35 • Mutual

544 25 12
                                    

Abrianna's POV

Tumingin sa akin si Macey at ngumiti. Tila sinesenyasan akong umupo sa tabi ni Darren.

Umiling ako bilang tugon.

Lumapit sa akin si Macey at bumulong.

"Tabihan mo na. Alam kong humahanap lang din 'yan ng tiyempo para umamin sa'yo. Huwag mo na siyang pahirapan pa." natatawa niyang sabi.

"Eh... Nahihiya ako tsaka ang awkward." pagtanggi ko dito.

Hinila niya ako papalapit kay Darren. Pilit akong nagpupumiglas pero huli na dahil nasa harapan na kami ni Darren ngayon. Nakita ko ang reaksiyon nito na tila nagulat nang makita ako.

"Oh ayan. Mag-usap na kayo." ani Macey na natatawa pa rin sabay tumakbo na ito paalis.

Tinignan ko si Darren at halata sa ekspresiyon ng mukha nito ang pagka-awkward. Ito talagang si Macey!

"U-Upo ka." sabi ni Darren.

Sinunod ko ito at tumabi ako sa kaniya.

Mga ilang minuto kaming parehas nanatiling tahimik at nakatingin lang sa paligid. Nasa People's Park In The Sky kami ngayon. Malamig ang hangin at maganda ang tanawin. Lumingon ako sa pwesto ng mga kaibigan ko at masaya silang nagkukuwentuhan sa 'di kalayuan.

Hindi ako makatingin kay Darren. Pakiramdam ko ay gusto ko nang lamunin ako ng lupa ngayon.

Narinig kong huminga ito nang malalim pero nanatili akong nakatingin sa malayo.

"Abby..." mahina niyang sabi pero sapat na ito para marinig ko.

Unti unti akong tumingin sa kaniya at nang magtama ang mga mata namin, parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

× × ×

Darren's POV

Huminga ulit ako nang malalim. Mas lalo ata akong kinabahan nang masilayan ko ang maganda niyang mukha. Tila nanginginig na ata ang mga tuhod ko. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito sa buong buhay ko!

"Y-Yes?" tugon nito.

"Uhmmm..."

Nakatingin lang siya sa akin na tila nagtataka kung anong sasabihin ko.

"W-Wala...wala." sabi ko sabay iwas ng tingin.

Darren naman eh! Huwag ka na ngang magpakatorpe! Kaharap mo na oh! Sige ka, nandyan lang sa paligid yung kalaban oh.

"May sasabihin ako." sabay naming sabi.

"Ikaw na muna." sabay ulit naming sambit.

Okay, ang awkward.

"Ako na." pag-iinsist ko.

Tumango siya bilang tugon.

"H-Hindi ko alam kung paano sisimulan pero ayoko nang pahabain pa..." panimula ko.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na dahilan para madistract ako lalo. Kaya umiwas ako ng tingin dito. Pakiramdam ko talaga ay patuloy akong mauutal kung patuloy akong makikipagtitigan dito.

"Kung hindi mo pa naman kayang sabihin, okay lang." bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya.

"H-Hindi! Sasabihin k-ko na! Basta, i-promise mo lang na hindi ka magsasalita hangga't hindi ko sinasabing pwede ka nang magsalita." pakiusap ko dito.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon