Chasing Mr. Right [Complete]

بواسطة PrincessInJeans

370K 6.7K 1K

Dear Zeke, magkakatuluyan rin tayo. Promise! Itago mo pa sa bato! * * * Join a feisty girl's journey on chas... المزيد

First Chase
Second Chase
Third Chase
Fourth Chase
Sixth Chase
Seventh Chase
Eighth Chase
Ninth Chase
Tenth Chase
Eleventh Chase
Twelfth Chase
Thirteenth Chase
Fourteenth Chase
Fifteenth Chase
Sixteenth Chase
Seventeenth Chase
Eighteenth Chase
Nineteenth Chase
Twentieth Chase
Twenty-first Chase
Twenty-second Chase
Twenty-third Chase
Twenty-fourth Chase
Twenty-fifth Chase
Twenty-sixth Chase
Twenty-seventh Chase
Twenty-eighth Chase
Twenty-ninth Chase
Thirtieth Chase
Thirty-first Chase
Thirty-second Chase
Thirty-third Chase
Thirty-fourth Chase
Thirty-fifth Chase
Thirty-sixth Chase
Thirty-seventh Chase
Thirty-eighth Chase
Thirty-ninth Chase
Fortieth Chase
Forty-first Chase
Forty-second Chase
Forty-third Chase
Forty-fourth Chase
Forty-fifth Chase
Forty-sixth Chase
Forty-seventh Chase
Forty-eighth Chase
Forty-ninth Chase
Fiftieth Chase
Fifty-first Chase
Fifty-second Chase
Fifty-third Chase
Fifty-fourth Chase
Fifty-fifth Chase
Fifty-sixth Chase
Fifty-seventh Chase
Fifty-eighth Chase
Fifty-ninth Chase
Sixtieth Chase

Fifth Chase

8K 133 4
بواسطة PrincessInJeans

Fifth Chase 

  

"Jerk. Annoying. Siraulo." Binubulong bulong ko habang magkatabi kami ni Zeke sa sofa at inaantay namin yung parents namin at mga kapatid namin na matapos sa mga last minute preparations nila bago kami gumala.

"Alam mo, naririnig kita." Nakangising sabi sa'kin ni Zeke habang pinapanood yung 2-year old at 5-year old baby sisters niya na naghahabulan sa sala namin.

"That's the point." I glared at him. Init na init na ko sa jacket na suot ko kaya umiinit tuloy yung ulo ko sa kanya.

"Bakit ka ba galit na galit sa'kin?" Mahinang tanong ni Zeke. 

"Stop playing with my feelings, Zeke. Lubayan mo na lang ako, please?"

"I can't. Kaibigan kita, Charm."

"You can't stop playing with my feelings?"

"Hindi. Hindi kita kayang lubayan." Sobrang sincere ng mata niya na muntik na kong sumuko. Muntik na kong bumalik sa paghahabol kay Zeke sa pagbabakasakaling magustuhan niya rin ako balang araw.

Pero ayoko na. Siguro yun yung rason kung bakit ako nagustuhan ni Aaron, sign siguro 'yun para magmove on na ko kay Zeke.

"I can't keep being your friend because I have feelings for you and you don't." Hindi ko na siya hinayaang sumagot at tumayo ako dumiretso na sa van nina Zeke na sasakyan namin papunta sa Pulong Buhangin.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe. Nasa pinakalikod kami nakaupo at nasa gitna namin si Kael. Pilit na dinadalldal nung kapatid ko si Zeke.

"Kuya Zeke, punta ka ulit sa bahay bukas ah? Laro tayo ng playstation. Hindi kasi marunong si Ate eh. Lagi na lang siyang namamatay kahit anon laruin namin." Sinamaan ko ng tingin si Kael. Eh malay ko ba dun sa mga nilalaro niyang kung anu-ano? Buti nga kahit wala akong maintindihan at di naman ako nag-eenjoy, nakikipaglaro pa rin ako sa kanya pag nagyaya siya.

Ngumuso si Zeke at tumingin sa'kin. "Baka hindi na, Kael. Sorry."

"Ha? Bakit, kuya?"

"Ayaw ng ate mo." Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Zeke. Idadamay niya yung kapatid ko dito? Seriously?

"Ha? Panong ayaw ni Ate? Eh patay na patay kaya 'yan sa-yo----" Inapakan ko yung paa ni Kael para matigil siya sa kakasalita. Jusko, ipapahamak ako nitong batang 'to eh!

Lumaki yung ngisi ni Zeke at tumingin siya sa'kin kaya nagsalita na ko bago pa kung san mapunta yung usapan nila. "I don't care. Do what you want, Zeke."

"Talaga? Kakasabi mo lang kanina lubayan na kita ah?"

Napatingin na tuloy sa'min pati ang parents namin dahil sa mga pinagsasasabi ni Zeke. "Magkaaway kayo ni Charm, Zeke?" Kunot noong tanong ni Mama. 

"Di, Ma. Okay kami. Medyo may argument lang kami kanina. Mababaw lang po." Mukhang di naniniwala si Mama sa sinabi ko pero sinaway siya ni Papa na hayaan na kami kaya di na siya nagtanong ulit.

Yan ang hirap pag family friend mo yung taong gusto mo na pilit mong nilalayuan.

Nung makarating kami sa perya, agad nagatkbuhan yung mga chikiting at kasama na doon si Kael kaya humabol naman sa kanila sina Mama at Tita. Napansin kong marami akong kakilala na namamasyal din, karamihan schoolmates namin.

“Pa, nandito po pala si Maggie. Puntahan ko lang po ah?” Tumakbo agad ako papunta kay Maggie nung tumango si Papa.

“CHAAAAA!!” Tili ni Maggie nung makita niya ko at agad akong sinalubong. “Uy, sinong kasama mo?” Kumakain siya ng cotton candy kaya nakikurot ako doon sa stick niya ng cotton candy.

“Sina Mama. Tsaka sina Zeke.”

Nanlaki yung mga mata ni Maggie. “Ha? Pano ‘yan? Kala ko iiwasan mo na si Zeke?”

Nagkibit balikat ako. “No choice eh.”

“Ano? Existing pa yung offer ko tungkol dun sa pagpapabugbog sa kanya. Game?”

Binatukan ko si Maggie. Ang lakas din ng topak nung babaeng ‘to. “Sira!”

Tumawa lang si Maggie tapos maya-maya tumunog yung cellphone niya. Kumunot yung noo niya at panay yung pindot niya sa phone niya kaya nakisilip ako sa ginagawa niya.

“Ano ‘yan?” Binasa ko yung tinetext niya. “Woah. Hoy, nagtatago ka na ng secrets sa’kin ha. Di mo sinabing katext mo si Dave!”

Sinamaan ako ng tingin ni Maggie. “Sus, no big deal. Nangungulit lang yung baliw na ‘to.” Nangungulit lang? Ng ilang buwan?

“Patingin nga.” Kinuha ko yung cellphone ni Maggie para makichismis sa mga texts niya. Hinayaan niya lang ako at nagpatuloy siya sa pagkain ng cotton candy.

Nagsimula ako dun sa mga pinakauna nilang texts na nagsimula bandang July.

Dave: Hi Maggie!

Maggie: Sino ka?

Dave: Dave :)

Maggie. Ah. K.

Tumawa ako at tumingin kay Maggie. “K? Seryoso ka ba?”

Nagkibit balikat lang siya.

Dave: Good morning!

Dave: Kamusta?

Dave: Galit ka?

Maggie: Ugh tigilan mo nga yung pagtetext sa’kin. Nakakairita ka.

Dave: Ang sungit. Haha.

Maggie: Hoy teka nga. San mo nakuha yung number ko? Creepy stalker.

Dave: Grabe ka naman. Chill. Kay Cha ko nakuha.

“Oo nga pala! Hoy, bakit mo binigay sa weirdong ‘yan yung number ko?! Pinagkanlulo mo ko!”

“Pinagkanlulo? Lalim, Maggie ah. Haha.”

Maggie: K. Stop texting me.

Dave: Nope.

Dave: Sorry.

Dave: Haha.

Maggie: Wow. Ang aksayado mo sa load ah. At nakakairita ka talaga.

Dave: Darating yung panahon di ka na maiirita sa texts ko.

Maggie: Wag kang umasa.

Dave: I swear, someday, hahanap-hanapin mo yung texts ko. And you’ll find it sweet. And you’ll smile because of my texts. Haha.

Maggie: Landi mo, gago. Tantanan mo ko.

Dave: Hahaha. Kakaiba ka talaga.

Dave: Pero yun yung nagustuhan ko sa’yo.

Maggie: Eww, kakaconfess mo lang ba sa’kin through text? Nakakainis yung mga ganun lalaki.

Dave: Di pa. But I’ll confess to you soon ;)

“Oh my God!! Maggie, ano ‘toooo!!” Niyugyog ko si Maggie na popcorn na yung kinakain ngayon. Kung kelan niya binili yun, wala na kong idea.

“Ano ba ‘yan, Cha! Nahulog lahat ng popcorn ko dahil sa’yo!”

Dave: Nasa labas ako ng bahay niyo.

Maggie: WHAT THE HEEEECK?!?!?!

Maggie: Seriously?

Maggie: Wait, pano mo  nalaman yung bahay ko in the first place?!?!?!

Maggie: Napakastalker mo, bwisit!

Dave: Stalker agad? Haha. Kinuwento ni Cha. Di ko nga tinanong eh.

“Lagi mo rin akong chinichismis kay Dave eh no?” Pabiro akong inirapan ni Maggie.

Tumawa ako. “Di ko napapansin yung sinasabi ko sa kanya. Tanong ‘yan ng tanong tungkol sa’yo eh.”

“Creepy ng taong ‘yun forever.”

Maggie: Diyan ka lang! Bababa ako at sasapakin talaga kita!!!

Dave: Too late. Pipindutin ko na yung doorbell nyo.

Maggie: ANOOO?!!

Maggie: Shet ikaw yun?!?! Lumayas ka na dyan!! Baka makita ka ng magulang koooo!

Dave: Tapos na. Nasa sala niyo na ko. I’m confessing to you, Maggie. Right now. Sa harap ng pamilya mo.

“Woah. Anong nangyari?” Niyugyog ko ulit si Maggie dahil tumigil na yung texts nila nung araw na ‘yun.

“Natapon ulit yung popcorn ko!”

“Maggie!”

“Oh?”

“Ano ngang nangyari?”

“Ayun, sinabi niya sa’king gusto niya ko at gusto niya kong ligawan sa harap ng magulang ko at nga mga kuya’t ate ko.”

“N-nakaya niya yun?” Hindi ako makapaniwala. Pitong magkakapatid sina Maggie at siya yung bunso. Kaya nakakaintimidate minsan yung ate’t kuya niya kasi protective talaga sila kay Maggie.

“Oo. At milagro, lahat sila approve sa kanya. Akalain mo yun?”

“Well, kung may lakas ng loob siyang umamin sa’yo sa harap ng buong pamilya mo, syempre boto na ‘yung mga yun kay Dave. Kahit ako boto na nga sa kanya. Ang swerte mo, bestfriend!”

“Not you, too! At sus, may Aaron ka naman!”

Binasa ko yung mga mas recent na texts nila sa isa’t isa. Napangiti ako nung makitang lumalambot na kahit papano si Maggie kay Dave.

Maggie: Bakit mo ko gusto? Bakit mo ko ineeffortan ng ganito kahit pa ang sama ko sa’yo?

Dave: Because you’re one of a kind. Hindi ka maarte. Prangka kasi honest ka. At para kang laging handang sumabak sa gyera para sa mga kaibigan mo at sa lahat ng importante sa’yo.

Dave: At ineeffortan kita because you’re worth all the effort.

Maggie: Ang landi mo pa rin, bwisit.

Dave: Love you too, haha.

 

“Ahhhh enebe! Sagutin mo na ‘tong si Dave! Bihira yung lalaking ganito no! Papakawalan mo pa ba ‘to? Baliw ka ba?”

“E-eh a-ano ka ba! Di pa naman ako sigurado kung gusto ko na yang baliw na yan no!” Namumula si Maggie kaya alam ko, indenial lang yung bestfriend ko sa ngayon pero di magtatagal, lalabas na rin yung totoong feelings niya.

“Sabi mo eh.” Ngumisi ako dahil malakas yung hinala ako na hindi magtatagal, sasagutin na rin ni Maggie si Dave.

“Akin na nga ‘yang phone ko.” Tinawag si Maggie nung parents isa niyang ate kaya nagpaalam na siya sa’kin. “Sige, Cha. See you tomorrow.”

“Bye!” Hinintay kong mawala sa paningin ko si Maggie bago luminga-linga. Umihip yung malakas at malamig na hangin at naging thankful din ako na pinilit ako ni Zeke na magpalit ng pants at magsuot ng jacket. Nagpunta ako sa isang bench at umupo doon.

Sobrang lamig naman ngayong gabi. Tumingin ako sa paligid ko at nakitang sa karamihan ng ibang benches ay couples na nagyayakapan yung nakaupo. Okay, ang out of place ko lang. “Sabi naman sa’yo malamig, di ba?” Napatingala ako nung marinig ko si Zeke na magsalita. Inabot niya sa’kin yung isa sa dalawang baso ng hot chocolate na bitbit niya tapos umupo siya sa tabi ko.

“Seryoso ka bang iiwasan mo ko?”

“Yes.” Sabi ko at sinimulang inumin yung hot chocolate na inabot niya sa’kin.

“Akala ko ba, sabi mo, kahit pumangit ako gugustuhin mo pa rin ako? Bakit ngayon nilalayuan mo na ko?” Kumunot yung noo niya at mukhang sobrang nalilito siya. My gulay, kahit minsan lang, tigilan mo ang pagiging gwapo at adorable, pwede?

“Kasi Zeke, mukhang kahit anong mangyari hindi mo naman maibabalik yung feelings ko eh. Pagod na kong humabol sa isang taong walang ibang ginagawa kundi taguan ako.” Malungkot kong sabi kay Zeke. “Ni hindi ko nga alam kung pano ako nagsimulang magkagusto at mainlove sa’yo eh. One moment, crush lang kita. Unang beses ko pa lang nararanasang magkacrush ng totoong tao at hindi yung anime lang. Tapos sunod na nalaman ko, ang lalim na ng pagkakahulog ko sa’yo, Zeke. Sa sobrang lalim hindi na ko makaahon.”

“Sorry, Charm. Wala na kong ibang ginawa kundi saktan ka.”

Ngumiti ako ng malungkot. “Di naman. I was happy loving you. Pero pagod na rin kasi akong umasa sa wala. So one last shot, Zeke. Kahit konti ba, wala ka talagang nararamdaman para sa’kin?” Umiwas ng tingin si Zeke kaya sapat na yung sagot para sa’kin. “Naiintindihan ko. Wag kang maguilty. Nung sumugal ako sa’yo nung magustuhan kita, alam ko namang konti lang yung pag-asa kong manalo sa’yo. So I guess this is it, huh? I lost.” Tumayo at naglakad palayo.

I’ll finally stop chasing Zeke.

* * *

Xavier University Grand Alumni Homecoming

March nung second year highschool ako, nung mismong graduation nina Zeke, Aaron at Dave, sinagot na ni Maggie si Dave.

"Cha! Maggie! Emma!" Napatingin ako sa isa naming kaibigan nung college na papalapit na samin ngayon. Ganun din si Emma na pilit inaayos yung naglilikot niyang anak at si Maggie na panay yung tingin ng masama kay Dave. "Uy! Kamusta?" Bati niya saming lahat. "Teka, anniversary niyo ngayong March ng asawa mo, di ba?" 

Sino bang tinatanong nito sa'min? 

“No.” Sagot ko.

“Hindi ah.” Naiiritang sagot ni Maggie.

"Yeah. You remembered that?" Nakangiti namang sumagot si Emma.

“Baliw! Si Emma yung tinatanong ko!” Tumawa siya. “Alam ko namang December pa yung anniversary niyo nung asawa mo, Cha. At tsaka, di ba hindi ka pa naman kasal, Maggie?”

Sumimangot si Maggie. “Kailangang ipamukha? Oo na, single ako ngayon!”

Napailing na lang ako sa pagsusungit ni Maggie. “Pasensya ka na diyan. May topak. Ewan ko ba, ako yung buntis pero siya yung nagsusungit.” Nagtawanan kaming lahat habang patuloy pa rin yung pagsimangot ni Maggie.

“Charmaine, oh.” Bumalik na si Aaron dala-dala yung jacket ko. Ngumiti ako sa kanya.

“Thank you!” Sinuot ko yun agad.

“Uy, Aaron! San ka nagpunta? Bigla kang nawala.” Lumapit si Zeke sa’min.

“Sa parking lot lang. Kinuha ko sa kotse ko yung jacket ni Cha.”

Tinignan ako ni Zeke. “Naiwan mo na naman yung jacket mo, Charm? Kahit kelan ka talaga.” Ngumisi siya at umiling iling.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Dear Cupid بواسطة Yen

قصص الهواة

2.9K 52 32
"Chase dreams, not boys. Really? Oh c'mon. Hindi na 'yan uso ngayon. Kung hindi ka gagawa ng paraan para mapansin ka ng true love mo at aasa ka nalan...
93.1K 3.7K 42
[WARNING: This story is NOT YET EDITED] "Isang walang kwentang kontrata ang makakapagpabago sa buhay ni Raige Eliz Araña na dating nerd at miss nobo...
18.7M 203K 70
You are a sixteen year old high school student living on a house with your Geometry teacher who comes to be your husband. Wow, what a life! © iheartc...
23M 402K 89
*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY...