42 • Last Friday

470 17 3
                                    

Abrianna's POV

Nakatingin ako ngayon sa kawalan. Maraming tanong ang bumabagabag sa akin ngayon. Mga tanong na kahit kailan, baka hindi na masagot.

"Hindi mo ako kailangang kilalanin at mahalin. Hindi dapat ako maging parte ng buhay mo. Ayokong mapalapit ka sa isang taong siya rin mismo ang lalayo sa'yo 'pag nagtagal."
Mga salitang paulit ulit kong naririnig sa aking isipan.

Sa pag-ibig, kailangan mong sumugal. Hindi mo alam kung mananalo ka o matatalo pero ang importante, sinubukan mo at lumaban ka.

"Handa na akong ipaglaban ka, pero ikaw yung umayaw. Ako mismo ang gumawa ng paraan para makilala mo ang sarili mo. Pinalaya kita, pinakita ko sa'yo kung gaano kaganda ang mundo at kung gaano kasarap ang mabuhay... Pero sa kabila ng lahat ng 'yon..." napabuntong hininga ako sa lahat ng aking nasabi at hindi na lamang itinuloy ang mga gusto kong sambitin. Nagmumukha na kong tangang kinakausap ang sarili sa isang malawak at tahimik na parke.

Gulong gulo na ako.

Hindi ko na alam ang gagawin.

Masakit.

Bakit kailangang maging ganito?

"ARGHHH!!!" sigaw ko sabay sabunot sa aking sarili.

Hindi ko mailabas ang tunay kong emosyon nung kaharap ko si Darren. Pilit kong nilalakasan ang loob ko at pinapakita sa kaniyang matapang ako. Pero puno ng pangangamba ang puso ko. Paano nga ba kung hindi na siya makabalik? Paano kung hindi na siya gunaling? Paano kung...

Hindi... Hindi pwede.

Pinauna ko nang umalis si Darren dahil sabi ko, kailangan ko lang magpahangin. Hindi ko pa kayang umuwi sa bahay nang madaming iniisip. Gusto ko munang ilabas lahat ng nasa loob ko. Ang bigat sa damdamin nito eh. Hindi ko lang mailabas noong nasa harapan ko si Darren dahil ayokong makita niya akong pinanghihinaan ako ng loob.

Napahiga na lang ako sa damuhan at pinikit ang mga mata ko. Isang patak ng luha ang kumawala mula sa mata ko. Kakayanin ko 'to.

Gagaling siya. Magiging okay rin ang lahat.

× × ×

Abrianna's POV

"Uy! Tulala ka na naman diyan!" saway sa akin ni Dhaylene nang mapansing hindi ako makasunod sa mga itinuturo ng bago naming leader sa group presentation namin. Ako talaga yung leader dapat kung hindi lang kami nagpunta ng Tagaytay kaso nangyari na yun so... Ayun na nga.

"Inaantok lang ako." mahina kong sabi.

"Aba, bawal antukin dito!" panenermon naman ni Mikee.

"Marami tayong practice na nalibanan kasi nag-Tagaytay tayo. Kailangan nating magcatch up." sabi naman ni Kessel.

"Okay, sorry na kung antukin ako." walang gana kong sambit.

"Ano ba kasing nasa isip mo?" tanong ni Kessel.

"Hindi ano, baka sino." pang-aasar naman ni Dhaylene.

"Tumahimik na nga kayo." saway ko sa kanila sabay baling ulit sa leader namin na nagdidiscuss about sa presentation namin.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon