Special Chapter 1

449 21 12
                                    

Abrianna's POV

"Hey, wake up." rinig kong sabi niya. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha niya habang nakangiti.

"Nandito na tayo." sabi niya. Napangiti na lang rin ako at umayos ng pagkakaupo.

"Sorry, nakatulog ako." sabi ko.

"No, it's okay." sabi niya sabay halik sa noo ko. "Tara na?"

"Okay." sagot ko.

Nauna siyang bumaba ng kotse para pagbuksan ako. Pagkababa ko ng kotse, napangiti agad ako sa nakita ko. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta dito.

"Let's go?" nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango lang ako at nginitian din siya. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nung hinawakan niya ang kamay ko.

Magkahawak kamay kaming naglalakad ngayon sa malawak na parke na 'to na kung saan ay may maraming tao. Rinig na rinig ang mga tawanan, kwentuhan at iba pa sa lugar na 'to. Nakakatuwa lang na makita ang mga tao sa paligid na ganito kasaya.

"Oh, anong dahilan ng ngiti na 'yan?" biglang tanong niya.

"H-Huh? Wala lang. Nakakatuwa lang yung mga tao dito." I answered him with a smile. "Eh ikaw? Anong dahilan ng ngiti na 'yan?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya kasi kanina pa rin siya nakangiti kahit nung nasa kotse palang kami.

"Ikaw." tipid niyang sagot. Hay. Isang salita lang yun pero parang natunaw na yung buong pagkatao ko.

"Tsss... Edi wow." sabi ko na lang habang pinipigilan ko ang sarili ko na ipakita sa kaniya na kinikilig ako. Siyempre, pakipot mode muna.

"Asus. Kinilig naman siya." pang-aasar niya sabay kiniliti ako sa tagiliran ko na dahilan para mapatawa ako nang malakas at pagtinginan kami ng mga tao sa paligid. Dahil dun, tinignan ko siya nang masama kaya napatigil siya.

"Sorry." sabi niya pero halatang pinipigilan niya lang yung tawa niya. Inirapan ko lang siya sabay alis. Kaso paano ako makakaalis eh hawak niya yung kamay ko?

"20 minutes." sabi niya habang nakatingin sa wrist watch niya.

"Huh?" nagtataka kong sabi sa kaniya.

"20 minutes na lang, new year na." sabi niya habang nakangiti.

"Ahhh... Sure ka talagang manonood ka ng fireworks display ah?" tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango.

"Naman. Matibay na 'to noh." sabi niya sabay turo sa kaniyang dibdib.

"Nakapag-sky diving na nga tayo eh." sabi pa niya. Argh. Naalala ko na naman yung moment na yun. Yun yung adventure na masaya pero wala na akong balak pang ulitin. 'Pag naaalala ko yun, parang kumakawala yung kaluluwa ko sa katawan ko.

"Hay nako, 'wag mo nang ipaalala yun." inis kong sambit. Tumawa lang siya at binitawan ang kamay ko. At naramdaman ko na lang bigla ang pagyakap niya sa bewang ko mula sa aking likuran at ipinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat. Nararamdaman ko ang paghinga niya na dahilan para kilabutan ako. Ghad. Hindi pa talaga ako nasanay sa pagiging clingy ni Darren.

"This time, hindi na ako aalis pa. Hindi katulad nung dati na kailangan ko pang lumayo sa'yo pagkatapos kong magpakita." sabi niya. Mahina akong napatawa.

"Hay. That time, inisip ko talaga na baka multo ka na." natatawa kong sabi. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Ang gwapo ko namang multo." biro niya. Ang yabang talaga nito.

"I love you." wala sa sarili kong sabi sa kaniya. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin at iniharap niya ako sa kaniya.

Ngumiti lang siya at nanatiling nakatingin sa mga mata ko.

"Wala man lang sagot?" tanong ko sa kaniya.

"Wait lang, kinikilig pa ako." sabi niya habang nakalabas ang dimples. Agh! Ang cute cute ng boyfriend ko!

"Nakakainis ka." sabi ko.

"Huh? Bakit naman?" tanong niya.

"Ang cute mo." sabi ko sabay pisil ng magkabilang pisngi niya.

"Yun lang pala eh. Maliit na bagay." nakangiti niyang sabi. Ang yabang talaga.

"Psh." tanging nasabi ko na lang at inirapan siya.

"I love you, Abrianna ko." sabi niya habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.

Natulala na lang ako nang bigla niya akong halikan. As in sa lips talaga. Mga 5 seconds lang naman.

"Magnanakaw." sabi ko.

"Krimen na ba ang magmahal?" tanong niya.

"Oo." sagot ko.

"Ow. Edi willing akong makulong, basta sa puso mo." sabi niya sabay kindat.

"Corny." komento ko.

"Pero mahal mo?" sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tinalikuran ko na lang siya. Pinanood ko ang dancing fountain sa may harapan namin. Ang ganda.

"5....4....3....2...." nagbibilang na ang mga tao sa paligid, kasama na roon si Darren.

"HAPPY NEW YEAR!" sigaw ng mga tao. At umingay na ang buong paligid. Napuno ng tunog ng mga torotot at paputok ang kapaligiran. Nagsimula na ring magpakita ang mga magagandang at makukulay na fireworks sa itaas.

"Abby..." sabi niya. Rinig ko ito kahit maingay pa ang paligid. Dahil na rin nakatapat ang kaniyang bibig malapit sa aking tenga.

"Yes?" nilingon ko siya.

"Yung puso ko." seryoso niyang sabi habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Nagsimula naman akong mag-alala.

"Bakit? Masakit na naman ba?" tanong ko. Umiling siya at ngumiti sa akin.

"Hindi. Pakiramdam ko lang, nakikisabay yung fireworks sa puso ko." sabi niya.

"Parang sasabog siya sa sobrang lakas ng kabog nito." dagdag pa niya. Napatingin na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam ang ikokomento ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na ganun din ang nararamdaman ko ngayon.

"Happy new year, Darren." sabi ko na lang sabay mabilis na hinalikan ang labi niya.

"Bitin." komento niya. "Aray!" reklamo naman niya nang bigla ko siyang batukan. Napakaabusado ba naman!

"Happy new year din, love." nakangiti niyang sabi. Sobrang saya ng puso kong makita siyang ganito. Nawawala na yung mga mata niya sa tuwing ngumingiti siya, nagsisilabasan din ang mga dimples niya. Hay. Hindi ako mapapagod na titigan ang mukha niya. Napakaswerte ko. Sobra.

"Baka matunaw na ako ah, papakasalan pa kita." bigla niyang sabi na dahilan para mapatawa kaming dalawa.

Totoo nga naman talaga ang sinasabi ng karamihan...True love waits. Mabuti na lang talaga at naghintay ako.

• • •

Hi. Wala lang. Hahaha! Namiss ko lang sila lol. Mema-update lang ganun. So ayun na nga. Hahaha. Belated Merry Christmas and advance Happy New Year! 😂💚 Paki-support na rin pows yung bago ko pong sinusulat na kwento na "REBEL". Thank you mga beshies! Labyu! 😘

PS: 'Tong mga special chapters, parang ano siya, flashback ganern. So etong nandito sa SC na 'to is hindi pa sila kinakasal. Magjowa palang ganern. Hahaha. So ayun na nga.

TW/IG: @tsinigowden

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon