3 • House

725 45 14
                                    

Abrianna's POV

GOOD MORNING!

OO! Maganda talaga morning ko ngayon! Hahaha.

"Hi Mama! Good morning!" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Parang ang ganda ng gising ng anak ko ngayon ah." ay, napansin din ni Mama! Hiya si acoe.

"Uhm... Hindi naman po masyado hehe."

"Mama... May pupuntahan nga pala ako. Yung bahay ng adviser namin, si Sir Chris. Kakalipat lang daw nila dito sa village last week. Eh may inuutos sa akin, may pinapakuha kasi baka hindi daw siya makapasok bukas." pagpapaalam ko kay Mama.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" tanong niya sa akin.

"Opo, ma. Sila pala yung nakakuha nung dating bahay nila Ninang Tess dati. Binigay kasi sa akin yung address at nahalata kong parang pamilyar."

"Ayun naman pala eh, malapit lapit lang pala. Anong oras ba?" sabi ni Mama.

"Mga 1:30pm na po siguro."

× × ×

O m g . This is it!

Nasa harap na ako ng bahay nila...

Ang tahimik, parang walang tao.

Nagdoorbell na ako, medyo nanginginig pa ang mga kamay. Matagal na panahon din nung huli akong nagkacrush. Myghad naman Darren!

Biglang bumukas na ang pinto ng kanilang bahay...

Omg mga beshies! Si Darren ang nagbukas! Asdfghjkl!

Ayan na binubuksan na niya ang gate... Ayan na...

"Ah, eto na yung pinapabigay ni Tito Chris sa'yo. Wala siya dito eh, kakaalis lang pero iniwan niya sa akin 'to." sabi niya ng hindi man lang ngumigiti sa akin at inabot ang isang plastic folder na color green at may mga papel na nasa laman nito.

"Ahh, salamat." sabi ko sa kaniya sabay ngiti.

"Welcome." walang emosyon na tugon niya sa akin.

Hindi man lang ako papapasukin sa bahay nila? Ang sweet naman pala nito.

Sinarado na niya ang gate at pumasok na sa loob ng kanilang bahay.

*Ylona's voice* YUN NA YON?

Hindi na ngang magawang ngumiti, hindi pa marunong mang-entertain ng bisita. Bisita kaya ako! Hindi man lang ako pinainom ng juice o kahit tubig man lang.

Hindi na kita crush, Darren! I hate you na.

× × ×

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatulala sa kisame ng kwarto ko.

Bakit ganun siya?

Ang bait ko naman diba? Dapat mabait din siya.

Baka naman sinabi ni Sir Chris na huwag akong papasukin sa bahay nila kasi diba... Boy siya tapos girl ako... You know...

Ehhhh. Kilala naman ako ni Sir Chris, dapat may tiwala siya! Kahit naman ganito ako, mahinhin pa din ako kapag kaharap ko na crush ko.

"Sana naman 'pag nagkita tayo ulit, matino na yung moment natin."

Kinakausap ko na naman ang sarili ko... Hays.

Diba sabi ko sa inyo, nakakastress ang love! Nasstress na ako ngayon!

Teka, love? Duh. Tatlong araw pa lang kaming nagkikita ni Darren at wala pang matinong pag-uusap. Nasaan ang love dun?

Napapikit na lang ako sa sobrang gulo ng pag-iisip ko ngayon. May pasok na uli bukas, kailangan ko nang bumalik sa reality.

• • •

Paano mo nga ba malalaman kung love na ang nararamdaman mo para sa isang tao?

THANK YOU POWS sa lahat ng mga nagbabasa, nagcocomment at nagvovote! Mahal ko kayo! 💚

TW: @tsinigowden

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon