28 • Picnic

508 29 25
                                    

Abrianna's POV

"So bakit ako ang niyaya mo? Hindi si Macey?" tanong ko habang nginunguya ang chocolate chips na kanina ko pa kinakain. Eh bakit ba? Eh sa gutom ako eh.

"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi naman... Pero diba? Dapat si Macey ang inaya mo kasi mas close kayo." tugon ko na ikinakunot naman ng noo niya.

"Close naman tayo ah." sagot niya.

"At tsaka hindi lang naman si Macey ang kaibigan ko, ikaw din. Nasa iisang village pa tayo kaya bakit maghahanap pa ako ng iba kung nandyan ka naman na?" dagdag niya.

Luh. Edi wow. Kapag nandyan naman si Macey, hindi mo ko napapansin.

Tumango tango na lang ako bilang tugon dahil wala na akong maisip pang isasagot.

"By the way..." pag-iiba ko ng topic.

"Ano yung naramdaman mo kagabi nung in-announce ng emcee na hindi tayo ang nanalo sa contest?" tanong ko sa kaniya.

"Masaya." natatawa niyang sagot.

"May natalo na palang masaya noh?" sarkastiko kong tanong.

"Yup, at ako yun. Dun pa nga lang sa school natin, sobra na yung kaba ko, paano pa kaya kapag lumaban na tayo sa ibang school?" seryoso niyabg paliwanag.

"Sabagay..." tipod kong sagot.

"Eh ikaw, ano bang naramdaman mo nung natalo tayo?" balik niyang tanong.

"Hmmm... Masaya na malungkot. Masaya kasi wala na tayong pagkakabusyhan pa pero malungkot kasi...diba? First time kong sumali ng contest tapos talo pa." natatawa kong sagot.

"Unang beses pa lang naman pala eh. Malay mo sa susunod, manalo ka na." tugon niya.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Kayong dalawa lang ni sir Chris sa bahay niyo?" pag-uusisa ko.

"Oo, bakit?" sagot niya.

"Wala lang. Nasaan parents mo?" sunod kong tanong.

Bigla niyang tinuro yung taas kaya tumingin ako dito.

"Saan?" tanong ko habang sinusundan ang tinuturo ng daliri nito.

"Nasa heaven na." mahina niyang sagot.

Oops.

"Ahh...Sorry." nahihiya kong sambit.

"Okay lang." sabi niya sabay pilit na ngumiti.

"Ano yung ikinamatay nila?" tanong ko.

"Car accident." matipid niyang sagot.

"Sorry ah, hindi dapat ako nagtatanong ng mga ganitong klase ng questions." sabi ko sabay iwas ng tingin.

Hindi siya sumagot.

"Wala kang kapatid?" paguumpisa ko na naman sa pag-uusisa.

Napansin kong biglang lumamlam ang mga mata nito.

"W-Wala na." sagot niya.

"Paanong wala na?" nagtataka kong tanong.

"Nandun na din siya, kasama nila Daddy." sabi niya sabay turo ulit sa taas.

"Kasama siya sa car accident?"

"Hindi. Kakamatay niya lang nung isang araw." sagot niya na ikinagulat ko naman.

"N-Nung isang araw lang? Bago magcontest?" gulat kong sa kaniya.

Tumango siya bilang tugon.

"Kaya ako na-late sa contest kasi parang nawalan ako ng gana. Pero inisip kita. Napagtanto kong hindi porket nasasaktan ako sa panahon na yun, eh dapat may maapektuhan pang ibang tao kaya nagdecide ako na humabol sa contest." pagkukuwento niya.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon