Lalaland

2K 96 21
                                    

"Jusko po, Carmelita!"

Nanlaki pa ang nga mata ni Charize sa kanya nang i-kwento niya ang nangyari kanina. Sabi na nga ba at grabe na naman itong maka-react. Natigil ito sa pag punas ng pressed powder sa mukha at napatingin sa kanya nang nakanganga. Nanlalaki pa ang mga mata.

"Oo, ganun..." tuloy lang niya habang sumulong sa harap ng salamin ng sink. Nilagay na niya sa kaliwang mata ang contact lens na kailangan niyang suotin. Buti at nadala niya iyon for emergency. Wala nang pag-asa ang salamin niya. Wasak na talaga. Matatagalan pa talaga bago siya makapagpagawa.

"Pumunta si Buds dito tapos gusto kong kidnapin. Tas sinapak siya ni Leo nung makita kami. Tas itong isa naman, akala kami na kasi nga naman, naglaplapan na kami kagabi. Shonga naman diba? Tinawag pa akong babe." Tuloy-tuloy lang niyang sambit.

"Carmelita! Shuta! Seryoso ka dyan? Nagpalitan na kayo nang laway ni Leo? Di pa kayo niyan talaga?!"

Nakanganga parin si Charize pagtapos sumigaw. Um-echo pa ang boses nito sa loob ng CR. Buti sila lang ang nandudoon ngayon. At kung may langaw dito napasukan na ang bibig nito.

"Hindi nga, kulit nito," sabi niya."Siya nga, nakikipag sex na kahit dito sa CR, di pa gini-girlfriend."

Naisuot na niya ang isa pang contact lens sa mata. Pumikit-pikit para masanay. Kumindat-kindat. With pout at matching lugay ng hair.

Shet na yan! Dyosa na naman siya. Ang hirap magtago ng gand--Aray!

"Hoy! Masakit! Para san yon!" Sigaw niya nang batukan siya ni Charize.

"Para magising ka sa katotohanan!"

Napanguso siya. Biro lang naman yung internal monolouge niyang maganda siya..nabasa ba nito naiisip niya?

"To naman, friend ba kita talaga? Minsan lang magmaganda eh." Aniya sabay pout.

Ewan lang. Kakaiba pakiramdan niya ngayon.

Why do I feel so beautiful today? Naks english na ha.

Kanina pa. Simula nong iwan niyang nakanganga si Leo sa harap ng gym na lulugo-lugo. Namumutla pa. Pakiramdam niya, nagkaroon siya ng malaking achievement sa buhay kanina.

Saka ba't parang kinikilig ako?

Napailing siya sa naisip. Hindi siya kinikilig. Hindi.

Umirap si Charize sa kanya at winasiwas sa mukha niya ang makeup kit nito.

"O ayan. Buang ka! Para mas lalong humaba ang buhok mong gaga ka! Sagarin mo na! Magkilay ka at mag-contour. Awra kung awra, bes ha."

Ngumuso siya rito. "Girlscout talaga. Ready ang makeup kit?"

"Syempre no. Madami ang event ko ngayon," sagot ni Charize sa kanya. Oo nga pala, ito pala ang abala sa mga guests nilang dadating ngayon sa school. Kaya pala todo ayos ito ngayon. On fleek ang kilay. Tapos naka-heels pa. Ganda. Kundi lang irap ng irap sa kanya. Madam Claudia ang peg eh.

"Ang gusto kong sabihin kanina, Car, yung tungkol kay Leo."

Nagsimula na niyang bulatlatin ang kit nito. Aba kumpleto talaga. With matching brushes pa. "Anong tungkol sa kanya?" Tanong niya.

Na curious siya sa isang tube ng lipstick doon. Matingkad na pula ang kulay. Sinubukan niyang maglagay din. Bagay pala sa kanya ang ganoong shade. Para lalo siyang namuti. Aarborin nalang niya yon.

"Tingin ko seryoso na yon sayo," tuloy ni Charize. "Imagine, ginawa mong alila nitong nakaraang linggo. Kahit utusan mo kung saan-saan, keri lang. Kala mo di ako aware ha, ang taas na ng grades mga assignments mo sa Trigo, siya na talaga pinagawa mo ng mga yon no?"

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon