MAFIA 3: DARK The Mafia Boss...

By YourMyCookieHeart

1.5M 32.3K 1.9K

Aileen Ramirez ay isang probinsyanang babae na napadpad sa siyudad ng ka-maynilaan dahil sa nangyaring hindi... More

PRELUDE
UNO
DUE
TRE
QUATTRO
CINQUE
SEI
SETTE
OTTO
NOVE
DIECI
UNDICI
DODICI
TREDICI
QUATTORDICI
QUINDICI
SEDICI
DICIASSETTE
DICIOTTO
DICCIANNOVE
VENTI
VENTUNO
VENTIDUE
VENTITRE
VENTIQUATTRO
VENTICINQUE
VENTISEI
VENTISETTE
VENTOTTO
VENTINOVE
TRENTUNO
TRENTADUE
TRENTATRE
TRENTAQUATTRO
TRENTACINQUE
TRENTASEI
TRENTASETTE
TRENTOTTO
TRENTANOVE
QUARANTA
QUARANTUNO
QUARANTADUE
QUARANTATRE
QUARANTA-QUATTRO
QUARANTA-CINQUE
QUARANTA-SEI
QUARANTA-SETTE
QUARANTOTTO
QUARANTA-NOVE
CINQUANTA
CINQUANTUNO
CINQUANTADUE
CINQUANTATRE
CINQUANTAQUATTRO
CINQUANTA-CINQUE
CINQUANTASEI
CINQUANTA-SETTE
CINQUANTOTTO
CINQUANTA-NOVE
ULTIMO CAPITOLO
EPILOGO
NOTA DELLA DEA
Capitolo Speciale
G R A C I A S!

TRENTA

21.7K 448 10
By YourMyCookieHeart

DARK The Mafia Boss Chapter 30

NALULA ako sa napakalaking tarangkahan ang nasa aking harapan. Nakadungaw ako mula sa bintana ng sasakyan na kinauupuan habang katabi ko naman si Apollo na nasa gitna namin ni Dark nakaupo.

Ang huli naman ay nananatili parin ang kaseryosohan sa mukha. Na kahit na sino ay hindi ito magawang tibagin sa kaseryosohan.

At eto ako, nalula sa nakikitang napakalaking gate sa harapan. Kulay pilak ito na binagayan naman ng kulay itim. Kung sino man ang makakakita nito ay maiintimida talaga. At sa bawat gilid naman nito ay may pre-spanish post lights.

May malaking nakasulat rin sa bandang itaas nito sa kulay pilak rin.

"Alfonso," basa ko sa naka-ingrave sa itaas nito habang naniningkit ang mga mata.

Dahan-dahan naman bumubukas ang malaking gate kahit walang nagbubukas nito. "Ang galing,"

Napalingon naman ako sa mga kasama ko na nakatitig ng mariin sa akin na parang nakakakita sila ng hindi kaaya-aya sa mga mukha nito, na as always ay walang kaemo-emosyon sa mga mukha nito.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila.

Bumalik agad sa ginagawa si Apollo si Dark naman ay mariin ang pagkakakunot ang noong nakatitig sa akin.

Ngayon lang ba siya nakakita ng magandang tulad ko? Kung makatitig kasi para akong kakainin. I pouted.

Nasabi ko na bang ngayon na gaganapin ang Ball? Pwes, oo. Nakakaba at the same time ay excited ako.

Sigurado kasing maraming pagkain doon. At partey! Partey!

Pero, sa pormal na sout namin ngayon ay impossible ang mangyayaring partey-partey, kasi naman naka-long gown ako.

Suot ko ngayon ang long night gown lace na hapit na hapit sa kurba ng katawan ko na abot hanggang talampakan. Kulay silver ito na bumagay sa kulay ng aking balat.

Marami 'ring mga beads na kumikinang kapag natatamaan ng liwanag. Bumagay rin ang itim na itim na buhok kong nakalugay na maalon-alon dahil sa sinadyang kulutin ito at may gold clip naman sa kaliwang bahagi ng buhok ko upang maiwasan ang paggulo nito.

Light make-up lang ang ginawa sa akin na bumagay naman sa sout ko ngayon at silver stiletto na parang ngayong gabi ko na lang ito magagamit dahil isinusumpa ko kung sino man ang nag-inbento ng ganito kataas na takong ay ipupokpok ko talaga sa kanya.

Hindi ko pa nga nasusuot kanina ay nananakit na ang paa ko sa titig pa lang.

At ang mga katabi ko naman ay poging-pogi sw mga sout nilang kulay silver rin. Terno kung terno kasi ang mga sout namin ngayon.

Si Apollo ay hindi ko talaga mapigilan ang pagkurot ko sa pisngi niya kanina pa dahil sa ang kyot niya sa kulay silver nitong tuxedo. Bumagay din ang kulot nitong buhok sa sout niya at pinaresan pa ng aviator glass. Akala siguro nito ay mainit pa sa labas.

Diyos ko naman, mag-aalas otso na ng gabi naka-glasses pa ang bulingit.

At hindi naman magpapakabog si Dark. Siguro ng magpasabog ang Diyos ng kapogian, kakisigan at lahat-lahat na ay gising ang lalakeng ito, salung-salo lahat 'e.

Para siyang galing sa Mount Olympus at bumaba sa lupa upang ipagmayabag ang handsamnesses nito. 

Kung si Apollo ay poging-pogi sa sout nito ang isa naman ay mula ulo ang kadulo-dulohan ng mga kuko nito sa paa ay walang makikitang mali.

Mula sa maayos at medyo gulo nitong itim na itim na buhok ay makalaglag panga na. Para kasing bagong gising lang tapos minamadali lang ang pagbihis nito at viola, yun lang effortless. Ang pogi parin ni koya.

Sa hapit na hapit nitong silver tuxedo at hindi ko parin mapigilan ang matulala sa kakisigan nito dahil mukhang ginawa talaga ang damit na ito upang ma-emphasize ang built ng katawan nito nakakapanglaway na. Paano pa kaya ang eight packs pandesal nito.

Sarap kurutin kasi. Nakakagigil.

Hanggang sa Silver slacks nito. Hapit na hapit talaga sa malalaki nitong biyas at bes' sarap kurutin ng puwet.

Dahil sa makasalanang katawan nito ay nagiging makasalan na rin ang isip ko. Huhubels.

Bakit ba ako nakakapag-isip ng mga ganun. Ngayon nga lang ako naka-appreciate ng lalake.

"Done?"

Napakurap-kurap ako ng ilang beses. "Ha?" Ngumisi ito sa sagot ko.

Ngisi pa lang nakakapanlambot na ng mga tuhod buti na lang at nakaupo pa ako.

"Are you done appreciating my handsomeness, wife?" Sagot pa nito na ikinapula ng mukha ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Waaaah! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya! Akala ko kasi nakatitig lang siya sa labas. Huhubels.

Napakurap ulit ako ng hawakan nito ang ilalalim ng baba ko bahagya ito isinara ang nakanganga kong bibig. Waaaah! Oh, lupa lamunin mo na ako.

Mas lumaki pa ang ngisi sa mga labi nito. "Laway, baka tumulo."

Sigurado na ako na ang pula-pula na ng mukha ko ngayon. Nakakahiya!

Agad kong sinapo ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Hey, I'm just teasing you."

Dahan-dahan naman niyang pinaghiwalay ang magkadaop kong mga kamay sa mukha upang makita niya ang namumula kong mukha. Hindi lang mukha feeling ko pati tenga ko namumula.

Tapos I'm just teasing you daw pero kung makangiti kasi wagas. Sarap bigwasan ni pogi.

Ngumuso ako upang pigilan ang bahagyang pag-angat ng mga labi kk upang ngumiti.

Sheeet na malagkit. Bakit ang gwapo talaga nito pagnakangiti. Makalaglag panty mga bes'.

Napasinghap naman ako at parang nabalik sa katinuan ang isip ko ng magdaop ang aming mga labi. Kahit light smack lang iyon parang milyon-milyong boltahe ang nalalaytay sa kaibuturan ko.

"Sweet," napamulagat ako ng magsalita sa ngayon ay nasa ilalim namin ni Dark si Apollo na ang lawak ng ngiti nitong nakatingala sa amin. Hindi iniinda ang pagkaipit nito sa pagitan naming dalawa ni Dark imbes ay tumawa pa ito na parang kinikilig. "My Papa and Mama is so sweet." Sabi pa nito at nakatakip pa ang maliliit na kamay sa bibig.

Waaah, pati bata alam na kiligin. Napaangat naman ang tingin ko sa harap ko ngayon ay ang lawak rin ng pagkakangiti.

Ay, kalami sumbagon, ba. [Sarap suntukin.]

Mabili kong iniwas ang tingin at bumaling sa labas ng bintana ng sasakyan.

Napansin kong halos post lights palang ang nakikita ko sa paligid at mga ingrave na mga halaman papasok. Sa tansya ko mga tatlumpong segundo bago kami nakarating sa mismong Mansyon.

At ang masasabi ko lang ay nganga. Nakakapanlula sa laki ng Mansyon na ito. Kung gaano kaganda ang mansyon ni Dark ay mas domoble pa rito.

Napakaliwanag ng paligid nito dahil sa mga ilaw nito sa paligid. At may angel fountain sa gitna o sabihin ko ng sa harapan ng Mansyon.

Sa tingin ko ay spanish style ang theme ng Mansyon na ito pero kalahati nito ay modern style. Katulad ng sout namin ay kulay silver din ang kabahayan.

Dahil sa pagkalula ko sa Mansyon ay hindi ko namamalayan na nakalabas na pala sina Dark at Apollo. Pinagbuksan muna ako ni Dark ng pinto at inalalayan sa paglabas.

Bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin ng gabi. Pero hindi ko maramdaman ang lamig dahil sa init ng katawan ng katabi ko.

Napapansin ko rin sa paligid ang mga taong na armado o sabihin ko ng mga men in black version. Halata naman dahil sa tindig at kaseryosohan ng mga mukha. Mukhang napakaahigpit ang siguridad ng Mansyon na ito at nakakatakot sila. Waaah.

"Beautiful," nilinga ko si Dark dahil sa may kataasan ang sapatos ko ay walang hirap kong tiningala si Dark dahil halos magkapantay na kami.

Mariin ang pagkakatitig nito sa akin na kinamulahan ng aking pisngi.

Naagaw rin ang atensyon ko sa sabay-sabay na pagparada ng ibang sasakyan. Alam ko na kung sino ang mga sakay ng mga ito.

Unang bumaba sa isang kulay dark green na kotse si Psyche as always ay poker face parin ito. Kasama naman niya si Darrfyl na inaayos ang nagulong kurbata nito.

Hindi ko mapagkakaila na mas lumantad ang kagandahang dala ni Psyche sa sout nitong itim na night gown at may slit ito hanggang sa midtigh nito. At kita ang makinis nitong balat kapag naglalakad ang babae. At bagay rin sa mukha ang fierce pace nito at red lipstick para itong fierce woman ika nga dahil sa walang emosyong mukha nito at nakatali ng maigi ang buhok nito sa likod.

Si Darrfyl naman ay bumagay sa kulay itim nitong amerikana at kulay silver na kurbata nito.

Bumaba rin si Jaycob sa isang pulang sasakyan at si Talianna na nakasimangot ang mukha. Napakunot ang noo ko hitsura nito. Ang huli naman ay nakangisi lang. Napakaganda rin ni Talianna sa sout nitong silver slash neck dress nito na abot hanggang kalahati ng hita nito. Mahaba ang mangas nito na abot hanggang wrist nito at nasa messy bon ang buhok nito.

Ganoon naman ang kay Jaycob kaparehas sa sout ni Darrfyl. Itim na amerikana at hindi rin sabog buhok nito gaya ng dati na parang bird nest sa sobrang gulo. Ngayon ay napakaayos nito ni walang pagtayo ng iilanh buhok. Mukha kasing pinaghandaan anh gabing ito. Lumabas rin sa katabi nitong kotse si Hypnos at Zachary hindi gaya kina Jaycob ay kulay silver naman ang mga amerikana nito.

At ang panghuli ay ang kambal na Martinez. Unang bumaba si West dahil sa kulay asul nitong buhok kasunod naman si East na kukay berde parin ang buhok at naka-top knot ito.

Nilingon ko si Dark ng maramdaman na inilingkis nito ang mga kamay ko sa braso nito. "Let's go?"

Ilang segundo ko siyang tinitigan at ngumiti at tumango. Tinawag ko muna si Apollo na nagf-feeling may araw sa aviators nito.

Napailing na lamang ako. Kahit papaano ay ang kyot-kyot parin. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang malaya kong kamay.

Binalingan ko muna ng huling sulyap ang paligid bago kami pumasok sa loob kung saan gaganapin ang okasyon.

Kanina kung gaano ako nalula sa paligid ngayon ay kung pwede lang malaglag ang panga sa sahig ay nagawa ko na.

Perks being a mafia.

English yun, a'.

Bes' ang sosyal at ang gagara ng nasa paligid ganoon din ang mga taong nandirito, at bumungad rin sa pandinig ko ang malamyos na musika sa paligid. Kapansin-pansin ang mga mamahaling muwebles sa buong mansyon. Hindi naman magpapatalo ang chandelier nito. Parang tinalo pa ang wrecking ball ni Miley Cyrus.

Napalunok naman ako ng sunod-sunod. Tingin ko pa lang ay siguro ay gawa ito sa purong ginto. Kung ibebenta. Magkano kaya? Siguro may lifetime pagkain na ako nito ng kwek-kwek at soimai.

Waah. Sa isip ko pa lang naglalaway na ako.

Naagaw naman ang atensyon ko ng bitawan ni Apollo ang kamay ko ay pumunta sa dalawang batang lalake. Napanganga naman ako ng parang nasa runway show lang ito kung maglakad. Aba...

Binalingan ko naman ng tingin si Dark ng may lalaking lumapit dito at napakapamilyar niya sa akin. Parang nakita ko na siya kung saan. Hindi ko lang matandaan kung saan.

Nalipat rin ang tingin ko sa katabi nitong babar. Mahaba at tuwid na tuwid ang buhok nito. At bumagay rin sa kanya ang silver dress nito dahil hapit na hapit ang makurba nitong katawan.

Malawak ang ngiti nitong nakatitig sa amin, hindi pala sa katabi ko.

"Dark Vanlentin, it is nice to see that you didn't decline my invitation here and your..." nalipat ang titig nito sa akin. Para akong natulos sa aking kinatatayuan dahil sa hagod ng tingin nito sa akin para akong prey na handa ng sugurin at atakihin.

Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko kay Dark na napansin naman ng katabi ko. Na ngayon ay nasa beywang ko na ang mga braso nito at hinapit pa ako na maigi sa kanya dahila para mapahawak ako sa dibdib nito. Iiih...enebeyen bes'.

"My wife..." pagtatapos nito. Wala paring kahit na anung bahid na emosyon sa pagsasalita nito pero nandoon parin ang nakaka-intimida nitong boses. 

Tumango-tango naman ang huli. Parang napansin kong nag-igting ang panga nito.

Napakurap-kurap naman ako, "yes, of coarse, bakit ko naman makakalimotan ang iyong napakagandang asawa." Bakit feeling ko mas diniinan nito ang salitang asawa.

Naiingit ba siya. Edi, asawahin niya ang katabi niya. Problema ba iyon. Sexy na nga maganda pa. Pero mas sexy at mas maganda naman ako sa kanya no'.

"Ikinagagalak ko ang masilayan sa gabing ito ang isang napakagadang binibini na katulad mo..." matagal ko ng alam na maganda ako mister. Flip hair. "Binibining Aileen Ramirezㅡ"

"ㅡValentin, Mister Vivianno Alfonso." Putol naman ni Dark sa sasabihin nito.

Bakit feeling ko may silent war sa pagitan nilang dalawa?

Pero ano daw?

Vivianno?

Viviannㅡ napasinghap ako sa sinabi ni Dark.

Mabilis ang pagtingala ko sa kaharap at napahawalay sa mahigpit na pagyakap sa akin ni Dark at walang alinlangan na tinuro ang lalaki.

Tama ang hinala ko, "ikaw!" Turo ko sa kanya na ikinangisi lamang nito. Nasa mukha ko ang pagkagulat.

Kaya pala napakapamilyar nito sakin. Ang silver nitong mga mata at ang nakaka-intimida nitong mga titig.
Siya iyong lalaki sa mall. Yung nanlibre kung libre ba ang tawag doon. Pero wala naman akong matandaan kung nilibre niya ako.

"I think you remember me now, honey."

Siya nga, siya si kuya sa mall noon. Siya si Vianno!

#unedited #IamDyosa.
Enjoy reading :) 

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 140K 24
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
355K 9K 30
Sa dinami- dami ng Nurse na gustong alagaan ka ako lang yata ang gustong patayin ka. I hate you since like forever, masisisi mo ba ako? Nasayo na ya...
64.9K 1K 38
"Kahit ilang beses mo pa akong tinanggihan at tatanggihan. Hindi ako titigil because I really like you." Mikee is a working student. For her, she doe...