Taning

1.9K 75 21
                                    

Napabuntong-hininga si Car habang nilalaro ang teddybear na binigay sa kanya ni Leo. Isa lang yon sa sampu pero ito yung pinakamalaking naibigay. Halos sing laki na niya yon

Nag-umpisa noong nalaman na mahilig pala siya sa teddy bear noong dinekwat niya yung mga regalong para dito noon. Simula noon halos araw araw siyang binigyan. Yayamanin talaga.

Bukod doon, ang sweet pa. Laging may text kung anong ginagawa. Laging siyang hatid sundo. With foods and everything. Alagang alaga siya.

Parang kailan lang, halos patayin siya nito sa galit. Pero ngayon, umabot na sila sa ganoong sitwasyon.

Sabagay, isang buwan nalang.

Aalis na siya. Nakaready na ang lahat. Uuwi dito ang Ate Rose niya. At pagtapos na pagtapos ng finals aalis na sila. 

Matagal na rin naman siya dapat na nasa states kasama ang kuya Carlito niya. Siya lang ang may ayaw talaga.

Ano naman kasing gagawin niya doon? Wala siyang kakilala. Wala siyang kaibigan. Dito sa Pinas, kahit pa noong nagkaleche-leche ang buhay niya, may natatakbuhan siya. Nandito ang buong lahi ng Esguerra. Mula sa Lola niya, sa tita niya. Sa mga tito niyang nagha-happy-happy sa labas kasa ng ilang case ng redhorse para early celebration daw. May mag-aabroad na namang isa sa kanila. May chocolates na naman at imported wines.

Pero kahit ganoon naman ang mga yon, handa ang mga yong damayan siya at ipagtanggol.

May kumakanta na ng My Way, naririnig niya. Ang saya. Siya lang ata ang hindi.

Ininom niya ang isang bote ng alak na naipuslit. Mangangalahati na niya yon. Alam niyang mabilis siyang malasing. Kailangan lang niya ng outlet sa mga ganitong sitwasyon.

Madali lang naman sa kanya ang makakuha ng mga papeles saka visa dahil doon naman siya pinanganak. Nag-OFW ang mga magulang nila dati at doon na nagkakilala at nagpakasal. Umuwi lang silang magkapatid dito nang halos sabay silang nawala. Bata pa siya noon, kaya di niya maalala. 

Kaya nga madaling nakaalis din ang Kuya niya. Swerte nga siya at magandang oportunidad ito para sa kanya. Di siya dapat nagmamaktol ng ganito. Pero masama parin ang loob niya.

Tumunog ang phone sa tabi, agad niyang kinuha iyon para tingnan. Inaasahan niyang si Leo, ang Ate Rose pala. Alam niyang tatawag ito ngayon pero medyo maaga pa sa inaasahan. Sinagot na niya, mahal yata ang overseas call.

"Malungkot ang bebe namin ha," anito. Kahit di siya nakikita, mukhang alam nitong busangot ang mukha niya. 

Di siya malungkot. Naiinis siya. Wala man lang siyang desisyon sa mga nga nangyayari. Heto na, nakalatag na ang lahat. 

"Kanina pa kita iniintay mag online, tinawagan nalang kita. Ayaw mo talagang pumunta dito?"

Napanguso siya. "Ba't di nalang kayo ang umuwi?" Tanong niya.

"Jusko, Carmelita. Hindi nakakabuhay ang apat na libong sweldo diyan," sabi nito. "Dumito ka na. Marami pang boys dito. May abs. Nagkakalat lang sa beach. Dakota pa. Enjoy!"

Nasamid siya. Minsan, naniniwala siyang bakla talaga ate niya. Napatawa siya kahit kakaunti.

"Beh, dahil kay Leo ito no?"

"Di no, te. Saka isa pa, di naman kami. Di ko siya boyfriend. Walang dahilan si Kuya na ipasundo ako."

Yun naman talaga usapan nila. Bago umalis ang kuya niya, ipinalaahanan siya nitong wag mag-bo-boyfriend habang nagtratrabaho sa ibang bansa. Wala daw magbabantay sa kanya, at walang mambubug-bog kapag naloko siya. 

Kaya nga nag todo make-over siya. Di siya nag-ayos nang sarili. Maluluwag ang damit niya at laging nakajeans at long sleeves. Tinago ang pagkadyos--ubo**ubo**.  Nakakasamid palang mag internal monolouge ng katotohanan.

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now