaso mas masakit kapag yung katotohanan na mismo ang nagsasabi sa'yo ng bagay na dapat mong malaman.

"Abby..." mahinang sabi ni Darren at halata sa mga mata niya ang gulat.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka ngumiti nang mapait.

"B-Balik na ako dun." pagpapaalam ko sabay tumalikod sa kanilang dalawa.

Narinig ko ang hakbang ng isang tao. Hindi ko alam kung sino ito, kung si Macey ba o si Darren. Pero binilisan ko ang paglalakas hanggang sa makaabot ako sa hagdan. Tumakbo na ako pababa para hindi nito mahabol.

"Abby, saglit lang!" rinig kong sigaw ni Darren. So siya pala ang humahabol sa akin.

Hindi na ako nag-abala pang lumingon dito at nagtuloy tuloy lang sa pagbaba sa hagdan. Nang makarating ako sa sala, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung sa labas ay maraming tao roon kaya hindi pupuwede. Baka magtaka sila kung bakit ako umiiyak. Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Abby." bulong niya at halata sa boses nito na parang umiiyak na rin siya.

"Let me go." mahinahon kong sabi pero nanatili lamang siya sa pwesto niyang nakayakap siya sa aking likod habang nakapatong ang kaniyang mukha sa aking balikat.

"Please..." dagdag ko. Dahan dahang niya akong binatawan. Pumunta siya sa harapan ko kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Hey." sabi niya sabay hawak sa kamay ko pero iniwas ko ito.

"I'm sorry." rinig kong sabi naman ni Macey mula sa aking likuran kaya nilingon ko ito.

"Bakit ka nagsosorry?" nagtataka kong tanong dito.

"N-Narinig mo ba lahat ng usapan namin ni Darren?" tanong niya.

"Oo." matipid kong tugon.

"I'm so sorry! Nadala lang ako sa emosyon ko! Oo, inaamin ko nasasaktan ako. Pero kung iniisip mo na galit ako sa'yo...sa inyo...nagkakamali ka. Hindi ako galit at hinding hindi ako magagalit. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina----"

"Ssshhh. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Malinaw na sa akin ang lahat." sabi ko sabay pilit na ngumiti. Kumunot naman ang noo nito at tila nagtaka sa aking tinuran.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon