Clarity

2.6K 119 10
                                    


"If our love...is tragedy why are you my remedy..."

Mahinang sumabay si Car sa tugtog habang nakasakay sa kotse ni Leo para di tuluyang makatulog. Inaantok na siya. Nakakapagod di pala tong 'date' na to. Ang sakit na nang mga paa niya.

"If our love's insanity....why are you my clarity.... hmmm..."

"Sleepy?" Tanong ni Leo ng makita siyang humikab. Nakahalata din pala. Nagpumilit itong ihatid siya sa bahay. Palibasa ayaw na niyang makipagsiksikan pa sa MRT kaya umu-oo na siya sa pagkakataong yon.

"Ang dami mong ganap eh."Aniya.

Pagtapos nilang kumain, nanood pa sila ng sine. Ta's gumala pa sila mall. Saka sa bookstore. Tingin-tingin lang, wala naman siyang pambili. Though offer na si Leo na ito na ang magbabayad kaso tumanggi na siya. Baka maging utang na loob pa niya. Binilhan na nga siya ng iphone.

Nag-aya pa ngang itong pumunta kung saan pero di na siya pumayag. Bukod sa wala na siyang energy, nag-aala rin siya na baka kung saan siya dalhin ng lalaking to.

Napalingon siya saglit kay Leo. Nakakagat ang labi nito na parang di mapakali habang nagdri-drive. Namumula pa ang mukha nito hanggang tenga. Ano kayang problema? Naku baka natatae.

Puro chili ang kinain nila, malamang iyon nga ang epekto noon.

"Nag...nag-enjoy ka ba?" Tanong pa nito.

"Okay lang."

Enjoy naman talaga siya kahit papaano. Lalo na noong nanood sila ng sine. Siya ang namili ng papanoorin. May isang horror film na showing kaya iyon ang tinuro niya.

Hindi naman niya alam na masyado palang matatakutin si Leo. Ang higpit ng kapit sa kamay niya habang nanonood. Buti nalang at kahit magakatabi sila ng upuan, dumistansya siya dito. Baka nayakap pa siya takot kung hindi.

Sa totoo lang di siya natakot. Medyo gory lang pero predictable. Kaya siya siguro inantok nang ganito.

"Paanong okay lang?" Kumunot ang noo ni Leo.

Nagkibit-balikat nalang siya. "Ewan. Ngayon lang naman ako naggala na may kasamang," saglit siyang tumigil. Bakit parang ang awkward yata?

"...tulad mo."

Ang lagi niyang kasamang mag-malling, sina Charize at si Eric. Kaso busy ang kaibigan niya kaya di niya mayaya. Si Eric naman kapag kasama niya, laging lutang. Kaya kung mamamasyal siya, mag-isa nalang siya. Ayaw na niya ng sabit.

"This is your first time...on a date I mean?"

Di siya agad makasagot. Huminga muna siya nang malalim. "Ni-aya ako ni Regado diba?"

"And you end up drunk. And I have to rescue you."

Umirap siya at humalukipkip. "Sige na, ipaalala pa."

Kahiya-hiya yung pinaggagawa niya sa harap ni Leo noon. Pero ano pa bang magagawa niya. Lasing siya. Wala siya sa tamang pag-iisip. Sa mga susunod na lalabas siya, ii-ekis na niya ang alak.

Tumingin siya sa labas. Malapit na sila sa bahay nila. Kailangan pa niyang mag-isip ng paliwanag sa lola niya kung bakit siya ginabi. Sinabi niya kanina na sandali lang siya. Di naman niya plinano ang nangyari kanina.

"Liko mo diyan, Leo," utos niya. Di parin siya makatingin dito. "Dito nalang ako."

Pinatigil na niya ito sa may kanto. Mga ilang bahay pa bago ang gate ng compound nila.

Naramdaman niya ang marahang paghawak nito ng balikat. Natigilan tuloy siya sa pagbaba.

"Car. Sorry if I make you feel uneasy." Marahan ang pagkakasabi noon. May kasama pang buntong-hininga.

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now