The Rise of Gabriela

5.6K 223 5
                                    

Tapos ang last subject sa wakas!

Masayang tumayo si Car sa silya pagkalabas ng professor nila. Sinamsam ang gamit at lumabas ng room kasabay ng mga kaklase sa subject na yon.

Nakakadurog mag-compute ng sin and cosin. Naisip nya din kung gaano karelevant ang Trigo sa Multimedia Arts na kurso.

Naglakad siya nang mabilis sa hallway. Makakauwi na siya nang maaga. Tatapusin pa niya ang series na pinapanood. Episode 30 na siya at...

A wait. Shet sandali. Napatigil siya.

Kailangan pa pala niyang dumaan sa library para humiram ng libro. El Filibusterismo, wala pa siyang copy noon. Dyahe ding pumuna sa bookstore para bumili pa.

"Badtrip na yan," mahinang bulong niya habang pamaktol na bumalik sa hagdaan paakyat ng library. Feeling major subject kasi. Fifty pages na report agad ang hinihingi samantalang Isang linggo palang nagsisimula ang klase nila.

"Pre, ayaw ni Char. Tinakasan ako sa hotel kanina."

Agad siyang tumigil sa paglalakad. Kilala niya ang boses na yon.

Warren Fabregas.19 years old. 2nd year. BS ECE Yung bagong boyfriend ni Charize. Mga 1 month palang.

Nagtago siya sa likod ng pinto ng isa sa bakanteng kwarto. Wala nang nagkaklase sa floor na yon nang gantong oras kaya tahimik at dinig niya ng malinaw yung sinabi.

"Walang atrasan. Paano ka madede-virginized niyan," Dinig pa niya ang pagtawang kasunod noon. Si Angelo naman. "Malinaw ang usapan. Kailangan maka-third base ka kay Charity, bro."

Napatakip siya ng bibig.

Si Char! Pinaguusapan nila ang bestfriend niya!

"Nevermind. Wala akong mahihita doon. Di ko kayang paamuuin, pakipot masyado."

"Tol usapan natin virgin din diba? San ka naman makakakita ng virgin pa dito sa school," si Angelo na naman. "Eh nakuha na lahat ni Leo!"

Humagalpak ito ng tawa. "Si Car pwede. Certified yon. Walang papatol na lalaki dun."

Pinigilan niya ang sariling sugurin ang mga demonyong g*go. Importanteng marinig niya ng buo ang sasabihin nito. Kung tungkol kay Charize ang lahat, dapat alam niya ang detalye ng mga plano nang mga to.

Gathering info. Stealth mode on.

No way," tutol ni Warren. "Ok na ko kay Charity. She's pretty. Nakita mo ba yung kanina kay Car? Mukha siyang tanga."

"Sus, malay mo wild sa kama."

Nanginginig ang mga kalamnan niya. Ang sasama. Mga demonyo talaga.

"Focus on your girl, Warren."

Pamilyar ang boses na yon. Si Leo. Kasama nila si Leo. Malamang, ito ang leader ng clique ng mga yon.

"I'm giving you a week to fuck her or the bet is off. You need that money, right?"

Nanlaki ang mga mata niya sa nadinig. Dafuq? Tama ba ang nadinig niya kay Leo? Bet? Pinagpupustahan nila si Car. Siraulo! Ganoon ba talaga sila? Yan ba talaga ang standard ng pagkalalaki nila?

Dali-dali siyang lumakad papalayo. Kagat-kagat niya ang labi habang mabilis ang paghakbang..

Gago sila. Lalo na si Leo. Base sa mga nadinig niya, sigurado siya, ito ang may pakana ng lahat.

Ok na kung siya lang ang mapagtri-trip-an pero si Char? Si Char na inosente. Si Char na walang malay!

Totoo ang sinabi ng mga lokong yon, virgin pa ang kaibigan niya. Walang muwang sa mga kagaguhan nang mga lalaki sa paligid.

Mukhang kailangan na niya talagang patikim ng isang malupit ang mga iyon. Hindi nila pwedeng kantiin ang kaibigan niya! Babangon sa libingan si Gabriela Silang!

Pagbaba niya ng building nakita agad niya si Charize, kasama ang ever so friendzoned na si Eric.

Enrico Samuel. 20 years old. 3rd Year BSCS. Kaibigan nila. Tropa, genern. Pero mukhang iba ang pahiwatig nito kay Char.

Nakaupo ang dalawa sa isang bench doon. Umiiyak nang walang puknat si Charize habang si Eric naman ay tagapunas ng likod nito.

Drumadrama si bes kahit may mga ibang estudyante pang dumadaan. Wapakels. Nakaubos na din ata ng isang truck box ng tissue kaya napuno na ang trashcan na malapit.

Umirap siya. Hindi talaga niya palalampasin ito.

"Anong meron?" Nagkunwari wala siyang alam. Di muna nya sasabihin ang mga plano niya. Wala nang atrasan. Lintik lang ang walang gan-shet. San ko ba nakukuha ang mga kasabihang yun?

"Si...si Warren." Hagulgol ni Charize sabay akap sa kanya. Siya naman ang nagpunas-punas nang likod nito. "Ayoko kasing.."di nito matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa hagulgol. Muntik pang singahan ang damit niya, buti at kumalas siya agad dito. "Ayaw ko kasing maki-"

"Char ok lang yan." Sabat naman ni Eric "Andito lang naman ako." Iyon dapat ang kasunod noon pero walang lumabas sa bibig ng mokong. Ang belat. Ang bano. Pano naman siyang di mafre-friendzone eh ang lamya ng paramdam.

"Tara. I-icream nalang natin yan." Sambit niya. Tumigil naman si Charize sa paghagulgol. Tumitig ang mga mata nitong para nagpapaawang kuting.

Pa kyot, ampupu. Gusto na nga niyang lagyan ng palawit at gawing keychain. Napakainosente talaga. Gago lang ang may kayang manakit dito.

"Cookies and cream? Libre mo?"

Sh*t napasubo ata. Buti kakadating lang ng allowance niya. Saka emergency to. Importante ang icecream sa mga paggaling ng mga broken hearted.

Para kay Charize.

"Oo na libre ko," pikit mata niyang sambit. Pero kailangan niya ng back-up dahil baka mag-kulang ang dala niya. "Ric, sama ka a."

Tumango naman ito.

Mahaba-habang kainan to. Mamaya na niya sisimulan ang plano nya.

Level 3 na.

Humanda sila Leo!

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon