11 • Confess

690 34 16
                                    

Darren's POV

Nagising ako, hindi dahil sa alarm clock ko kundi dahil sa malakas na tugtog na nanggagaling sa ibaba.

Tinignan ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na... 10:30am na pala.

Kinusot kusot ko ang aking mga mata. At naghikab pang muli.

Bahagyang nagulat ako nang biglang may nagtext sa akin at nang makita ko sa screen ang pangalan ng nagtext ay mas nabigla ako.

From: Abrianna
Uy! Tanghali na. Hindi ka pa din ba gising? Bumaba ka na nga diyan.

Anong ibig niyang sabihin?

Hindi na ako nag-abala pang magreply. Lumabas na ako sa aking kwarto at dali daling bumaba at nagtungo sa sala.

Birthday ni Tito Chris ngayon kaya kailangan ko muna siyang batiin at pagkatapos nito ay maliligo na ako.

Nang makarating sa sala...

"Good morning!" natatawa niyang bati sa akin.

Bakit nandito 'tong babaeng 'to?

"Bakit ka nandito?" gulat kong sambit.

"Bago mo ako interviewin, magpalit ka muna ng damit mo." sabi niya sabay tawa.

Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya dahil sa kahihiyan.

"B-Bakit? Ano bang mali sa suot ko?" nauutal kong tanong sa kaniya.

"Wala naman. Ang cute mo lang." natatawa niyang sambit.

"Alam ko." yun na lamang ang nasabi ko.

"Pero siyempre joke lang yun. Mukha ka kayang ewan diyan sa suot mo!" aniya na natatawa pa din.

Napipikon na ako dito ah.

"Oh, gising ka na pala!" sabi ni Tito Chris na papalapit sa amin na galing sa kusina.

"Bakit nandito 'to?" inis kong sambit sabay turo kay Abrianna.

"Bisita natin siya. Kaya maligo ka na at magpalit ng damit. Nakakahiya sa bisita." sabi niya na medyo natatawa rin.

Napakunot ang noo ko. Ano bang mali sa suot ko?

Nang madaanan ko ang salamin namin sa bahay, dun ko lang napansin. Nakaternong pang-tulog pala ako. Yung long sleeves ko na white ay may nakaprint na mukha ni Finn, tapos ang pajama ko naman ay color yellow na may print din na puro mga mukha naman ni Jake ng Adventure Time.

Nainis ako bigla na medyo napahiya. 16 years old pa lang naman ako ah, bata pa din naman ako kaya walang mali sa suot ko. Cute naman talaga eh.

× × ×

Abrianna's POV

"Ako ba hinahanap mo?" nang-aasar kong tanong kay Darren nang makita ko siyang palinga-lingang pumunta sa terrace na kung saan ako ngayon naroon.

Bagong ligo ito at sobrang fresh tignan. Hala siyaaaa. Marupok ako bes!

Lumapit ito sa akin. Ayan na naman ang seryoso niyang mukha na hindi maipinta.

"Bakit ka nandito?" tanong nito.

"May kasalanan ka pa sa akin." sagot ko na ikinakunot naman ng kaniyang noo.

"Sinigawan mo kaya ako kagabi tapos nilayasan pa. Alam mo bang hindi pagrespeto yung ginawa mo?" naiinis kong sabi.

"Eh yung i-set up ka at ipakausap sa isang taong ayaw mo naman kausapin, respeto ba tawag dun?" sabi niya na ikinatahimik ko naman.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon