43 • Last Call

409 23 8
                                    

Abrianna's POV

"Okay, see you tomorrow!" nakangiting sabi ni Mikee habang kumakaway palayo sa akin.

Tapos na ang practice namin at isa isa na silang umuuwi. Nagpaiwan muna ako dito sa covered court para makapagpahinga. Masyado akong napagod sa practice namin. Marami-rami pa rin naman ang tao dito ngayon sa loob pero wala nang natira na mga kagrupo ko.

"Huy!" panggugulat sa akin ng isang lalaki na nasa aking gilid na ngayon. Nahampas ko siya dahil sa gulat.

"Nagulat siya oh!" sabi niya habang tumatawa.

"Oh sige, tawa pa." sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Ay, ang sungit naman. Sorry na po." sabi niya pero natatawa pa rin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito.

"Nakaupo dito sa tabi mo." sarkastiko niyang tugon.

"Edi wow." inis kong turan.

"Ba't naman ang seryoso mo?" tanong niya.

"Ba't kasi ang kulit mo?" balik kong tanong dito.

"May problema ba?" seryoso niyang tanong.

"Wala." tipid kong sagot diti sabay tayo.

"Uuwi na ako." pagpapaalam ko dito sabay talikod.

"Hatid na kita." rinig kong sabi niya pero hindi ko na lang ito pinagtuonan ng pansin at napatuloy na lamang sa paglalakad.

Napabuga na lamang ako sa hangin at napahawak sa sintido ko. Masyado ata akong na-i-stress na dahil sa pag-alis ni Darren kaya pati si Dave ay nadamay ko na.

× × ×

"Sige po, Ma. Good night." sabi ko sabay halik sa pisngi nito at tumalikod na. Natigil ang paghakbang ko nang marinig kong ang pagtawag niya sa akin.

"Anak." tawag nito sa akin na ikinalingon ko.

"Bakit po, Ma?" tanong ko dito.

"Okay ka lang ba, anak?" tanong niya sa akin na ikinakunot naman ng noo ko.

"Bakit niyo naman naitanong 'yan, Ma? Okay lang po ako." nagtataka kong turan sabay pilit na ngumiti.

"Alam ko kung nagsisinungaling ka." sabi niya.

"M-Mama naman. Okay lang naman po talaga ako." sagot ko sa kaniya.

"Yung totoo, Abrianna." seryoso niyang sabi.

Napakagat ako sa aking labi sabay yuko. Kilalang kilala talaga ako ni Mama.

"Anong problema?" tanong niya.

Umiling lang ako tsaka lumapit sa kaniya at niyakap siya. Hindi ko magawang magsalita, kusa na lang tumulo ang luha ko.

Mga ilang segundo din kaming nagkayakap. Humarap ako kay Mama habang mahinang humihikbi. Inayos niya ang aking buhok sabay seryosong tumingin sa mga mata ko.

"Sinabi na sa akin ng Ate Cheeng mo. Hinihintay ko lang na ikaw mismo ang magsabi sa akin. Matagal na kitang inoobserbahan at napapansin ko ngang magmula nung nagpunta kayo sa Tagaytay at makauwi dito, nag-iba ang mga kilos mo." sunod sunod niyang turan.

"K-Kailan niyo pa po nalaman, Ma?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Bago ka pa makauwi dito, tinawagan na ako ng pinsan mo na kausapin ka kasi sinabi niyang may problema ka. Hindi naman ako makahanap ng tiyempo dahil palagi kang may practice na pinupuntahan at baka makadagdag lang ako sa mga iniisip mo kaya pinagmamasdan lang kita nitong mga nakaraang araw. Hindi mo naman agad sinabi sa akin na may boyfriend ka na pala, at si Darren pa!" nakangiti niyang sabi na parang nang-aasar pa.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon