Girlfriend Experience

2.5K 122 26
                                    

"Nasaan si Leo?"

Tanong ni Car sa matangkad at patpating lalaking nasa harapan niya ngayon. Hinarang siya nito papaakyat sa hagdan para ibigay ang mga photocopied papers na inutos niya kay Leo kanina.

"Ah..kasi..po." Nahihiyang sagot nito. Mukha pa itong hirap na hirap dahil sa bigat ng dala. Hindi niya iyon kinuha kahit inaabot na sa kanya. 

"Ano?" Humalukipkip siya.

"Inutusan lang akong ihatid to.. ni Leo..may lak--"

"Ibalik mo yan sa kanya." Sabi  niya.

Napalunok lang ang lalaki. Namumukaan niya ito sa totoo lang.

Jonhson Micheals

18, BS Ed. Freshman.

Taga Subic, FilAm. Suportado ng isang foundation na tumutulong sa mga Amerasians na iniwan na ng mga ama.  Alam niya, dahil doon, full scholar ito. Ito rin yung assistant doon sa xerox-an.

 Kaya siguro takot sa gulo at sinusunod nalang si Leo.  

"Ah...miss kunin mo na. Lagot ako pag di ko naibigay sayo sa oras. Baka tanggalin din ako sa team." 

Umirap siya. Basketball team. Bagong pasok din nga pala ito doon.

"Di mo ako nadinig? Gusto ko siya ang magdala. Sabihin mo yon sa kanya."

Tumango ito naglakad papalayo bitbit ang mga papel. Alam niyang mabigat yon pero hindi pwede ito ang  gumawa ng mga pinapatrabaho niya sa lalaking yon.

Iiling-iling siyang umakyat ng hagdan.

Ito ang mahirap dito sa school nila. Mahal ng tuition pero di man lang mapagawaan ng elevator ang building. Sakit tuloy sa binti kapag umaakyat siya. Lalo na pag nagmamadali.

Inilabas niya ang cellphone niya at nag-text kay Leo.

'5th floor. Dr. Antonio Bldg. Room 504. Kapag d ka pumunta within 5 mins. Lagot ka sakin!!!!!!'

Huminga siya nang malalim at pumasok na sa room. Hindi pa halos kumpleto ang mga estudyante doon. Lilima lang yata sila. Yung iba busy sa phone, yung iba tulog.

Tipikal. First subject ng karamihan.

Naupo siya sa tabi ni Mary. Maliban sa kanya at kay Charize, ito lang ang babaeng estudyante sa subject na ito. 

At mukhang mala-late ang kaibigan niya dahil busy ito sa mga activities ng org nila. Malapit na nga pala yung Foundation Day, ngayon lang niya naalala. Hindi niya tuloy makausap nang matagal.

"Huy, problema mo?" sita niya kay Mary. Nakayukyok ito sa desk at natatabunan ng malagong buhok ang mukha.

Wala naman siyang pakialam dapat. Kaso disturbing, kamuka na ni Sadako. Lalo na noong unti-unti itong umupo ng diretso at humarap sa kanya. 

Nagtayuan ang balihibo niya. Halloween special ba?

"Carmelita.." anito. Paos pa ang boses. Kala mo galing sa ilalim ng lupa. Baka bigla siyang hilahin at isama sa libingan.

"O-Okay ka lang?" Tanong niya.

"Kayo na ni Tone... Girlfriend ka na niya. Nakita ko yung scandal niyo." Hindi niya malaman kung umiiyak ba ito o nanakot.

 Napangiwi siya. Creepy talaga.  

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Naalala niya. Yung picture. Yung sa kanila ni Regado. Tinakedown na yon, mga ilang minuto pagtapos maupload. Yun mismong admin ng page ang nagpost na hackdaw sila.

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now