One Last Time

1.5K 69 18
                                    


'Uuwi din ako mamaya'

Ibinaba ni Car ang cellphone sa coffee table. Nagmessage na siya sa pinsan, alam niyang nag-aalala na ito. Bukas na ang flight nila. Malamang din kasi sa mga oras na to tumatawag na ang kapatid niya sa kanila para mangamusta. May tiwala naman siya sa pinsan niya na di siya nito ilalaglag.
Napabuntong-hininga siya.

Scandal na naman.

Parang di yata kaya ng dibdib niya na kumalat ang video ni Leo sa hazing dahil sa kanya. Yung sex scandal nila, kaya pang dalhin ng apog niya. Makakalimutan din yon ng madla eventually. Pero yung kay Leo talaga....

Alam niya ang epekto noon dito.
Nung una, yung sobrang galit nito ng pli-nay niya yoon, pangalawa noong i-kinuwento na nito ang totoong nangyari. Itinakwil ito halos ng pamilya dahil doon.

Saka paano kung mapanood ng kamag-anak ni Jim yon? Kung sobrang sakit kay Leo yon, paano pa kaya sa kanila?

Napasilip siya sa may kusina nang magsawa na siyang magmuni-muni. Thirty minutes na si Regado sa loob . Nagtataka na siya kung anong ganap. Ang tagal naman yatang mag-prepare ng juice, naisip niya. Siguro namimitas pa ng prutas.

Tumayo na siya sofa at pinuntahan ito. Kailangan na rin niyang bumalik sa bahay nila. Papagabi na rin. Pumayag lang naman siyang magtagal ng konti dahil nahihiya siya. Nagpasama siya kung saan-saan kanina. Pambawi na niya to.

"Umm, Tone?"

"Car?"

Napanganga nalang siya sa ayos nito. Topless. Basa ang katawan.

Sabi na nga ba may abs eh. Nagsusumigaw din ang V-line. Nakakatulo ng laway.

"Am...Sorry.  Nasira ko kasi yung gripo. Nabasa kasi kaya ako nagtanggal ng tshirt." Napakamot ito. Di niya alam kung sinasadya ba nitong i-flex yung muscle. Infairness may karapatan namang mag-display.

"Ok. Akala nang-aakit ka na kaya ka nakahubo." Nguso niya.

"Naakit ka na ba?" Sabi nito sabay ngisi.

Umiling nalang siya at tumawa. Maganda nga talaga katawan ni Regado. Talagang pinagtrabahuan sa gym. Masarap titigan. Masarap talaga.

Pero waley. Ewan sa hormones. Hindi siya naa-arouse. Tuyo parin. Siguro ang dami-dami niyang iniisip ngayon kaya di walang epekto yon sa kanya.

"Kailangan mo ng help?" tanong niya. Dalawang taon siyang mag-isa sa bahay. Sanay siya mga home repair na tulad noon. May alam siya kahit papaano.

"Ah, hindi. Ok na. Ako na bahala. Pasensya na ha. Nakakahiya, ang tagal nung pameryenda ko," sabi naman ni Regado umusog ito na parang tinatago. Yung kalat siguro.

"Ah, ito, inom ka muna." Alok nito. Nakita nga niya ang juice na nakahanda na sa tray. 

Natawa siya. Mukha itong kabadong ewan. Kinuha nalang niya ang baso at uminom.

"Sorry talaga, nakakahiya. Wrong timing yung aberya dito."

"Ok lang. Keri lang, ano ba," aniya. "Para naman akong iba."

"Sige Car, dun ka muna. Ako bahala na dito. Makalat eh. Ingat baka madulas ka." Taboy nito.

Hay. Kahit sikat na, ang down too earth parin.

Tumango nalang siya at bumalik sa sala. Bumalik sa dating pwestong kinauupuan niya kanina.

Para siyang nahilo nung maupo. Uminom nga pala siya ng beer kanina. Ramdam na niya ang effect ngayon. Baka antukin na siya nang tuluyan.pagkatapos niya talagang magsnack dito, uuwi na siya.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon