The Bully and the Beast

By sinagtala

178K 7.2K 1.2K

Tumahimik ang buhay ni Car noong tumuntong siya sa college. Akala niya mature na tao na ang mga makakasalamu... More

The Bully and the Beast
Everybody's Fool
The Rise of Gabriela
Boobies
Blackmail Baby
Pototoy Scandal
Then Came the Birds
Sorry daw
Going Under
Pedobear
Wasak
Sorry Uli
Creep
@ssHole
Drunken Donuts
Morning After
Unli
Truce
Clarity
Eyes on You
Challenge
Girlfriend Experience
Ice Scream
Rain Rain Go Away
Stalk
Change is Coming
Black Swan
Mwah, Mwah. Tsup, tsup.
Abangerz
Tayo
Lalaland
Chance
Alamat ng Magic Kasoy
Push
Cake
His
Hers
Mama's Boy
The Gift
Langit
Taning
Paglimot
Biglaan
Advice ni Ate
Duda
Cubicle
Huli
Scandal
Eng Sekhet Sekhet Bes
Nagmahal, Nasaktan, Nagredhorse
Isa, Dalawa, Tatlo
Resbak
Baliw
One Last Time
Leo
Saklap
Baby
Bitaw
Circumtances
Takbo, Leo. Takbo
Director's Cut
A Cliche Ending to a Totally Cliche Love Story
The Very Late Epilogue
Pasasalamat

Panghihinayang

1.4K 62 20
By sinagtala

"I lab yu na nga...mahal na kita Leo...sleep na tayo."

Napalunok si Car nang marinig ang sariling boses. Marahan pa nga niyang sinara ang pinto sa likuran, baka kasi marinig pa ito ni Regado.

"Can you say that again, babe?"

Eto na nga yung video na yon.

Hindi talaga na niya halos matandaan na nangyari ang napapanood niya, pagod na pagod ba naman after nilang...nilang...hay...

Wala siyang karapatang magsisi. Noong una palang naman alam naman niyang gago na si Leo. Tinanggap naman niya.

Sinapian siya ng katangahan ng panahong yon. Hopeless na kasi ang pakiramdam, kakasabi lang sa kanya na kailangan niyang sumunod sa Hawaii. Natakot siya na iyon na ang mga huling sandali na magkasama sila.

Nakita niya ang sariling gumalaw. Nakapikit na siya doon, papatulog na. Tumagilid nang bahagya at umunan sa balikat ni Leo. Saglit na nakita ang isang dibdib pero mabilis naman nito yong natakpan ng kumot.

Wala pa palang five seconds ang exposure ng pink na nipples niya. Kung yun lang naman ang laman ng scandal na yon, bakit pa kumalat ng husto?

"Car?"

"Hmmm..maya na nga uli...kulit..goodnight na... I love you.." Kasunod noon ang mahinang paghikab.

Nadinig niya ang tawa ni Leo background.

Tss. Nakakainis. Nagawa pa siya pagtawanan ng walang-hiya matapos makitaan ang dede. Siguro dahil--

"I love you more, babe."

Muntik na niyang mabitawan ang hawak phone. Buti nalang at nasalo agad, lagot siya kay Eric pag nagkataon.

Pero ano daw?

Parang sirang plaka na nag-playback paulit-ulit sa utak ang mga salitang yon habang may ilang segundong katahimikan ang maririnig sa video. Sa kanya lang nakatutok ang camera. Nakita niya ang pagaayos ng isang kamay sa ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha.

"I've said it and will say it again. You are the best thing that happened to me."

Walang nang bahid ng tawa yon. Dinig na dinig niya ang lahat na malinaw. Sumunod pa doon ang malalim na buntong-hininga.

Ito ba? Ito ba yung mga sinabi ni Leo? Hindi na niya nagawa pang marinig yon dahil naputol agad yung palabas noon nang magkagulo na sa auditorium.

"You saved me. Hindi ko alam kung ano na ang mga nagawa ko sa buhay ko kung kung di ka dumating. I was in the brink of losing hope, but you came...and I don't even.." isang malalim na buntong-hininga na naman.

"I don't care if lose my car right now. Or everything else. I already won cause I have you."

Napakagat siya ng labi si Car. Totoo ang tungkol sa pustahan. Pero..pero totoo rin din ang lahat ng sinabi nito.

"Can I have you forever?"

Pero imbes na sagot ang marinig, mahinang hilik nalang ang lumabas sa bibig niya doon. Mahinang tawa nalang ni Leo ang tumapos doon sa video.

Napailing siya. Teka. Sandali. Baka inedit lang yon? Pero hindi talaga. Imposible.

Inulit niya uli yong i-play. Isa pa. Isa pang ulit. Nakalima pang ulit bago makumbinsi ang sariling totoo nga yon.

Napakagat siya ng labi.

Ang tanga niya talaga.

Nadala siya nang galit kaya di siya naniwala sa lahat nang sinabi ni Leo noong pumunta ito ng bahay. Di niya agad naisip na naglakas ito ng loob na magpakita kahit na ba sinabihan na niya tungkol sa mga tyuhin. Nabugbog pero hindi lumaban, kahit alam niyang kaya naman nitong depensahan ang sarili kahit papaano.

Ginawa nito ang lahat para makausap siya. Para magpaliwanag. Tapos ang sakit pa nung sinabi niya.

Sinabi niya lang ang lahat ng yon, para kahit papaano makaganti din siya. Oo na, nung una, ginamit lang niya si Leo. Pero ang totoo nung tumagal, nag-iba na, eh.

Bwisit kasing puso to.

Agad niyang di-nial ang number nito. Kasabay ng bawat ring noon ang pagbilis nang pagbilis ng tibok ng puso niya. Napahawak siya sa dibdib.

Nanginginig ang kalamnan niya at nanlalabo ang mga mata. Unti-unti nang pumapatak iyon sa pisngi niya. Hindi narin siya halos makahinga.

Kailangan niya itong makausap. Ngayon din. Wala na siyang oras. Hindi siya papayag na matapos lang sila nang ganoon.

Tumigil ang mundo niya nang sumagot na si Leo sa kabilang linya. Napaawang lang ang bibig. Hindi siya agad makagpag-umpisa nang sasabihin.

"Le--"

"Masaya ka na ba? You ruined my f*cking life? What more do you want?!"

Puno nang galit ang tono noon. Napalunok nalang siya. Tuluyan nang hindi na makapagsalita. Pakiramdam niyang unti-unting gumuguho ang mundo niya.

"F*ck you. Leave me alone!"

Naputol na ang tawag.

Napapikit siya nang mariin.

"Shit." Yung video. Yung video nito sa hazing.

Ang alam nito siya lang ang may hawak noon. Galit na galit na si Leo sa kanya. Siya malamang ang pagbibintangang nagkalat.

Sinubukan niya uli itong tawagan pero wala na. Ilang beses pa niyanv inulit-ulit pero. Out of reach na. Hindi na niya nagawa pang magpaliwanag.

Tama naman. Kasalanan naman talaga niya. Sinira niya ang buhay nito. Bukod sa naexpel ito dahil sa kanya, malamang itinakwil na rin ito ng tuluyan ng pamilya.

Wala nang pag-asa talaga. Huli na.

Kung sana pinakingan niya ang lahat nung una palang, sana kahit papaano, maayos pa ang lahat.

"Car?" Nadinig niya ang pagbukas ng sliding door maya-maya pa. Nagtagalan na siya doon sa balcony.

Nadinig niya rin ang yabag nang paglapit ni Regado pero di na siya nakaalis pa sa kinatatayuan. Baka tuluyan na siyang mau
tumba.

"Ok ka lang?"

Agad siyang umiling. Hindi siya ok. Hindi na rin magiging ok ang lahat.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nito sa kanya nang tumigil ito sa harap.

"S-Sayang..." Aniya. Hindi na niya makilala ang sariling boses dahil sa paghagulgol. "Tone sayang.."

Lumapit na nang tuluyan si Regado. Para namang kusang gumalaw ang katawan at humilig dito. Kailangan niya nang masasandalan. Hindi na niya kaya ang bigat ng dibdib niya.

Ang sakit-sakit.

"Tone....Galit na... Galit na siya sakin." Aniya.

"Shss. Ano ba yon? Sino?" Yumakap naman ito sa katawan niya. Hinayaan siyang sumandal sa balikat nito.

"Mahal ko eh. Mahal ko na siya... Si Leo...kaso kahit ilang sorry yata ang ibigay ko di na niya ako mapapatawad."

"Tama na.." Humigpit ang yakap ni Reagado sa kanya. Sinusubukan siyang pakalmahin.

Bakit ganoon? Kahit anong pigil nang emosyon niya, di niya magawa.  Walwal na lahat. Para nang hinahalukay ang dibdib. Nanginginig ang buong katawan niya.

"Tigil na, Car. Wag kang magtiwala sa lalaking yon. Walang kwenta naman siyang tao. Kalimutan mo na siya. "

"D-Di ko kaya." Hikbi niya. Hindi na talaga niya kaya. Pakiramdam niya, hinang-hina na siya.

Alam niyang wala na siyang magagawa. Malamang hindi na siya kakausapin pa ni Leo kahit kailan.

"Nandito naman ako.." Kumalas nang yakap si Regado. Hindi niya alam kung paano pa siya nakakatayo sa pagkakataon yon. Nanginginig ang tuhod niya.

Inangat nito ang mukha niya. Marahan. Si Leo. Ito lang ang gumagawa noon sa kanya.

Napaawang nalang ang bibig niya nang mga mapungay na mata ni Regado ang sumalubong sa kanya.

"Ako nalang, Car."

Wala na siyang nagawa nang unti-unting lumapit ang mukha nito.

Hinayaan nalang niya. Napapikit siya nang maramdaman na labi nito sa kanya.

Leo..

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 130 34
"I need to act as if i didn't know you to make sure that you're safe. "
77.8K 1.8K 40
What perfect boyfriend is?
23.5K 577 48
Meet Kurstin Dane Fuentes, one of the most promising models out there. Tired of always being in the limelight, she left modeling for awhile to live a...
5.8K 310 60
"Mukhang lahat ng lalake ay balak mong makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthr...