Escape

vkaugust tarafından

31.4K 1.5K 725

Ang nakaraan, sabay nating takasan. Daha Fazla

Prologue
1 • Friday
2 • Call
3 • House
4 • Ballpen
5 • Bike
6 • Connection
7 • Bracelet
8 • Away
9 • Help
10 • Set Up
11 • Confess
12 • Third Wheel
13 • Change
14 • Jealous
15 • Basketball
16 • Representatives
17 • Partner
18 • Realizations
19 • Friends
20 • Texts
21 • Option
22 • Practice
23 • Brainwash
24 • Obsession
25 • Bad News
26 • Contest
27 • Date
28 • Picnic
29 • Book
30 • Plans
31 • Tagaytay
32 • Gratitude
33 • Talk
34 • Let Go
35 • Mutual
36 • Heartbreak
37 • Decision
38 • Reunited
39 • Sign
Author's Note
40 • Party
41 • Promise
42 • Last Friday
43 • Last Call
44 • Christmas Gift
45 • New Year
46 • Rejected
48 • Beginning
Epilogue
THANK YOU 💚
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3

47 • The Dance

500 22 16
vkaugust tarafından

Abrianna's POV

"CONGRATULATIONSSSS!!!" malakas naming sigaw nila Mikee at Dhaylene habang niyuyugyog si Kessel dahil sa sobrang tuwa.

"Thank you!" natatawang sabi ni Kessel sa amin. "Congratulations din sa inyo noh!"

"Sus, iba ka pa din. Lodi ka namin eh!" sigaw ko habang tinutulak-tulak siya.

"With high honors, naks! We're so proud of you, Ms. Kessel Ann Gako." sabi naman ni Mikee sabay nag-bow pa sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo, Ms. Mikee Billalba. With honors naman kayo." tugon ni Kessel habang natatawa pa din dahil sa inaasta namin.

"Kahit na, ikaw pa din pinaka the best! Taas mo eh, 'di ka namin maabot! Petmalu!" biro ko with matching actions pa.

"Kaso sana kung gaano kataas yung grades mo, ganun din kataas yung height mo." singit naman ni Dhaylene. Tinignan ni Kessel ito ng masama.

"Wow. Nagsalita ang matangkad. Wow talaga, Ms. Dhaylene Alejandro." pagtataray naman ni Kessel. Natawa na lang kaming lahat dahil parang mga baliw lang kami dito ngayon. Hindi makapaniwala na sa wakas, tapos na ang paghihirap namin sa junior high school. Problema na lang talaga ay ang mga kukuhanin naming track para sa senior high school.

Kakatapos lang ng moving up namin at pare-parehas kaming masaya dahil pare-parehas din kaming nakagraduate na may mataas na grades. Totoo ngang kapag natapos mo na ang isang bagay, dun mo lang marerealize na worth it rin naman pala ang pagpapakapagod at paghihirap mo. Ang mas masaya pa dun ay kasama ko ang mga kaibigan ko na magmoving up. Nakakatuwang isipin na kahit ang dami naming pinagdaanan, sa huli, kami pa rin ang magkakasama.

"Hi guys!" bungad ni Macey na kakalapit lang sa pwesto namin.

"Hello, Macey! Congrats!" masaya kong bati sa kaniya at niyakap siya. After niyang yumakap sa akin ay nakipag-apir naman siya isa isa kila Mikee, Dhaylene at Kessel.

"Wow. Galing kay Simon?" tanong ni Dhaylene kay Macey at itinuro ang maliit na bouquet ng flowers. Tumango lang si Macey bilang tumugon habang nakangiti. Tinusok naman ni Mikee si Macey sa tagiliran nito gamit ang kaniyang daliri at binigyan ito ng mapang-asar na tingin.

"Iba na talaga kapag may lovelife." ang-aasar ni Kessel.

"Ano ba, guys. Wala naman akong lovelife." natatawang sabi ni Macey. "Friends lang kami ni Simon."

"Deny pa, Macey! Friends pero hinahatid sa bahay? Friends pero binibigyan ng bulaklak, teddy bear at chocolates? Friends pero nagbibigay ng letters? Friends pero----" natigil ako sa pagsasalita nang biglang nagslita si Macey.

"Okay fine, nanliligaw si Simon." pag-amin niya at sabay sabay kaming nagtilian na parang mga fangirls na nakita ang idol nila sa personal.

"Gaga ka! Kailan pa? Bakit hindi mo agad sinabi?" sabi ni Dhaylene sabay mahinang hinampas si Macey sa kaliwa nitong braso.

"Hmmm... Nung...D-December pa?" nauutal niyang sagot.

"Jusko, ang tagal na pala! Kailan mo balak sagutin?" pang-iintriga naman ni Mikee.

"Hmm... Ewan ko. B-Baka mamaya? I don't know. Hindi pa ko ready." sagot naman ni Macey.

"Sagutin mo na mamaya, Macey! Mabait naman yung si Simon eh tsaka mukhang seryoso talaga sa'yo." pang-eencourage naman ni Kessel.

"Huy, huwag niyo namang i-pressure si Macey!" saway ko sa kanila. "Hindi pa siya ready kaya huwag nating madaliin. Basta Macey, kung kailan mo ma-feel na ready na yung puso't isipan mo, doon mo na siya sagutin." nakangiti kong payo sa kaniya.

Medyo kumirot naman yung puso ko sa sinabi ko. Matagal nang handa ang puso't damdamin ko para sagutin si Darren pero hanggang ngayon, wala pa rin siya.

Matuto kang maghintay, Abrianna.

"Thank you." sagot niya habang nakangiti rin.

"O siya, I have to go. Nasa labas na yung sundo ko. See you later, girls!" pagpapaalam ko sa kanila at nag-wave.

"See you!" sigaw nila.

× × ×

"Sigurado ka bang wala ka talagang ka-date?" pang-iintriga ni Mama.

"Mama naman, wala nga po." sagot ko.

"Sayang naman ang ganda mo kung wala kang ka-date." sabi pa niya pero hindi ko na lang pinansin.

Okay lang naman sa akin ang walang ka-date sa ball, masaya namang mag-solo eh. Tsaka kasama ko naman yung mga kaibigan ko...kaso pare-parehas silang may date. May mga nag-aya din naman sa akin pero tinanggihan ko ang lahat. Si Darren lang kasi ang gusto kong makasayaw ngayong gabi. Kaso paano mangyayari yun kung wala naman siya dito?

"Alam mo, mas gaganda ka anak kung ngingiti ka." bigla naman akong napalingon sa kaniya. Pinilit kong ngumiti at ipakita sa kaniya na masaya ako.

Masaya naman talaga ako kaso... May kulang eh.

× × ×

"Just text or call me kapag magpapasundo ka na ha? Mag-enjoy ka lang anak." pagpapaala niya sa amin nang makarating na kami sa venue.

"Opo. Thank you, Ma!" sabi ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi at niyakap siya.

Ngumiti siya bago pumasok ulit sa kotse namin at iniwan na ako dito sa hotel kung saan gaganapin ang moving up ball namin. Tinawagan ko si Mikee para sabihin na nandito na ako.

"Yow. Nandito na ko. Sunduin niyo ko dito sa baba." utos ko sa kaniya.

"Gaga, pumunta ka na lang dito. Nandito na rin sila Dhaylene at Kessel. Kasama yung mga ka-date nila, hindi nila maiwan eh." tugon niya.

"Hay naku naman. Eh ikaw? Wala kang ka-date? Akala ko ba si Paulo yung partner mo?"

"Hindi naman ako pumayag eh tsaka ayoko ng ka-date. Okay na akong mag-isa...tulad mo." sabi niya sabay mahinang tumawa. Wow, nakakainsulto 'to ah.

"Ewan ko sa'yo. O sige, sasakay na ako ng elevator. Hintayin mo ako diyan ah." sabi ko.

"Okay, bilisan mo na't nabobored na talaga ako kanina pa dito. Puro sila busy sa mga date nila eh." sabi niya at halata sa kaniyang boses ang pagkainis.

"Oo na." natatawa kong sabi at in-end ang call.

Nang makasakay ako sa isang elevator, malapit na 'tong magsarado nang biglang may isang kamay ang pumigil na magsarado nito kaya bumukas ulit ang elevator at nagulat ako nang makita kung sino ito.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Kaming dalawa lang ang nasa loob ngayon ng elevator. Walang may lakas ng loob na magsalita o bumati man lang.

"Hi." mahina niyang sabi. Hindi ko siya tinignan.

"Hello." walang gana kong tugon at hindi pa din tumitingin sa kaniya.

"You...look b-beautiful tonight." sabi niya pa.

"Thanks." matipid kong tugon at biglang bumukas na ang elevator.

"Enjoy the night!" nakangiti niyang sabi. Doon ko lang siya nakuhang tignan. Parang ang rude ko naman kasi kung patuloy akong iiwas ng tingin sa kaniya.

"Thank you, ikaw rin...Dave." sabi ko sabay pinilit na ngumiti.

Magmula kasi nang i-reject ko siya, nagbago na ang lahat. Lumayo na ang loob namin sa isa't isa. Hindi na kami muling nagpansinan nun at naging magkaibigan. Kaya ang awkward ng feeling sa tuwing accidentally na magkakasama kami or magkakasalubong.

Sabay kaming pumasok sa loob na ginaganapan ng ball namin tonight. Pagpasok ko, ang ingay ng paligid at ang dami nang tao. May mga nagsasayawan at nagkukuwentuhan. Iginala ko ang paningin ko sa paligid para mahanap sila Mikee.

"Ah... Dun na ako ah?" biglang sabi ni Dave na nasa tabi ko pa rin pala. Tumingin ako sa kaniya at tumango lang nilang tugon. Umalis na siya at pumunta sa kung saan.

Nagsimula ulit akong tumingin sa paligid ko nang biglang may nanggulat sa akin.

"Bwiset ka, Mikee. Muntik na akong atakihin sa puso!" inis kong sabi sabay hampa sa braso ko. Tumawa lang siya.

"Si Dave ba yung kasama mo kanina? Sabay kayong pumunta dito?" tanong niya. Umiling ako.

"Hindi kami sabay pumunta dito. Nagkataon lang na iisang elevator ang nasakyan namin." paliwanag ko. Hindi na siya nagsalita pa at hinila na lang ako papalapit sa isang table kung saan nandun sila Kessel at Dhaylene.

"Nandito na pala si Estrella." sabi ni Dhaylene.

"Huy Abriannaaaa! Bakit ang tagal mo?" malakas naman na sabi ni Kessel. Kahit kailan talaga itong babaitang 'to, kaloka.

"Sumakay pa kasi ang eroplano at umakyat sa tatlong bundok at lumangoy sa dalawang dagat kaya natagalan akong makarating dito." sarkastiko kong sagot sa kaniya.

"Edi wow, Abrianna. Edi wow." sabi niya sabay irap sa akin pero bigla din siyang tumawa. Oh diba, bipolar.

"At talagang wala kang ka-date ah? Sa dami ng nag-aya sa'yo, ni-reject mo lahat?" nagtatakang sabi ni Dhaylene.

"Yeah, ganun na nga." sagot ko.

"Wala kasi dito yung gusto niyang maka-date." sabi naman ni Mikee. Na-gets ko naman agad na si Darren ang tinutukoy niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Nasaan nga pala yung mga ka-date niyo?" tanong ko sa kanila.

"Nandun, kasama yung mga ka-barkada nila." sagot ni Dhaylene.

"Hayaan mo na sila muna doon, tayong apat muna mag-date dito at magparty party." sabi naman ni Kessel with matching sayaw sayaw pa na parang baliw lang.

Hay, hindi ko tuloy mafeel na wala akong ka-date ngayon dahil sa mga kaibigan ko. Buti na lang talaga nandito sila para pasayahin ako.

× × ×

Nakatingin lang ako sa paligid at pinagmamasdan ko ang mga dumadaan na estudyanteng napakaganda ng mga suot ngayong gabi. Ang bobongga ng mga nakikita kong suot ng girls at ang mga boys naman ay as usual, simple lang manamit pero nasa nagdadala talaga yun.

Tinignan ko naman sila Dhaylene at Kessel na busy sa mga date nila. Samantalang si Mikee ay busy lang din makipag-usap kay Paulo na tinanggihan niya 'daw' na maging ka-date niya tonight pero parang ka-date na rin naman niya ito dahil kanina pa silang magkasama.

Okay, so ngayon feel na feel ko na ang pag-iisa. Masaya yung tugtog kanina at parang pangdisco pero bigla itong nag-iba.

Take my hand
Take a breathe
Pull me close
And take one step

Keep your eyes
Locked on mine
And let the music will be your guide

Shocks! My favorite High School Musical song! Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong sumasayaw na ang magkakapartner.

Oh edi kayo na may ka-partner hmp!

And with every step together
We just keep on gettin' better
So can I have this dance?
Can I have this dance?

Ang ganda naman nhng music pero mas maganda siguro 'to kung kasama ko si...

Take my hand
I'lk take the lead
And every turn
You'll be safe with me

Napatigil ako nang may biglang pamilyar na boses akong narinig mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang hindi inaasahang tao, ang lalaking kanina ko pa iniisip na hinihiling na sana ay nandito.

"Can I have this dance?" nakangiti niyang tanong. Hindi ko magawang gumalaw. Nakatulala lang ako at pinagmamasdan siya.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata ko kung siya ba talaga 'tong gwapong nilalang na kaharap ko ngayon.

Hinawakan niya bigla ang dalawang kamay ko at inilagay sa magkabilang balikat niya. Ang mga kamay naman niya ay nakahawak ngayon sa baywang ko.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Ang gwapo gwapo naman talaga nito. Kung nakakatunaw lang ang titig, baka kanina pa siya natunaw dahil sa mga titig ko sa kaniya. Hindi maalis ang mga mata ko sa gwapo niyang mukha.

No mountains too high
And no oceans too wide
Coz together or not
Our dance won't stop

Lumapit ako sa kaniya at isinandal ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Gusto kong pakinggan ang tibok ng puso niya kung katulad ba ng tibok ng puso ko ngayon na sobrang bilis at lakas.

"So... Bakit wala kang ka-date?" tanong niya.

"Kasi ikaw ang gusto kong maka-date." sagot ko. Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Kaya mahina ko siyang hinampas sa dibdib niya at tinignan siya sa mata.

"Anong nakakatawa?" sabi ko sa kaniya habang masama ang tingin sa kaniya.

"Hindi naman ako tumatawa, kinilig lang ako sa sinabi mo." sabi niya pa habang parang pinipigil ang ngiti.

Argh, ang cute naman nitong kiligin! Lumalabas yung dimples! Kagigil!

Hindi na lang ako sumagot pa bagkus ay ipinatong ko ulit ang ulo ko sa dibdib niya. Feeling ko safe na safe ako ngayon sa piling niya. Yung pakiramdam na parang walamg ibang tao kundi ikaw lang at siya.

"So you're back? Hindi ka aalis ulit? Dito ka na ulit? Hindi ka na ulit aalis?" sunod sunod kong tanong at tumingin ako sa kaniya.

Bigla namang lumuwag ang pagkakahawak niya sa baywang ko at seryoso akong tinignan sa mata. Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa balikat at hinalikan niya ito.

"Congrats nga pala ha, you graduated with honors. I'm so proud of you, Abby." nakangiti niyang sabi. Parang bigla niyang iniba ang topic.

"T-Thank you pero sagutin mo muna yung tanong ko. Hindi ka na ba aalis ulit? Okay ka na ba? Magaling ka na? Kumusta na yung puso mo?"

"Sinuot mo talaga 'to ah? Salamat." sabi niya habang nakatingin sa singsing na binigay niya sa akin nung Valentine's day na suot ko ngayon.

"Darren naman! Bakit mo iniiwasan yung mga tanong ko?" naiinis na ako sa kaniya. Alam kong naririnig niya ang mga tanong ko pero patuloy niyang hindi pinapansin ang mga yun.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigit na para bang sabik na sabik siyang mayakap ako, yung parang wala nang bukas. Niyakap ko lang rin siya at hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang may luhang pumatak mula sa mga mata ko.

"Darren..." tawag ko sa kaniya habang nanginginig ang mga labi ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napapikit ako nang magdikit ang mga ilong namin. Mga ilang segundo din kaming nanatili sa ganung pwesto at nanatili lang akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa aking noo. Nakahawak ang isa niyang kamay sa isa kong kamay at ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kaliwa kong pisngi.

"Abrianna! Yuhoo? Where na you?" rinig kong sigaw ng isang babae.

Napadilat ako pero sa pagkakataong yun ay naging mabilis ang pangyayari. Wala nang kamay na nakahawak sa kaliwa kong pisngi at sa isa kong kamay. Nasaan si Darren?

"Kaloka ka girl, nandiyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap, akala namin umuwi ka na!" sabi ni Kessel kasama sila Dhaylene at Mikee na parang nagpapanic.

"Si Darren?" wala sa sarili kong tanong sa kanila. Bigla namang kumunot ang mga noo nila.

"Darren? Wala naman si Darren dito ah?" nagtatakang sabi ni Mike at tumingin tingin pa sa paligid.

"Nag-iimagine ka na naman siguro, Anna. Alam mo, kumain na lang muna tayo. Tara." sabi ni Dhaylene at hinila na niya ako paalis sa pwesto namin kanina ni Darren.

Ganitong ganito ang nangyari noon sa Luneta noong New Year's Eve. Nahawakan ko siya, nayakap at nakausap pero bigla din siyang nawala.

Imagination lang ba talaga lahat ng yun? Ganun ba talaga kapag sobrang miss mo na ang isang tao?

Lumingon lingon ulit ako sa paligid at nagulat ako nang makita si Darren na nakangiti at nakatingin sa akin.

Pero sa isang kisapmata, nawala rin siya bigla nang may biglang mga taong dumaan at natabunan siya.

"Si Darren yun!" malakas kong sabi kila Kessel.

"Ano ba, Anna. Walang Darren dito, tigilan mo na nga 'yan. Gutom ko lang." saway ni Mikee sa akin at parang natatawa pa siya.

Argh! Ano bang nangyayari sa akin? Naloloka na ba ako? Ito na ba yung isa sa mga sintomas ng pagkabaliw?

Binuksan ko na lang ang maliit na bag ko kung saan nakalagay doon ang gamit ko. Hinanap ko yung cellphone ko pero hindi ko mahanap.

"Shet, yung cellphone ko!" bulalas ko nang hindi ko mahanap ang phone ko sa bag ko.

"Bakit? Nawawala?" tanong ni Dhaylene.

"Oo! Argh! Kailangan kong mahanap yun!" nagpapanic na sabi ko.

"Bumili ka na lang ng bago." natatawang sabi naman ni Kessel.

"Baliw, kailangan ko yun. Itetext ko si Mama mamaya kapag magpapasundo na ako."

"May load naman ako tsaka alam ko kung anong number ng mama mo kaya okay lang 'yan. Mayaman ka naman, bili ka na lang ng bago." sabi naman ni Dhaylene.

"Argh! Hindi pwede! Hindi ko kabisado yung....n-number ni Darren tsaka yung number ko dun yung tatawagan niya para sabihin sa akin kung babalik na siya." paliwanag ko.

"Tinawagan mo si Darren dito sa phone ko dati, baka nandito pa sa call history yung number niya." sabi ni Dhaylene. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag doon pero inaala ko pa rin yung cellphone ko dahil nga yun ang number na alam ni Darren.

Napahinga na lang ako nang malalim. Napakamalas ko talaga.

× × ×

Pagod na pagod ako mula sa moving up ball kahit medyo hindi naman ako nag-enjoy. Nawalan na ako nang gana nung ma-imagine ko na namang nakausap ko si Darren. Nauna na akong umuwi at nandun pa sila Mikee. Dagdag pa na nawalan ako ng cellphone.

Hindi naman nagalit si Mama at sinabing bibilhan niya na lang daw ako ng bago. Kaso may sentimental value kasi yun eh. Nakakaiyak.

Napatingin na lang ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. 2:40am na pala pero gising pa rin ako nagsusulat sa diary na binigay ni Darren.

Magmula nung matanggap ko 'tong diary niya, sinunod ko ang sinabi niya na isulat ko ang mga mahahalagang pangyayari na nangyari sa buhay ko habang wala siya. At ngayon sinusulat ko kung paano ako maghallucinate na naman na nakita at nakausap ko siya kanina sa ball.

Parang totoo kasi talaga ang lahat kaso hindi naman pala.

Hanggang kailan akong mag-iimagine? Hanggang kailan aasa na babalik siya? Babalik pa ba siya? Kaya ko pa bang maghintay? Hanggang kailan pa ako maghihintay?

No, hindi ako pwedeng sumuko. Kahit abutin pa ng ilang taon, dapat handa akong maghintay. Kaya mo 'yan, Abrianna. Mahal mo siya diba? Kailangan mong kayanin.

Muling nagflashback sa utak ko kung gaano kaganda ang ngiti niya kanina. Sana nga totoo na lang ang lahat ng yun. Sana okay na ang lahat. Kaso hanggang sana na lang muna ako.

• • •

Hinabaan ko na talaga ang update kasi ang tagal kong di nag-update at malapit na rin kasing matapos. So ayun nga... Thanks po sa 11k reads! Lol.

Promote ko na din po ang Christmas Album ni Darren na "D's Christmas" Available po siya sa Spotify, iTunes, Apple Music, Deezer at Spinnr. Thank you! 💚

TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
8.7K 543 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...