Escape

By vkaugust

31.4K 1.5K 725

Ang nakaraan, sabay nating takasan. More

Prologue
1 • Friday
2 • Call
3 • House
4 • Ballpen
5 • Bike
6 • Connection
7 • Bracelet
8 • Away
9 • Help
10 • Set Up
11 • Confess
12 • Third Wheel
13 • Change
14 • Jealous
15 • Basketball
16 • Representatives
17 • Partner
18 • Realizations
19 • Friends
20 • Texts
21 • Option
22 • Practice
23 • Brainwash
24 • Obsession
25 • Bad News
26 • Contest
27 • Date
28 • Picnic
29 • Book
30 • Plans
31 • Tagaytay
32 • Gratitude
33 • Talk
34 • Let Go
35 • Mutual
36 • Heartbreak
37 • Decision
38 • Reunited
39 • Sign
Author's Note
40 • Party
41 • Promise
42 • Last Friday
43 • Last Call
44 • Christmas Gift
45 • New Year
47 • The Dance
48 • Beginning
Epilogue
THANK YOU 💚
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3

46 • Rejected

425 22 13
By vkaugust

Abrianna's POV

"Ano ba 'yan. Ang co-corny ng mga tao dito ngayon." reklamo ni Mikee habang naglalakad kami sa hallway ng school.

Kasi ba naman, walang ibang ginawa yung mga tao dito kundi surprise doon, surprise diyan. Bigayan ng flowers at teddy bears, chocolates at kung ano ano pa. Valentine's day kasi ngayon.... Eh ano naman?

"Nakakakilig kaya!" sabi naman ni Kessel habang parang kinikilig talaga.

"Hayaan niyo na, sa lovelife na lang kasi ng iba yan kinikilig eh." pang-aasar naman ni Dhaylene na dahilan para matawa kaming lahat. Hindi na lang umimik pa si Kessel dahil alam kong alam niyang matatalo na naman siya sa pambabara namin.

Kung nandito kaya si Darren ngayon, bibigyan niya rin kaya ako ng chocolates, teddy bear at flowers tulad ng mga ginagawa ng couples ngayon dito sa school?

Teka, hindi pa naman kami couple ah.

Napatigil kami sa paglalakad nang biglang may humarang na lalaki sa harapan namin.

"Oh, Dave! Ginulat mo naman kami--- Ay! Para kanino 'yan?" tanong ni Macey habang tinuturo ang box na hawak ni Dave na hugis heart at kulay pink.

"Tinatanong pa ba 'yan?" natatawang sabi naman ni Dave. Bigla naman akong siniko ni Dhaylene.

"Oh siya, mauna na kami ah? Enjoy!" pang-aasar naman ni Kessel sabay umalis na silang lahat at kaming dalawa na lang ni Dave ang naiwan dito.

Nagkatinginan lang kami na parang nahihiya pa sa isa't isa. Nginitian ko na lang siya at ganun din naman siya sa akin.

Ano na? Puro ngitian na lang ba 'to?

"Uhm... Anna." panimula niya.

"Hmmm?" tugon ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya.

"D-Doon tayo sa garden?" pag-aaya niya. Wala naman akong magawa kundi ang pumayag na lang.

Mga ilang buwan na ring nanliligaw ulit sa akin si Dave. Feeling niya kasi siguro, may mas pag-asa na siya kasi wala na si Darren. Kaso nagkakamali siya, hindi nawala si Darren, nandito pa rin siya sa puso ko at patuloy akong naghihintay sa pagbabalik niya kahit walang kasiguraduhan.

Ilang beses ko na rin siyang nireject pero sige pa din siya. Hindi daw siya titigil kahit ilang beses ko pa siyang ipagtulakan. Wala naman akong magawa sa sobrang kulit niya.

"We're here." nakangiti niyang sabi at nagtungo sa isang bench. Sumunod lang ako sa kaniya.

"Wait... Dito ka lang." sabi niya na dahilan para tumigil ako sa pagsunod sa kaniya. Bigla siyang pumunta sa likod ko at nagulat ako nang bigla niyang takpan ang mga mata ko gamit ang mga kamay niya.

"Ready...1...2..." pagbibilang niya tinatakpan pa din yung mga mata ko.

"Dave... A-Ano ba 'to?" nagtataka kong tanong sa kaniya pero hindi siya sumagot.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa mata ko. Nagulat ako nang may makita akong limang tao na may hawak ng tig-iisang cardboard na may nakalagay na mga hearts.

Lumingon ako kay Dave na nasa likuran ko ngayon.

"Dave----" hindi na niya ako pinatapos pa sa sasabihin ko dahil bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila palapit sa limang taong nakatayo ngayon.

"Buksan mo isa isa yung mga hearts." utos niya sa akin habang nakangiti.

Hindi na ako nagsalita pa dahil speechless na ako. Sinunod ko na lang ulit ang sinabi niya.

Yung unang puso ang binuksan ko, may nakasulat na... WILL

Yung second... YOU

Yung third... BE

Tumingin ako kay Dave na nasa gilid ko lang at pinapanood akong magbuksan ng mga hearts. Kinakabahan ako. Nakangiti lang siya sa akin at sinenyasan akong ipagpatuloy lang ang ginagawa ko.

Yung fourth... MY

Nanginginig na ang kamay ko. Ano bang trip nitong si Dave? Ang dami nang taong nakatingin sa amin ngayon. Open ang garden ng school kahit sa sinumang estudyante lalo na ngayong uwian na. Shocks, hindi ko pa naman kaya kapag maraming taong nakatingin sa akin.

"Anna... Last one. Buksan mo na." utos niya. Napansin niya sigurong nag-aalangan akong buksan ang huling heart.

"Dave, ano ba 'to?" tanong ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako bilang tugon at sumenyas na buksan ko na ang huling heart.

Yung last na heart ay may nakasulat na.... GIRLFRIEND?

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?!?

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung anong sentence ba ang binuo ng limang hearts na 'to. Seryoso ba siya? Agad agad?

Narinig ko naman ang sigawan at tilian ng mga tao. What the...

Naramdaman ko na hinawakan ni Dave ang magkabilang balikat ko at iniharap niya ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin at parang ang saya saya niya. May hawak siyang bouquet of flowers at yung heart na box na hawak niya kanina pa nung makasalubong namin siya sa hallway. Ibinigay niya sa akin ito at hindi ko naman magawang tanggihan.

"Yes or no?" tanong niya sa akin na dahilan para magsigawan lalo ang mga estudyanteng nandito. Wala akong maisagot. Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata. Ayokong pahiyain siya.

"Abrianna, please. Give me a chance. I'll help you. Tutulungan kitang makamove on. Alam kong si Darren ang gusto mo pero pwede pa namang nagbago yun diba? Just give me a chance. I'll never leave you and I will never hurt you. Trust me. Hindi ko gagawin sa'yo yung ginawa ni Darren. Magiging mabuti akong boyfriend sa'yo. Hindi mo deserve ang taong walang paninindigan, yung taong hindi naman kayang patunayan na mahal ka talaga." sunod sunod niyang turan. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Bakit kailangan niyang i-compare ang sarili niya kay Darren? Hindi ko nagustuhan ang mga narinig mula sa kaniya.

"First of all, hindi niya ako iniwan. At never niya akong sinaktan. Ganyan ba ang diskarte mo, Dave? Ikukumpara mo ang sarili mo sa ibang tao para maiangat mo ang sarili mo? Sorry, pero hindi ko gusto yung ganyang diskarte. At wala kang karapatan na pagsabihan si Darren na walang paninindigan dahil wala kang alam. Excuse me." inis kong sambit at ibinalik sa kaniya ang bulalak at box na binigay nya sakin at tuluyang nilisan ang lugar na yun. Narinig kong tinatawag pa rin niya ako pero hindi na akong nag-abala pang lumingon.

Uminit ang ulo ko. Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya. Wala siyang karapatan na sabihan si Darren nang ganun. Buti ay nakapagtimpi pa ako kundi baka nasampal ko na siya sa harap ng madaming tao.

Nagmadali na akong lumabas ng school nang may nakabangga akong isang lalaki.

"I'm sorry." sabi ko dito.

"I-Ikaw po si Abrianna diba?" tanong niya.

"Oo, bakit?" nagtataka kong sabi. Hindi siya nagsalita at binigyan niya lang ako ng isang maliit na box na color purple. Nagtataka man pero tinanggap ko ito.

"T-Thank you." sabi ko sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Hindi po sa akin galing 'yan." sabi niya.

"Eh kanino?" tanong ko.

"Basta po. Sige po, alis na po ako." sabi niya saka nag-bow siya sa akin at umalis.

Nagtatakang tumingin ako sa maliit na box na ito. Dahan dahan ko siyang binuksan at nagulat ako nang makita ko ang isang singsing. Ang ganda! Mukhang mamahalin at tunay talaga. Sino namang magbibigay sa akin nito?

Nagpalingon lingon ako sa paligid ko pero halos lahat ng tao ay busy sa pakikipag-usap sa mga kasama nila at may mga ibang ginagawa.

Nagulat ako nang mapansin may maliit na papel na nakatiklop ang nakalagay sa box kasama ng singsing.Kinuha ko ito at binuksan.

Dapat kapag bumalik ako, suot pa rin ito. Happy valentine's day! -D.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si Darren ang nagbigay ng singsing na 'to! Pero paano?

Nakangiti ako habang isinusuot ang ring na ito. Biglang nawala lahat ng galit at inis na naramdaman ko kanina dahil kay Dave. Gusto ko tuloy bumalik sa garden at isampal sa kaniya 'tong singsing at ipamukha sa kaniyang hindi ako iniwan ni Darren.

Alam kong nandito lang siya. Hindi niya ako iniwan. Malapit lang siya dito. Nararamdaman kong malapit na rin kaming magkita ulit. Nararamdaman kong malapit na siyang bumalik. Basta maghihintay lang ako.

• • •

So ayun na nga... Hahahaha. Pinilit ko lang mag-update kasi ang tagal na nung last update ko lol. Kaya sorry kung ang sabaw ng update ko ngayern. Hahaha. Tenks nga po pala sa 10K reads! Labyu all! 💚

TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.5K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
8.8K 544 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...