1 • Friday

1.3K 46 17
                                    

Abrianna's POV

Friday ngayon kaya maaga ang uwian. Ang uwian kasi namin ay 4:30pm pero dahil friday ngayon, 3:30pm palang pinalabas na kami.

Nauna na yung iba kong kaibigan, ewan ko ba sa mga yun. May mga date ata haha.

Nakaupo lang ako sa isang bench dito sa covered court namin. Pinapanood yung mga taong dumadaan. Hinihintay yung isa kong kaibigan na kasabay kong umuwi. Wala pa din ang sundo ko kaya buti na lang.

Napatingin ako sa isang bench na malapit sa kinauupuan ko. May isang lalaki na nakasumbrero na puti at may black na backpack ang nakasabit sa kaniyang likod. Ngayon ko lang nakita 'to ah. Ang mysterious niyang tignan. Nakatungo lang siya kaya hindi niya alam na tinitignan ko siya. Hindi ko makita nang lubusan ang mukha niya dahil nga nakatungo ito. Naka-tshirt siya na puti at black na jeans.

"Huy babaita. Tara na."

Nagulat ako sa babaeng 'to. Si Dhaylene, siya yung kaibigan kong hinihintay ko kanina pa. Malamang ay kanina pa siya nandito pero hindi ko napansin dahil nakatingin ako lalaking yun.

"Crush mo?" sabi niya sabay turo sa lalaking nakaupo sa di kalayuan.

"Baliw! Puputulin ko 'yang daliri mo eh! Tinignan lang, crush na agad?" naiinis kong sabi.

"Gigil na gigil? Tara na nga at baka nandyan na yung sundo mo." pag-aaya nito sa akin at hinila ang kamay ko patayo.

"Ang weird." bulong ko sa sarili ko nang nilingon ko muli yung lalaking hanggang ngayon at nakaupo pa rin at nakatungo.

× × ×

"May pupuntahan ka ba ngayon, nak?" tanong sa akin ng mama ko.

"Wala naman po Ma. Bakit?"

"Aalis kasi ako. Ikaw muna magbantay ng bahay, tsaka baka bukas na ako makauwi kaya kung ayos lang sa'yo, ikaw na lang din magluto ng magiging hapunan mo ngayon at almusal mo para bukas. Siguro, hapon na ako makakauwi bukas." pagpapaliwanag ni Mama.

"Okay lang po, ma. Ingat po kayo!" nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Oh siya, aalis na ako ah. Mag-iingat ka rin dito, huwag magpapapasok ng hindi kilala ah? Love you, anak."

"Love you too, Mama." sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama.

Wala akong kapatid, nag-iisa lang akong anak. Si Papa naman, namatay na nung 10 years old pa lang ako dahil sa heart attack. Kaya kaming dalawa na lang ni Mama dito sa bahay. Okay naman na, nasanay na rin ako sa ganitong buhay. Simple lang. Kuntento na ako. Lahat naman ng nangyayari sa mundo ay may dahilan diba? Kung nasaan man si Papa ngayon, alam kong masaya siya na maayos ang pamumuhay namin ni Mama dito.

Grade 10 na ako. 16 years old. Focus ako sa pag-aaral ngayon, as always. Hindi ako katulad ng iba kong mga kaibigan na may lovelife na. NBSB ako, as in NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Ganun! Masaya naman mabuhay kahit walang lovelife noh. Tsaka bata pa naman ako, i-enjoy ko muna ang teenage life ko nang walang stress. Nakakastress kaya ang pag-ibig... Sabi nila.

× × ×

"Okay sige, bukas ah. Kapag na-late, pagsasaraduhan ko ng gate." pabiro kong sabi sa kanila sa group chat namin ng mga kaibigan ko. Si Dhaylene, Kessel at Mikee.

Niyaya ko kasi silang pumunta dito sa amin tapos magja-jogging kami then movie marathon. Ang boring kasi dito sa bahay. Wala din namang assignments at sabado bukas. Nagpaalam na rin ako kay Mama na pupunta sila dito kaya ayun.

"o sige, basta may puds ah." sabi ni Dhaylene.

Etong si Dhay, walang ibang nasa isip kundi pagkain...hay.

11pm na nang gabi. Hindi pa din ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit pero nagfa-flashback sa utak ko yung lalaking nakasumbrero kanina.

Sino kaya yun? Estudyante din kaya sya? Pero bakit hindi siya nakauniform? At bakit kanina ko lang siya nakita sa campus kung estudyante nga siya? Hindi naman pwedeng teacher siya kasi mukha pa naman siyang binata eh.

"ARGHHHH." sinabunutan ko ang sarili ko sa inis. Bakit ko ba iniisip yun? Ni hindi ko nga alam pangalan niya o ang itsura ng mukha niya eh!

Abrianna, matulog ka na. Kawawa yung tao, baka hindi din siya makatulog kasi iniisip mo siya.

Okay... Pikit... Matulog ka na Anna.

Magkikita pa tayo, sure ako.


• • •


Thank you po sa lahat ng mga nagbabasa! (Kahit wala pa naman. Haha!) 💚


TW: @tsinigowden

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon