His

1.8K 83 21
                                    

"Hala, Season 4 na tayo?" Tanong ni Car kay Leo. Nagkibit-balikat lang ito.

Game of Thrones ang palabas. Pinagbigyan niya ito sa trip na mag-stay muna doon. Sabagay, nagpaalam naman siya sa bahay. Pero kung tatapusin nila ang buong series, baka umagahin na siya. Lampas alas onse na ng gabi.

Nag-iinuman pa sila, may stocks pala ito ng beer sa ref kaya di na nila kailangang bumili pa sa baba. Ginawa nang pulutan ang matcha cake na dala niya.

Masarap pala, super. Halos maubos na nga ni Leo yun. Gusto pala nito ng ganoong flavor. Ino-note niya iyon sa utak niya.

Ang dami na niyang discovery dito ngayon. Ano pa kaya mga trip nito?

"Look at that," ani Leo. Eksena ni Tyrion at ni Twyin Lannister. Mukhang pareho ng sitwasyon kaya siguro nakakarelate ang isa.

"I've been such a disappointment too, he always thought that way eversince."

May hawak silang tig-isang bote ng sanmig pero siya kakapirangot palang ang bawas. Si Leo pangatlo na. Namumula mula na nga eh. Palibasa, sobrang mestiso. Siguro, may tama na ito kaya madaldal na. Parang siya rin pala.

"Bakit?" Tanong niya dito. Sumimsim siya ng kaunti mula sa bote niya, wala naman siyang balak ubusin yon. Natuto na siya. Baka malasing na naman siya ng husto dito.

"I didn't take up law like he always wanted."

"Tapos?" tanong niya uli. Hindi lang iyon ang dahilan alam niya. Di naman iyon sapat para magkasakitan ng ganoon. Galit na galit yung tatay eh.

Sandali itong nanahimik. Nakatingin sa palabas sa TV pero wala na doon ang atensyon.

Huminga siya nang malalim. At least naman medyo ok na. Napatawa na nga niya kanina. Humupa na ang galit pero alam niyang andon parin iyon. Kailangan sigurong ilabas. Mahirap magkimkim. Mag-isa pa naman ito ngayon.

"Alam mo, Leo. Pwede mong sabihin sakin. Makikinig naman ako."

Bumuntong-hininga ito. "You remember that video, Car?"

Napatango naman siya. Doon sa video naman nagsimula ang pagpapahirap niya dito. Kaya pumayag na magpaalila sa kanya. Talagang ginawa ang lahat para di niya yon ilabas. Anong konek?

"I joined the fraternity on my first year, sa dating kong university. My father was a member before. Well, all my uncles and cousins as well," nagkibit-balikat ito at ngumiti nang mapait. Parang may naalala.

"My bestfriend joined too. Si Jim. You see, he was a jock. He's an athlete. He's bigger than everyone. And I was just a regular guy that's good in math but he was like the brother I never had. He wasn't going to let me join them. Nang hindi hindi siya kasama."

Oh. Naalala niya. Base nga doon sa video, hindi pa ganoong ka kalaki ang katawan ni Leo noon. So nagkaroon din ito ng Eric stage dati? Patpatin? Geek guy na mahina ang katawan? Hmmm. Bakit siya nagbago?

"At first, it was all fun. Alam no na, college, we get to do all stuff that we can't during highschool. Booze. Cigarettes. Drugs. Girls...stuff. Everthing." sabi nito. "That's what we thought. Iba na ang nangyari ng final initiation na."

Napaawang ang bibig niya habang nag ku-kwento ito. Naalala niya yung torture scene doon. Para ng siyang nanood ng smut film dahil sa sobrang tindi nang pagpapahirap. Kulang nalang maglupasay si Leo habang pinapaddle ng nakahubo at nakapiring. Tumatawa pa yung kumukuha ng video noon. Parang siyang-siya sa nangyayari.

"A cousin filmed it all. Kahit bawal. Siya pa ang nagsabi sa iba na mas malakas ang ipalo sa akin. And he did that just to humiliate me. Alam ko, galit siya sa'kin dahil ako ang paborito ng lolo namin noon. But I endured it. I did all I can to prove to my family that I can do it."

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon