16 • Representatives

545 34 9
                                    

Abrianna's POV

"Abrianna!" sabay sabay na sigaw ng aking mga kaklase.

Umiling iling ako.

"Ma'am, huwag po ako please." pakiusap ko kay Ma'am Sherly, teacher namin sa Music.

"Ayaw daw niya eh." tugon naman ni Ma'am Sherly.

"Naku, Ma'am. Sigurado pong mananalo tayo kapag si Abrianna ang naging pambato natin." sigaw ni Kessel.

"Ma'am si Macey na lang po, magaling siyang kumanta." tugon ko.

"Anna!" saway sa akin ni Macey.

"Edi kayong dalawa na lang ang representative natin." suhestiyon ni Ma'am Sherly.

Nag-agree lahat ng mga ito sa sinabi ni Ma'am. Oh noooo.

"E diba po, isa lang ang kailangan?" tanong ni Dhaylene.

"Isa lang nga. Bukas, maghanda kayo ng tig-isa niyong kanta. Kakanta kayo dito sa harap at ako na ang bahalang humusga kung sino ang pwede kong gawing pambato para sa section na ito." nakangiting sabi ni Ma'am Sherly.

"At... Dapat handa kayo sa para sa magiging kaduet ninyo." dagdag pa nito.

Duet? So hindi kami mag-isang magpeperform sa stage...may kasama pang iba?

"Saan po manggagaling ang ka-duet nila Ma'am tsaka lalaki po o babae?" tanong ni Mikee.

"Sa ibang section naman makukuha ang ka-duet nila, lalaki para partner sila." sabi nito sabay ngiti nang nakakaloko.

Napa-face palm na lang ako sa sobrang inis.

"Alam kong kaya mo 'yan." sambit sa akin ni Dhaylene.

"Ewan ko sa inyo." sabi ko sabay irap.

"Ay galit na siya oh." natatawang sabi ni Mikee.

"Alam niyo namang ayokong nagpeperform sa stage...sa harap ng maraming tao." inis kong tugon.

Nanahimik lang sila at bumalik sa kanilang mga upuan.

"May tiwala sila sa'yo na kaya mo. Ang kailangan mo lang na magtiwala din sa sarili mo." mahina pero malambing ang pagkakasabi ni Macey sa akin na nakaupo sa tabi ko ngayon.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

"Sus. Alam kong ikaw ang mapipili." sabi ko sa kaniya sabay ngiti.

"Huwag nating pangunahan si Ma'am. Malay mo naman diba." nakangiti niyang sabi sabay kindat.

Hay... Bakit nga ba nagagawa kong magtiwala sa ibang tao samantalang ang sarili ko ay hindi ko mabigyan ng tiwala?

× × ×

"Estrella!!!" sigaw ni Dave habang tumatakbo papalapit sa akin.

Tinignan ko ito ng masama.

"Pwede ba, yung pangalan ko ang itawag mo sa akin, hindi yung apelyido ko. Kasora 'to." inis kong sabi sa kaniya.

"Ito naman. Ang sungit na naman." natatawa niyang sabi.

"Eh bakit ka nga pala nandito?" tanong ko dito.

Nandito kasi ako sa garden ngayon ng school namin. Lahat naman allowed na tumambay dito as long as wala kang klase sa oras na yun. Eh lunch naman namin eh. Iniwan nga lang ako ng mga kaibigan ko dito para puntahan yung nga crush nila, kainis diba?

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon