36 • Heartbreak

557 24 2
                                    

Macey's POV

"Ano yun? Sila na?" inis na tanong ni Dave habang tinitignan sila Darren at Anna na masayang magkausap sa di kalayuan.

"Ewan ko baka. Siguro. Sana." sunod sunod kong tugon.

"Sana? Wow. Don't tell me...boto ka sa kanila? Diba may gusto ka kay Darren?" natatawa nitong sabi. Inirapan ko lang siya at iniwasan ng tingin.

"Alam mo, bakit hindi tayo magsanib pwersa?" bigla niyang sabi na ipinagtaka ko naman.

"Sanib pwersa?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Magkampihan tayo. Gumawa tayo ng mga plano para makuha mo si Darren tapos akin naman si Abrianna." sabi niya na ikinailing ko na lang.

"Ang desperado mo." inis kong sabi dito.

"Bakit? Ayaw mo ba nun? Look, ang sweet nila oh. At patagal nang patagal, mas lalo silang nagiging close. Hindi ka ba nasasaktan?" tanong niya.

"Nasasaktan pero kung masaya naman sila, bakit hindi ko na lang hayaan?" tugon ko.

"Hindi ko naman alam na ganyan ka pala ka-martyr. Dapat kapag mahal mo, pinaglalaban mo!" payo niya pero tinawanan ko lang siya. Yung sarcastic na tawa.

"Hindi ko naman alam na ganyan ka pala ka-desperado. Kapag mahal mo, hahayaan mong maging masaya!" sagot ko naman dito.

"Oh ano yan mahal mahal na 'yan?" bungad ni Mikee nang makalapit sa amin ni Dave.

Hindi na lang ako sumagot at tumayo. Nasa labas kasi kami ng bahay nila ate Cheeng. Pumunta na lang muna ako sa kwarto namin nila Anna at inilock ko ito. Walamg gana akong napaupo sa kama ko at napaluha na lang bigla.

Nagkaaminan na sila kanina. Pero hindi ko pa alam kung sila na.

Sabi ko nung una, siguro ako yung pinakaunang taong magiging masaya kapag nakita ko siyang masaya pero hindi ko alam na mas masakit pala.

Magkaibigan na kami ni Darren for almost ten years! Kaso wala pala talaga yun sa tagal na nagkasama kayo. Kung hindi ka mahal, hindi ka talaga mahal.

Pinipilit kong ngumiti at maging masaya kaso parang sarili ko lang rin ang niloloko ko.

Matagal nang sinabi sa akin ni Darren na gusto niya si Abrianna. Pero palagi niya akong pinapakiusapan na huwag na huwag kong sasabihin kahit kanino, lalong lalo na kay Anna. Humahanap pa daw siya ng tiyempo at takot daw siyang mareject. Nung malaman kong may gusto din naman pala si Anna kay Darren, agad kong sinabi yun kay Darren para na rin may magudyok na sa kaniya na umamin na siya. Alam kong nahihirapan na rin siyang magtago ng feelings dahil alam ko yung ganitong pakiramdam at ayokong matulad siya sa akin kaya tinulungan ko talaga siya. Nung moment na mag-isa lang siyang nakaupo sa isang upuan nung nasa People's Park In The Sky, nakaplano na talagang itutulak ko si Anna sa kaniya doon para umamin na din. At successful naman.

Habang nakatingin ako sa kanila kanina, naghahalo ang saya at lungkot na nadarama ko. Masaya ako dahil sa wakas...magiging masaya na rin siya pero siyempre masakit kasi hindi ako yung dahilan ng pagiging masaya niya.

Baka sabihin niyo ay napakaplastik ko pero totoong masaya naman talaga ako para kanilang dalawa kaso nga lang ang manhid ko naman kung hindi ako makaramdam ng kirot sa puso ko. Kasi hello? Yung mahal mong ta, itutulak mo sa kaibigan mo. Sinong hindi masasaktan dun?

Napatigil ako sa pagtangis nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin. Inayos ko ang aking sarili at pinunasan ang aking luha. Tumayo ako mula sa pagkakaupo para buksan ang pinto at nagulat ako nang makita kung sino ito.

"Bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong sa kaniya pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Tila mukhang halata pa ata sa aking mga mata ang pag-iyak ko kanina.

"Si Anna?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Umiyak ka ba?" tanong niya at hindi pinansin ang aking mga tanong.

"Dun ka na lang sa labas." sabi ko sa malamig na tono at akmang isasarado na ang pinto pero pinigilan niya ako.

"Galit ka ba sakin?" tanong niya.

"Pwede ba, Darren. Not now, please?" inis kong sabi dito at sinubukan ulit isarado ang pinto pero masyado siyang malakas.

"So galit ka nga?" tanong niya ulit.

"Hindi ako galit. Hindi ako nagagalit. Kasi hindi ko magawang magalit eh." sagot ko at nagsimula na mangilid ang mga luha ko.

Shet, ang sakit. Bakit ang manhid mo?

Patuloy na akong nanghina at binitawan na ang pinto. Napayuko na lang ako at pinipilit na pigilan ang sarili sa pag-iyak. Naramdaman kong lumapit siya sa akin at yayakapin niya ako. Pero umiwas agad ako.

Bwisit, huwag mo akong yayakapin kung iba naman yung mahal mo. Huwag mo na akong bigyan ng karapatan na mas lalo pang umasa kahit hindi naman na dapat.

"May nagawa ba akong masama? May problema ba? Sabihin mo sa akin. Hindi naman ako manghuhula." seryoso niyang sabi pero nanatili lang ako nakayuko. Lumayo ako sa kaniya at nagtungo sa kama ko. Umupo ako dito at nararamdaman kong sumunod din siya sa akin at umupo sa aking tabi.

"Macey, pwede bang tumingin ka sa akin? Sabihin mo sa akin kung anong problema. Kanina mo pa ako iniiwasan ah." tanong niya. Naglakas loob na akong tumingin sa kaniya kahit alam kong namamaga na ang mata ko dahil sa pag-iyak ko.

"T-Teka...b-bakit ka umiiyak?" nagtataka niyang tanong.

"Ang manhid mo." tugon ko na ikinagulat naman niya.

"Nagtaka ka pa? Dahil sa'yo, nasasaktan ako." mahina kong sabi. Nanginginig na ang boses ko dahil sa aking paghikbi. Hindi ko mapigilan. Ang sakit eh.

"D-Dahil sa akin?" tanong niya.

"Argh! Darren naman!!! Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo kung gaano ako nasasaktan sa inyo ni Anna??? Bakit hindi mo maramdaman!?" pasigaw kong sabi sabay napatayo. Napahawak ako sa ulo na bahagyang sumakit dahil sa sobrang stress na nararamdaman ko ngayon.

"Gusto kitang sampalin, gusto kitang sapukin...argh! Pero hindi ko magawa!!! Kasi mahal kita! At wala akong karapatang masaktan nang ganito kasi wala namang tayo! Pero wala eh, ang sakit talaga eh!" sunod sunod kong turan habang patuloy sa pag-iyak.

"H-Hindi ko alam." sabi niya at halata sa kaniya ang pagkagulat.

"Oo, dahil ayokong ipaalam sa'yo. Pero okay na rin siguro 'to, feeling ko kasi, sasabog na 'tong puso ko kapag mas lalo ko pang pinatagal." sabi ko sabay huminga nang malalim.

"Huwag mo nang sabihin sa akin na 'I'm sorry, may mahal na akong iba, hanggang magkaibigan lang talaga tayo', kasi alam ko naman na lahat ng 'yon." dagdag ko.

Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang gulat pati na rin ang awa. Naaawa siguro siya sa akin. Kasi alam niyang wala naman akong pag-asa sa kaniya.

"Umalis ka na. Lumabas ka na. Parang awa mo na." pagmamakaawa ko dito dahil baka madami pa akong masabi at hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Macey I'm so---" hindi ko siya pinatuloy sa kaniyang pagsasalita dahil naunahan ko siya.

"Please lang, Darren! Puntahan mo na si Anna. Nandoon ka dapat. Nandoon ka dapat sa totoo mong mahal." mahinahon kong sabi habang nagpipigil pa din ng hikbi.

Sabay kaming napatingin sa pintuan nang biglang may kumalampag dito. Agad ko itong binuksan at laking gulat ko nang may makita akong isang babaeng naglalakad na palayo na halatang galing mula sa harap ng kwartong ito.

"Anna?" tawag ko dito. Lumingon siya at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Umiiyak rin ito.

Shocks! Kanina pa ba siya nasa labas ng kwarto?

• • •

Ang tagal ko na namang mag-update! Haha. Sorry guysh! Sana po suportahan niyo pa rin ito hanggang sa huli. 😊

TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon