48 • Beginning

612 29 38
                                    

Abrianna's POV

After 2 years...

"Ay jusko po!" sigaw ko nang bigla akong gulatin ni Dhaylene at natawa naman siya.

"Bwiset ka, ano bang trip mo?" inis kong sabi sa kaniya pero tawa pa rin siya nang tawa.

"Bakit ka kasi nagsosolo dito eh dapat nga magparty party tayo kasi birthday mo." sabi niya.

"Mamaya na tayo magparty. Ini-enjoy ko lang yung magandang view dito kaya huwag kang panira."

"Okay, 'yan gusto mo eh. Kakain na lang muna ako doon, bahala ka na diyan." sabi niya at umalis at bumalik sa pwesto nila kasama sila Mama, Mikee, Kessel, Macey, Ate Cheeng at Dave. May mga dadating pang iba mamaya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa magandang view na tinitignan ko ngayon. Nasa People's Park In The Sky ulit kami ngayon sa Tagaytay. 18th birthday ko ngayon pero ayoko ng bonggang celebration kaya dito ko na lang naisipang i-celebrate ang birthday ko. Simple lang pero kasama ko yung mga taong mahahalaga sa akin.

Masaya ako? Oo naman. Kasi binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na madagdagan na naman ang edad ko.

Pinikit ko ang mata ko at nilasap lang ang malamig na hangin na tinatangay ang mahaba kong buhok. Napaka-peaceful talaga ng lugar na 'to. Kung magkakapamilya ako, dito ko gustong tumira.... Teka, pamilya agad? Eh wala pa nga akong boyfriend, hay nako Abrianna...joker ka talaga.

Pinagmasdan ko ang paligid. May isang taong biglang sumagi na naman sa isipan ko na kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang isipin siya.

Dalawang taon. Dalawang taon ang naghintay. Pero sabi nga nila, huwag mo nang hintayin ang taong wala namang kasiguraduhan kung kailan dadating.

Okay na ako. Siguro may mga tao lang talagang dadaan sa buhay mo para pasayahin ka, mahalin ka...at iwanan ka.

Kung nasaan man si Darren ngayon, gusto ko lang hilingin na sana magaling na siya. Na sana masaya na siya kung nasaan man siya. Pero ang malaking sana ng buhay ko ay ang sana bumalik pa siya...na alam ko namang malabo nang mangyari.

Madami nang nangyari sa loob ng dalawang taon pero siya pa rin ang nilalaman nito, ng puso ko. Dalawang taon akong nangulila sa kaniya at patuloy na ngungulila hanggang ngayon. Hindi na siya nagparamdam pa at nagpakita sa akin magmula noong moving up ball namin.

Oo, mahirap...sobrang sakit. Walang gabi na hindi ko hiniling at dinasal na sana isang araw, paggising ko, nasa tabi ko na ulit siya. Hawak ko na ulit yung kamay niya at sasabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Kaso ilang araw at gabi pa ba ang kailangang dumaan para lang makapiling ko ulit siya?

Naramdaman kong may biglang tumulong luha mula sa mga mata ko. Kahit pala tanggap mo na, masakit pa rin pala.

Napatingin ako sa kanan kong kamay at nakasuot pa rin sa daliri ko ang singsing na binigay sa akin ni Darren, 2 years ago. Pinilit kong ngumiti, gusto kong kiligin kaso nangingibabaw ang sakit.

"Akala ko ba, babalik ka pa? Nangako ka diba?" wala sa sarili kong sabi habang nakatingin pa din sa singsing.

Marahas kong pinunasan ang mga luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko. Pagod na akong umiyak. Akala ko nga ubos na yung luha ko eh, pero hindi pa pala.

Kahit sabihin ng utak ko na ayaw ko na, na suko na ako at pagod na ako, palaging nananaig yung puso ko na sinasabing kaya ko pang maghintay kahit wasak na wasak na siya ngayon.

Yung kahit alam mong wala nang pag-asa, patuloy ka pa ring umaasa. Umaasa na magiging maayos din ang lahat kahit yung katotohanan na mismo ang sumasampal sa 'yo para magising ka sa kahibangan mo.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon