5 • Bike

623 44 21
                                    

Darren's POV

"Ayos lang naman po ako dito." sagot ko kay Tito Chris sa kabilang linya.

Tinawagan niya kasi ako ngayon at kinakamusta kung ayos lang ba ako.

Okay lang naman ako dito. Sana'y na akong mag-isa.

"O sige. Pabalik na ako bukas. Sigurado ka bang okay ka lang diyan?" tanong niya.

"Oo nga po tito, hindi niyo na po kailangan pang mag-alala. Inaalagaan ko naman ang sarili ko eh." sagot ko.

Nag-kwento lang siya ng kaunti tungkol sa mga ginawa niya sa Cebu sa buong week na ito. At sinabi niyang huwag ko na raw siya sunduin sa Airport bukas at hintayin na lamang siya dito sa bahay tsaka niya ibinaba ang tawag.

Nabobored na ako kaya naisipan ko ngayon na lumabas sa bahay.

Nang makalabas ako ng gate, nakita ko siya...

× × ×

Abrianna's POV

Sabado na namaaaaan! Tagal ko nang hindi nakikita si Sungit. Hayaan mo na siya. Sa tuwing dumadaan ako sa bahay nila, palaging saradong sarado. Sobrang tahimik, hindi mo aakalaing may tao palang nakatira dun.

Nagiikot lang ako ngayon sa village namin gamit ang bike ko.

Hindi ko man gustuhin pero gusto ko naman talaga... Dadaanan ko ang bahay ni ano... Ni basta.

Duh? Iikutin ko nga 'tong village diba? Edi madadaanan ko nga. Wag kayong pa-issue please.

Malapit na ako sa bahay nila nang makita ko siyang lumabas sa gate nila.
Puso, kumalma ka lang, pakiusap.

Nang magtama ang mga mata namin, hindi ko naiwasang manginig...

Nang dahil sa panginginig na 'yun...

"Ayyyy!" sigaw ko nang biglang ma-out of balance habang nagba-bike at natumba nga ako.

Arghhh. Ang sakit ng binti ko. Kasalanan 'to ni Darren!

Nagulat ako nang pag-angat ko ng ulo ko ay nasa harapan ko na pala siya.

Ano? Tatawanan mo ako?

"Bakit?" naiinis kong tanong.

"Ayaw mo ng tulong?" malamig niyang tanong sa akin.

Abnormal ba 'to? Kailangan pa bang tanungin yun eh hindi na nga ako makatayo?

"Oh." sabi niya sabay abot ng kamay niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila niya ako patayo pero hindi ko makayanan.

"H-Hindi ko kayang tumayo... Ang sakit." sabi ko sabay hawak sa kanan kong binti na may sugat din pala.

Itinayo niya ang bike ko at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong binuhat at inupo sa bisekleta.

"Saan ba bahay mo?" tanong niya.

Ikaw ba 'yan, Darren? Woah.

"D-Dun lang. Medyo malapit lang naman dito. Ituturo k-ko na lang sa'yo." nauutal kong sagot.

"Aray!" angil ko nang matamaan niya ang binti kong may sugat.

"Kailangan muna natin sigurong gamutin yang sugat mo bago ka umuwi." sabi niya sabay binuhat niya ulit ako at iniwan ang bike ko sa labas ng bahay nila na nakatayo.

Ohmyghad. Laking pasasalamat ko talaga sa bike ko ngayon. Haha!

× × ×

Darren's POV

"Ibang iba na pala 'tong bahay na 'to." sabi niya habang iniikot ikot ang paningin sa bahay namin.

Hindi ako kumportable sa presensya ng babaeng 'to. Kung hindi lang ako mabait, hindi ko 'to tutulungan.

"Bakit?" tanong ko.

"Bahay kasi 'to dati ng Ninang ko pero hindi ganito ang itsura niya dati..." sagot niya.

"Mas maganda yung dati." dagdag pa niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ay, siyempre. Puro sila babae noon dito kaya mas maganda ang ayos. Eh kayo dito puro mga lalaki kaya medyo simple lang ang ayos ng bahay... Ganun." pagpapaliwanag niya.

"Nasaan ba sugat mo?" tanong ko nang makalapit na sa kaniya.

"E-Eto." turo niya sa kaniyang kanang binti. Ang laki pala ng sugat niya. Ano bang nangyari sa isang 'to?

Habang ginagamot ko ang sugat niya, napapailing na lang ako sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin.

Hindi mo naman siya masisisi.

"Oh ayan. Okay na. Pero sa tingin ko, hindi mo pa kayang magbike pabalik sa inyo. Ako na lang." sabi ko na bahagyang ikinalaki ng mata niya.

"H-Huh?" nauutal nyang sabi.

"Bakit? Ayaw mo? Kaya mo na ba?"

"Ah.. H-hindi pa, s-siyempre." nakatungong sabi niya.

"Tara na." inalalayan ko siyang tumayo at hinawakan ang kamay niya.

May naramdaman akong kakaiba.

Ito na ba yung spark na sinasabi nila?

What the hell, Darren? Kailan ka pa naniniwala sa ganyan? Ang corny mo.

× × ×

Abrianna's POV

"Sige, salamat ulit Darren ah. Eto kasing si Anna, sinabi ko nang mag-ingat eh." sabi ni Mama kay Darren.

Napakamot na lang ng ulo si Darren. Eto namang si Mama, parang ipinapamukha pa kay Darren na lampa ako.

"Sige po, alis na rin po ako." pagpapaalam nito kay Mama.

"Ay, hindi ka muna papasok?" tanong ni Mama sa kaniya.

"Hindi na po. Nagmamadali na din po ako. Salamat na lang po." pagtanggi nito.

"Oh sige, salamat ulit ah." nakangiting sabi ni Mama sa kaniya.

Tumango lamang siya at pilit na ngumiti. At tsaka tumalikod at tuluyang umalis.

May bayad ba ang ngiti nito?

"Sure ka bang hindi mo boyfriend yun?" pangiintrigang tanong ni Mama sa akin at napailing naman ako kaagad.

"Naku, Ma. Baka tumutol ka pa sa akin pag naging jowa ko yan. Hindi niyo magugustuhan ugali niyan. Hindi ko magiging boyfriend yan." paliwanag ko.

"Sus. Sige na nga, tara na't pumasok sa loob. Sa susunod kasi, magiingat ka na para hindi makaabala ng iba." pag-papaalala niya.

Kasalanan kaya ni Darren 'to kaya responsibilidad niyang tulungan ako.

• • •

Thank you pows sa mga nagbabasa! 💚 Sana huwag kayong magsawang magbasa, magcomment at magvote! Love lots! 💞

TW: @tsinigowden

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon