Biglaan

1.7K 67 12
                                    


"Leo..Dito nalang ako."

Napatingin si Car sa labas ng bintana. Ilang kanto pa yon malapit sa bahay nila. Doon nalang siya bababa, hindi na siguro mapapansin doon ang kotse ni Leo, naiisip niya.

Gusto pa sana niyang mag-stay nang matagal na kasama ito pero baka maghinala na ang mga kamaganakan niya. Ang alam ng mga yon sigurado, nakitulog lang siya kina Charize. Malamang tumawag na naman ang Tita Ana niya. Madalas naman niya iyong ginagawa at sigurado siyang di siya ilalaglag ng kaibigan niya. Hindi sila maghihinala na iba ang kasama niya.

"No babe, ihahatid kita sa bahay niyo." Tanggi naman ni Leo.

Napangiwi siya. Sa totoo lang nga, ayaw na niyang pahatid, magtataxi o mag u-Uber nalang siya. Persistent lang ang loko, ayaw pumayag na umuwi siya mag-isa.

"Andoon ang mga tito ko." Sagot naman niya dito. Mga maton pa naman. Kahit na malaki ang katawan ni Leo, wala itong laban kung magkarambulan na.

"Much better. Magpapaliwanag ako sa kanila." Sabi pa nito.

Ang lakas ng loob. Ayaw pa naman ng mga noon sa mga ganoon ang ugali.

Saka andon pa naman ang big three sa lahat. Si Tsong Jhong-Jhong, si tsong ChiChi, saka si, Tsong Eng-Eng. Ang babakla ng palayaw pero nakakatakot pag nakaharap na.

Si Juanito, ex army. Laking bundok. Humahanting ng terorista. Si Faciano, dating pulis sa Mindanao, nagretire lang at bumalik ng Maynila. Konti nalang daw ang kriminal doon dahil deds na lahat kaya nagsawa na siya, malamang siya din ang may gawa. Tapos si Heneracio...er...hindi magandang pag-usapan. Basta ang mahalaga, di siya kasali napatay ni Tsong ChiChi dahil magpinsan sila.

Ay shet. Tapos ang lalakas pa naman ng loob ng mga yon dahil may tiyuhin din siyang magagaling na abogado na Daddy naman ng ate Rose niya. Baka kung anong gawin ng mga yon sa boyfriend niya.

Ay teka. Boyfriend? Boyfriend na niya?

Teka, hindi pa iyon ang time para magmunimuni sa mga naganap. Nagpadalos dalos siya at nakalimutan niyang planuhin ang sitwasyon ngayon. Alam naman niyang mamimilit si Leo na ihatid siya eh. Pero di naman niya akalaing gusto din nitong ma-meet ang mga kamag-anak niya.

"Hindi talaga pwede." Sabi niya.

Huminga si Leo nang malalim. "Babe, ayaw mo ba talagang ipapakilala ako sa kanila? I know you never told them about us. I never asked you about it, but after what happened, kailangan na sigurong ma-meet ko sila,"

After what? Na may nangyari na sa kanila?

"Kailangan din nating mag-usap dito. I'll take full responsibility of everyhing."

Napanganga siya nang bahagya.

Leo is you? Is that really you? Seryoso talaga?

Naalala niya yung sinabi nito kanina. Papanagutan siya. Di naman niya akalaing totohanin yun.

Ito ang ultimate f-boy na nakilala niya. Di niya akalaing magsasabi ito ng ganoon kaya di siya naniwala.

"Weh? Di nga?" Natawa pa siya.

Ano yun, papakasalan siya? Or baka natatakot itong nabuntis siya sa naganap kaya papanagutan niya yung bata bilang ama?

Imposible yun. Nagtatake siya ng pills mga two years na para maregulate ang mens niya. Saka yun din ang dahilan kaya kuminis na ang fes niya.

Kaya nga malakas ang loob niya. Walang mabubuo unless may milagrong naganap o may super powers ang sperm ni Leo.

"What was that, Babe?"

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now